Hindi maintindihan ni Helena ang sitwasyon. Gusto ni Harley na lumayo siya, pero siya rin ang nagbibigay ng rason para lumapit siya. Ang hirap niyang basahin dahil sobrang misteryoso ng mga galaw niya. Hindi alam ni Helena kung paano naisip ni Harley na nahuhulog na siya sa kanya. Nakikita ba yun sa mukha niya? Sa kilos niya? Wala siyang idea. Ang gusto na lang niya ngayon ay iwasan siya dahil naiirita siya sa pagiging misteryoso ni Harley. "Oh? Namumutla ka?" Tanong ni Bea nang makita niyang dumating si Helena. "Ah, wala 'to," sabi ni Helena habang umuupo sa tabi ni Bea sa sofa. "Asan si Shaun? Nahanap mo na ba siya?" Tanong ni Bea. Tumango si Helena at nilunok ang iniisip. Dalawang linggo na lang at aalis na rin siya sa Montenegro, kaya ayaw niyang mag-alala pa. "Saan? Bakit hindi

