Reed
NANGINGISI ako habang pinapakinggan magkwento si Donna tungkol sa school nya. May pagka madaldal din talaga sya at nakakatuwa syang pakinggan. Nanghahaba pa ang mamula mulang nguso nya.
"Ayun, buti nga nakasagot ako eh. Kung hindi kahiya hiya talaga ako. Nakalimutan ko kasi talagang mag review ng isang gabi."
Tumawa ako. "Baka naman kasi puro social media ang inatupag mo."
Ngumuso sya at sumubo ng halo halong tunaw na.
"Kaya nga eh, enjoy na enjoy kasi ako sa pinapanood ko nakalimutan kong mag review."
"Ikaw pala eh." Natatawang inabot ko ang kanyang buhok at ginulo.
Iniwas naman nya ang ulo at inayos ang buhok. Lalong nanghaba ang nguso nya at sumimangot na ikinatawa ko ng malakas.
Gustong gusto ko na ginugulo ang buhok nya dahil naiinis sya. Sumisimangot sya at nanghahaba ang nguso. Alam kong ayaw nyang tinatrato syang bata. Pero bata pa naman talaga sya, mukha lang syang dalaga dahil matured na ang katawan. Kung hindi pa nga binanggit noon ni Mang Ipe na seventeen years old lang sya aakalain ko talagang dalaga na sya. Kapag tinitingnan ko nga sya ngayon ay hindi bata ang nakikita ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang school uniform. Lalong na-emphasize ang hubog ng kanyang katawan. Litaw ang maputi nyang mga hita dahil lumilislis pataas ang suot nyang palda.
Napaling iling ako at tinutok ang mga mata sa kalsada habang nakikinig pa rin sa mga kwento nya.
"Sabi ni tatay huwag daw muna akong magpaligaw dahil bata pa ako at pag aaral daw ang unahin ko."
Sinulyapan ko sya. "Tama ang tatay mo, wag ka munang magpapaligaw. Bata ka pa."
Ngumuso sya. "Pero malapit na akong mag eighteen Boss Reed. Nasa legal na edad na ang eighteen di ba?"
Kumunot ang noo ko. Parang di ko nagugustuhan ang tinutumbok nya.
"Hindi imporke eighteen na at nasa legal na edad na ay magpapaligaw ka na. Sundin mo pa rin ang tatay mo."
"Wala naman po akong sinabi na magpapaligaw na ako kapag eighteen na. Saka kahit may manligaw sa akin hindi ko sila papansinin dahil may iba na akong gusto." Aniya at sumulyap sa akin.
Kumunot ang noo ko. Tila di ko nagustuhan ang sinabi nya.
"Sino naman ang gusto mo?"
Nanghaba ang nguso nya. "Secret po."
"Tss, alam ba ni Mang Ipe yan? Isusumbong kita."
Namimilog ang matang lumingon sya sa akin. "Huwag po Boss Reed! Papagalitan ako ni tatay."
Ngumisi ako. Takot pala sya sa tatay nya.
"Basta focus ka muna sa pag aaral mo. Saka na ang ligaw ligaw na yan."
"Opo." Tumango tango sya.
Parang gusto ko tuloy alamin kung sino ang maswerteng mokong na gusto nya.
.
.
Donna
SA paglipas ng mga araw linggo at buwan ay mas lalong lumalim ang nararamdamang paghanga ko kay Boss Reed. Alam ko sa sarili ko na hindi na yun simpleng crush lang. Gusto ko na sya, seryosong gusto ko na sya. Walang araw na hindi ko sya naiisip lalo na sa gabi bago ako matulog. Lagi syang laman ng daydreams ko.
Sabi ni Sally ay imposible daw na magustuhan ako ni Boss Reed dahil masyadong malaki ang agwat ng edad namin. Bata ang tingin sa akin ni Boss Reed. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Umaasam pa rin ako na mapapansin ako ni Boss Reed bilang dalaga lalo na at nalalapit na ang debut ko. Malapit na akong maging ganap na dalaga.
"Anak, malapit na ang debut mo ah. Ano ba ang gusto mo sa birthday mo? Sabihin mo kay tatay." Untag sa akin ni tatay habang nag aalmusal kami.
