Episode 2

1244 Words
Maaga pa magising siya ipinasya niyang maglakad sa tabing dagat sa tagal ng pamamalagi niya sa Canada namiss niya ang buhay sa probinsya.Kahit naman nung nagtatrabho na siya sa Maynila naging bihira na pag uwi nila ni Elize dito. "Mathew"? "Hi Denise" "Nasabi ni tita na umuwi ka daw ,sakto naman yayain sana kitang maglakad sa tabing dagat" "Halika para naman nga may makakuwentuhan ako"nakangiting sagot niya sa kababata . "For good ka na ba dito atin"? umpisa ni Denise. "Sa Manila ako mag stay pagkatapos ng bakasyon ko dito,kailangan kong pamahalaan ang negosyo ni papa dun dahil hindi na kaya ni mama ang stress sa pamamalakad negosyo." "Ah,akala koy dito Ka laang din sa atin Kasi may negosyo din kayo dito sa bayan natin" "Si Melanie muna bahala dito habang nasa manila ako" Si Melanie ay ang nakababata niyang kapatid. Nawili sila ni Denise sa pamamasyal sa tabing dagat,inaya na rin niyang kumain ang dalaga sa nadaanan nilang coffe shop malaki na rin ang inunlad ng lugar nila buhay na buhay ang turismo,dahil sa mga naggandahan beach resort. Hinatid na rin niya ang dalaga walking distance lang naman ang bahay nito. "hey kuya Math sabay ka sa amin kumain "si Melanie kasama ang boyfriend nito. "sige lang tapos na ko "nakangiting sabi niya sa dalawa. Ipinasya niyang maligo na dahil may pupuntahan siya.Kausap na niya si Mang Ambo na sasamahan siya nito. Hindi pa niya nakakausap ang mama niya tungkol sa nalaman niyang pagbabalik ni Elize nuon at bakit hindi nito sinabi sa kanya o mas tamang wag na lang niyang intindihin yun dahil anuman naging dahilan ni Elize ayaw na rin niyang malaman dahil baka kasinungalingan lang ang lahat ng yun. Tulog pa daw ang mama niya sabi ni Melanie,dahil halos umaga na daw ito nakauwe galing sa party ng kaibigan nito. Ang plano niyang pagtigil muna ng Batangas bago siya magtake over sa Mendez Corporation.Ang negosyong naiwan ng kanyang Lolo sa kanyang papa.Napatawad na rin naman niya ang ama sa ginawa nitong pag iwan sa kanila at ipinagpalit sila sa ibang babae.Pero bumawi naman ito hinanap sila nito dahil wala naman itong naging anak sa kabit niya.Ang lolo nila ang may mahigpit na bilin na hanapin sila kaya natauhan siguro ang papa niya.At kahit hindi na nagkasundong muli ang mga magulang ay ayos na rin sa kanila yun ni Melanie.Mas pinili ng papa niyang manatili sa Cebu at nagtayo na din negosyo duon mas gusto daw niyang mag isa. Inimbitahan niya itong pumunta sa Mendez Corporation sa pag upo niya bilang bagong CEO.Hindi lang niya masigurado kung darating dahil busy din daw ito sa sariling negosyo. "Good morning Mr Mendez"masiglang bati sa kanya ni Arthur ang magiging secretary niya.Hinire niya ang lalaki six months ago kahit sa zoom lang at mga videocall nagkaka usap nakapalagayang loob na niya ito. "Good morning Art," tipid na sagot lang niya. "Nakahanda na po ang lahat sir at naiayos ko na din po ang mga binilin ng mama ninyo. "Thank you,nasa conference room na ba lahat"? "yes,sir" "okay,susunod na ko" Huminga muna siya ng malalim bago tinungo ang conference room,Hindi naman siya kinakabahan sanay na siya sa ganito pero ganun pa man may pressure din ng konte.Nung malaman niyang nagkaka problema ang kumpanya under sa management ng mama niya nabahala siya.Ayaw niyang mauwi sa wala ang negosyong naiwan ng Lolo niya. "Welcome home anak" masiglang bati ng papa niya,ng matapos ang meeting niya sa board of directors ng kumpanya. Hindi niya inaasahan ang presensiya nito ngaun dahil hindi naman ito sumagot sa paanyaya niya. "Thanks pa for coming" maikling sabi nito sa ama. "Sumaglit lang ako with my secretary anak may bussiness meeting ako sa dito at sa