....kung sino ito. “Sorry to keep you waiting. Ma’am?” “Chona Zhao.” “Miss Zhao, wala po kasi si sir Kid pero gusto po kayo makausap ni Boss Bhong.” Bigla siyang na alarma. Para talagang gusto niyang tumakbo, pero ayaw niyang mapahiya sa harap ng magandang babae. Bumukas ang pintuan. Hindi niya pa makita ang tao sa loob, pinapasok siya ng babae. Pagkapasok, ayun nakita niya si ‘Boss’. Tumingin ito sa kanya. Nagkatinginan sila sandali, bumawi si Chona ng tingin. Mapanukso ang mga tingin nito. Nang aasar. “Please take a seat,” pormal na sabi ni Bhong. Sumunod naman si Chona. “Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa, gusto ko ng ituloy ang project.” Tumawa ito ng pagak. “What made you change your mind?” “Dahil…dahil recommended ang Missu ng friend ko at…at wala akong kilala na

