Nakita ni Helena na tulog na si Bea sa backseat ng sasakyan, nakangiti pa. Nag-alala siya kay Eric. “Saan kaya siya nagpunta? Baka hindi niya alam na nasa party kami?” Napaisip siya kung alam ba ni Eric na nagpunta sila sa party. Kung hindi, tiyak na mapapagalitan siya. "Alam mo kung saan ang bahay nila?" Tanong ni Harley, ang driver niya. Umiling si Helena. “Ang alam ko lang, sa bahay ni Aling Nenita siya tumitira.” Tango si Harley at agad niyang niliko ang sasakyan. “Alam ko kung saan ‘yon.” Mabuti naman kung ganon, iniisip ni Helena, kaya hindi na nila kailangan pang gisingin si Bea. Hinayaan niyang matulog si Bea habang papunta sila sa bahay nito. Tahimik ang loob ng sasakyan. Ang tanging tunog na maririnig ay ang mga insekto mula sa labas dahil sa katahimikan nila. “I’m sorry fo

