Hinihimas-himas
ni Lea ang likod ng kaibigan. Awang-awa siya dito. “Tahan na
Chona, baka kung ma pa’no ka.”
Pero imbis na
tumigil lalo itong umiyak. “Lea, malapit na ang kaarawan ko at
pagkatapos ng araw na ‘yon…ikakasal na ko,” lalo pa ito umiyak.
Hindi
naman malaman ni Lea ang gagawin. Sinenyasan nya ang bunsong kapatid
na kumuha ng isang basong tubig.
“Tahan na Chona.
Tahan na.”
Ilang sandali pa at
nagpaalam na ito sa kaibigan. Humingi sya ng pasensya sa abala.
Umuwi sya ng namumugto ang mga mata, nagkulong sya sa kwarto ng ilang
araw. Nagtatanong na ang kanyang nanay kung bakit sya nagkukulong
pero nanatili syang tahimik. Ilang araw na lang at kaarawan nya.
Pagkatapos ng sandaling salu-salo ay aalis na rin sya patungong
Korea..para ikasal.
Nakalipas
ang dalawang buwan. Katatapos lang ng kasal nya pero heto animo’y
nagluluksa sya. Sige ang kanyang pag iyak, heto’t nasa Korea nga
sya at ganap na Korean citizen subalit hindi pa rin niya makuhang
magsaya. Iniisip pa lamang nya na hindi na nya makakapiling ang
pamilya ay parang nangungulila na siya agad. Oo nga at mabibili na
niya ang kanyang gusto pero wala naman sa tabi niya ang mga mahal sa
buhay. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya…wala. Ang tanging
pwede nyang gawin ay magdasal, na sana makayanan niya iyon.
Tumunog ang door
knob alam nyang si Wilkins iyon kaya’t agad nyang pinahid ang mga
luha.
“Chona? Whats
wrong? Mababakas ang pag aalala ni Wilkins.
“I’m
ok,” tipid na sagot nya. Pero sa loob-loob niya, kinakabahan at
natatakot siya. Kailangan ba talaga may honeymoon? Gustung-gusto
nyang itanong iyon pero nauunahan siya ng hiya at takot.
Hinawakan
ni Wilkins ang kanyang buhok. Hinagkan sya nito sa labi. Para
siyang estatwa, naninigas at hindi alam ang gagawin.
“Relax,
honey,” pinisil ng kanyang asawa ang kamay niya.
Nagpatuloy
si Wilkins. Hinalikan niya ulit ito habang ang kamay ay naglalakbay
sa ilalim ng manipis na kamiseta. Dahan-dahang tinanggal ang damit,
hanggang sa underwear na lang ang natira. Saglit na tumigil ang
lalake para hubarin ang saplot. Napakagat labi si Chona.
Pinipigilan nyang ‘wag pumatak ang luha. Bhong. Mag asawa
na sila, hindi sya pwedeng tumanggi dito, lalo na at sa araw ng
kanilang honeymoon.
“I’ll
promise to do it gently, honey.” Hinagkan niya sa noo ang asawa.
Titig na titig lang
si Chona.
Naganap
ang dapat maganap. Hapung-hapo si Wilkins.
Samantalang si Chona ay
kababawi pa lang sa sakit na naramdaman kanina lamang. Tumagilid ito
at tsaka inilabas ang luha na kanina pa nagbabanta. Tahimik syang
umiyak. Kay sakit para sa kanya na ibigay sa hindi nya naman mahal
ang kanyang pagkababae. Awang-awa sya sa sarili, sa edad na disi
otsonakuha na ang pinagkakaingatan nya…
Umiling
sya kailangan labanan nya ang lungkot dahil kung hindi baka mabaliw
sya. Tomorrow is another day, stop worrying instead welcome the
bright new day.
“Hi, Chona
kamusta?”
“Ok lang,” sagot
ni Chona sa ka- chat.
Kabubukas lamang nya
ng f*******: at timing naman na online din ang kanyang matalik na
kaibigan si Lea.
“Anong, ok lang?
Ano naman ang pinagkakaabalahan mo?”
“Well, katatapos
lang ng klase ko. Tapos heto sa bahay lang nagpapahinga kasi mamaya
darating yung tutor ko para sa Korean language,” sagot nito.
Off line. Biglang
nawala si Lea. Pero hindi rin naman nagtagal kasama na ulit ang
pangalan nito sa naka on line. “Ah talaga? Ako naman ‘eto
naiinis.”
“Bakit naman?”
“Ang bagal kasi ng
gamit kong broadband.”
“Kaya
pala biglang nag o-off line ka,” sabay pindot sa enter.
“May
balita ka ba kay Bhong?” bigla ay naitanong niya.
“Ang alam ko sa
Manila na sya nag aaral…yun lang eh.”
“Ah, talaga?”
“Bakit?”
“Wala lang, gusto
ko lang itanong.” Mabilis na sagot ni Chona.
“Chona forget
about him, remember you are not single anymore,” pagpapaalala ng
ka- chat. “May asawa ka na.”
Walang sagot. Hindi
alam nito, umiiyak na si Chona.
“Still there?”
“BRB,” sagot
naman ni Chona, masakit pa kasi at hindi nya matanggap na hindi na
pwedeng maging sila muli ni Bhong.
Be
right back? Nagalit? Nag aalala naman si Lea na baka nagalit ito
sa kanyang sinabi.
Hinintay niyang
bumalik ang kaibigan pero nakalipas ang ilang minuto hindi pa nag
pe-personal message ito. Maya-maya lang off line na ang kaibigan.
“Anong nangyari
d’on?” takang sambit ni Lea.
Lately, nagiging
moody ito. Konting bagay, nag iinit agad ang ulo. Madalas
malungkot ito kahit ang kanyang asawa napapansin iyon.
“Honey, are you
alright? You don’t look good.”
“Huh?”
“I’ll
contact Dr. Chao, we have to know if you are sick or not. Bake mapenu
ke,” pag aalala ni Wilkins sa asawa. Kapansin pansin naman ang
ilang beses na pagta-Tagalog nito…marahil nag aaral ito ng salitang
Tagalog.
“Ok.” Kahit siya nagtataka, madalas tinatamad siyang kumilos. Minsan
bugnutin kahit si Tina sinusungitan.
Hindi nagtagal
dumating si Dr. Chao. Pagkatapos magpakilala, sinimulan na magtanong
ng doktor sa kanya. Pati ang kanyang buwanang dalaw inusisa.
Malapit na syang mabugnot, ...