ilang sandali pa may binigay ang doktor
–pregnancy kit. Kinailangan pa nyang umihi at patakan ito.
Naghintay sila ng ilang minuto bago nagsalita muli ang doktor.
“Congratulations Mrs. Zhao.”
“Huh?”
“Positive, you are
pregnant,” ngumiti ito.
Tinawag
nito ang kanyang asawa na naghihintay sa labas. Ibinalita ang
pagiging positibo nya sa pregnancy test. Tulala naman sya, kaya
hindi na niya naintindihan ang mga bilin ng doktor.
Ang asawa nya ay
tuwang-tuwa. Niyakap sya at hinagkan. Sya…tulala, natutuwa na
nalulungkot. Ewan ba nya, maghihintay na lang sya ng susunod na
kabanata ng kanyang buhay…
Five
years later.
Nagdesisyon si Chona na bumalik ng Pilipinas. Matapos
ma-diagnose ang kanyang asawa sa brain cancer stage four, tumagal
lang ito ng tatlong taon binawian din ng buhay. Matapos mailibing,
tumagal pa sya ng dalwang taon upang tulungan ang pamilya Zhao na
maisalba ang kumpanya. Nagpasalamat ang mga ito sa kabutihan nya,
sinabi pa na kung gusto nyang mamalagi na lang sa Korea ay walang
problema. Pero imbis na mamuhay sa Korea mas pinili niya ang bumalik
muna sa Pinas, wala namang problema sa magulang ng nasirang asawa
pero hiniling ng mga ito na doon muna ang kanyang anak, si Yuri.
Palabas
na sya ng International Domestic Airport ng Pilipinas. Sabik na
sabik na siya makita ang pagbabago ng Laguna. Madami na sigurong
nabago sa Laguna. Si Bhong…madami na rin kayang nagbago?
“Manong pwede sa
Laguna?”
“Sige po pero
kailangan doble ng metro ang bayaran mo,” mungkahi ng taxi driver.
“Walang
problema manong,” agad siyang sumakay. Pagod na ito at gusto na
niyang magpahinga sa bahay.
Ilang
sandali pa ay unti-unti na s’yang nakatulog.
Araw
ng martes, sigurado ako darating si Bhong. Kailangan maganda ka
Chona…
“Chona, nandito
si Bhong hinahanap ka,” sigaw ni Rexy sa kapatid.
Biglang kinabahan
si Chona. Binilisan ang pagsusuklay ng buhok.
“Bababa na,”
ganting sigaw nito.
Patakbong binaba
ang hagdanan. Dala-dala ang libro sa mathematics.
“Hi.”
“Ang tagal mo,
kanina pa ‘ko dito,” kunway naiinis si Bhong.
“Eh m-may
inayos pa ‘ko.”
“Hmp! Sabihin
mo nagpaganda ka pa.”
Pinamulahan ng
mukha si Chona. “’Oy hindi no. bakit naman ako magpapaganda?”
Pag upo ni Chona,
lumapit ang binata dito tsaka binulungan, “kasi nagpapaganda ka sa
akin.” Pagkatapos ng sinabi humalakhak ito ng todo.
Pinandilatan
naman ito ni Chona. “Bhong Sevilla…ang kapal mo!”
“Ok. Ok, tama
na. Pikon na si ‘cute’. May tanong na lang ako.”
“Ano ‘yun?”
“Bulaklak ka
ba?”
Kumunot ang noo
ni Chona. Pinagti-tripan yata ako nito, ah. Ika nya sa sarili.
“Obvious tao ako. Bakit naman?”
“Kasi gumaganda
ang paligid pagnakiikta kita,” sumilay ang magandang ngiti nito.
“Ikaw, Bhong
pinagti-tripan mo ko, huh? Adik ka ‘ata eh,” umiwas ito ng tingin
upang hindi makita ang kislap sa kanyang mga mata.
