Episode 5

1044 Words
"What's brought you here son?" masiglang bati ng ama sa kanya. "Nagrerelax lang ng konte papa" sabi niyang nagpapalinga linga siya sa office ng ama,sabagay breaktime ngayon lunch break kaya siguro wala ang secretary nito. Pagkagaling ng airport ay dumiretso na siya sa opisina ng ama.Ilang buwan na niyang pinagpaplanuhan ang pagbisita sa ama sa Cebu pero dahil busy ang schedule niya sa Mendez Corp ay hindi niya maisingit kahit gustong gusto niya.Dahil alam niyang nandito ang nagpapagulo ng isip niya.Kaya nung makaluwag luwag ang schedule niya ay sinamantala niya kahit dalawang araw lang madalaw lang niya ang ama.Dahil alam niyang andito si Elize. "Magpapaorder na ko food anak at dito kana maglunch" "Better Pa,nagugutom na nga ako" Narinig niyang may tinawagan ang ama niya para umorder food nila. "Sobrang busy mo yata ngayon pa" Puna niya sa bunton na paperworks na nasa mesa ama. "Yes son,nag aadjust pa rin kasi yung bagong secretary ko" "Bagong secretary?"asan si Elize o si Miss Villafuerte". "Nag resign na si Elize two months ago,sayang napaka efficient pa naman ng batang yun," "So bakit mo pinayagang mag resign?"bakit di ka nag offer ng salary increase". "I do,kasi nga alam ko naman na quality ang trabaho ni Elize,ang sabi planning to migrate na siya sa U.S may job offer sa kanya dun." "Nasa U.S na siya kung ganun"? "Maybe? wala akong balita dahil nabusy na din ako" "Pero kung nakaalis na yun kokontakin ako nung batang yun" Naputol ang kuwentuhan nila tungkol kay Elize nang dumating na ang order nilang food. Bagamat gutom siya ay parang nawalan siya bigla ng gana.Dahil wala na pala dito ang dahilan ng pagpunta niya ng Cebu. Two months na itong wala sa kumpanya ng papa niya.After nung gabi na puntahan niya ito sa hotel na tinutuluyan nito hindi na sila nagkausap dahil kinabukasan ay lumipad na din ang mga ito pa Cebu.Siya naman ay naging busy bilang bagong CEO.May mga pagkakataon na nag long-distance call siya sa papa niya pero para lang marinig ang boses ng dating nobya.Ilang beses niya ring ginawa yun. Gusto man niyang alamin kung saan ito nakatira ay siguradong magdududa ang papa niya pag nagtanong siya. "Kung si Elize ay nandito ipapahiram ko siya sayo para maging tour guide mo maraming alam dito sa Cebu ang batang yun" Maya maya ay sabi ng papa niya ng makakain na sila. "Bakit hindi mo kontakin pa,baka sakali andito pa siya at libre pwde ko siyang maging tour guide kahit one day lang tutal bukas ng gabi pa Manila na ko ulit.Ako na bahala sa talent fee niya. "let see,tatawagan ko siya,balitaan kita mamaya son may ka meeting lang ako,pede ka magstay dito o sa bahay if you want." "Naka book ako sa hotel malapit dito pa,Kaya dun muna ko didiretso,tawagan mo na lang ako mamaya pag nakausap mo na si Elize." "Okay son,I'll go ahead malalate na ko" "Okay pa,hintayin ko tawag mo" Nauna nang lumabas ng opisina ang papa niya talagang nagmamadali ito sa meeting niya. Paglabas niya ay nginitian siya ng bagong secretary ng ama.Maganda rin naman ito,mukha nga lang kinakapos sa tela ang suot. sumakay na rin siya ng elevator pababa at may nakasakay siyang dalawang babae na panay ang kuwentuhan. "Talaga nagkita kayo ni Elize?" "Oo,at Yun okay naman siya dahil laging andun ang knight in shining armour niya na si Doc Archie"kinikilig na sagot ng babae. Yun lang narinig niya at bumaba na ang dalawang babae,Hindi naman niya pedeng tanungin ang mga ito.Pero kung si Elize pinag uusapan nila andito pa siya at Di pa nakaka aalis puntang U.S. Sanay ay makontak ito ng papa niya.Marami siyang gustong itanong kay Elize na gumugulo sa isip niya. Nung una mas umiral ang galit niya sa dating nobya.Pero aaminin niyang sobra niyang namimiss ito,kahit sa papa na rin niya galing na may pamilya na ito. Karapatan din naman niyang malaman ang totoo,dahil sa loob ng limang taon aaminin niyang hindi naman niya talaga nakalimutan ang dating nobya.Marami siyang ka fling lahat ng babaeng nagbibigay motibo sa kanya kinakana niya.Pero walang seryoso dahil para sa kanya kagaya ang mga ito ni Elize hindi marunong makuntento. "bhabe,mauuna pala ang trip mo to Palawan,ibig sabihin hindi tayo magkikita pagbalik mo kasi 3 am ang flight ko sa Friday" malambing na sabi ni Elize habang inieempake ang mga gamit ko para sa conference ko naman sa Palawan. "Sikapin kong makabalik ako ng maaga bhabe," tugon niya sa nobya. "Antagal mo dun sa Palawan one week ka dun"nakangusong sabi nito. "pag luwag na ko ng Thursday uuwe na ko bhabe,kasi ihahatid pa kita di ba?" "Sabi mo yan ha," "oo gusto mo sumama pa ko sa Macau ei" biro pa niya dito. "pwede naman bhabe" "soon bhabe,"pag di tayo busy pareho sa work. Natuloy siya puntang Palawan ,pero dahil nagka problema ang mga projects duon naatasan siya ng boss niya na manatali sa Palawan ng 2 weeks. "bhabe,bka hindi pa ko makakauwi , siguro pagbalik mo galing Macau nakauwi na ko diyan" malungkot na sabi niya kay Elize habang kausap niya ito sa cellphone. "okay lang ,bhabe basta ingat ka ha," "tatawagan kita ulit mamaya bhabe," "sige,iloveyou bhabe" "love you too Elize" Naging madalang ang pag uusap nila ni Elize dahil pareho na silang busy,nagtapos niya ang problema sa Palawan. "Bakit andito ka ma?"where's Elize nung Monday pa siya dapat nakabalik " "wala na si Elize anak,Hindi ko na siya inabutan dito ung susi naman ipinakiusap ko sa landlady nyo kaya ako nakapasok" "Paanong wala ma" naguguluhang sabi niya sa ina.Pero halos ilang araw na nga niyang kinokontak ang nobya ay hindi niya ito makontak inakala niya niya na busy lang ito " Pumasok siya ng silid nila ni Elize at nakita niya ang sulat na iniwan nito. Mathew, Sorry pero matagal ko na itong gustong gawin,Hindi na kita mahal,Patawarin mo ko pero hindi na ako masaya sa relasyon natin.May iba na akong mahal. Elize Hindi niya mapaniwalaan ang lahat pero ni hindi niya alam kung saan hahanapin si Elize.Ipinagtanong niya ito sa opisina pero walang may alam kung nasaan ito.Ipinasya niyang umuwi ng Batangas kasama ang mama niya.Dalawang linggo na niyang hinihintay si Elize pero Hindi pa rin ito nagpaparamdam.Mamatay siya sa lungkot kaya ipinasya niyang sumama na pauwi sa probinsiya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD