“Hello, can I talk
to Miss Lea Igne?”
“Speaking.”
“This is Atty,
Suarez, my client file a case for you.”
“Hah? Ano? What
case?”
“For being
suspeciously gorgeous.”
“Baliw ka ba?
Sino ba talaga ‘to?”
Hindi
na napigilan ng kabilang linya, humagikgikna ito ng tawa.“Hulaan mo, kung sino ako.”
Patla.
“Chona!?”
Tumawa ang nasa
kabilang linya.
“Lintik ka.
Pinagpawisan ako sa pinagsasabi mo. Asan ka, baliw?”
“Dito sa SM
Calamba, punta ka friend.”
“Ok. Wait me
there, malapit lang ako.”
“Ok.”
Naputol na ang
kabilang linya. Naghintay pa sya ng halos trenta minutos bago
dumating ang kaibigan.
Malayo
pa lang, tanaw na nya ang kaibigan. Kumakaway pa ito sa kanya.
Nanabik ang dalawa sa isa’t isa, pagkatapos magbeso-beso dumiretso
sila sa food court. Kumain, tulad ng nakagawian sinigang na hipon
ang parehas nilang order.
“Kamusta ang
kaibigan kong milyonaryo?”
“Tse,” sagot ni
Chona. Totoong milyonaryo ito pagkatapos kasing mamatay ng asawa
pinamanahan sya ng fifty milyon bukod pa ang shares sa kumpanya at
ang nakuha nyang death insurance ng asawa. Maliban doon marami syang
lupain sa Maynila, Laguna at parteng Cavite. Lahat iyon ibinili ng
kanyang asawa para sa kanya.
“Ano ng balak mo?”
Nagisip sya. “Mmm…sa
ngayon ang gusto ko bumili ng sasakyan.”
“Ah, talaga? Gusto
mo samahan kita?”
Lumuwang ang kanyang
pagkakangiti. “Its my pleasure, friend. As in one hundred percent
na oo.”
“Over acting huh,”
kumento ni Lea. “Ano bang brand ng car?”
“Dalwa
ang pinagpipilian ko.”
“Friend, para sa
akin mas bagay sayo Cefiro kasi karamihan ng Audi na nakikita ko
masyadong pormal. Too boring for you.”
“Ok. Cefiro na
lang,” kaswal na sabi ni Chona.
“When do you want
to buy?”
“Now.”
Buti
na lang walang laman ang kanyang bibig dahil baka naibuga nya iyon.
Nanlalaking mata ng sumagot sya. “Ano? H-hindi ba natin
ipagpapabukas? Hindi mo man lang ako inabisuhan ng maa-“ biglang
nagliwanag ang isang ideya sa utak nya. “Sige. But in one
condition.”
“Ano ‘yun?”
“Pwede bang iyon
ang gamitin sa kasal ko?” baling nito sa kaibigan.
“No problem.
Pwedeng-pwede.”
Biglang lumuwang ang
bibig ni Lea at pinag krus ang daliri. “Yes! So, ano pang
hinihintay mo? Tayo na,” tumayo ito at inakay ang kaibigan. “Teka
may pambayad ka bang dala ngayon?”
“Cheque,” sambit
ni Chona.
Lulan na sila ng bus
paluwas ng Maynila.
“Kailan nga ulit
ang kasal?” biglang tanong ni Chona.
“Friend, sa lunes
na po. Kaya hindi pwedeng wala ka.”
Humarap ito kay Lea.
“Friend, hindi ba obvious?...from Korea umuwi ako ng Pinas para
syempre um-attend ng kasal mo.”
“Dapat lang.”
Ngumisi ito.
Ilang araw,
makalipas nang bumili sila ng kotse. Ngayon, abala sya sa pag aayos
ng simbahan. Nagprisinta sya sa kaibigan na sya na ang bahala
mapaayos ng simbahang gagamitin sa kasal. Pinagkagastusan nya talga
iyon, espesyal para sa kaibigan kaya gagawin nyang espesyal din ang
simbahan sa araw ng kasal nito.
Pagkatapos maayos
ang simbahan, umuwi na rin sya. Hapon na natapos ang pag aayos
naging mabusisi kasi ang estilo nito. Hindi pa nya magamit ang
biniling sasakyan, hindi pa kasi sya marunong mag maneho. Sa Korea
hindi sya nawawalan ng driver at alalay kaya ngayon palang nya
masusubukan ang mag-drive ng sariling sasakyan.
Dire-diretso
si Chona sa paradahan ng tricyle. Tuloy, hindi nya nakita kung sino
ang makakatabi nito. Huli na bago pa nya makilala kung sino ang
katabi, napaandar na ng driver ang tricyle. Sa salamin sa harap
nakita nya ang imahe ng katabi. Tulad nya, titig na titig ito sa
kanya. Bhong. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig.
Nangibabaw ang katihimikan sa pagitan nila, walang gustong magsalita. Naging estranghero sila sa bawat isa...hanggang sa makababa na siya
ng tricyle.
Matagal
na syang nakababa ng tricycle. Katunayan nasa loob na s’ya ng
silid, nakahiga pero parang tila hanggang ngayon tulala parin sya.
Ipinikit ang mata, pinilit na sariwain ang imahe ng lalake. Gwapo pa rin ito. Mas lalo pa nga itong naging gwapo. Isa pa
napansin nya ang pagbabago ng katawan nito. Naging makisig ang
dating patpatin na lalake.
Lunes.
Araw ng
kasal ni Lea. Maaga pa lang nasa bahay na si Chona ng kaibigan.
Sinisipat nya ang pag aayos ng make-up artist sa kaibigan.
Pagkatapos maayusan, isusunod sana sya kaso tumanggi sya. Ika nya,
sya na lang ang mag aayos sa sarili. Gusto nya lumabas na simple
sya, ayaw nyang maging agaw atensyon. Ayos na ang lahat, ilang
minuto lang at magsisimula na ang kasal. Palabas na ng bahay ang
bride, sasakay na ito ng Cefiro kasama ang magulang. Samantala si
Chona, sumabay sa jeep na inarkila ng pamilya Igne. Kasabay nito ay
katulad nya gustong masaksihan ang kasal.
Magsisimula
na ng seremonya, ang lahat ay naka pwesto kung saan nararapat.
Naglalakad na ang bride sa red carpet na puro white roses at bago
pumasok may naka arkong hugis puso na gawa sa pinagdikit-dikit na
lobo. Pagkatapos lalakad parin ito sa red carpet, kung kanina puno
ng white roses ngayon naman ay red roses. Banag kay Lea ang
pagkamangha sa ayos ng simbahan, napaka sopistikada ng pagkakagawa
niyon. Bago maglakad hinanap ng mata nya ang salarin ng lahat…ayun
natumbok din, prenteng-prente nakatayo ito sa bandang unahan na
kahilera ng kanyang mga magulang. Thank you.
Sumaludo si Chona.
Parang sinasabi nito na --at your service, friend.
Ang ...