Ilang araw makalipas ang pag aayos ng papeles para makapagbakasyon sa Korea bumalik si Wilkins. May dala itong mga pasalubong. Syempre kasama sa pasalubong ang baklitang hindi nauubusan ng patawa, si Jester.
“Hello, residence of Bak- tol.” Bati ni Jester sa mapanuksong mga mata.
“Ikaw talaga baklita ka, lagot ka sa akin mamaya. Kurutin kita sa singit mo eh.” Pabulong na sabi ni Rexy.
Umikot ang mata ng bading, “Ambisyosang palaka. Tse!”
Nakakatawa talaga ito. Pero kung minsan nakakapikon din, paniguradong mapapaiyak ang taong hindi sanay ma-okray.
“Wilkins, please take a seat,” baling ni Chona kay Wilkins.
“Thank you.”
“How about me?” singit ni Jester.
“You can sit, if you like,” sagot naman ni Rexy.
Napapakamot na lamang sya, madalas nyang mapansin nagbabangayan ang mga ito.
“So, how’s your trip?” tanong ni Chona kay Wilkins.
“Fine and feel excited to see you,” mabilis na sagot nito.
“Ahm…thanks”, tila ata naumid sya. Kulang na lang batukan nya ang sarili, kung bakit pa kasi tinanong ito ng ganoon.
“Ready ka na ba mag bekesyun sa Korea?”
“Hehehe…nice try Wilkins,” sita ng kanyang ate.
Nagkatawanan sila. Ibang iba kasi to pag nagtatagalog konyo na may pagka-bisaya.
“I think, so?” mukha atang patanong at hindi sagot na sabi nito.
“Don’t worry Jester will be there too.”
Ipinaliwanag naman ni Jester na kasama din sya sa Korea. Upang maging personal assistant ni Chona. Dahil sa puntong iyon, nabawasan ang agam-agam ni Chona. Atlist, kahit papaano may makakasama syang pinoy.
Makalipas ang ilang oras nag paalam na ang bisita sa kanila. Ibinilin nito na babalik na lamang sila sa susunod na araw. Ayon kay Jester, may meetings pang kailangan puntahan si Wilkins.
Lumipas ang ilang araw. Nalalapit na ang pag alis ni Chona. Sa biyernes na ng madaling araw ang flight nya. Sayang hindi nya maaabutan ang pagdating ng matalik na kaibigan, hanggang text messages na lang ang kanilang paalamanan. Simula kasi ng pumasok na ito sa maynila, hindi na nga ito nakakausap at kung minsan hindi na nakakauwi Si Lea sa araw ng biyernes kapag may eksam o proyekto. Tuloy wala syang masabihan ng problema.
Tumunog ang kanyang cell phone. “Friend I’m sorry hindi ako makakasama sa paghatid sayo. Ingat ka na lang at ‘wag mo kalimutan pasalubong ko pagbalik mo .” Galing iyon kay Lea.
Napangiti sya. Naisip nya hindi pa sya nakakaalis puro bilin na ng pasalubong ang naririnig nya. Paano, kahit kasi ang ate Rexy nya panay habilin sa kanya kung ano ang bibilhin para rito. Gusto nya sanang sabihin sa mga ito na, wala syang pera.
Biyernes. Hindi na magkandarapa ang pamilya Baktol. Ilang oras na lamang at darating na ang sundo nila. Napagdesisyunan na mag i-stay na muna sila sa Beverly View Hotel sa Makati upang doon magpahinga at hintayin ang oras ng flight. Isa pa nandoon narin sila Wilkins at Jester na naghihintay.
Tumikhim si Aling Loyda “C-chona mag iingat ka doon. Isa pa mag papakabait ka.” Sumungaw ang luha sa mga mata nito.
“Uh-huh? Ang nanay naman tatlong buwan lang ako mawawala.”
“Ire namang batang ito. Syempre nag aalala pa rin ako.”
“Huwag kayu’ng mag alala inay mag iingat po ako.”
“Anak, basta wag ka makakalimot mag dasal.” Ang kanyang itay na halatang nahihiya sa sinabi at kakamut-kamot pa ng ulo.
“Ay Alex, ikaw ba yan? ‘Di yata’t may saysay ka kausap ngayon.” Sabat naman ni Aling Loyda.
“Hoy Loyda para sabihin ko sayo hindi puro sugal at alak laman ng utak ko.”