May tanong pa
‘ko…medicol ka ba?”
“Bakit naman?”
kunway inaantok sya sa pinagsasabi ng binata.
“Kasi nawawala
ang sakit ng ulo ‘ko pagnakikita kita,” umusod ito pagawi kay
Chona. Nagdikit ang dalwa.
“Alam mo…linta
ka ba?” umusod ito pa layo sa binata.
“Bakit?”umusod
pa ito palapit kay Chona.
“Dikit ka ng
dikit. Umusod ka nga mamaya makita tayo ni nanay.”
“Ha ha ha ha,”
pagkatapos tumawa, nagtanong ulit ito. “Dugo ka ba?”
“Hoy
kuya Bhong hindi na ‘ko natutuwa,” in-emphasize nito ang ‘kuya’
upang ipaalala sa binata kung sino siya para sa dalaga.
Tumahimik si
Bhong. Kunway nagtatampo ito.
Hindi na nakatiis
si Chona. “Hindi ako dugo. Bakit?”
“Kasi panay ang
daloy mo sa puso ko,” inilagay ang kanan kamay sa kaliwang dibdib.
Nakaawang ang
bibig ng kausap. “Praning,” tsaka ito biglang tumayo. Ngunit
bago pa ito makalayo, nahawakan na ni Bhong ang kamay.
“I got your
number, I’ll text you Chona,” yun lang at tumayo na ito at
nagpaalam.
Matagal
nang umalis ang binata pero hindi parin natitinag sa kinatatayuan si
Chona. Nang mahimasmasan, tumakbo ito sa kwarto at doon
nagsisisigaw.
Humahangos
na tumakbo si Aling Loyda at Rexy sa itaas.
“Chona. Chona,
anong nangyayari sayo?” pasigaw na tanong ng ina. Nag aalala sa
anak.
Binuksan ni Chona
ang pinto. “A-ay ‘nay nakakita kasi ako ng ipis.”
“Hay nako,
batang ire aatakihin ako sa nerbiyos,” bumuntong-hininga ito at
sabay talikod.
“Sos…ang
arte hah,” ika ng ate Rexy niya.
Hindi
niya ininda ang sinabi nito, isinara ang pinto. Tsaka humiga sa kama
at niyakap ang unan. Nagningning ang mga mata nito, tsaka tinignan
ang bagong cell phone, nagbabakasakaling may mag text.
“Ma’am, kakaliwa
po ba tayo?” tanong ng taxi driver.
“Hah?”
Nagising
sya ng magtanong si Manong. Nakatulog pala ako.
“Kung kakaliwa po
tayo?”
“Oo
manong, kaliwa tayo.” Inayos nya ang nagulong buhok sa
pagkakasandal sa upuan.
Pagbaba nya ng taxi
nakita nya agad ang kanyang tatay na hinihintay sya. Pinagbuksan sya
ng pinto ng kanyang tatay.
“Anak, bakit ‘di ka nagpasabi na
uuwi? Sana nasundo ka namin sa airport,” bungad agad ni Mang Alex.
Sinadya nyang hindi
magsabi. Nag text lamang ito sa insa nya nang lulan na sya ng taxi.
Ayaw nyang maabala pa ang mga ito.
“Ayos lang ‘tay
kesa maabala pa kayo.
“Hasus ano ka ba
naman, wala iyon.”
Pumasok sila sa
kanilang tahanan. Sinipat nya iyon marami na ang nabago, lalo pa
itong gumanda.
Pagkatapos nyang salubungin ang kanyang nanay,
nagpaalam sya na magpapahinga muna. Kahit gusto pa ito makasama
hinayaan na sya ni Aling Loyda magpahinga muna.
Kinabukasan umalis
sya ng bahay. Mag isa nyang pinuntahan ang bagong tayong SM.
Binuksan nya ang sim card na kabibili lamang at agad na tinawagan ang
matalik na kaibigan.