Chapter 18
caller.
“Jes?”
“Ako nga, bangon
na sleepy head nandito na kami sa job site ni Engineer Kid.”
“Hah?” inalog
niya ang kanyang ulo upang tuluyan ng magising. “s**t…” bigla
siyang napabalikwas. “Ahm Jes, ikaw na munang bahala makipag usap. Maliligo lang ako…promise bibilisan ko.”
“Ok.”
Pagkatapos ibaba ng
kabilang linya ang phone agad nang kumilos si Chona. Naligo.
Nagbihis, white blouse na may signature ang tatak at tinernuhan ng
skinny jeans.
Inabutan niyang nag
uusap sina Jes at ang sinasabi nitong Engineer sa loob ng isang pick
up car.
“Hi, sorry I’m
late.”
Natigil sa pag uusap
ang dalawa.
“Don’t worry
friend nasimulan ko na rin naman ikwento ng bahagya ang plano mo
dito,” itinuro nito ang bakanteng lote. “By the way, this is
Engr. Kid Reyes ang representative ng may ari ng Missu Construction
Firm, Corporation.”
Nakipag kamay ito sa
kanya. “Nice to meet you, ma’am.”
Nangunot ang kanyang
noo. “Representative?”
“Yes
ma’am representative. Unfortunately, hindi po makakapunta si Boss,
ang head ng construction firm. Pero tuwing may biglaang transaksiyon
sa Maynila ako po ang nag ha-handle,” magalang na pagpapaliwanag ng
Engineer.
“So, hindi ko siya
personally ma me-meet?”
“Not now. Some
other time, makikilala n’yo rin po siya. Right now, he’s in
Davao for a bussiness meeting.”
“Ok.”
Para hindi na humaba
ang kwento, sinabi na ni Chona ang gusto niyang mangyari; sampung
palapag na may tag sa-sampung kwarto, sa itaas may swimming pool,
billiards, gym at dining area. Regarding naman sa style wala siyang
ideya ibinigay na niya ang pasya sa kaibigan –si Jester.
Maayos
ang plano. Two years contract at thirty percent ang paunang bayad.
In one condition, bago magkapirmahan ng kontrata ang gustong mangyari
ni Chona makaharap ang may ari ng firm. Ayos, walang problema kay
representative, ASAP darating ang Boss niya bago matapos ang isang
linggo.
Matapos umalis ni
Engineer, sinita siya ni Jester. “Kailangan bang makilala mo yung
may ari? Hindi ba’t sinabi naman niya na siya minsan ang nakikipag
deal sa client?”
“Of course Jes,
kailangan makilala ko ang tunay na humahawak ng firm. Mahirap ng
maloko.”
Nag isip naman si
Jester. “Well you have a point, its not easy to trust specially
when money is involve,” pag sang-ayon nito.
“Lets
forget about it. How about bar hopping?” alam niyang gustung-gusto
iyon ng kaibigan.
Napangiti siya sa
ideyang iyon. “Sure,” tinignan niya ang oras, pasado alas tres
pa lang ng hapon. “But I think its too early,” dagli nawala ang
ngiti. Nag isip.
Sabay pa silang
nagsalit. “Lets watch movie?” nagkatawanan ang mga ito.
Dahil wala paring
balita kay Engineer Reyes, minabuti muna ni Chona’ng umuwi ng
Laguna. Luluwas na lamang siya kapag makakausap na niya ang kanyang
pakay.
“Mack? What are
you doing here?” nabigla siya sa presensiya ng binata hindi niya
akalaing ang bisita na sinasabi ng kanyang ina ay ang dahilan kung
bakit nagalit si Bhong.
Nang sabihin ng
kanyang ina may naghahanap sa kanya na lalake, bigla siyang
kinabahan, akala na niya –Si Bhong.
“Binibisita ka,”
naisuklay nito ang daliri sa hibla ng buhok.
“Hmmm…bakit?”
“After the wedding
celebration, you never stop sinking in my head,” pangahas pero
buong sinseridad na hayag ng lalake.
Natawa
naman siya. “I’m sorry hah, na balis ba kita?” sarkastikong
sabi ni Chona.
“P-parang…hindi
na kasi ako mapakali, gustung-gusto kita makita ulit. Makamandag
kasi ang ganda mo.”
