Tumigil si Helena sa paglalaro at ibinigay ang taco kay Shaun. Masayang tinanggap ni Shaun ang pagkain, kahit na umangal si Harley sa ginawa ni Helena. Ang determinasyon ni Shaun na manalo kay Harley ay naging mas matindi, at hindi na mapigilan ang kanyang pagnanais na talunin ang kalaban. Umupo si Helena sa tabi ni Bea, na parang aso na nakangiti habang pinapanood siya mula sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi siya makatingin ng diretso kay Bea dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Harley na tuwing nakaka-score ay sumusulyap at ngumingisi sa kanya. Yabang! "Shaun!" sigaw ni Bea sa seryosong naglalaro si Shaun. Nilingon ni Shaun si Bea pagkatapos tumira at nakascore. "Bilisan mo na diyan, mas mabilis kang matapos, mas makakapag-usap kayo ni Helena." Ngumuso si Harley sa narinig ka

