Chapter 3

1430 Words
Donna HINDI ko mapigilang mapasimangot habang nagsasandok ng pansit sa plato. Eh kasi naman parang bata akong ituring ni Boss Reed kanina. Tinawag pa nya akong little girl. Hindi ba nya nakikitang di na ako bata? "Problema mo Don? Simangot na simangot ka ah?" Tanong ni Sally na ngumunguya na naman. Ngumuso ako. "Wala." Nagkibit balikat na lang sya. "Ay ako na pala ang maghahatid nyan sa labas." Excited na presinta ni Sally. "Hindi na! Ako ang maghahatid nito sa labas." Ngumuso sya. "Huu, gusto mo lang magpapansin kay Boss Reed eh. Akala mo di ko napapansin ah." Panunukso nya. Nag init naman ang pisngi ko. "H-Hindi ah!" Tanggi ko. "Huu! Deny ka pa. Halatado ka po. Titig na titig ka sa kanya kanina. Sumbong kita kay Mang Ipe." "Sally!" Ngumiti sya. "Aminin mo muna na may gusto ka kay Boss Reed." Lalong nag init ang mukha ko. Di ko akalain na mapapansin pa yun ni Sally. "Oo na. Pero huwag mong sasabihin kay tatay ah. Papagalitan ako nun." Pinandilatan ko sya ng mata. "Talagang papagalitan ka nun kapag nalaman na ang prinsesa nya ay humaharot na at sa boss pa nya." Humagikgik sya. "Gaga. Humaharot ka dyan." "Totoo naman ah! Ayan nga ayaw mong ipahatid sa akin ang pansit na para kay Boss Reed." "S-Syempre! Ako ang anak ng celebrant." Palusot ko pa. "Oo na sige na." Kunwaring inirapan ko na lang si Sally na may mapanuksong ngiti sa labi. Dinamihan ko ang sahog ng pansit at maayos ko talaga yung in-arrange sa plato. Ng makuntento na ako ay binitbit ko na yun at nilabas. "Boss Reed heto na po yung pansit nyo." Ngiting ngiti na binaba ko ang pansit sa harapan ni Boss Reed. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Oh thanks Donna. Mukhang masarap tong pansit ah." Tila kinikiliti ang puso ko sa ngiti nya. "Masarap po talaga yan. Si tatay po ang nagluto nyan." "Naku itong anak ko talaga binida pa ako kay boss." Sabat ni tatay na katabi lang ng upuan ni Boss Reed. "Sige nga matikman nga ng mahusgahan." Natatawang sambit ni Boss Reed at sumubo na ng pansit. Nginuya nya yun at tumango tango. "Hmm.. masarap nga. Magaling ka rin palang magluto Mang Ipe." Kumamot naman si tatay sa ulo at nangiti. "Salamat boss." Ayoko mang umalis sa tabi nila ay hindi naman pwede dahil papagalitan ako ni tatay. "Tay sa loob na po ako." Sinadya ko talagang magpaalam kay tatay. "O sige anak, tatawagin na lang kita kapag may kailangan." "Opo." Tumingin sa akin si Boss Reed at ngumiti. Nagregodon naman sa pagtibok ang puso ko. Bahagya akong yumuko at tumalikod na habang pigil pigil ang kilig. Mula sa bintana ay pasimple akong sumisilip kay Boss Reed na nakikipag tawanan sa ibang mga bisita habang umiinom ng beer. Prente syang nakaupo sa monoblock chair habang nakadekwatro. Kahit nakaupo sya halatang malaking tao. At kahit side profile nya ang gwapo pa rin. Ang tangos tangos ng ilong. Hay.. ang gwapo nya talaga. May girlfriend na kaya sya o asawa? -- PATINGIN tingin ako kay tatay habang nag a-almusal kami. Ang umagahan namin ay kanin at ang natirang lechon kahapon na ginawa nyang lechon paksiw. Hatinggabi na natapos ang inuman nila kagabi. Sayang nga si Boss Reed hindi masyadong nagtagal. Tumingin sa akin si tatay. "O anak bakit? Hindi mo ba gusto ang lechon paksiw? May hotdog at bacon sa ref. Ipagpiprito kita. Gusto mo?" Napangiti ako. Si tatay talaga parang bata pa rin ako kung ituring. "Hindi po tay. Ok na po sa akin tong lechon paksiw. Masarap nga po eh." Sabi ko. Tumango naman si tatay at pinagpagpatuloy na ang pagkain. Nakaligo na sya at nakabihis. Ready ng pumasok sa trabaho. Tumikhim ako. "Tay mabait po bang boss si Boss Reed?" Tanong ko. Sumulyap sa akin si tatay. "Oo naman anak. Mabait yun si Boss Reed at galante pa. Binigyan nga ako ng pasobre kagabi bago umalis. Pabirthday nya sa akin. Mamaya abutan kita." "Talaga tay? Ang bait nga ni Boss Reed." "Oo, mabait talaga yun si boss pero masama din magalit lalo na sa mga taong niloloko sya." Tumango tango ako sa sinabi ni tatay at sumubo ng kanin. "Ilang taon na po ba si Boss Reed tay?" "Ang alam ko nasa treinta mahigit na sya." "Ah." Thirty