Inakay na sya nitong bumaba. Heto na talaga. Ika ni Chona sa sarili ng dahan-dahang buksan ng bodyguard ang pinto. There you go –madaming tao. Ang iba ay naka- uniporme. Sa bandang gitna naman halatang hindi basta-basta ang mga ito sa suot pa lamang. At nang makalapit, nginitian nya ang mga ito at gaya ng turo sa kanya ni Jester… nagyuko sya ng ulo bilang paggalang.
“My younger sister, Kim.” Tinuro ni Wilkins ang unang babae sa bandang kaliwa. Bilang panimula sa pagpapakilala.
“Lou, my sister… next to me.” Pagpapatuloy sa pautal na salita.
“My father, Park Zhao and my mother Lee Zhao.”
“Annyeonghaseyo. Mannaseo bangabseubnida”, saad ng magulang ni Wilkins, bilang pagbati at pag welcome sa kanya.
“Hi.” Bilang ganting bati. Kahit hindi nya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.
Ipinaliwanag naman ni Wilkins, sa salitang koreano, na hindi nakakaintindi ito nakakaintindi ng salitang koreano. Nabigla ang mga ito at tumangu-tango.
“By the way, she’s Chona Baktol…my fiancee,” pagpapakilala sa kanya ni Wilkins.
Sa narinig bigla syang naumid at napalunok.
“…And he’s Jester my assistant.”
“Mannaseo bangabseubnida,” bati ni Jester na ang ibig sabihin ay ikinagagalak ko kayo’ng makilala.
“Gamsahabnida,” which means salamat.
“Ok. Ok. Come join us eat,” alok ni Mr. Zhao sa kanila.
Sa hapag kainan, ang lahat ay tahimik na kumakain. Pagkatapos ng masarap na pagsasalu-salo nagsimula na sila magkwentuhan. Si Jester ang tumutulong sa kanya upang i-translate ang salita.
Kinausap naman ni Lou ang kanyang kuya. Sa mungkahi ng kapatid pumayag naman si Wilkins.
“Ang sabi ni Lou, bukas daw mag sho-shopping kayo.” Pagtatagalog naman ni Jester. “Tapos tinanong nya ang kanyang kuya, sabi naman nito ayos lang.”
“Ganoon ba? Paki sabi kay Lou, ok lang sa akin at salamat sa paunlak.”
Ganoon nga ang ginawa ni Jester, nagsimula na nyang i-translate sa korean ang sinabi ni Chona.
Tumango at nakangiti si Lou bilang pagsang ayon sa sinabi nito.
Sa tingin nya mababait naman ang mga ito. Bakas sa mga kinikilos at sa mata nila ang sinseridad na pagtanggap sa kanya.
Pagkatapos kumain dinala na sya ni Wilkins sa magiging kwarto nya.
“If you need help, just call Tina.” Ika ng lalake. “I hope you like it here.” Pinisil sya nito sa kamay, “Take a rest. Good night.”
“Thank you. Good night.”
Un lang at tumalikod na si Wilkins. Naiwan ang sinasabi nyang Tina.
Nilingon nya ito. Tantiya nya, katulad nya pinay din si Tina.
“Pinay ka ba, Tina?”
“Opo, ma’am”
Pretty obvious, Tina is also filipino as she understood what she said.. Lumuwang ang kanyang pagkakangiti. “Hay, salamat may makakausap ako na Pilipino dito. Tina pwede ba’ng Chona na lang itawag mo sa akin?”
Pinamulahan naman si Tina “Po? Kayo po ang bahala.”
“Ano ka ba ‘wag mo na ko’ng po po-in. Eto ba kwarto ko?” Binuksan nya ang pinto.
Bumungad naman sa kanya ang malaking kwarto. Kama na halos katumbas ng dalwang kama nya sa pinas. May computer, component at mini-refrigerator. Bukod doon naka air con din ang room.
“Diyos ko Tina, ito ba talaga ang kwarto ko?”
“Yes ma- , este Chona.” Pagtatama nya.
Parang wlang narinig. Patihayang humiga si Chona. “Ang lambot.”
“Hihihihi,” napangiti si Tina. “Chona ito ang remote, kakailanganin mo ito pagtinatamad ka’ng tumayo upang buksan o patayin ang ilaw.” Ipinakita nya kung paano iyon gamitin. Iba pa ang remote para sa television at air con.
“…at kapag kailangan mo ‘ko, pindutin mo lang ito.” Ipinakita nya ang pink button sa left side of bed. “Ako nga pala ang magiging personal mo’ng alalay dito.” Malugod na sabi nito.
“Talaga?” namilog ang kanyang mga mata. “Bukas pag wala kang ginagawa punta ka rito kwentuhan tayo.”
“Hah? Ah i-ikaw ang bahala.” Kakamot-kamot sa ulo na sambit ni Tina.
“Saan nga pala ang banyo? Kanina pa ‘ko naiihi at tinatawag ng kalikasan.”
Tumalima si Tina. Binuksan ang pinto sa gilid. “Eto naman ang banyo mo.” Ngumiti ito at inilahad ang kabuuan ng nasabing banyo.
Lumakad si Chona. Tinignan naman ang banyo. Tumumbad sa kanya ang bath tub sa dulo na natatakpan ng etched glass. Sa bandang gilid nito ang bowl. Sa taas nakita nya ang hilera ng pabango,shampoo, liquid soap at lotion. Sa kabila naman, nakabukod ang hilerang puting tuwalya. Kitang kita nya ang ekspresyon ng magandang mukha sa mahabang salamin. Sa ibaba ng salamin ay isang cubicle, andun ang toothbrush at toothpaste na sa tingin nya ay bago pa.
“Talagang pinaghandaan ni Wilkins ang pagdating ko.”
“Opo. No’n bumalik sya pagkatapos ng bakasyon sa Pinas pinaayos nya ito’ng kwarto at namili na rin ng ilang gamit para rito.”
“Kaya pala sabi nya huwag ako magdala ng maraming gamit.” Yun nga ang ginawa nya isang bag na maliit lang ang kanyang dala. Ilang damit na maayos para sa kanya ang bitbit.
“Hindi yata ako makakatulog nito Tina. Im still in shock.”
Nangiti naman ang kausap.
Maya-maya lang pagkatapos ng maikling kwentuhan nagpaalam na si Tina. Samantala pagkalabas ni Tina biglang nayakap ni Chona ang sarili habang papasok ng banyo kumakanta-kanta pa ito. Pagkatapos maghilamos, naisip niyang humiga at matulog na sa malambot na kama.
“Wake up sleepy head.” Yugyog ni Jester.
“Oh…”
“Gising, aalis kayo, ‘di ba?”
Biglang nagmulat ng mata si Chona, “Oo nga pala. Anong oras na ba?”
Tinignan ni Jester ang relo. “Well for your info its already eight o’clock a.m.”
“Ganoon ba. Anong oras ba yun’ usapan namin ni Lou?”
“After breakfast. Tinatanong ka nga nya sa akin. Nasabi ko na lang na pupuntahan pa lang kita sa kwarto.”
“Hah? Naku bakit ngayon mo lang ako ginising? Sandali, maliligo lang ako.” Agad ito’ng bumangon at naghanda ng masusuot.
“Gaga, buksan mo kaya ‘yun kabinet baka may naka ready na damit para sayo.” Mataray na sabi ni Jester.
Binuksan nga nya ang kabinet at tumumbad sa kanya ang ilang bestida na sa tingin nya ay kakasya naman sa kanya.
“Ang galing mo, mero’n nga.”
“Syempre alam ko. Sinabi sa akin ni Wilkins.”
Tumalima na si Chona at nagtungo sa banyo. Nagmamadali sya sa shower,nakaligo na naman sya gamit ang shower pero sa ngayon ang nakikita nya ay malaking bilog, sa pihitan nito ay may nakalagay na hot sa kaliwa at cold naman sa kana. Gusto nya sana i-enjoy ang paliligo pero sa ngayon ang kailangan nya matapos agad para naman hindi nakakahiya kay Lou na naghihintay sa kanya.
Tapos na syang maligo, paglabas nya ng banyo nakita nya si Jester na naghihintay. Bigla naman syang nanigas sa kinatatayuan.
“Gaga, ano akalo mo sa akin rapist?
"Hinnd naman, syempre nahihiya pa rin ako at l-lalake ka parin.”
Namilog ang mga mata ng tinuran. “For your information babae ako. Ba ba e!”
Ok. Lumapit sya sa kama kung saan naka latag ang susuotin nya. “Ok. So, paano manonood ka habang nagbibihis ako?”
“Ok. Sa labas muna ako, tapos sabihin mo pagtapos kana magbihis dahil aayusan pa kita. Gets?” anya ng bakla at tsaka umalis.
“Ok.”
Pagkatapos nyang magbihis, lumabas ito upang tawagin si Jester. Hindi na nagpatumpik-tumpik inayusan na nya ang dalaga. Isang simpleng make up lang ang in-apply nito.
“Wow! Elegant…” anito ni Jester.
