Chapter 20
abi niya?”
“Chillax lang,
makikita rin natin ‘yun.”
Nasa Shangrila na
sila pero naiinis siya dahil hindi nila makita ang meeting place. As
a matter of fact, first time niyang magawi doon bukod kasi sa
mala-cinderella ang istorya niya ay limang taon din siyang nawala sa
Pilipinas.
“There you go,”
kaswal na sabi ni Jester.
Sinalubong sila ni
Kid. Humingi ito ng dispensa dahil nahirapan silang makita ang
lugar. Itinuro niya ang kanyang boss, nakatalikod ito kaya
nanatiling misteryo parin.
“Miss Chona Zhao,
I would like to introduce to you my boss Engineer Bhong Sevilla.”
Hindi pa man
napapakilala ni Engineer, kilala na niya ang tinutukoy nitong boss.
Matagal, nagkatitigan sila. Gulat at hindi niya alam ang gagawin,
bigla nag flash back sa kanya ang nangyari sa kanila sa resort.
Nabuhay ang galit sa binata. “Ikaw?”
Ngumiti lang ang
binata.
Tinignan ni Chona
ang kaibigan.
Nagkibit
balikat naman si Jester. “I didn’t know this.”
Malinaw na sa kanya,
wala ngang alam ang kaibigan dahil maging ito ay nabigla. Pumihit
siya paharap kay Kid. “Cancel the project Engineer Kid. I cannot
cooperate with your boss. Excuse me…” yun lang at agad na
nilisan ang lugar.
Sinundan siya ni
Jester. “Chona, wait.”
“What?”
“Let you think it
first.”
“My decision is
final,” baling nito sa kaibigan.
“Chillax. Control your temper,” hinawakan niya ang kamay ng kaibigan.
“Halika. Mag usap tayo.”
Umikot
ang kanyang mga mata. There you go, again.
Sumindi ang isang
ilaw ng ideya kay Jester. Lihim siyang napangiti.
“Chona,
isipin mo kapag kumuha pa tayo ng iba mahihirapan na tayo makakita ng
magaling at tapat na inhinyer. If I’m not mistaken Mr. Sevilla was
board topnotcher.”
Tama siya board
topnotcher nga ito at marami talaga ang mag-aakala na isa itong
magaling na inhinyero, sa titulong pinanghahawakan.
“Alam
mo ba na yung pinakamalaking hotel sa Pilipinas ay project niya?
Hindi lang ‘yon laman ang Missu firm ng newspaper about the top
construction firm dito sa Pinas,” nangislap ang mga mata nito.
“Isa pa Chona, nag aalala din ako marami na kasi akong kakilala na
naloko ng engineer. Pumapalpak, ang iba nadadaya sa presyo ng
materials,” saad pa nito.
Hindi makaimik si
Chona. Wala siyang alam sa ganoon.
“Kung ayaw mo sa
Missu firm, sorry to tell you friend wala na ‘kong ma
re-recommend.”
Napamaang
si Chona. Umuwi siya ng lulugo-lugo, sa Makati siya tumuloy para na
rin makapag isip. Think of professionalism Chona. Erase personal
matter.
Malalim na ang gabi
hindi parin siya makatulog. Naka dalawang baso na siya ng gatas,
hindi parin siya dalawin ng antok.
Kinabukasan,
nagdesisyon siya na tawagan si Jester. Kinuha ang cell phone,
tinawagan ang kaibigan.
“Hello, late
morning sleepy head,” bungad sa kanya ni Jester.
“Morning. Jes, cut the hypocrite, I’ll go straight my decision is to
continue project with Missu firm.”
“Then…” kunway
walang reaksiyon sa balita.
“Can you contact
Kid?”
Jester was ready for
the answer. “Do you think its ok with them after what you did?”
“Hah? So, what
should I do?” himutok niya.
“Go to their
office…talk them personally.”
Malaking tama para
na naman sa kaibigan. Palpak talaga siya sa decision making.
“Ok. Kailan
kaya?”
“Anong kailan?”
“Kailan tayo
pupunta sa office nila?”
“Unfortunately
friend, hindi ako pwede. One week akong mawawala, naka book na ‘ko
para sa flight ko sa Hongkong. Alam mo na mamimili ako para sa
boutique.”
Nakalimutan na niya
na may personal din lakad ang kaibigan. Masyado na yata niyang na
istorbo ito.
“Ok,” malungkot
na sabi niya.
“Ano kaya kung
ikaw na lang ang pumunta? Sa address na ibibigay ko matutunton mo na
‘yon. Hanapin mo na lang si Kid.”
“Hah? Naku hin-“ hindi niya natapos ang pagprotesta nang magsalita muli ang nasa
kabilang linya.
“Wait friend, may
client is here. Forward ko na lang ang address. Bye. Sorry.”
Hindi man lang
pinatapos ang kanyang sasabihin.
Maya-maya lamang
nakatanggap siya ng text message. Galing kay Jester, marahil ang
office address ng Missu. Nag isip siya ng paraan, tinawagan niya si
Lea subalit tulad ni Jes abala rin ito kasama ang bagong asawa.
Inis na inis si
Chona para kasing may palagay siya na pinagkakaisahan…
This
is it. There’s no turning back. Lulan na siya ngayon ng
Executive Building at ang pakay niya ay nasa seventh floor. Pagbukas
ng elevator hinanap niya agad ang room number na nakasaad sa binigay
na address sa kanya.
Kasalukuyan na
siyang nasa labas ng nasabing kwarto. Nagdadalwang isip siya kung
kakatok na ba, parang gusto niyang mag back out. Lingid sa kaalaman
niya na may CCTV camera ang Missu at kanina pa siya pinapanood ni
‘Boss’. Tatalikod na sana siya ng biglang bumukas ang pinto.
Sumungaw ang magandang babae “Yes?”
“Hi. W-well…
ahm, I’m looking for Mr. Kid Reyes,” pormal na sabi niya.
Lumuwang
ang pagkakabukas ng pinto. “Please, come in,” ika ng magandang
babae.
Ilang sandali pa
siya naghintay. May kinausap ang babae sa telepono. Marahil isa
itong receptionist, bagay na kanina pa niya pinag iisipan ...