plus na pala si Boss Reed. Ang laki pala ng agwat ng edad namin. Pasimple akong tumingin kay tatay. "Ahm, may asawa na po ba sya tay?" "Wala, wala yatang balak mag asawa yun." Natatawang sabi ni tatay. Napakagat labi naman ako sa tuwa dahil wala pa palang asawa si Boss Reed. "Eh girlfriend tay?" Kumunot ang noo ni tatay. "Hindi ako sigurado anak eh." Natigilan sya at tumingin sa akin. "Teka bakit mo tinatanong?" Ngumuso ako. "Syempre tay, gusto ko pong makilala ang amo nyo kung mabait na tao ba." Sabi ko na di na makatingin sa kanya ng diretso. Naging sunod sunod na rin ang subo ko ng kanin at lechon paksiw. "Hmm ang sarap talaga ng pagkakaluto nyo tay ng lechong paksiw. Marami nga ring nasarapan sa luto nyong pansit kahalon eh. Kapag sawa na kayo magtrabaho sa construction mag cook na lang kayo tay." Pag iiba ko ng topic. Tumawa naman si tatay. "Sus! Binola mo pa ako. Oo na, may dagdag ang ibibigay ko sayo mamaya." Ngumiti ako. "Thank you tay." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi nakahalata si tatay. Simula ng araw na yun ay may lihim na akong pagtatangi kay Boss Reed, ang amo ni tatay. Lihim dahil walang nakakaalam kundi si Sally lang. Ayokong malaman ni tatay dahil siguradong papagalitan nya ako. Masyado pa naman syang strikto. Kahit crush bawal. Pero hindi ko na ulit nakita si Boss Reed. Maliban lang sa minsan tumatawag sya kay tatay at talaga nga namang tumatalon sa tuwa ang puso ko. Kulang na nga lang sabihin ko kay tatay na i-loud speaker nya para marinig ko ang boses ni Boss Reed. -- "BYE guys! Kitakits na lang bukas." Paalam namin ni Sally sa mga kaklase namin paglabas namin ng gate ng school. "Tara Donna fishball muna tayo nagugutom na ko eh." Yaya sa akin ni Sally. "Lagi ka namang gutom eh." Natatawang sabi ko. "Eh sa masarap kumain eh. Ano gagawen?" "Oo na, kain na tayo fishball." Tumawid kami at lumapit sa isang fish ball vendor. May mga estudyante ding bumibili kaya naghintay kami sa likuran ni Sally. Meron ding ibang mabibiling pagkain pero mas bet namin ni Sally ang fishball ngayon. "Hi Donna." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Kilala ko sya sa mukha pero hindi ko kilala ang pangalan. Grade 12 sya at madalas syang dumaan sa classroom namin kasama ang mga classmates nya. Nginitian ko lang sya. Umugong naman ang kantyawan ng mga classmates nyang lalaki. "Grabe ang dami talagang boylet na nagpapansin sayo. Ang haba ng hair mo girl." Bulong sa akin ni Sally sabay siko. Nagkibit balikat lang ako at nagtusok na ng fishball. Tatlong buwan na mula nagsimula ang eskwela. Marami na akong nakilala sa school at maituturing kong mga kaibigan ko na. Marami ring mga lalaking nagpapalipad hangin sa akin pero hindi ko na lang sila pinapansin kahit may mga hitsura pa ang iba sa kanila. Para sa akin kasi wala silang dating. Ng matapos na kaming kumain ni Sally ng fishball ay nag abang na kami ng traysikel pauwi. Ayaw nya kasing mag jeep dahil baka may makatabi na naman daw syang amoy putok maisuka lang nya ang kinain nyang fishball. Kahapon kasi ng sumakay kami sa jeep pauwi ay may katabi syang malakas ang amoy. Halos mahilo hilo nga kami at pigil pigil na lang ang hinga para hindi masinghot ang amoy. Pag uwi ko sa bahay ay nagulat ako ng makitang naroon na si tatay. Ini-expect ko kasi na gabi na sya makakauwi dahil may nira-rush daw silang project. Nitong mga nakaraang linggo nga ay lagi syang gabi na umuuwi. "Tay, ang aga nyo po yatang umuwi." Lumapit ako kay tatay at nagmano. "Na-assign kasi ako sa malapit na site anak, kaya maaga ng makakauwi si tatay." "Talaga tay? Saan po ang bago nyong site?" Binaba ko ang bag sa mesita at umupo sa sofa at hinubad ang sapatos. "Dyan lang anak sa Baranggay Manggahan. Kami ang gagawa ng itatayong town center. Bagong project yun ni Boss Reed." Pumintig ng mabilis ang puso ko ng marinig ang pangalan ni Boss Reed. Malapit lang pala ang bagong site na papasukan ni tatay. Pwedeng pwedeng lakarin. Ibig sabihin malaki ang chance makita ko ulit si Boss Reed. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD