Episode 4

1066 Words
"Ang ganda nitong place mo Elize rerecomend ko ito sa mga kasamahan natin sa office" "Thank you Sam," "pag ako siguro may ganito na din na konting negosyo baka mag resign na din ako sa work gaya mo" "may mga tanggap pa din naman ako na online jobs yung kay Mr.Mendez lang talaga binitiwan ko." "Sayang kasi maayos magpasuweldo si Sir saka mabait pa" Nahirapan din siyang mag resign at mag paalam kay Mr Mendez.Pero kailangan niyang gawin yun. "Kumusta ba kayo sa office?" "Siyempre mas masaya nung andun ka,Yung kapalit mo kasi balita namin ei ka fling ni Mr Mendez,baka kaya ganun ka feelingera" nakaismid na sabi nito. Si Samantha ay kasamahan niya na lantad na lantad ang paghanga nito sa kanilang boss "Sus nagseselos ka lang" "Uy hindi no,Kung siguro kasing ganda mo yung bagong assistant ni sir baka magselos pa ko" nakalabing sabi nito. "Sam favor naman wag mo muna ituro itong coffee shop ko sa mga office mate natin pati kay Sir " "Bakit ei ang ganda ganda kaya dito relaxing ang ambiance" "Basta, please saka na lang ako magpapaliwanag sayo" "Sabi ko na nga ba may dahilan yang biglang pag reresign mo" "Please Sam sasabihin ko rin sayo pag handa na ko" "Baka naman hinarass ka ni sir nung magpunta kayo ng Manila,ay naku Elize kahit crush ko yun hindi ko palalagpasin ginawa niya sayo" "Oy ,ano ka ba,napakabait na boss ni Mr Mendez saka hindi niya ko hinarass walang ganun,basta may personal akong dahilan" "Okay,buti naman kung ganun at Kung anuman dahilan mo sige pag ready ka na sabihin mo sa akin" "Thank you Sam" "Si little boy kumusta na"? "medyo naninibago sa bago niyang school pero masasanay din yun alam mo naman yun maya maya andito na din yun sinundo na siya ni Archie" "Laging to the rescue naman talaga si Dok Archie sa inyo ni little boy,bakit ba kasi hindi mo pa sagutin"? "Special si Archie sa akin pero ayokong pumasok sa relasyon na hindi ko sigurado ang sarili ko ayokong maging unfair sa kanya " "Malapit na malapit si Andrei mo kay Doc ," "Masyado kasing spoiled ni Archie yun" "Basta boto ako kay Doc,para sa inyong mag ina,bukod sa gwapo ay napakabait pa" "Magkaibigan kami ni Archie,Sam" "Ikaw din baka sa tagal ng paghihintay sayo ni Doc ay magsawa yun,o baka naman hinihintay mo pa yung ex mo na iniwan ka" "Wala akong hihintay Sam,ang priority ko ay si Andrei,Kung mangyari man na magsawa na si Archie at magmamahal siya ng iba wala akong magagawa magiging masaya ako para sa kanya" Archie is a good man,nakilala niya ito nung panahong ipinagbubuntis niya ang anak,kapitbahay niya ito at naging kaibigan.Sa buong proseso ng mga check up niya inaalalayan siya nito.Inerekomenda siya nito sa kaibgan niyang OB.Alam nito ang nangyari sa kanya.At hindi din siya manhid para hindi maramdamang gusto siya ng binatang doktor.Kaya hindi na siya nagulat nung magtapat ito sa kanya. "Napaka seryoso naman ng usapan niyo girls"masayang bungad ni Archie habang karga karga si Andrei. "Hi Doc Archie"si Sam "Mommy look oh ,ibinili ako ni papa ng bagong car"sabay pakita ng box ng bagong laruan. "Di ba sabi ko sayo wag kang pabili ng pabili sa papa pag magkasama kayo"? panenermon niya sa anak. "Hayaan mo na ganun naman talaga ang bata,saka minsan lang naman kami lumabas ni Andrei saglit na saglit pa dahil madalas busy din ako" "Sus kunsintidor ka talaga"baling nito sa binata. "Nagsusungit yung mommy mo boss, siguro may dalaw yan"baling ni Doc Archie kay Andrei. "Yaan mo na papa lilipas din yan"pilyong sagot nito sabay kindat sa doktor. "Tama bang pagtulungan niyo ko Andrei at Doc Archie?"nakapamewang na sita ni Elize sa dalawa. "Ang cute nyo tingnan para kayong happy family talaga."singit ni Sam. "Totoo po yun tita Sam,Kaya masaya ko pag sinagot na ni mommy si Papa " "At nakisali ka rin talaga Samantha ha" mulagat ni Elize sa kaibigan. "siyempre team Doc Archie ako ei,halika na nga dito baby boy at dun tayo sa taas palitan na rin kita ng damit " nakangiting baling nito sa kanya na naka peace sign.At dinala na nito si Andrei sa taas. Two storey building ang kintatayuan coffee shop niya ang taas ay tirahan nila ni Andrei,Si Archie din nakahanap ng property na ito. "Thank you Archie sa pagsundo at pagbibigay mo ng oras kay Andrei,pero wag mo siya sanayin na lahat ng hinihingi niya ay binibigay mo." "Elize,alam mo naman na basta para kay Andrei masaya ako na naibibigay ko mga gusto niya" "Nakakahiya na kasi,halos pagod ka rin sa ospital pero nagagawa mo pa ring bigyan ng oras ang anak ko" "para ko nang anak si Andrei,saka nasanay na ko at gusto ko ang gingawa ko Elize" "Salamat Archie," "Araw araw kana nagpapasalamat sa akin Elize,masaya ko na nakakasama ko kayo ni Andrei at Kung magkakapamilya ako gusto ko kayo yun Elize kayong dalawa ni Andrei,Kung mabibigyan ako ng pagkakataon." "Pasensya ka na kung sa ngayon hindi ko pa matumbasan ang mga gingawa mo para sa aming mag ina," "Hindi kita minamadali,basta ba alam kong may hinihintay ako " "Archie,wag mong itali ang sarili mo sa aming mag ina" "Kayo ni Andrei nagpapasaya sa akin alam mo yun Elize,Yung masiguro ko na safe kayong mag ina araw araw ay masaya na ko". "Dito ka na kumain ng dinner para naman makabayad ako sayo" "Basta ba ikaw ang magluluto ei" "Ako naman talaga,alam ko naman Doc Archie na sarap na sarap ka sa mga niluluto ko."nakangiting sabi nito. "Tara na at magluluto na ko,dun na ka na maghintay sa taas samahan mo na si Andrei dun at pababain mo na dito si Samantha." Nakapamulsang nakangiti langsa kanya si Archie. "O,bakit?" "Wala,para kasing ang sarap sa pakiramdam dun sa sinabi mong samahan ko si Andrei at pababain ko si Samantha " "Bakit may masama ba dun?" "Wala lang para lang kasi.." "Kase ano"? "Parang tunog na?" "tunog na ano nga?" "Parang ayaw mo na kasama ko si Samantha sa taas parang alam mo na yung ...." "Yung ano"? "parang nagseselos ka kay Samantha" "ikaw talaga,Doc Archie " "sarap sana kung ganun" "sige na akyat ka na dun gutom lang Yan Doc"nakangiting sabi niya kay Archie. Kung natuturuan lang ang puso baka matagal na niya sinagot ang binatang doktor.Pero ayaw niyang maging unfair Kay Archie.Malaking bahagi na si Archie ng buhay nilang mag ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD