Tatlong buwan na ang
nakakalipas. Balik Pilipinas na si Chona, dala ang mga pasalubong
para sa pamilya.
“Chona, bakit
naman tatlong kahon ang inuwi mo dito? Hindi ba nakakahiya sa pamilya
ni Wilkins? Panay ‘ata pamili mo,” nag aalalang sambit ni Aling
Loyda.
“Hindi
po. Katunayan karamihan dyan ang kapatid ni Wilkins ang pumili. Isa
pa ‘yun dalawang kahon bigay lang ‘yan ng pamilya Zhao.”
“Ganoon
ba?”
“Mababait ba ang
pamilya Zhao?” salo ng ate niya.
“Oo
‘te mababait sila,” sagot ni Chona.
“Mabuti naman kung
ganoon,” kaswal na sabat ng kanyang ina.
Sinimulan na
nilang buksan ang kahon. Tumumbad ang mga damit at pabango. May mga
pangalan na iyon kaya hindi na nya kailangan pang isipin kung kanino
ibibigay.
“Sis, salamat.
Ang gaganda naman nito.”
Sumeryoso ang
kanyang inay. “Anak, desidido ka na ba talaga mag pakasal sa
kanya?”
Tigalgal
sya sa tanong ng nanay nya. Pagbalik sa reyalidad, bumuntong-hininga
muna sya bago sumagot.
“Mabait ang pamilya Zhao at isa pa
sinimulan ko na ‘toh, hindi na pwede mag back out.”
“Anak, pasensya
na. Sana ‘wag ka magtanim ng galit sa amin,” hinawakan ni Aling
Loyda ang kamay ni Chona.
Namumuo na ang luha sa mga mata.
“Hindi inay. Alam
ko naman na gusto nyo mapabuti at mapaganda ang buhay ko.”
Tuluyan nang
bumagsak ang luha ng kanyang ina. “Salamat anak at naiintindihan
mo kami. Napaka buti mong bata.”
“Sister, humihingi
din ako ng tawad dahil ako naman talaga ang may kagagawan nito.
Dahil sa kagagahan ko sa pakikipag chat nangyari ‘to,” salo ni
Rexy.
“Nauunawaan
ko na ang lahat. Masaya din naman ako sa nangyayari. Tinatamasa ko
ngayon ang hindi ko pa nararanasan.”
Niyakap sya ng
kanyang ate. Tuluyan nang napaiyak ang kanilang ina.
Matapos
ang ma-dramang eksena nagpaalam sya sa kanyang nanay. Dala ang isang
supot, dadalhin nya iyon kay Lea. Ang alam nya nasa bahay ang dalaga
kaya susurpresahin nya ito.
“Lea. Lea-aaaa,”
sigaw ni Chona.
Sumungaw ang
imahe ng kaibigan sa pinto ng bahay. Nang makita sya pinagbuksan sya
nito agad. “Chona, hi…hello, musta ka na?” hindi magkanda tuto
sa sasabihin.
“Pasok ka, friend.”
Natawa
si Chona. “Ano ka ba friend, para namang ang tagal natin hindi
nagkita.”
Nasa terrace na sila
ng biglang tumunog ang cell phone ni Lea. “Wait lang, friend.”
Pagkatapos replay-an
ang sender pumihit paharap si Lea sa kaibigan.
“Kamusta?”
Itinaas ni Chona ang
supot.
Namilog ang mata ni
Lea at napanganga. Agad nito’ng kinuha ang supot. “OMG, as in
oh my God, pasalubong?”
“Ang OA mo friend
hah…para sayo ‘yan,” sagot ni Lea.
Sinimulan bulatlatin
ni Lea ang supot. “Korean dress, pabango at chocolate…bakit
walang sapatos?”
Napamaang si Lea.
“Ikaw talaga. Ikaw na ngang binibigyan ma-reklamo ka pa. Isa pa
ayoko ngang mag regalo gn sapatos,” simangot na sagot nito.
“he
he he…dahil pamahiin na kapag nagbigay ka ng kahit na anong pang
paa ay tatapak-tapakan ang pagkatao mo ng pinagbigyan, ganoon ba?”
“Eh g-ganoon nga,”
nahihiya man pero totoong naniniwala parin sya sa kasabihan ng mga
matatanda.
Pumihit ng tawa si
Lea. “Naku, hindi totoo ‘yun.”
“Tse.”
Samantala naputol
ang kanilang pagku-kwentuhan ng may tao sa gate nila Lea.
Bhong?
What the heck? Napasandal si Chona sa dingding.
Lumapit si Lea sa
gate at agad na pinagbuksan ang binata. Sabay silang naglakad
pa-terrace.
Nangungusap na
tumitig si Chona sa kaibigan.
“Friend, kasi nag
text sa akin si Bhong, nagpapatulong kung pwede daw samahan ko sya sa
inyo para makausap ka.”
Patla.
“Ahm, Chona…maiwan
ko muna kayo ipapasok ko lang ‘to sa loob,” itinaas nya ang supot
na ipapasok nya sa loob ng bahay.
Hindi naman
nakapagsalita si Chona. Tila naumid ang dila nito.
Titig na titig sa
kanya si Bhong.
Bumuntong-hininga ang lalake. Sumungaw ang luha sa
mata. “May nabago na sayo, pananamit at anyo.”
Nagyuko si Chona.
Nilihis naman ni
Bhong ang tingin dito. “Kamusta ka na?”
Tumambol na ang
dibdib ng dalaga. Nagsisimula narin syang pagpawisan. “Ayos
lang.”
Tumango-tango si
Bhong. “It shows.”
“Ikaw, kamusta?”
balik na tanong ni Chona.
“Eto survival,”
paklang sagot nito.
Gusto nang tumakbo
ni Chona palabas. Nasasaktan lang sya. Lalo na ngayon nakikita nya
ang binata.
“Balita ko
m-magpapakasal ka na?”
Tumango siya.
“Pagkatapos ng kaarawan ko.”
Mag
lalabing walo sya sa isang buwan. Hudyat ‘yon na nasa hustong
gulang na sya para magpakasal.
“Wala na talaga
akong puwang sa puso mo. Sabagay, sino ba naman ako? Isa lang naman
akong hamak na kababayan mo. Hindi ako kasing yaman ng mapapangasawa
mo. Kung talagang hindi na kita mapipigilan…” hinintay nya ang
sagot ng kausap, subalit bigo sya, nakayuko parin ang dalaga.
“…aalis na rin ako sa baryo na ‘to. Maraming mapapait na
alaala dito. Sa Maynila ipagpapatuloy ko ang pag aaral. Ipapakita
ko sayo na kaya kong bumuhay ng isang pamilya. Masakit sa akin ang
ginawa mo, nagmukha akong tanga,” nagngangalit ang kanyang ipin sa
tindi ng galit.
Walang nagawa si
Chona. Napaiyak sya sa sakit na nararamdaman.
Samantala,
walang sabi-sabi na umalis si Bhong...