Na-excite naman ako sa tanong nya.
"Tay pwede po ba akong magparty? Kahit simpleng party lang po." Request ko. Gusto kong imbitahan ang mga classmates ko lalo na si Boss Reed. Gusto kong maging isa sya sa mga eighteen roses ko. Gusto ko syang makasayaw.
"Oo naman anak. Pinaghandaan ko talaga itong eighteen birthday mo. Magpaparty ka."
Namilog ang mata ko sa tuwa. "Talaga tay? Magpaparty po ako?"
"Oo anak, magpaparty ka. Yung may eighteen roses at eighteen candles. Imbitahan mo ang mga kaklase mo."
Sa tuwa ko ay tumayo ako at yumakap kay tatay.
"Thank you po tay. The best po talaga kayo."
Tinapik tapik nya ako sa braso. "You're welcome anak, basta sa ikasisiya mo sa eighteen birthday mo."
Bumalik na ako sa upuan ko na kilig na kilig. Excited na ako sa debut ko.
"Tay pwedeng pong imbitahan ko rin si Boss Reed?" Hirit ko pa.
Tumingin sa akin si tatay. "Iniimbitahan mo si Boss Reed?"
Ngumuso ako at nagbaba ng tingin sa plato. "Opo tay, s-syempre po boss nyo sya at parang k-kuya ko na rin. Kaya dapat imbitahin ko rin sya."
Tumango tango si tatay. "Sige anak sasabihin ko kay Boss Reed."
"Ako na lang po tay. Wala po kaming pasok bukas magluluto po ako ng meryenda at hahatiran kayo sa site." Excited na sabi ko.
"O sige anak, ikaw na ang bahala."
At sa sobrang excited ko ay naubos ko ang umagahan ko. Ganado akong pumasok nagyon sa school.
"Talaga? Magde-debut party ka?" Tanong ni Sally habang nag aabang kami ng jeep.
"Oo, pinaghandaan daw yun ni tatay."
"Wow, iba talaga kapag nag iisang anak. Naibibigay ng magulang ang lahat."
Umabrisete ako sa braso ni Sally. "Kapag nakapag tapos ka ng pag aaral at nakapag trabaho ng maganda mabibili mo na ang gusto mo."
Limang magkakapatid sila Sally at lahat sila ay nag aaral. Pang gitna sya at minsan ay kinakapos sila sa budget. Minsan sinasabi nya ang swerte ko daw dahil nagiisa akong anak at lahat ng gusto ko ay naibibigay ni tatay. Pero di nya alam malungkot din ang nagiisang anak lang. Naiinggit nga ako sa kanya dahil marami silang magkakapatid. May nakakausap sya pag uwi nya sa kanila. Di gaya ko pag uwi sa bahay mag isa lang ako walang makausap at naghihintay kay tatay.
Kaya ako kapag nagkapamilya gusto kong anak ay mga apat. Dalawang lalaki at dalawang babae.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang mukha ni Boss Reed. Nangiti ako at kinilig sa isiping sya ang mapapangasawa ko balang araw.
Ano kaya ang hitsura ng magiging mga anak namin? Gusto ko ang mga anak naming lalaki ay kamukha nya tapos ang mga babae naman ay kamukha ko.
Nag init ang mukha ko sa tinatakbo ng isip ko.
Hay! Ano ba tong naiisip ko? Kapag nalaman ni tatay ang iniisip ko sigurado sesermonan nya ako.
"Huy Donna!"
"Ha?" Nilingon ko si Sally na kunot ang noong nakatingin sa akin.
"Nagdi-day dream ka na naman."
Ngumuso ako. "Hindi ah! May iniisip lang ako." Tanggi ko.
"Sus! Eh nangingiti ka nga dyan. I'm sure si Boss Reed na naman ang iniisip mo."
Lalong nanghaba ang nguso ko at nag init ang pisngi. "Ano naman ang masama kung isipin ko sya."
"Patay na patay ka talaga kay Boss Reed. Eh kapatid lang naman ang tingin nun sayo eh."