“Oo nga. Ako ba ito?”
Natigilan naman si Jester. “Ay hindi, ako. Ako ‘yan nasa salamin,” mataray na sabi nito.
“Heto naman, syempre namangha ako.”
Umikot naman ang mata ng bading. “Alright. Alright, that’s enough. We have to go.”
Un nga ang ginawa nila, lumabas sila parehas ng kwarto. Sa sala nakita nila si Lou na nanonood ng t.v. Pagkakita sa kanya, nginitian sya nito. Tantiya nya, halos kasing edad nya lang ang babae. Bakas kasi sa mukha nito at kutis ang batang edad.
Matapos nilang mag paalam kay Wilkins at sa magulang nito, umalis na sila. Lulan sila ng sasakyan.
“First, we go to mall,”sa pautal-utal na salita ni Lou. Halatang hirap ito mag ingles.
“Really? It’s sounds good,” tugon ni Chona.
“Welcome, Cho-“
“Chona.”
Nag ka-kwentuhan pa sila. Napag alaman nya na kolehiyo na ito at kumukuha ng kursong Management. At sa edad na diyesi nuebe meron na ‘tong sariling clay shop. Clay shop dahil ayon dito mahilg syang gumawa ng kung anu-anong cartoon characters gamit ang clay. Magiliw sa kanya ang dalaga at sa tingin nya magkakasundo sila.
Huminto ang kotse. Sa tingin nya ang nakikita nya ngayon na gusali ang sinasabi ni Lou na mall.
“Let’s go?” sambit ni Lou.
Sumunod si Chona na bumaba ng sasakyan.
“Chona… just get what you want, ok?”
“Hah?”
Nginitian lang sya ni Lou.
Nagsimula na nga silang pumasok. Sa entrance pa lang binati ito ng mga empleyada. Bakit kaya? Siguro, suki na si Lou dito.
Pinilit sya ni Lou kunin ang gusto nya. Pero, nahihiya kasi sya kaya hindi sya makapamili. Napansin naman iyon ni Lou kaya ang dalaga na mismo ang kumuha ng damit na sa tingin nya ay kasya kay Chona.
“It’s b-beautiful.” Namimilog ang mata ni Chona.
Ang dating nakikita nya lang sa internet na korean dress, ngayon nasa harapan nya mismo. Tantiya nya mas maganda ang mga iyon kaysa sa nakikita nya lang sa net.
“But Lou, this is too much…how can we pay this?” nahihiyang tanong nito.
“Ngumiti si Lou. “Don’t bother,” yun lang at tumalikod ito upang pumunta naman sa isa pang shop.
Ang kasama nilang babae, na sa tantiya nya ay alalay ni Lou, ang kumausap sa cashier. Nakita nyang kinuha lang ang tarheta at sinilid na ang pinamili sa paper bag. Naguguluhan talaga siya.
Natapos na ang pag sho-shopping nila. Hindi na sya nakatiis tinanong nya si Lou kung bakit hindi sila nagbaya. Napagalaman nya na kamag anak ng Zhao ang may ari ng mall. Bahala na daw si Wilkins bayaran ang mga pinamili. Ah kaya pala kilala na si Lou ng mga empleyada. Ang yaman naman pala ng angkan ni Wilkins.
Lulan na sila ng sasakyan, ang susunod na nilang pupuntahan ay ang restaurant na sinasabi ni Lou. Huminto ang sasakyan, nang nilinga nya ang kainan na sinasabi ni Lou… Mc? May Mc Burger sa Korea?
“Surprise?”
“Yes,” tugon ni Chona.
“Despite Korean foods, I like it here.” Ika ni Lou.
“…and was worried you won’t like our dishes.”
Pinamulahan sya ng mukha. Sa totoo lang gusto nya rin tikman ang Korean foods. Naunahan sya ng hiya kaya hindi na lamang nya pinarating dito.
Pagkatapos kumain, agad silang umuwi. Nabanggit sa kanya ni Lou na dadalhin sya nito sa clay shop.
Sa bahay ng mga Zhao. Inabutan nya si Tina. “Hi, Tina.”
Kinuha naman nito ang dalahin nya. “Wow Chona ang dami nyo’ng pinamili.”
“Oo nga eh, nakakahiya kay Lou. Sya nga halos lahat pumili ng damit at sapatos,” napapailing na wika niya. Nagtuloy sila sa kanyang kwarto.
“’yung iba ibibigay ko kay ate at sa best friend ko.”
“Ma swerte ka Chona.”
Binuksan nya ang pinto. “Bakit naman?” baling nya kay Tina.
