Donna
"BILISAN mo Sally lalamig na tong meryenda ni tatay." Pagmamadali ko sa kaibigan habang malalaki ang hakbang.
"Teka lang naman kasi girl! Ang putik kaya o." Reklamo nya.
Magdamag kasing umulan hanggang kinaumagahan kaya maputik ang daan na hindi pa sementado. Mabuti na nga lang at umaaraw na. Half day lang ang pasok namin ngayon kaya nakapagluto pa kami ng meryenda. Excited na akong ihatid ito sa site. Ang sabi ni tatay ay nandoon daw si Boss Reed. Excited din akong makita sya. Bibigyan ko din sya nitong niluto kong banana cue.
"Sundan mo lang ang tinatapakan ko." Sabi ko kay Sally.
"Heto na nga."
Makalipas ang ilang minutong pakikibaka namin sa maputik na daan ay nakarating na kami sa sementadong kalsada. Kinuskos ko ang tsinelas ko sa semento. Ginaya din ako ni Sally.
"Tara na." Yaya ko kay Sally at binukas ang bitbit na payong panangga sa init. Sumukob naman sya. Sya na rin ang pinagbitbit ko ng payong dahil may bitbit din akong basket na may lamang apat na stick ng banana cue.
"Madaling madali ka naman masyado girl." Sambit ni Sally.
"Eh kasi nga magmeryenda na si tatay. Tinawagan ko sya na hahatiran ko sya ng meryenda."
"Hindi ka nya pinayagan pero mapilit ka."
Ngumuso ako. "Ayoko syang magutom eh. Saka mas makakatipid kung hahatiran ko sya ng meryenda kesa bibili pa sya." Katwiran ko.
"Sus! If I know si Boss Reed talaga ang sadya mo. O wag mo ng i-deny! Halata ka girl wag ako."
Lalong nanghaba ang nguso ko kasabay ng pag iinit ng aking mukha.
"Oo na, dalawa na sila ni tatay na sadya ko -- aray!" Napaigtad ako ng bigla nya akong kurutin.
"Ang kerengkeng mo."
Inirapan ko sya. "At least kay Boss Reed lang ako kumekerengkeng."
"Ay proud pa sya, sarap mong kurutin sa singit eh."
Napatili ako at napatakbo ng akmang kukurutin nya ulit ako. Hinabol naman nya ako. Sa gilid ng kalsada ay naghaharutan kaming dalawa. Mabuti na nga lang at hindi natapon ang laman ng basket na bitbit ko.
"Tay!" Tawag ko kay tatay na nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. May suot syang safety hat at may hawak na papel at ballpen.
Tumingin si tatay sa akin. Ngumiti naman ako at lumapit habang ginagala ang paningin sa paligid. Nagkalat ang mga tauhan at nagpapahinga habang nagmemeryenda. Pero hindi ko makita si Boss Reed. Sabi ni tatay nandito daw sya.
"Mata mo girl baka matalisod ka sa bato tumapon ang mga banana cue sayang lang." Untag sa akin ni Sally.
Ngumuso naman ako at tiningnan ang nilalakaran. Mabato nga at kapag tatanga tanga ka ay siguradong plakda ka.
"Talagang nagpilit kang hatiran pa ako ng meryenda. Hay.. ito talagang anak ko napakalambing." Natatawang sabi ni tatay.
"Syempre po tay, ganun ko kayo ka love eh." Inilapag ko na ang basket sa portable na mesa.
"Kung alam nyo lang Mang Ipe." Mahinang sabi ni Sally.
Siniko ko naman sya at pinandilatan ng mata. Mabuti na lang at medyo umingay ng dumaan ang isang malaking truck kaya hindi narinig ni tatay. Nginisihan lang ako ni Sally.
"Anak ang dami naman yata nitong banana cue, di ko mauubos ito. Teka ibibigay ko ang iba sa kasamahan ko." Sabi ni tatay at luminga linga.
Naalarma naman ako. "Hindi po tay! Kay Boss Reed po ang iba dyan. Tig dalawang stick po kayo."
Kumunot ang noo ni tatay at ngumisi. "Ganun ba? Teka lang tawagin ko si boss."
Luminga linga si tatay at hinanap si Boss Reed. Ginala ko rin ang mata ko. Saktong lumabas naman si Boss Reed sa isang tent. Bumilis ang t***k ng puso ko ng masilayan ko sya. Nakasuot sya ng safety hat gaya ni tatay. Naka itim na t-shirt sya, kupas na maong pantalon na medyo hapit sa kanyang nga hita at brown combat shoes. Simple lang ang suot nya pero ang lakas ng dating. Idagdag pa na naka half ponytail ang may kahabaan nyang buhok.
"Boss!" Tawag ni tatay.
Kunot noong tumingin naman sa gawi namin si Boss Reed at lumapit. Lalo namang nagwala ang puso ko at hindi na ito magkamayaw sa pagtibok.
"Grabe ang hot talaga ni Boss Reed. Parang international model na nakikita ko sa internet." Mahinang sambit ni Sally.
"Sinabi mo pa. Ang gwapo nya talaga!" Pabulong na sabi ko na pigil ang kilig.
"Mang Ipe si Donna po o."
Muli ko syang siniko at pinandilatan ng mata. Bumungisngis lang sya.
"Mang Ipe anong meron?" Nakangising tanong ni Boss Reed ng makalapit na sa amin. Tumingin pa sya sa amin ni Sally.
"Good afternoon po Boss Reed." Ngiting ngiti na bati ko.
"Good afternoon Donna." Bati nya rin sa akin at ginulo ang buhok ko.
Napasimangot naman ako na lalo nyang ikinangisi. Ginagawa na naman nya akong bata.
"Boss meryenda. Nagdala si Donna ng banana cue." Alok ni tatay kay Boss Reed at tinanggal ang takip na dahon ng saging sa basket.
"Talaga? Meron ba ako dyan?" Sumilip si Boss Reed sa basket.
"Oo naman Boss Reed. Sinobrahan ko talaga ang luto para sa inyo."
Ngumisi sya. "Talaga? Ang lakas ko pala sayo. Salamat." Kumuha na sya ng isang stick.
Kumagat labi ako sa kilig. Talagang malakas ka sa akin Boss Reed.
Hinintay muna naming matapos magmeryenda si tatay at Boss Reed. Kilig na kilig ako dahil nagustuhan ni Boss Reed ang banana cue. Naubos nya ang dalawang stick. Nag iisip na ako ng susunod kong lulutuing meryenda para sa kanila ni tatay.
"Anak, mag saing ka na lang mamayang hapon huwag ka ng magluto ng ulam. Bibili ako ng paborito mong litsong manok kay Takse."
"Talaga po tay?" Natakam ako bigla. Paborito ko ang litsong manok kay Takse. Kahit walang sauce ay malinamnam talaga at malambot na malambot pa.
"Oo anak, pinaghatihatian kasi namin ng mga kasamahan ko ang napagbentahang mga bakal."
"Alam ba ni Boss Reed yan tay? Baka mamaya di nya yan alam." Ayaw kong pumangit ang image ni tatay kay Boss Reed.
"Oo naman anak. Sya pa nga ang nagsabi sa amin."
"Mabuti naman po tay. Excited na tuloy akong kumain ng gabihan."
Natawa naman si tatay bago uminom ng tubig sa bote.
"Ang sarap naman ng ulam nyo mamayang gabi. Baka pwedeng sa inyo na ako kumain mamayang gabi Mang Ipe." Hirit ni Sally.
"Aba'y oo naman. Siguradong hindi namin mauubos ni Donna ang isang buong litsong manok. Pero kung kasama ka siguradong ubos yun at walang masasayang." Natatawang sabi ni tatay.
Tuwang tuwa naman si Sally. "Kaya kayo ang paborito kong kumpare ni tatay Mang Ipe eh."
Humalakhak naman si tatay. "Nambola ka pang bata ka. O sige na umuwi na kayo at maalikabok dito."
Ngumuso ako at tumingin kay Boss Reed na kausap ang dalawang tauhan.
"Eh tay, hintayin na lang kaya namin kayo dito hanggang sa mag uwian." Sabi ko. Gusto ko pang masilayan ang kagwapuhan ni Boss Reed.
Siniko naman ako ni Sally.
"Huwag na anak. Maalikabok dito at maingay. Doon na lang kayo sa bahay ni Sally." Ani tatay.
"Kaya nga sa bahay na lang tayo." Sang ayon pa ni Sally.
Napakamot na lang ako sa ulo at binitbit na ang basket.
Nagpaalam na kami kay tatay na uuwi na. Gusto ko nga rin sanang magpaalam kay Boss Reed pero busy sya kausap ang mga tauhan nya.
"Tara na Donna." Yaya sa akin ni Sally na binuksan na ang payong.
Sumukob naman ako sa kanya. Palingon lingon pa rin ako kay Boss Reed habang naglalakad na kami ni Sally. Umaasam na lumingon din sa akin si Boss Reed. Kumislot ang puso ko ng lumingon nga sya sa akin. Awtomatikong nabanat ang labi ko sa isang matamis na ngiti. Ngumisi lang sya at tumango. Napakagat labi na lang ako sa kilig.
Kapag walang pasok sa school o kaya maaga ang uwian ay dinadalhan ko si tatay ng meryenda syempre kasama sa meryenda si Boss Reed. Tuwang tuwa ako at kilig na kilig kapag nasasarapan sya sa lutong meryenda ko. Yun nga lang ay bata talaga ang tingin nya sa akin. Pero ayos lang seventeen years old pa kasi ako eh. Kahit mukha na akong dalaga ay bata pa rin ako sa mga mata nya dahil sa edad ko. Hindi bale, malapit na akong mag eighteen.
Pero minsan di ko naaabutan si Boss Reed sa site kaya sa mga kasamahan na lang ni tatay napupunta ang meryenda. Kapag ganoon ay napapasimangot talaga ako.
"Anak."
Tumingin ako kay tatay sa pagitan ng pagsubo ng pagkain. "Po tay?"
Matiim ang tingin sa akin ni tatay. "Sabihin mo nga sa akin anak, may gusto ka ba kay Boss Reed?"
Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. Dinampot ko ang baso ng tubig at uminom. Dama ko pa ang paggasgas ng pagkain sa aking lalamunan.
Tumingin ako kay tatay. Matiim pa rin syang nakatingin sa akin.
Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. "T-Tay naman, b-bakit nyo naman po nasabing may gusto ako kay Boss Reed." Nauutal pang saad ko.
"Wala akong sinabing may gusto ko kay Boss Reed. Tinatanong ko lang kung may gusto ka. Napapansin ko kasi masyado kang magiliw sa kanya."
Nanghaba ang nguso ko kasabay ng pagiinit ng mukha.
"W-Wala po akong g-gusto kay Boss Reed tay. A-Ang tanda na kaya nya. P-Parang k-kuya lang po ang tingin ko sa kanya." Nauutal pang paliwanag ko.
Tumango tango si tatay. "Mabuti naman. Lagi ko sayong pinapaalala bata ka pa anak. Sa pag aaral mo muna ituon ang atensyon mo. Gusto kong makapag tapos ka ng pag aaral. Ayokong magaya ka sa ibang kabataan dyan na maagang nagsipag asawa dahil sa kapusukan." Muli nyang paalala.
"Opo tay, lagi ko pong tinatandaan yan." Nakangiti ng sabi ko.
Pinagpatuloy na namin ni tatay ang hapunan.
--
PINUNASAN ko ng malinis na panyo ang dark blue pencil skirt ko na above the knee ang haba. Natalsikan kasi ito ng gatas ng halo halo na tinutusok tusok ko ng plastic na kutsara. Ng mawala ang bakas ng gatas ay pinagpatuloy ko na ang pagtutusok ng plastic na kutsara sa halo halo. Ng medyo matunaw na ang yelo at nahalo ko na ang mga sahog ay nilantakan ko na ito habang naglalakad ako sa side walk.
Hindi ko kasabay ngayong uuwi si Sally dahil may gagawin pa silang project ng mga kagrupo nya sa bahay ng isang kaklase namin. Kami kasi ng mga kagrupo ko ay tapos na kaya nga nagutom ako eh. Uubusin ko muna itong halo halo habang naglalakad ng mabagal saka ako sasakay ng jeep. Ayoko kasing kumain sa loob ng jeep dahil nakakakailang.
Malapit ng mangalahati ang halo halo ko ng may humintong itim na pick up truck sa tapat ko. Hindi ko yun pinansin at nagtuloy tuloy lang sa pagkain ng halo halo habang naglalakad ng mabagal.
"Donna."
Natigilan ako sa pagnguya ng saging kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ng marinig ang malaking boses ni Boss Reed. Mabilis akong lumingon. Nasa driver seat sya ng itim na pick up truck na huminto sa tapat ko.
Nilunok ko ang saging at ngumiti.
"Boss Reed!"
Ngumisi sya. "Pauwi ka na?"
Sunod sunod na tumango ako.
"Sumabay ka na sa akin." Yaya nya.
Namilog naman ang mata ko at lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Talaga po?" Di makapaniwalang tanong ko. Isasabay daw nya ako sa sasakyan nya.
Tumawa sya at binuksan ang pintuan sa front passenger seat.
"Sakay ka na."
Hindi na ako nagkipot pa at agad na lumapit sa sasakyan nya. Medyo nahirapan pa ako dahil may kataasan ang sasakyan nya. Lumilislis pataas ang palda ko.
"Careful."
Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ako sa braso para alalayang makaupo. Lalong nataranta ang puso ko sa pagtibok.
"Fasten your seatbelt." Untag nya sa akin.
Di ko naman alam kung saan ilalapag ang hawak kong cup ng halo halo.
Tumawa naman sya. "Let me."
"Ha?"
Akala ko ay kukunin nya sa akin ang cup. Pero dumukwang sya sa akin at inabot ang seatbelt. Nahigit ko ang hininga ng halos isang dangkal na lang ang agwat ng mga mukha namin. Naaamoy ko ang mabangong hininga nya na amoy mint. Tumatama din ang mainit nyang hininga sa mukha ko. Iniwas ko ang tingin ng tumingin sya sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay sinisilaban na ang mukha ko sa init nito.
*****