"Sa ngayon dahil wala pa akong eighteen. Pero kapag nag eighteen na ako magbabago ang tingin nya sa akin."
"Eh bakit ba kasi si Boss Reed pa ang gusto mo eh ang laki ng tanda nya sayo. Marami naman dyang mga lalaki na kasing edad lang natin ang may mga hitsura din naman at nagpapapansin sayo."
"Ayoko sa kanila." Sabi ko.
"Mag gusto mo sa matanda."
"Hindi matanda si Boss Reed no."
"Pero mahigit treinta na sya. Para sa edad natin matanda na yun."
"Oo na, matanda na sya para sa edad natin pero wala akong pakialam basta sya ang gusto ko. Period." Mariin na sabi ko.
"Oo na sige na gusto mo na sya. At nawa ay magkatotoo ang mga pantasya mo sa kanya. O hayan na yung jeep."
Pinara na namin ang paparating na jeep at sumakay. Sa loob ng jeep ay pinag usapan naman namin ang tungkol sa debut party ko na gaganapin na sa isang buwan.
--
PIGIL ko ang kilig ng maiwan kami ni Boss Reed dito sa silong ng punong mangga. Tinawag kasi si tatay ng mga kasamahan nya at may itatanong yata.
Hindi ko kasama ngayon si Sally sa paghatid ng meryenda dahil may inutos sa kanya ang nanay nya. Napagalitan pa nga ako ni tatay dahil wala akong kasama. Ayaw nya kasi na umaalis ako ng walang kasama delikado na raw ang panahon ngayon at nagkalat ang mga loko. Pero nagiingat naman ako at laging listo sa paligid. Mas marami pa ngang loko loko sa Manila.
"Wala kang pasok ngayon sa school?" Tanong ni Boss Reed habang ngumunguya ng turon.
Espesyal ang turon ko dahil nilagyan ko ng langka.
"Oo eh, kaya nakapag luto ako ng meryenda nyo ni tatay." Ngiting ngiti na sabi ko.
Ngumisi naman sya. "Talagang lagi mo na akong dinadamay sa meryenda."
"Syempre! Malakas nga kayo sa akin di ba?"
Tumawa sya. "Oo nga pala."
Akmang hahawakan nya ang ulo ko pero mabilis akong umiwas. Guguluhin na naman nya ang buhok ko eh.
Lalong lumakas ang tawa nya. Sa lakas ng tawa nya ay napapatingin na sa amin ang mga tauhan nya pati na rin si tatay.
Masarap naman sa pakiramdam na ako ang dahilan ng pagtawa nya. Kapag naging kami talaga lagi ko syang patatawanin.
"Ano naman ang ginawa mo sa bahay nyo?"
"Naglinis ako ng kwarto ko. Nilinisan ko rin ang bahay namin at naglaba ako ng damit namin ni tatay."
Ngumisi sya. "Ang sipag ah. Marunong ka pa lang maglinis ng bahay at maglaba."
"Oo naman. Syempre dalaga na ako kaya kailangan marunong na ako ng mga gawaing bahay."
Ayaw pa nga ni tatay na paglabahin ako dahil baka hindi ko daw kaya. Uupa na lang daw sya ng labandera. Ganun ako ka-spoiled kay tatay. Pero sabi ko sa kanya kailangan matuto na ako dahil dalaga na ako.
"Talagang gustong gusto mo ng magdalaga huh." Sambit nya at kumagat ng turon.
Napasinghap ako ng may maalala. Oo nga pala iimbitahan ko sya sa debut ko. Muntik ko ng makalimutan dahil sa pakikipag kwentuhan sa kanya.
"Sya nga pala Boss Reed, birthday ko na next month. Iimbitahan ko sana kayo sa birthday ko bilang isa sa eighteen roses ko."
Tumango sya. "Nasabi na sa akin ni Mang Ipe yan."
Napanguso ako. Si tatay talaga, sabi ko ako na ang magsasabi eh inunahan pa ako.
"Ganun ako ka-espesyal para maging isa sa eighteen roses mo?" Tanong nya na matiim ang tingin sa akin habang ngumunguya ng turon.