“Tumigil ka na nga Alex Baktol!” sita ng kanyang ina.
Hindi na nakatiis sa wakas nagsalita rin si Rexy, “Sis ‘wag ka makakalimot, huh? Balitaan mo kami kahit sa f*******: lang.”
“Oo ‘te babalitaan ko kayo.”
“Ay kabayo!”
Nagulat si Aling Loyda nang biglang may kumatok sa kanilang pinto. Ang driver ni Wilkins, sinusundo na sila nito.
Walang trapik, mabilis silang nakarating sa sinasabing hotel. Talaga namang humanga sila sa ganda at laki nito. It is their first time, that’s why they totally enchant to the place. Entrance is so elegant and has a giant door.
Silence. They don’t want to spoil the moment.
“Loyda hindi yata tayo bagay dito. Mas mukha pa’ng kostumer ang mga empleyada kesa sa atin.” Luminga-linga ito at namilog ang mga mata, “At ang gaganda pa. Grrr…ang se-sexy!”
Siniko ito ni Aling Loyda. “Alex tumigil ka baka hindi ako makapagpigil batukan kita dyan.” Pinandilatan nya ito bilang hudyat sa binabalak.
Tumahimik na ang lalake.
Ilang sandali, namataan na nila si Wilkins at Jester na nakangiti. Inakay na sila nito sa isa pang pinto, sa dining area. Tinanong sila ni Wilkins kung ano ang gusto’ng kainin. Walang gustong magsalita, hindi kasi sila pamilyar sa pagkain na nakasulat. Ipinaliwanag ni Jester. Sa wakas nakapili narin sila ng pagkain. Ilan sandali pa at dumating na ang order. Masaya nila pinagsaluhan ang mga ito. Halos hindi na sila makahinga sa dami ng order. Pagkalipas ng ilang minuto pamamahinga nagsimula na ito mag kwentuhan. Hinabilin sya ng kanyang tatay kay Wilkins. Pinakiusapan na sana’y huwag pababayaan. Taos puso naman nangako ang koreano na iingatan nya ang dalaga.
Sa airport naging ma-drama ang eksena sa pamilya Baktol. Iyak ng iyak si Aling Loyda. Halos naubos ang trenta minutos ng kakahabilin kay Chona ng mga gagawin at hindi dapat gawin sa Korea. Ilang sandali pa lamang at dumating na ang oras para pumasok na sila sa loob ng airport. Na te-tense na si Chona, nag aalala sya para kasing may butterfly sa kanyang tiyan at pag nagtuluy-tuloy iyon hindi maganda ang kalalabasan –tawag ng kalikasan.
Seoul, Korea.
Nananaginip ba ako? Ipinikit ni Chona ang kanyang mata. Kanina pa sya natutulala, pagbaba pa lang ng eroplano panay ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya sukat akalain na makakarating sya sa Korea. Dati, nakikita nya lamang ang lugar kapag nanonood sya ng korea nobela sa mysoju. Ngayon, hindi na basta isang palabas lamang kundi katotohanan. Ibang-iba ang mga bahay kaysa sa Pilipinas. Pati mga mukha ng tao, alien para sa kanya. Lulan sila ng sasakyan at ayon kay Jester patungo sila sa bahay ng mga Zhao. Ipapakilala sya sa pamilya ni Wilkins. Napangiwi sya. Hindi nya alam kung paano ito pakikiharapan.
“Relax”, pinisil ni Wilkins ang kamay nito.
Tumango lamang sya.
Bumilis lalo ang pintig ng kanyang puso ng malaman nyang malapit na sila. Nang makita nyang huminto sila sa malaking gate parang gusto nyang tumakbo at bumalik na lang ng Pinas. Pero wala na syang nagawa lalo pa’t ng biglang bumukas ang gate. Huh? Walang tao, pero paano bumukas yun’ gate?” Nagtaka si Chona ng mapansin nyang wala namang nagbukas ng gate. Ang hindi nya alam awtomatiko na bumubukas ang gate pag pinindot na ito gamit ang remote. Mahaba pa ang kanilang tinahak bago makarating sa entrance ng bahay.
“Wow! Is this you’re house?...so big.” Sambit ni Chona. Hindi na naitago ang paghanga. Para sa kanya katumbas na ng apat na malalaking bahay ang bahay ng mga Zhao.
Nginitian lamang sya ni Wilkins. Kahit si Jester namangha sa nakita.