Mas namangha si Helena sa bahay ni Harley nang pumasok siya. Kulay dark brown at cream ang kumbinasyon ng kulay sa buong bahay. Marami din ang glass, tulad na lang ng malaking glass door sa living room palabas doon sa may pool. Dark brown ang carpet. Sobrang liwanag dahil sa mga ilaw. Hindi tulad ng una niyang pagpunta dito, umaalingawngaw ngayon ang stereo nila ng mga instrumental music. Tumambad agad sa kanya si Roble na naka-sleeveless na mukhang gutay-gutay habang nagbi-billiard sa malaking living room. May kasama siyang dalawang makikinis na babae na parehong mukhang mabait, elegante, at anak mayaman. "Jacq, good shot! You're amazing!" Naabutan nilang pinupuri si Jacq na mahinhing nakapasok ng billiard ball. "Roble!" Sabi ni Shaun sabay high five sa kaibigan. "Uyy! Nandito na pala