makalawa ay babalik na ko Ng Cebu"nakangiting sabi ama. His father is actually a good looking guy,kahit sa kabila edad nito matikas pa din ito,at nililingon ng mga kababaihan.Hes like Albert Martinez na sa kabila ng edad ay nanatili ang kakaibang charisma. "By the way Pa,sabay na tayong mag lunch"offer niya sa ama. "okay son,but kasama ko yung secretary ko at papunta na yun dito." "Secretary ?"or Girl friend?" panunukso niya sa ama kasi maybe special ito at isasabay din nila sa lunch. "Hmmm... actually anak napakabait nitong sekretarya ko at maasahan."makahulugang sabi ama. "you did not answer me Pa" natatawang sabi niya. "Secretary not my girlfriend son Kasi halos kasing edad mo lang siya." "Age doesn't matter Pa" "oh there she is "nakangiting sabi ama na sa paparating na babae nakatingin. "I'm sorry sir masyado po kasing natagalan hinintay ko pa po yung representative ng supplier natin" paliwanag ng babae na sa mga folder na hawak ang antensiyon. Kahit nakatungo ito,kilalang kilala niya pa rin ito. "Miss Villafuerte meet my son Mathew the new CEO of Mendez Corporation"pagpakilala ama niya sa kanya. Kung pano nagulat siya ay ganun din si Elize.Pero saglit lang yun,Ewan kung namalikmata siya pero kita niya ang sakit sa mga mata ng dating nobya.He can't deny na mas lalong gumanda ngaun ang babae. "nice to meet you Miss Villafuerte"siya na unang bumati sa dalaga. "nice to meet you too sir"maikling sagot nito. "Miss Villafuerte sabay ka na sa aming mag lunch ng anak ko" paanyaya ng papa niya Kay Elize. "I'm sorry,Sir pero bigla pong sumama pakiramdam ko kayo na lang po gusto ko po sanang magpahinga kahit sandali at tawagan niyo na lang po ako pag tapos na Yung lunch niyo para maka sunod po ako sa meeting place niyo ni Mr Smith." "oh I see siguro ay nanibago ka sa sobrang init dito sa Manilla,okay you can take some rest Miss Villafuerte,papadalhan na lang kita ng lunch sa room mo" masuyong sabi papa niya kay Elize. "no need po sir hindi po ako nagugutom,kailangan ko lang po siguro lang ng pahinga" dagdag pa ng dalaga. "Shall we,sumabay ka na sa amin miss Villafuerte idadaan ka na namin ni papa sa hotel ng makapagpahinga ka na"sabi niya sa dalaga. "That's good son para hindi na siya mag taxi". Kita niya pagtutol sa mata ni Elize,pero tumango na rin ito. Tinitingnan niya ang replesksiyon ng dalaga sa salamin,still maganda pa rin talaga ito. Nagsasalita ang papa niya pero na kay Elize ang antensiyon niya. Umiiwas ang dating nobya sa mga titig niya.Sabagay natural lang siguro dahil guilty ito. Narating nila ang hotel na tinutuluyan ng dalaga.Mabilis ang kilos na bumaba ito. "You should take a rest iha,ipagpa bukas na natin ang meeting with Mr Smith,nag iwan na ko mensahe sa sekretarya niya" dinig niyang paalala ama bago bumaba si Elize. "Thank you sir, pasensya na po sa abala "paalam nito sa papa niya. Nakababa na ito pero nakasunod pa rin ang mata ng papa niya sa dalaga kahit nang umuusad na sila. "Napakabait mo namang boss papa" maya mayay sabi niya. "You know son para ko nang anak ang batang yan,sa 3 years na pagtatrabaho niya sa akin,Kita ko yung effort niya sa trabaho besides mahirap kumuha ng mapagkakatiwalaan"sagot nito. Parang nasiyahan siya sa sinabi ng ama na parang anak niya ito. "Matagal na rin siya sayo kung ganon pa" "Yes,at isa siyang mahusay na empleyado,sayang nga lang at ang alam ko ay may asawa na si Elize kung wala ay ako na mismo magrereto sayo sa kanya. "You know her very well pa" "No,napaka private ng buhay ng batang yan,ni minsan hindi ko pa nakita asawa niya ang alam koy isang Ofw yun.Pero yung anak niya minsan ay nakita ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD