Chapter 2

1227 Words
Halos umabot na ang labi ni Heaven sa kanyang mga tainga dahil sa lapad ng kanyang mga ngiti habang siya ay nagluluto ng pagkain nila. Katatapos lang niya magsaing at ngayon ay nagluluto na ng ulam. Ang laki ng kanyang pasasalamat sa lalakeng nagbayad ng kanyang inuutang kanina. Natigil siya sa paghalo ng sardinas sa kawali. Hindi niya manlang nakuha ang pangalan ng gwapong lalake kanina. Pero hindi na importante iyon para kay Heaven. Ang importante ay mayroon na silang kakainin ngayong gabi. Magkakaroon na ng laman ang kumakalam niyang tiyan. Kumuha siya ng tinidor mula sa lagayan nila ng mga kutsara at saka sumandog sa nangingitim na nilang kawali ng sardinas na may itlog. Halos mapapikit siya sa sobrang sarap na kanyang nararamdaman. Kahit wala iyong masyadong lasa dahil wala siyang na ilagay na asin ay sobrang nasasarapan na siya. Pinatay na niya ang kalan at tinakpan ang kawali. Saka naglakad sa may pinto nila upang silipin ang kinakasama. Hindi niya rin ito nakita kanina kaya hindi niya alam kung saan ito nagpunta ngayon. Kinagat niya ang kanyang labi at huminga ng malalim. Nagugutom na siya. Muli siyang bumalik sa loob at sumandok na ng kanin. Mauuna na lang siyang kumain at ipaghahain na lamang ito pagdating. Kapag ganitong oras kasi ay hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Uuwe ito sa bahay nila galing sa palengke tapos lalabas din agad. Babalik na lang kapag gabi na at matutulog. Hindi na niya ito hinahanap. Noong isang beses kasi na hinanap niya ito at pinauwe, suntok at sampal ang inabot niya. Pakealamera raw kasi siya at napapahiya ito sa mga kainuman. Masisisi ba siya nito? Nag-aalala siya sa kalagayan nito kaya niya ito hinanap. Masaya na siyang kumain. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanyang labi. Hulog talaga ng langit ang lalake kanina. Kung hindi dahil dito ay hindi siya makakakain ngayon. Paubos na ang kanin niya sa plato noong biglang bumukas ang pinto. Sumulpot si Kiko na bahagyang namumula. Agad na napatayo si Heaven mula sa kanyang kinauupuan at mabilis na uminom ng tubig. “Kiko,” tawag niya rito. Tinapunan ng tingin ni Kiko ang kanyang kinakasama. Napukol ang kanyang tingin sa platong nakapatong sa lamesa. Agad na naningkit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya umakyat lahat ng kanyang dugo sa ulo. “Ano ‘yan?” Natigil sa paglalakad si Heaven. Isang laktaw pa ang layo niya sa kanyang kinakasama ngunit na aamoy na niya mula sa kanyang kinatatayuan ang alak na ininom nito. Napalunok siya at sinundan ng tingin ang tinitingnan nito. Muli siyang tumingin kay Kiko. “Katatapos ko lang kumain, Kiko. Kanina kasi nangutang ako kay–” “Nangutang?” Hindi makapaniwalang ngumisi si Kiko. “Hindi iyan ang narinig ko kanina.” Biglang binundol ng kaba si Heaven. Nanginig na ang kanyang tuhod dahil naramdaman na niyang iba na ang tingin sa kanya ng kinakasama. Idagdag pang na sa presensya ito ng alak. Sa tuwing nakainom ito ay mas doble ang pananakit na kanyang nararamdaman dito. “Ano… may nagbayad nung inuutang ko. Nagpasalamat naman ako kasi hindi na nadagdagan ang lista natin kay ate Luz.” Sumama na ang mga tingin ni Kiko kay Heaven. Bago kasi siya pumasok sa eskinita nila ay sinabihan siya ni Luz na may lalakeng nagbayad ng inuutang ni Heaven. Nagalit siya dahil umutang na naman ito, pero mas nag-init ang ulo niya noong may mabanggit pang lalake. Ang lapad pa raw ng ngiti ng kanyang kinakasama habang kausap iyon. “Sino ‘yon?” tanong niya. Umiling si Heaven. “Hindi ko kilala, Kiko. Bago lang ata siya rito–” “Sinungaling!” sigaw ni Kiko. Inisang hakbang niya ang pagitan sa kanila ni Heaven. Aatras pa sana ito pero mabilis niyang inabot ang braso nito at walang kahirap-hirap na hinila at isinandig sa dingding. “Lolokohin mo pa ako, ha?! Akala mo hindi ko malalaman!” Agad na kinapos ang hininga ni Heaven noong sinakal siya ni Kiko. Hinawakan niya ang braso nito at sinubukang tanggalin iyon. Napaluha na siya dahil unti-unti nang nanlalabo ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung bakit ito nagagalit. Kung bakit na naman siya nito sinasaktang. Gayong wala naman siyang ginagawa. Hindi niya maunawaan ang sinasabi nitong niloloko niya ito. Pinilit niyang umiling at sinubukang abutin ang mukha nito. “Nagpapakahirap ako sa ‘yo tapos lolokohin mo lang ako?!” sigaw ni Kiko. Niluwagan niya ang pagkakakapit sa leeg ni Heaven at isinalya ito sa kanilang papag. Umubo-ubo si Heaven at naghabol ng hininga. “A-Ano bang sinasabi mo? Hindi kita niloloko!” aniya habang humihikbi. “Eh ano ‘to?!” Pagtingin ni Heaven kay Kiko ay na sa kusina na nila ito. Hawak nito ang kawali na may lamang ulam na kanyang niluto. “T4ngina! Balak mo pa akong pakainin galing sa kalandian mo?! Hoy, Heaven! Wala ng lalakeng papatol sa ‘yo! Pinagtatyagaan na lang kitang hayop ka!” Parang dinurog si Heaven dahil sa mga litanya ni Kiko. Bahagya siyang natulala habang nakaawang ang bibig. Lalo siyang napaluha. Pinilit niyang huminga ng maayos dahil pakiramdam niya ay kinakapos na siya ng hininga. Ramdam naman niya na pinagtatyagaan na lamang siya nito. Ngunit masakit pa rin na marinig ito mula sa bibig niya. Mula noong tumuntong siya rito sa Maynila ay ito na ang kanyang kasa-kasama. Wala siyang ibang mapupuntahan o kakilala kundi ito lamang. “H-Hindi kita niloloko, Kiko. Alam mo ‘yan.” “H’wag mo akong gawing tanga, Heaven. Hindi ako bobo!” sigaw nito at walang pakundangang tinapon kay Heaven ang kawali. Hindi na nakailag pa si Heaven kaya naman ay tumama sa may dibdib niya ang kawali. Napahiyaw siya sa sakit dahil sa lakas ng pagkakabato nito. Pakiramdam niya rin ay nalapnos ang kanyang balat sa braso dahil mainit pa ang kawali. “Kung sa tingin mo maloloko mo ako ay nagkakamali ka!” sigaw muli ni Kiko. Nataranta na si Heaven nang naglakad papalapit sa kanya ang kinakasama. Tatayo sana siya patakbo sa labas ngunit na abutan siya nito. Halos mapunit na ang t-shirt niya dahil sa lakas ng pagkakahila ni Kiko. Pagkatapos ay napangiwi na si Heaven dahil halos mabunot na ang kanyang mga buhok sa lakas ng pagkakakapit nito sa kanyang ulo. Muli siyang isinalya ni Kiko sa higaan. Ngunit sa pagkakataong ito ay inupuan na siya nito sa tiyan. “K-Kiko–” Hindi na natuloy pa ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil walang ano-anong sinuntok siya nito sa mukha. Agad na umikot ang kanyang paningin dahil doon. Malaki at mabibigat ang mga braso ni Kiko kumpara sa maliit na katawan ni Heaven. Hindi na siya nakaiyak pa dahil na sundan iyon agad ng isa pang suntok. Naramdaman niya agad ang pamamaga ng kanyang pisngi. May nalasahan na rin siyang kalawang. Tumulo na ang kanyang mga luha. Napapikit na lamang siya at tinanggap ang kanyang sinapit. Sa bawat suntok sa kanya nito ay napapaungol na lamang siya. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya ngayon matapos nito. Noong umalis siya sa kanila ay akala niya magiging maayos ang kanyang buhay. Hindi niya alam na mas matindi pa pala ang kanyang mararanasan. Sa kamay pa ng taong labis niyang minahal at pinagkatiwalaan. Hinihiling na lamang niya na kapag siya ay magising pa ay magbago na ang lahat. Diyos ko, tulungan mo naman ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD