saya saya ng
kaibigan ko. Ikinasal ako mas magara pa pero hindi ko naramdaman ang
ligaya ng isang kinakasal.
“You may now kiss
the bride,” malugod na sabi ng pare.
Nagpalakpakan ang
mga tao, lalolng lumakas ang palakpak ng maghalikan muli ang bagong
mag asawa.
Katatapos lang ng
kasal, ngayon nasa loob na sila ng resort para sa isang celebration
for newly wed. masaya ang lahat ng biglang may pumaradang itim na
kotse sa di-kalayuan. Dahil bukas ang gate ng pinagdausan
kitang-kita ang taong lumabas ng driver seat –si Bhong.
Napakisig ng dating
nito sa simpleng white polo na tinernuhan ng jeans with matching
Oakley shades, kaya hindi aninag ang mga mata nito. Parang slow
motion sa pelikula, habang lumalakad ito palapit sa bagong kasal.
Banaag sa mga dalaga ang pagkahanga, maging si Chona ay hindi agad
makabawi ng komposisyon. Dahil nga nakasalamin ito, hindi kita ang
panakaw na sulyap sa dating nobya.
“Bestfriend, come
here.”
“Hah?”
“Halika dito, may
papakilala ako sayo,” pangungulit ni Lea.
Lumapit naman si
Chona.
“I want you to
meet Mack,” itinuro nito ang lalake sa tabi ni Jeff.
“Mack this
is my best friend, Chona.”
Nakipagkamay ang
lalake. “Hi, Chona,” sumilay ang mapuputing ngipin nito.
Matangkad ito at bumagay ang kwadradong mukha sa singkit na mata.
Bigla
namang napatingin sa gilid si Chona, para kasi napansin nya na kanina
pa may nakatingin sa kanya. Ayun…kitang-kita nya ang pagdilim ng
mukha ni Bhong. Tinanggal na nito ang salamin kaya banaag na ang
magandang mata ng lalake.
Umiwas ito ng
tingin. “Hi,” ganting bati nya sa bagong kakilala.
“Nice to meet
you,” anya ni Mack.
“Alam mo Chona
kanina pa kasi kami kinukulit ni Mack, gusto ka daw nya makilala.
Well, Mack is a friend of my hubby…what a coincidence best friend
kita tapos best buddy naman ito ng asawa ko,” wala sa loob na sabi
ni Lea.
Napakamot ng noo si
Mack. “Bakit mo naman ako binuko?”
Tahimik lang na
nakikinig si Chona. Iniisip nya parin ang naging reaksiyon ni Bhong
kanina.
Samantala
naputol ang pagku-kwentuhan ng biglang magsalita ang emcee.
Magsisimula na daw ang programa.
Pa-simpleng gumagala
ang mata ni Chona, hinahanap ang makisig na lalake, hindi nga ito
makita. Dahil sa pagiging abala sa paghahanap hindi nya tuloy
namalayan na ihahagis na ni Lea ang bouquet.
“One, two, three…”
sigaw ng mga tao.
Madami
ang naki agaw sa bulaklak pero dahil naka upo siya, nagulat pa syang
may biglang bumagsak na bulaklak sa harapan nya.
“Ay!” gulat na
gulat si Chona.
Nagsimulang
magpalakpakan ang mga tao. Para hindi mapahiya, ngiti ang ginanti
nito.
Sana
naman sumali si Bhong. Dalangin nya na ang dating nobyo ang
makakuha ng ribbon, ngunit bigo sya dahil hindi nya ito nakita sa mga
nakahilerang lalake. Napansin nya ang matabang lalake na tumingin sa
kanya, tsaka kumindat…kasali ito sa mga umaasam na makakuha ng
ribbon.
“Inay ko po,”
napangiwi si Chona sa ideya.
Pumikit sya, ayaw
nyang makita kung paano nito desperadang makukuha ang ribbon.
Ngunit
pagdilat nya –
“Nice one Mack,
you’re the lucky guy,” hiyaw ng nakakakilala dito.
Nagkakantiyawan ang
mga tao. Bumaling paharap si Mack sa gawi ng lucky girl. Palapit ng
palapit ito sa babae.
“Hi beautiful
lady, would you mind if I put this –“ itinaas nito ang ribbon.
Tumango lamang si
Chona.
Paluhod
na umupo sa harapan nya ang lalake. Dahan-dahan isinuksok sa isang
paa ni Chona. Tumingin ito, nagkangitian sila. Just enjoy the
moment Chona. Ganoon nga ang ginawa nya nag-enjoy sya habang
isinusuot pa taas ang ribbon.
“Higher! Higher!”
sigaw ng mga manonood.
Sa
bandang sulok biglang napansin ni Chona ang isang anino na
kaisa-isang hindi nag e-enjoy sa nangyayari. Galit ito. Bhong.
Magkausap sila ni
Mack ng mag paalam saglit si Chona upang kumuha ng wine.
Dudukwang
na sana sya ng maiinum ng may humila ng braso nya, nagpupumiglas sya
subalit wala syang nagawa dinala siya nito sa isang kwarto.
“Put me down!”
mahinang ngunit matigas na sabi ni Chona.
Binaba sya ng
pangahas na lalake sa kama.
“Why did you do
that?” sita ng babae.
Ngumisi lang ito.
“What can I do for
you, Mr. Sevilla?” sarcastically she said.
Walang tugon sa
lalake. Nagtagis lang ang bagang nito.
“Then
I guess we’re nothing to discuss,” aalis na sana sya ng pinigilan
ito ng lalake.
“Kamamatay
pa lang ng asawa mo, lumalandi ka na!” nagngangalit ang mga ipin
nito.
Hindi naman natinag
si babae. “For your information, its been five years since my
husband died.”
Paklang
tumawa ito. “Kaya ngayon naghahanap ka na ng kapalit? Bakit
natatakot ka ba na baka maubos ang perang pamana sayo at ngayon
kailangan mo na ng kapalit? Why don’t you try me?”
Hindi na napigilan
ni Chona. Sinampal nya ang lalake.
Hindi naman natinag
ang lalake, lalo itong lumapit at isinandal si Chona sa pader. Halos
madurog ang katawan nya sa yakap at pisil nito, hinalikan si Chona
mapusok at puno ng galit.
“Bitiwan mo ko,”
sambit ni Chona.
Nagpupumiglas ito.
Subalit hindi naawa
ang lalake, lalo pa itong hinalikan, pilit na ipinapasok ang dila at
n ...