“Kasi mayaman at mabait ang mapapangasawa mo. Hindi lang ‘yon mababait ang pamilya ni sir Wilkins.”
Napatigil sya at biglang natulala.
“C-chona bakit? May nasabi ba ‘kong masama?”
Swerte ko nang maging kami ni Bhong kaso ngayon wala na… “Ah, wala. M-may na alala lang ako,” kaswal na paniniyak nya.
“Si Wilkins nga pala?” pag iiba ni Chona sa usapan.
“Si sir kanina nasa library, ang alam ko nagpaturo sya kay sir Jester mag Tagalog. Pagkatapos ng ilang oras nagpasabi sya na may meetings lang syang pupuntahan. Sya nga pala Chona, kailangan masanay ka na hindi umuuwi minsan si sir Wilkins, workaholic un. Walang ginawa kundi mag trabaho.”
“Ah ganoon ba?”
Pagkatapos nilang mapagtulungan ayusin ang pinamili, nagpaalam na si Tina. Pagkaalis naman ng babae, maya-maya lamang ay nakatulog na ito.
“Wake up Chona,” yugyog ni Jester.
“Oo na, gising na ‘ko.”
Hindi nya namamalayan nakatulog na pala sya nang hindi man lang nag ha-half bath…iniisip kasi nya ang buhay na meron si Wilkins. Paano, maghapon nya itong hindi nakita. Ayon kay Jester marami itong kailangan tapusin sa opisina. Nagkakaroon tuloy siya ng hinala na kahit sobrang yaman hindi masaya ang buhay. Puro trabaho ang inaatupag. Katulad na lamang ng magulang ni Wilkins, nasa Japan ang mga ito upang makipagpulong para sa itatayong negosyo sa nasabing bansa.
“Gising ka na ba nyan?”
“Bakit ka ba nagkukumahog?” pupungas-pungas na sabi ni Chona.
“Kasi po aalis tayo kasama si Wilkins. Ipapasyal nya tayo,” tuwang sabi ni Jester.
“Paano ‘yung trabaho nya?”
“Gaga ka talaga! Kaya nga tinapos nya ang trabaho kahapon, para wala na syang gagawin ngayon. Means, free sya ngayon at maipapasyal ka nya,” kilig na sabi nito.
Matapos maligo at mag bihis heto na ngayon sila nakasakay na sa magarang sasakyan. Hindi na sya nakapag almusal, as usual tinanghali na naman sya ng gising wala na kasing manok na gumigising sa kanya at ang pumalit ay isang bading na daig pa ang hiyaw ng manok.
Una nilang pinuntahan ang museyo. Sa bungad ng museyo, ibat ibang old battle gear ang tumumbad sa kanila. Ayon kay Wilkins, iyon ang gamit ng sikat na mananakop sa kanila, ang grupong Han. Ilang dekada na ang nakalilipas, ayon dito ang iba ay tinuturing na panginoon ang pinuno ng Han dahil sa taglay nitong lakas na walang sinuman ang nakakatalo maliban sa sakit. Nagsimula ang sakit sa simpleng pigsa na nagkaroon ng komplikasyon at hindi rin nagtagal namatay ang pinuno ng Han.
“Wilkins, is that Han’s leader?” turo nito sa litrato.
“Yes, he’s name is Zumon.”
“Zumon…yikes!” napangiwi si Chona. Paano’y natakot sya sa mukha nito.
“Natakot ka ‘no?” kumento naman ni Jester, na tulad nya tahimik din pinagmamasdan ang kabuuan ng museyo.
Tumagal din sila ng halos isang oras dahil sa haba at laki ng museyo. Enjoy naman ang lakad kahit na nakatayo lamang sila. At nang matapos nilang libutin ang museyo tumuloy sila sa historical place… pinamili sya ni Wilkins kung saan nya gusto pumunta.
“Where do you want to go?”
“Jes, paki sabi sa bahay ni papa bear at mama bear…ano nga ba un title n’on?” baling nya kay Jester.
“Full house. Alright I know that place,” tipid na sabi nito.
Sa salitang Korean, sinabi ni Jester ang lugar na gusto puntahan ni Chona.
“Ok but let’s eat first,” natatawang sabi ni Wilkins.
Tumango lang dalaga.
Sa isang simpleng restaurant sila dinala ni Wilkins… Ngayon niya natanto masarap din pala ang pagkaing banyaga, tulad ng sa Korea.
Nasulit talaga ang bakasyon niya, madalas silang lumabas ni Wilkins at Jester. Ipinakita nito ang magagandang tanawin at pinagmamalaki ng bansang Korea.
Ang saya…