Nagregodon naman ang puso ko.
"O-Oo, kasi boss kayo ni tatay eh."
Tumango tango sya. "Ang sabi ni Mang Ipe parang kuya na raw ang tingin mo sa akin. Totoo?"
Muli na naman akong napanguso. Talagang sinabi pa yun ni tatay. Ang daldal ni tatay.
"Is it true? Kuya ang tingin mo sa akin?" Untag ni Boss Reed ng hindi ako agad nakasagot. Titig na titig sya sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko.
Bahagya akong nag iwas ng tingin at kunwaring inayos ang dahon ng saging sa basket.
"O-oo." Tanging naisagot ko lang.
"Kung ganun dapat kuya ang itawag mo sa akin."
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakangisi na sya.
"Ayoko nga! Bakit ko kayo tatawaging kuya eh hindi ko naman kayo kapatid."
Tumawa sya. "Pero kuya ang tingin mo sa akin."
Hindi ko na yun kinibo at iniba na lang topic.
"Basta Boss Reed pumunta kayo sa birthday ko ha. Huwag kayong mawawala."
Saglit syang di nagsalita at tila nag isip. "Actually di ako sure kung makakadalo ako. Depende kung wala akong importanteng lakad ng araw na yun."
Sumimangot ako na ikinatawa lang ulit nya.
"Oo na, pipilitin kong pumunta kahit may imporatanteng lakad ako. Huwag ka ng sumimangot." Natatawang sabi nya at pinisil ang baba ko.
Ngumuso ako at pigil ang kilig dahil sa pagpisil nya sa baba ko. Nararamdaman ko pa nga ang daliri nya sa baba ko.
"Promise nyo yan ha."
"I promise, sagot ko na ang cake mo."
"Kahit hindi na. Basta dumating lang kayo."
Muli na naman syang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
"You're really cute Donna." Sambit nya.
Matutuwa na sana ako na pinuri nya ako. Pero cute ang sinabi nya. Bata na naman ang tingin nya sa akin.
"Hindi ako cute Boss Reed, maganda ako."
Ngumisi sya. "Indeed."
Nag excuse si Reed ng tumunog ang cellphone nya. Sinundan ko na lang sya ng tingin at bumuntong hininga. Mabilis ang t***k ng puso ko. Ganun naman palagi kapag kaharap ko sya.
Pinagmamasdan ko sya habang nakikipag usap sya sa cellphone. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ng nasa kabilang linya dahil kumukunot pa ang noo nya at nasa bewang na ang isang kamay.
Gustong gusto ko ang ayos nya ngayon. As usual, t-shirt na itim kundi itim ay puti minsan. Tapos kupas na maong na pantalon na may butas sa tuhod. Ang may kahabaan nyang buhok ay nakabun pataas na bumagay sa medyo kumakapal na nyang balbas at bigote. Ang lakas lakas talaga ng dating nya. Ang lakas ng dating nya sa puso ko.
Umayos ako ng lumapit na sa akin si tatay na may hawak ng papel na inabot sa kanya ng tauhan.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ni boss kanina anak ah. Ang lakas ng tawa ni boss." Natatawang sabi ni tatay.
"Ewan ko po dun tay, wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko tawa sya ng tawa." Nakangusong sabi ko at niligpit na ang basket at inumin ni tatay.
"Baka natutuwa lang sya sayo. O ano, nakapag sabi ka na sa kanya na iimbitahan mo sya sa birthday mo?"
"Opo tay, pero alam na pala nya. Inunahan nyo ko."
Tumawa si tatay. "Nagpaalam na kasi ako sa kanya anak na hindi ako papasok sa birthday mo. Kaya nalaman na nya.".
"Ang sabi po nya tay, sagot na daw po nya ang cake."
"Talaga? Aba ang lakas mo rin talaga kay boss." Nakangising saad ni tatay.
"Parehas po tayong malakas sa kanya tay."
Sabay kaming nagtawanan mag ama.
Binitbit ko na ang basket na wala ng laman at nagpaalam na ako kay tatay at Boss Reed na uuwi na.
*****