Chapter 24

3364 Words
Samantha "Hi.. may I join you?" Kaagad akong napaangat ng tingin sa babaeng biglang nagsalita sa harapan ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng isang malaking puno ng Molave habang nagbabasa ng librong binili sa akin ni Wayne; The Science of Stem Cells By Wiley Blackwell. Sa katunayan hindi lang ito ang binili n'ya sa akin. Binilhan n'ya rin akong isang brand new Apple Laptop, iPhone 12 Pro Max, Biology, Chemistry and Physics books, Hamelin Spiral Notebook at iba pang gagamitin ko sa skwelahan. Hindi ko inaasahan ang mga 'yon ang bubungad sa akin sa sala ng hatakin n'ya ako palabas ng kusina. Walang pag lagyan ang tuwa at galak sa aking puso no'ng araw na 'yon. Akala ko pinaprank n'ya lang ako ng sabihin n'ya na pwede ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko at libre. Diba... pambihira talaga ang lalaking 'yon. Matapos n'ya akong pakiligin at paiyakin, pinasaya n'ya ako ulit. Tuloy halos lamutakin ko s'ya sa subrang galak sa surpresa n'ya sa akin. Ayaw ko pang maniwala no'ng una pero ito na, andito ako ngayon nag-aaral sa pinakasikat na University. First day of school ko ngayon dito sa Winx State University. Pangalan pa lang ang sosyal na. Sing sosyal ng mga estudyante sa ibang Department. Lalo na 'yong sa mga Engineering Department, naku, ayaw ko na lang mag talk. Buti na lang talaga at hindi gano'n ang kurso ko. Takot na takot pa ako no'ng una ng makita ko ang skwelahan. Pang mayaman. Alangan sa estado ng aking buhay. Siguro kung nakipagmatigasan pa ako sa mga Sales Lady noon sa pagpili ng damit ko baka nagmukha akong yagit sa paningin nila. Hindi naman kasi ganito 'yong first day of school ko sa probinsya no'ng first year college ako. Mas friendly 'yong mga studyante doon saamin or baka nanibago lang ako dahil new environment. Ibang school at bagong mga mukha. Bagong pakikisalamuhan. Hindi rin ako sigurado. Buti na lang talaga at hinatid ako ng personal driver ni Wayne no'ng enrollment day dahil busy s'ya sa work n'ya at hindi n'ya daw ako masamahan. Kaso 'yong mga studyante paglabas ko ng kotse, makatingin sa akin wagas. Kinakabahan tuloy ako sa uri ng mga tingin nila sa akin. Halos malula pa ako sa laki ng skwelahan. Daming pasikot-sikot. Ang hirap kapag first time. Nagkanda-ligaw-ligaw pa ako kakahanap ng opisina ng skwelahan. Buti na lang may nakasabay akong babae na doon din ang punta. Akala mo rumarampa sa paglakad. Nagtitilian pa 'yong ibang estudyante pagkakita sa kanya. Akala mo'y nakakita ng artista. Napapailing na lang ako sa kanila. Hindi ako sigurado kung nag-enrol din ba s'ya or hindi dahil bigla s'yang nawala pagkapasok ng pintuan ng opisina. 'Di ako sigurado kong dumeritso ba s'ya sa loob or what. Hindi ko kasi s'ya nakita sa loob pagpasok ko sa pintuan na pinasukan n'ya rin. Nag-iisa lang 'yong lalaking naabutan kong nakaupo sa harap ng registrar office. Nagulat pa ako ng matapos ko sabihin sa lalaki ang pangalan ko at sabihin nitong naka-enrol na daw ako. Akalain mo 'yon. Ang astig diba? "Yes, oo naman." nakangiti kong wika sa babaeng nakangiting nakatunghay sa akin. "Samantha, right?" sabi n'ya pa sa akin. Kaagad naman akong tumango sa kanya. "Caitlin." nakangiting pakilala n'ya sa akin sabay lahad ng kanang kamay na kaagad ko naman tinanggap. Nilagay ko sa kabilang gilid ko ang mga gamit ko. Kaagad naman s'yang umupo sa tabi ko. "Transferee ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito." nagtatakang tanong n'ya pa sa akin. I smiled at her. "Oo. Dati kasi sa probinsya ako nag-aaral." "Sabi ko na nga ba. Kaya pala ang iingay ng girls sa canteen ngayon." parang kinikilig pang ani n'ya sa akin. Nakakunot noo'ng nilingon ko s'ya. "A-Anong..." "'Yong taga Engineering Department si Luigi, biglang napadpad dito sa Department natin." "Luigi?" "Oo, campus crush 'yon. Anak ng isa sa shareholder ng skwelahan na 'to." "So, anong... connect n'ya sa a-akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. 