Episode 9

1051 Words
Chapter 9 “Ah ok,” ika ng ate nya. Titig na titig sa kanya si Wilkins. Para bang any moment matutunaw sya sa titig nito. “Hi.” Tipid na sabi ng koreano. Kakatuwa sya ang cute ng boses. “Hello,” ganting bati nya. Nakipag kamay ito sa kanya. Syempre hindi nya naman gugustuhin mapahiya ito kaya’t inabot nya ang kamay nito. “Si-sir I just need to wash my face for a while.” Si Lea. “Sure. Just call me Wilkins.” Pagtatama ng dayuhan. Nanlaki lang ang mata ng bading na alalay nito. Wari ba pinagsasabihan sya na Ano ka ba iha mapapangasawa mo yan kaya ‘wag sir ang itawag mo—honey. Pagkatapos nya maghilamos agad nyang hinarap ang mga bisita. Inabutan nya ang mga ito na masayang naguusap. Buti na lang may personal alalay, hindi na sila mahihirapan kausapin ito. “Chona, come here join us!” Masayang alok ng ate nya. “Sabi ni Wilkins iti-treat nya raw tayo ng lunch.” Balita ng kanyang ina. Nakikinig lamang sya sa mga naguusap. Kwela pala talaga si bading. Wala tuloy ginawa kundi magtawanan ang mga ito. Pati si Wilkins nakikitawa, ewan ba nya kung naiintindihan ba nito ang pinaguusapan. Isa isa na silang gumayak. Tamang-tama dumating na ang tatay nya na ewan kung saan nanggaling. Kaya lahat sila kasama para mag lunch. Napagkasunduan na sa Kamayan restaurant na lang kumain. Isang class na restaurant iyon sa Calamba, masasarap ang inihahain na putahe kaya’t tiyak hindi sila mapapahiya sa bisita. Yun ay kung kumakain ito ng lutong pinoy. Paglabas nila tsaka nya lang nakita ang sasakyan na dala ng bisita. Isang Lexus SUV at may driver pang kasama. Tama ang hinala nya ang mga tsismosang kapitbahay nila ay nagsisimula na mag umpukan, kanya kanyang grupo ito animo’y gagawa ng asosasyon. “Hmp! Nagkalat ang mga tsismosa at etsuserang palaka.” Bulong ng ate nya. “Ang sama mo, teh.” Ganting bulong ni Chona. Hindi iyon nakaligtas sa bandinig ni Aling Loyda, sinita sila nito. Ang kanilang magulang parehas na sumakay sa likod. Si Wilkins at sila ng ate nya sa gitna. Si bading, na ‘di parin nila alam ang pangalan, sa unahan sumakay. Sa sasakyan walang ginawa kundi dumakdak si bading. Hindi ito nauubusan ng punch line. Samantala sa gilid napapansin nya ang lihim na pagsulyap sa kanya ni Wilkins. “Hey guys. By the way, I want to introduce myself, I am Jester Cruz.” “Salamat naman at nagpakilala ka na rin.” Hudyat ni Rexy. “Eh, bakit kasi hindi kayo nagtatanong?” Nilingon nito si Rexy at pinanlakihan ng mata. Nang maalala na may alien silang kasama, bigla niyang i-trinansleyt ito sa korean. “Oh!” tugon ni Wilkins, “I see.” Nahihiya sya dito. Lalo na ngayon at halos magkadikit na sila ng lalake. Hindi naman nya alam ang sasabihin dito tila nauumid sya. Buti na lang madaldal ang pamilya nya. Isa pa ang ate rexy nya ang kumakausap dito para naman hindi ito ma-out of place. Nakakaintindi at salita naman ito ng ingles, kaya ayos lang din kung walang alalay na dala. Nakikinig lamang sya sa kwentuhan. Napagalaman nya na edad trenta sais na pala ito pero hindi halata, dahil sa kinis ng mukha nito. Ayon dito dalwa ang mina-manage nyang hotel sa Seoul, Korea. Kaya naman hindi na iba sa kanya ang lugar ng Pinas dahil stockholder sya ng isang international agency sa A. Mabini. “Alright, we’re here! We’re here. Come on down.” Masiglang sita ni Jester. “Yahoo! Ang sarap nito.” Ang kanyang tatay na hindi na itinago ang kasabikan. Aliw na aliw si Wilkins sa pamilya nya. Masayahin ito at maalalahanin pa. madalas ito tignan si Chona, para bang sinisiguro kung ayos lang ito. Bago bumaba tinignan muna ni Chona kung may naiwan ba sila. Nagtagal sya ng ilang segundo kaya hindi nya namalayan nauna na pala ang mga ito sa kanya maliban kay Wilkins na hinihintay sya. “Is there something wrong, Chona?” pag aalala ni Wilkins. Kay sarap naman pakinggan ng pangalan nya kapag ito ang bumibigkas, class na class ang dating. “Nothing. I j-just check if we left things.” Aray ko, tama ba sinabi ko? Nosebleed ako dito. “Ok. Let’s go?” Yaya ng koreano. Nginitian nya ito. “Sige. I mean, ok.” Pagtatama nya sa sinabi. Para syang teenager na nanliligaw pa lamang. Mukha naman mabait kaya para’ng napapalagay na ang kanyang loob. Ang dami nilang kinain. Kahit ano’ng orderin baliwala dahil ayos na ayos lang kay Wilkins. Sya daw ang magbabayad. Isa pa nang mabanggit ng kanyang ama ang beaches at hot spring pool bigla ito nagyaya mag swimming. Pero dahil lahat ay hindi nakapag handa bukas na lang nila itutuloy ang binabalak. “Sir, I want to renovate your house and pay the bills.” Si Wilkins. Lahat ay napatunganga. Hindi alam ang sasabihin sa pagkabigla. “Pay bills, ‘coz Rexy already told me about…well, debts.” Nakuha pa nitong mahiya sa sinabi. Diyos ko po, tama ba ang narinig ko? Hindi makapaniwala si Chona. “Naku, nakakahiya naman sayo.” Ika ng kanyang itay. Translator did his job. He translated what his father said. Umiling si Wilkins, “Don’t sir. Its ok.” “Ay, call me Alex only.” Pagtatama ng kanyang tatay. Kahit kaunti atlist nakakapag ingles parin ito. “Alex? Huh nice name tetey.” Anito ng koreano. Nagkatawanan sila sa sinabi nito. Umuwi sila ng masaya. Hinatid muna sila ni Wilkins bago umalis at dumeretso sa hotel na tinutuluyan nito. Parang suntok sa buwan ang nangyayari ngayon sa pamilya Baktol. Tila nga mababago ang takbo ng buhay nila ngayon dumating na si Wilkins. Una, gusto nito ipaayos ang kanilang bahay. Pangalawa, babayaran pa ang kanilang mga utang. Ano naman kaya ang susunod. Pero bakit ganoon may kulang parin sa buhay nya, aminado sya malulutas na ang pinansyal na problema nila pero ang puso nyang sugatan ay tila may iniwang peklat. Ramdam nya naging malulungkutin sya lalo na pag nag iisa. Hay, buhay nga naman parang life. Sa loob-loob niya. Kinabukasan abala ang lahat sa pag aayos ng dadalhin. Lulan na sila ng sasakyan patungo sa hotspring pool. Pero bago ang lahat bumaba....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD