Small world,ang taong ayaw niyang makita ang nakita niya sa pagbabalik niya ng Manila.
At anak ito ng boss niya.
Hindi totoong masama pakiramdam niya,ginawa na lang niyang alibi yun para maiwasan ang lalaki.
5 years,akala niya wala nang sakit pero kanina nung kaharap niya ang lalaki bumalik lahat mapait na alaala.
Sino bang mag aakala na mauuwi sa wala ang lahat.College sweethearts sila ni Mathew.Sabay nagtapos at nangarap nang magkasama.
" Wala na si Mathew hindi ba niya sinabi sayo na sa Canada na siya maninirahan nung makalawa pa siya umalis"ang mama nito ang humarap sa kanya ng puntahan niya ito sa Batangas.
"Paano po nangyari yun at bakit po hindi niya nabanggit sa akin"naguguluhang tanong niya sa mama ni Mathew.
Kagagaling lang niya sa business trip sa Macau.At maayos siyang umalis nung magpaalam siya sa nobyo.Kaya nagulat siya sa pagbalik niya ay wala na ito at ang mga gamit nito sa apartment nila.
"Dahil alam niyang pipigilan mo lang siya at magiging hadlang ka lang sa mga plano niya.Matagal na itong plano ng anak ko"
"Kailangan ko pong makausap si Mathew"pakiusap niya sa ina ng nobyo.
"Kalimutan mo na ang anak ko Elize"mahinahong sabi nito.
"Pero bakit naman po ito gagawin ni Mathew sa akin"?naiiyak na tanong niya sa ina ng nobyo niya.Batid at ramdam nanam niya na hindi siya gusto nito para sa anak.
"Hindi ko rin alam,maybe narealize niya na hindi kayo para sa isat isa" mataray na hayag nito sa kanya.Kahit nuong una pa man ay alam niyang hindi siya gusto ng mama ni Mathew.
"please kailangan ko pong makausap si Mathew,"muling pakiusap ni Elize.
"Tama na Elize,kilala mo anak ko kung talagang gusto ka pa niyang makausap hindi siya aalis ng walang paalam."sabay talikod na ginang sa kanya.
Kahit anong pilit niya hindi niya napilit ang mama nito na ibigay ang contact number ni Mathew.
Isang malaking bakit sa kanya kung bakit bigla itong nawala at umalis.
Nilapitan niya lahat ng malalapit na kaibigan nila pero wala ang mga itong alam.
Sobrang down na down siya nuon.Napabayaan na niya ang trabaho niya pati ang sarili.Ang kaisa isang tita niya na tanging pamilya niya na natitira ay binawian ng buhay dahil sa aksidente sa America.Nagluluksa siya sa pagkamatay nito at ang taong dapat ay karamay niya ay iniwan siya ng basta basta.
Mahirap dahil hindi niya alam kung bakit siya iniwan ni Mathew nang ganun na lang.Napabayaan na din niya ang sarili niya sa sobrang depression.Hanggang sa malaman niyang buntis siya.Pinilit niyang labanan ang depression dahil hindi puwedeng madamay ang bata sa problema niya.
Nakhanap siya sa trabho kaya Lang sa Cebu siya agad na assign dahil kailangan niya ng trabho lalo't buntis siya tinanggap rin niya ito agad.
Ngunit hindi naging madali ang lahat at kinailangan din niyang iwan ang trabaho dahil sinong mag aalaga sa anak niya habang nasa trabho,sinubukan niya lahat ng work from home job para kahit papano may pantustos sa siya sa kanilang pangangailangang mag-ina.Dito niya nakilala si Mr Mendez dahil isa ang company nito sa local account na hawak niya.Naging kapalagayan niya rin ng loob ang lalaki dahil bukod pagiging Virtual Assistant niya ay hinire siya nito na talagang magtrabho sa kanyang opisina lalo at kailangan nilang makipag usap sa mga client.Gaya ng lakad nilang ito sa Manila.
May imemeet silang client at sinabay na ni Mr Mendez ang pagdalaw sa anak nito na bagong CEO daw ng Mendez Corporation.
Si Mathew ang anak ng boss niya.Maraming bagay pa nga pala siyang hindi alam tungkol sa dating nobyo.Kung bakit naging Mendez na ang apelyido nito ngaun.
