Hindi napawi ang ngiti ni Helena habang pababa ng 15th floor. Hindi siya mapakali at hindi niya alam kung bakit. Naaalala ang galit na mukha ni Harley, mas lalo siyang napapangisi. Kinagat niya ang labi niya. Pakiramdam niya, tuluyan na niyang naapakan ang bitag na iniiwasan niya. Tumunog ang elevator sa kabila, halos kasabay ng paglabas niya. Tinulak niya ang cart habang iniisip pa rin ang lahat ng nangyari kanina. Walang tao sa corridor. Siguro ay naglilinis ang lahat sa kanilang floor. Itutulak na sana niya ang pintuan papasok sa Lounge nang biglang hinila ang kamay niya at ibinaon sa dingding. Napapikit siya sa gulat. Nang dumilat siya, nalaglag ang panga niya nang makita si Harley na hinahabol ang hininga. "You can't date my friend, Helena." Mariin niyang sinabi. Tinikom ni Helena

