Pagdating ng Biyernes, naging abala na naman si Helena sa pagpoproseso ng mga papeles. May schedule siyang exam sa Sabado at sa Lunes ay maaari na siyang mag-enroll. Dalawang linggo na lang at magsisimula na ang pasukan sa Setyembre, kaya kinailangan niyang gumawa ng resignation letter. Ipapasa niya ito kay Mrs. Chiu at ilalagay ang lahat ng kinakailangan nilang malaman tungkol sa pag-alis niya. Bago pa lang siya sa trabaho, at hindi maikakaila na maganda ang pakikitungo ng management, ngunit mataas ang pangarap ni Helena at hindi na niya kayang manatili pa rito. Sa gabi ng duty kasama si Bea, naaalala niya ang nakita niyang si Eric noong isang araw. Laging binabantayan ni Helena ang ekspresyon ni Eric tuwing nagkikita sila sa umaga, kung maayos ba siya o mukhang may problema. Sa ngayon,