Hindi siya nagbigay
ng ekspresyon, ayaw niyang bigyan ang binata ng ideya na nagustuhan
niya ang sinabi nito. “Ganoon ba? Paano ko ba matatanggal ang
balis?”
“How about a
date?”
Matagal bago siya
nakasagot. Well, wala namang masama kung lalabas siya para makipag
date. Naka sakali hudyat na ito ng pagkalimot sa nakaraan. “Ok.
When?”
Nagningning ang mga
mata nito. “Ikaw bahala…kailan ka pwede?”
“Tomorrow. You
set the time.”
“I’ll be there
at 5 p.m.”
Nangunot ang noo
niya. “Bakit naman napaka aga?”
“Para mas matagal
kita kasama,” romantikong sabi nito. “Isa pa, para maihatid kita
ng mas maaga,” hindi pa man naka-two pogi points na ito.
“Ok.”
“Thank you,
Chona.”
Wala pa nga,
nagpapasalamat na agad ito.
Hindi na nakatiis,
nagpaalam na si Mack. Dala ang ngiti sa mga labi.
Kinabukasan
natuloy ang kanyang date ka y Mack. Sinundo siya nito at eksaktong 5
p.m. Nag bowling, billiards at nanood ng movie tapos kumain…para
sa kanila ang tawag doon ay ragged date. Sporty type kung baga.
Masarap kasama si Mack, nag enjoy talaga siya at dagli niyang
nakalimutan si peklat ng puso niya.
“Salamat. I
really enjoy your company,” buong ka-sinseridad na ika ni Chona.
“Your
always welcome. I hope its just the start,” hinihintay nito ang
kasagutan.
“Lets see.”
Wala siyang masabi gusto niyang buksan muli ang puso pero nahihirapan
siya sa tuwing nagpapaka ipokrita siya sa sarili niyang damdamin.
“Ok. I’ll call
you then.”
Tumango ito.
“Thanks. Bye and
good night.”
“good bye. Take
care,” yun lang at kumaway na ito ng pamamaalam.
Kinaumagahan,
ginising siya ng tunog sa cell phone. May caller siya…
“Hello?”
“Let me guess,
nagsilbing alarm clock mo na naman ako?”
Si
Jes. “Bakit?”
“Tinawagan ako ni
Kid, nakikipag set ng meeting ang boss niya, sa Shangrila mamayang
three o’clock. Pwede ka ba honey?”
Nangunot ang noo
niya sa una at huling sinabi ni Jes. Una, bakit si Jes ang tinawagan
at hindi siya. Pangalawa, bakit sa Shangrila? “Bakit ikaw ang
tinawagan nila?” hindi na nakatiis na tanong ni Chona.
“Pretty
obvious, I’m the only contact of Kid to reach you. Gets-ching?”
Ay oo nga pala,
hindi niya binigay ang contact information niya sa engineer.
“Ok. Pero bakit 3
p.m. ang meeting?”
“Well, sa bagay na
‘yun ako ang nagdesisyon. Para hindi ka maghabol sa oras.”
Tama. Kung
manggagaling pa siya ng Laguna aabutin siya ng dalawa hanggang
tatlong oras sa biyahe. “Ok. Jes, can you come with me?”
“Of course. I
cannot let you go without me…not that I’m concern with you…I’m
concern with the possibility you will left alone with Kid.”
Ayun
natumbok ang tunay na rason. Naging aktibo na naman ang pagkabading
ng kaibigan. “Ayun lumabas ang totoong motibo mo, friend.”
“Ikaw naman
pagbigyan mo na ko. Bakla, ang gwapo niya kaya,” kinikilig na sabi
nito.
Tinapos na niya ang
kanilang usapan. Atat na siyang ipagpatuloy ang biyahe sa kama.
Bago mag tanghalian,
gumising siya at hinanda na ang kanyang susuotin para sa meeting.
Tinawagan niya ang kaibigan para ikumpirma kung tuloy ba ang kanilang
lakad. Pagkatapos, kumain ito at tinawag na ang kanyang magiging
driver.
“Jes hindi na ko
na tutuwa saan ba kasi yung Barley’s Resto na sinas ...