Nakatulugan na niya ang pag alala sa nakaraan nila ni Matthew.Tunog ng doorbell at cellphone na ang nakagising sa kanya.
Unknown number ang tumatawag habang panay ang tunog ng doorbell niya.
"hello"...
"you should open the door woman" maawtoridad na boses ang umaalingawngaw sa cellphone niya.
Kung paano at bakit alam nito ang cellphone number niya ay hindi niya alam.At bakit siya nandito.
Halos hindi maipinta mukha nito ng pagbuksan niya ng pinto.
"May problema po ba sir?" naiinis na tanong niya dito.
"Kanina pa ko dito mapupudpod ang kamay sa kakadoorbell" iritadong sabi nito.
Saka ito diretsong pumasok sa loob kahit hindi naman niya pinapasok.
"May kailangan po ba kayo or anything about po sa trabho ko sir?" pilit niyang pinatatag ang boses sa harapan ni Mathew.Kung bakit andito sa tinutuluyan niya ngayon ang lalaki ay hindi rin niya alam.
"I'm just checking on you kung okay ka na,sobrang worried sayo si Papa kaya niya ko pinapunta dito."
"Thank you sir at pakisabi po kay Mr Mendez salamat"
"Bilin din ni Papa na dalhan ka ng pagkain baka raw nagugutom ka na."
"Salamat uli,pero puwede na po kayong umalis"
"Ganyan ka ba sa nagiging bisita mo Miss Villafuerte?parang wala naman tayong pinagsamahan"nanunuyang sambit nito sa kanya.
"Masama pa rin pakiramdam ko, kailangan ko pang magpahinga "pagdadahilan niya dahil ang totoo sobrang awkward ng sitwasyon nila.
"Iniiwasan mo ba ko Elize?
"Hindi"
"come on Elize ilang taon tayong nagsama kaya kilala kita".
"Matagal na yun,halos nakalimutan ko na nga,Kung hindi lang nagkataon na ikaw Yung anak ng boss ko baka hindi na kita naalala"tanging nasambit niya kahit sa totoo kanina pa niya gustong umiyak.
Kita niya ang pagtalim ng titig sa kanya ng dating nobyo.
Pero kailangan niyang maging matatag sa harap ni Mathew.Hindi nito dapat makitang apektado siya sa presensiya nito.
"Malimutin ka na pala,far from the Elize that i know "kutya nito sa kanya.
"Nagbabago naman lahat hindi ba?"kagaya ng apelyido mo from Gomez to Mendez" ganti niya dito.
Mukhang walang balak na umuwi pa ang lalaki dahil humilata pa ito sa sofa niya.
Hindi niya alam tumatakbo sa isip nito.
"Papahinga lang ako ng konte,I'm so tired"sabi nito sa kanya na hinihilot ang noo.
Hinayaan na lang niya ito at pumasok na siya sa kuwarto, siguro naman ay aalis na din ito mamaya.Halata niya rin na pagod ang hitsura ng lalaki kaya hinayaan na lang niya,kesa naman makipagtalo siya dito.
Bigla pang bumuhos ang ulan kita niya sa bintana ng kuwarto niya.Sinilip niya si Mathew makalipas ang mahigit isang oras,mukhang naidlip ito.Gusto niya mang gisingin at itaboy na ito ay hindi din ito makakaalis agad dahil siguradong baha na sa daan.Yun ang ipinagkaiba ng probinsiya kesa sa siyudad basta umulan sa Metro Manila baha agad.
Minabuti niyang ayusin ang dalang pagkain ni Mathew kumakalam na din sikmura niya dahil alas nuwebe na ng gabi.
Saktong naayos n niya ang table ng magising si Mathew.Wala pa ring humpay ang buhos ng ulan sa labas.
"Sabayan mo na akong kumain" anyaya niya dito.
"Kumain na ako, coffee is enough for me" maikling sagot nito.
Mahilig pa rin ito sa coffee,bagay na gustong gusto ni Mathew nuon ay ang timpla niya ng kape nito.
Mabilis niya itong pinagtimpla at umupo na rin ito para sabayan siya.
"salamat sa food"
"si Papa nagpdala niyan ipinakiusap niya lang sa akin,maybe alam niyang pasaway ang assistant niya at hindi kumakain sa oras"
"salamat pa rin naabala ka pa,inabot ka pa tuloy ng ulan"