Kinabukasan abala ang lahat sa pag aayos ng dadalhin. Lulan na sila ng sasakyan patungo sa hotspring pool. Pero bago ang lahat bumaba muna sila sa KFC at umorder ng katakot-takot na pagkain. Pagbaba, kinausap muna nila ang cashier at kumuha ng cottage. Maganda ang hotspring pool na napili nila. Malakit ito at may dalwang malahiganteng slides. Hiwalay ang pang bata at pang matanda na pool. May billiards, vidoeke at spa room pa ito. Masayang nag swimming ang pamilya Baktol kasama ang dayuhan at ang makulit na alalay nito.
Pagkatapos ng swimming halos araw-araw nasa bahay nila si Wilkins. Nung isang araw pumunta sila ng mall at hinikaya’t sila nito na bilhin kung ano ang gustong bilhin.
“ ‘tay naman nakakahiya, kunti lang kunin nyo.” Bulong ni Chona dito.
“Ano ka ba Chona sayang ang grasya baka magtampo lumayo pag hindi natin pinagbigyan.” Tapik nito sa balikat nya.
Bumaling sya kay Wilkins, “Is it really ok?” paniniyak ni Chona.
“Y-yes, yes. It’s ok.” Ngumiti ito sa kanya.
“You, what you want?” alok ni Wilkins.
Si Bhong. Kinayumos nya ang kanyang mukha. Ano ba Chona, umayos ka. “I don’t know. I think it’s too much.” Ani Chona.
Isang ngiti ang binigay ng koreano. Hinawakan nito ang kanyang kaliwang palad.
“I like you. I will give everything you need,” mahinang sambit nito.
Namula sya. Hindi sya nakapag handa sa ganoong senaryo. Gusto nyang hatakin ang kamay pero hindi pwede, dahil baka ma-offend nya ito.
“Thank you,” yun lang at marahan nyang binawi ang kamay.
Pagtingin nya sa kanyang ate, mapanuksong tingin ang pinukol sa kanya nito maging si Jester napansin din ang eksena.
Kinabukasan nagpaalam si Wilkins na babalik muna ng Korea. Pero ibinilin nito na may pupuntang engineer upang simulan nang ayusin ang bahay. Ibinilin din nito na may pupunta upang ayusin ang ilang orihinal na dokumento nya na gagamitin sa nalalapit na pagbabakasyon nya sa Korea. Hindi sya nakatanggi, para sya’ng napipipi sa bilis ng pangyayari. Tila tuliro sya simula ng dumating ito.
Hindi nga nagbibiro o nagyayabang lamang si Wilkins, makalipas ang ilang araw pag balik nito sa Korea may bumisita na engineer at attorney sa bahay ng pamilya Baktol. Sinimulan ng inhinyero ang dapat ayusin sa bahay kasama ng iba pa nyang kasamagan upang tumulong isakatuparan ang binuong plano. Samantala kinausap naman sila ni Att. Gonzales ukols sa mga pagkakautang at ilang dokumento ang hiningi na gagamitin para sa tatlong buwan na bakasyon ni Chona. Ang bilis ng pangyayari patunay talagang iba na ang nagagawa ng maraming pera.
Naglalakad si Chona, papasok na sana sya ng kanto bago matumbok ang bahay, nang may tumawag sa kanya.
“Chona.”
Lumingon si Chona at doon nakita nya si Tina. Ang may ari ng computer shop na dati nyang pinagtatrabahuan. Lumapit sya dito.
“Ate Tina, hello po,” masiglang bati nya.
“Kamusta ka na?” pagkatapos mo’ng mag resign hindi ka man lang na dalaw sa shop.”
Napakamot sya sa ulo. “Ay, oo nga po eh. Ilang araw din po kasi na naging abala kami sa bahay.”
“Pansin ko nga. Balita ko may bisita ka daw na koreano eh.”
Pinamulahan sya ng mukha. “H-hindi ko po alam kung ano o paano ko iku-kwento ang tungkol doon.”
“Naku itong batang ire, huwag mo na ikwento kung mahaba. Tama na sa akin ang mabati mo. Paano ba yan alis na ‘ko, magluluto pa kasi ako. Good luck na lang sayo iha, huh?” Palatak pa ni Tina bago pa ito tuluyang umalis.
“Salamat po ate Tina”, yun lang at lumakad na rin ito.
Ilang araw narin syang tuluyang nagpaalam sa computer shop. Kung minsan na aalala nya ang dating trabaho. Nakaka-miss din ang kakulitan ng kanyang mga manlalaro kaya minsan pag walang ginagawa sinisilip nya ang shop.
Matapos ang buong araw na pag aasikaso ng papeles marahang ibinagsak ang katawan sa malambot nyang higaan. Sa wakas natapos din ang araw na ‘toh. Nakakapagod. Ganuon pa man, pagod sa pag aasikaso ng dokumento pagdating naman sa bahay buhay prinsesa sya. Ngi hindi sya pinapakilos sa kusina at maging pag lalampaso ipinagbawal na sa kanya. Daig nya pa ang nagbubuntis na positibo sa placenta previa o mas kilala sa tawag na mababa ang matres. Ang dating tinatamasa ng ate nya noon ay tila pinaparanas sa kanya. Dapat maging masaya na sya pero hindi nya makuha lumigaya. Sa likod ng kanyang mga ngiti nagkukubli ang totoong nararamdaman.
Kamusta na kaya si Bhong? Bhong…miss na miss na kita. Ako kaya na mi-miss mo? Nagbalik tanaw sya sa ilan lamang na masasayang araw na kasama ang dating kasintahan.
“Hi, Chona.” Bati ng kanyang klasmeyt.
“Tse!” Ganti ni Chona sa lalake.
“Pare, sinungitan ka na naman ni Ms. Baktol.” Pang aalaska naman ng kasamahan. “Kainis lagi mo naman ako sinusungitan, ang bait-bait ko naman sayo.”
Hindi nagsalita si Chona, parang walang narinig tuloy pa rin sa pag lakad. Haharangin sana sya ng dalwang binata ng may tumapik sa mga ito –si Bhong.
“Tado, mukha yatang madalas mo’ng guluhin si Chona?”
Sumabat naman si Tado, “Bakit ‘tol agrabiyado ka ba?”
“Hindi ko kasi nagugustuhan ang asal mo, tandaan mo officer nyo ko sa ROTC kaya sa oras na nalaman ko na ginugulo nyo pa si Chona…” Inilapit nito ang mukha sa tenga ng kausap, “…pahihirapan ko kayo, naiintindihan nyo?!” Ika nito sa ma-awtoridad na boses.
“Sir, yes sir!” Yun lang at nag martsa ang mga ito palayo.
Pagkaalis ng dalawa, tsaka pa lamang nagsalita ang babae. “Kuya Bhong, salamat.” Kinikilig na pasasalamat nya.
“Hoy cute, wag ka ngang madrama, para yun lang.” Pinisil nito ang ilong ng dalaga. Pagkatapos, inakbayan nya ito at inakay, “Tara na. Iuuwi na kita baka may mambastos pa sayo.”
Wala syang nagawa kundi sumunod. Nang mga oras na iyon ramdam nya na nag pa-palpitate sya. She feels her heart pump faster.
Umiling-iling sya, pinipilit ibalik ang sarili sa reyalidad. Nagbabalik tanaw na naman siya. Lately, dumadalas ang pagbabalik tanaw nya konti na lang malapit na ito maging habit. Pero un lang kasi ang paraan upang kahit paano maging masaya…kahit pa sa alaala na lamang.