'Di ko s'ya maintindihan. Hindi naman ako interisado sa Luigi na 'yon at hindi ko kilala. "Natipuhan ka ata. Narinig ko pang pinagtanong-tanong ng mga kabarkada n'ya 'yong pangalan mo." Natawa ako sa sinabi n'ya. Pambihira, ako pa natipuhan. Napailing na lang ako sa aking naisip. Ilang oras pa kaming nanatili doon at nagkwentuhan. Nahalungkat 'din ang tungkol sa mga buhay-buhay namin. Ayaw ko sana mag-open up dahil kakakilala ko lang sa kanya kaso nang s'ya mag-open tungkol sa buhay n'ya, napaopen na rin ako. Pero tungkol sa buhay ko sa probinsya lang ang sinabi ko. Wala akong binanggit tungkol sa private at personal kong buhay. May tamang panahon para doon. Nagustuhan ko ang kaprangkahan n'ya. At ang daldal! Kaya kaagad ko s'yang nakapalagayan ng loob. Mukhang 'di plastik. Nang tumunog na ang bell, sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa room for our next subject. Natapos ang unang araw ko sa skwelahan na masaya. Though pinagtitinginan ako at nagbubulungan pa ang ibang kaklase ko habang nakatingin sa akin, hindi ko na lang sila pinansin. May bagong kaibigan naman ako na si Caitlin na halos 'di na humihinga kakakwento. Sabi n'ya may apat pa s'yang ibang close friends since first year till now na ipapakilala sa akin. Hindi lang pumasok ngayon dahil wala pa namang matinong lecture. Puro pagpapakilala lang naman at orientation ang ginawa. "Hi.. Sam, baka pwede raw mahingi ang number mo?" Naglalakad kami ni Caitlin sa hallway palabas ng Campus ng may isang lalaking humarang sa daraanan namin. Nagulat pa ako ng iabot nito sa akin ang isang maliit na notebook at ballpen. Maang akong nagpalipat-lipat ng tingin sa lalaki at sa inaabot nito sa akin. Kaagad naman akong hinawakan ni Caitlin sa braso at hinarap ang lalaki. "Hoy Ivan..." duro n'ya pa dito na kinaatras naman ng lalaki habang nakakalukong nakangisi saamin. "Pakisabi sa nag-utos sayo na 'wag madamay-damay itong si Sam sa mga pinapaiyak n'yang babae at ako ang makakalaban n'ya. Naintindihan mo..? Alis.. Tsupe.. Unang araw ng klase magsisimula na naman kayo maghasik ng lagim." Napapakamot naman sa ulong mabilis na tumalikod ang lalaki. "Mga 'to talaga, pwerke baguhan." naiinis pang ani n'ya habang nakapamaywang na sinusundan ng masamang tingin ang lalaki. "Tara na.. hayaan mo sila." natatawang sabi ko sa kanya. "Naku Sam, kilala ko ang grupo nina Luigi. Hindi 'yon titigil hanggat 'di makuha ang gusto nila. Buti na lang at nilapitan kita kanina don sa puno. Akala ko no'ng una..." kaagad s'yang huminto at mariin na pumikit. "Nagkamali ako ng first impression ko sayo. Sorry... Rest assured hanggat kasama mo kami ng mga frienny ko, ligtas ka sa mga bully dito." nakangiti n'yang sabi sa'kin sabay abresiyete sa kaliwang braso ko at hinatak na ako palabas ng Campus. Natatawa naman akong napasunod sa hatak n'ya. Hindi ko akalain na makakatagpo akong taong kagaya n'ya sa lugar na 'to. I mean... ang akala ko kasi puro sila maldita dahil mayayaman. Nagkamali din ako sa first impression ko sa kanya. Pinagtanggol n'ya pa ako kanina 'don sa isang taga Tourism Department na babae na tinarayan ako dahil inaagaw ko daw si Luigi. Malay ko ba naman do'n kung sino 'yon. At tsaka hindi ako interesado sa lalaking 'yon dahil may asawa ako. Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko kanino man. Napangiti ako sa aking naisip. Bigla tuloy akong na-excite ng matanawan ko ang kotse ni Wayne na nakaparada sa kabilang kalsada. "Nandito na 'yong sundo ko. Teka... saan ka ba umuuwi? Sabay ka na sa'kin, ihahatid na lang kita." "'Wag na. Salamat. Ayon na 'din 'yong sundo ko." turo ko pa sa kanya sa kotse ni Wayne. Kaagad n'ya naman sinundan ng tingin ang gawi na tinuro ng kamay ko at saka napatango-tango. "Pa'no 'yan, kita-kits na lang bukas." nakangiti n'yang sabi sa akin. I smiled back. "Salamat sa company mo sa maghapon Cait. Ingat kayo sa byahe." "Naku wala 'yon. Basta magaan ang loob ko sayo and we're friends now. Sige na at may curfew ako kay Dad. Ingat din kayo sa byahe ah." ani n'ya sa akin at kaagad ng sumakay ng kotse. Binuksan n'ya pa ang bintana at nakangiting kumaway sa akin. I waved back at her. At nakangiting naglakad na rin ako patungo sa kinaroroonan ng kotse ni Wayne. Kaagad bumukas ang pintuan ng kotse n'ya pagkalapit ko dito. Nakangiting mukha n'ya ang sumalubong sa akin pagkapasok ko. 'Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong kiligin ng makita ko ang gwapo n'yang mukha. Sukat doon tumalon na naman ang nababaliw kong puso't hindi na mapakali pa sa loob ng ribcage ko. Nakasuot lang naman s'ya ng olive denim shirt and white denim shorts. Kahit siguro basahan ang isuot n'ya ang gwapo pa rin. Lahat na lang bumabagay. Nakabukas pa ang ilang butones ng shirt n'ya. Bakit ba ang hilig ng lalaking 'to ipakita ang dibdib n'ya? Dapat para sa aking mga mata lang 'yan e. May pinapakitaan pa ba s'yang iba? Naiinis na himutok ko pa sa aking sarili. Kaagad din akong natigilan ng malakas s'yang tumikhim at nakita kong lumapad pa lalo ang ngiti n'ya sa akin. Oh my golay! Ang captain america ng buhay ko! Nasa cloud nine siguro ako lagi kung araw-araw ganito ang susundo at sasalubong sa mga mata ko. 'Yong feeling na makita mo pa lang ang mukha n'ya, ang nakaka-in-love na mga titig n'ya sa'yo habang nginingitian ka. Pakiramdam ko parang unti-unti akong lumulutang sa alapaap at tanging s'ya lamang ang nakikita ko sa aking paligid, wala ng iba pa. Ganun katindi ang tama ko sa lalaking 'to! Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa kanya. Nagulat pa ako ng bahagya s'yang dumukwang sa akin at lumanding ang kanang kamay sa gilid ng labi ko. "You're drooling, baby." tudyo n'ya pa sa akin. Kaagad kong tinabig ang kamay n'ya na nasa gilid ng mga labi ko. Malakas pa s'yang napahagalpak ng tawa sa ginawa ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Yabang." ani ko sa kanya sabay irap. Lumakas pa lalo ang tawa n'ya na ikinatawa ko na rin. Pinaghahampas ko s'ya sa braso n'ya habang tumatawa. Walanghiya talaga! In-start n'ya na ang sasakyan at mabilis na nilisan ang skwelahan. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa Condo Unit n'ya na kami. "How's your first day in school?" tanong n'ya sa akin habang papasok kami ng Unit n'ya. "I met new friend named Caitlin. She's nice and I kinda like her. Pinagtanggol n'ya din ako do'n sa babaeng taga Tourism..." "Did someone bully you?" kaagad ko s'yang nilingon ng mahimigan ko ang inis sa boses n'ya. Natigilan pa ako ng makita kong salubong na ang mga kilay n'ya. Kaagad kong binaba sa sofa ang bitbit kong gamit at nilapitan s'ya. Hinaplos ko kaagad ang noo at mga kilay n'ya. "'Yang noo at kilay mo nagsasalubong na naman." Sinimangutan n'ya ako. "Ayaw ko lang na binubully nila ang asawa ko. Drop their names..." Kaagad ko siyang tinapik sa braso. "Wayne." He heaved a deep sighs. "Next time kapag..." "Wayne... hayaan mo na. Wala namang kwenta 'yon. Pinagselosan lang ako kay Luigi..." "Who's Luigi?!" asik n'ya sa akin. Napapitlag pa ako ng bahagyang lumakas ang boses n'ya. "Hindi ko kilala. Taga Engineering Department..." "Anong ginagawa ng taga Engineering na 'yon sa inyo e pagkalayo-layo na no'n? Dumayo pa talaga. Nagpapaligaw ka ba?" Kaagad ko s'yang nabitawan sa tanong n'ya sa akin. Nasasaktang tinitigan ko s'ya sabay atras palayo sa kanya. Hinuhusgahan n'ya ba ako? Ganun ba kababa ang tingin n'ya sa akin? Bakit ganun... bakit ang bilis n'ya akong husgahan? Wala ba s'yang tiwala sa akin? Pakiramdam ko para akong unti-unting dinudurog sa biglang sakit na pumulupot sa puso ko ng tanungin n'ya ako kung nagpapaligaw ba ako. 'Yong feeling na patay na patay ka sa kanya pero s'ya parang patay na walang pakiramdam. Mas mabuti pa nga 'yong patay e nagpaparamdam. E, siya? Buhay pero parang patay. Hindi marunong makiramdam. Hindi n'ya ba ramdam ang pagmamahal ko sa kanya? Napangisi pa ako sa aking naisip at mabilis pinalis ng aking kamay ang luhang biglang tumulo sa aking mga mata. Natatarantang kaagad n'ya naman akong nilapitan pero umatras ako. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng mga luha ko ngunit ang mga lintik ayaw maampat at panay tulo. Hindi ako makapagsalita at siguradong gagaralgal lang ang boses ko kaya sinenyasan ko na lang s'ya gamit ang aking kaliwang kamay na 'wag lumapit sa akin habang panay ang antras ko kada hakbang n'ya palapit sa akin. Nang maramdaman ko na pader na ang nasa likod ko mabilis akong kumaripas ng takbo palayo sa kanya. "Sam..!" "F*ck... Samantha I'm sorry!" Narinig ko pang sigaw n'ya ngunit hindi ko s'ya pinansin. Kaagad akong pumasok sa kanyang kwarto at ni-lock iyon. Malakas akong napahagulhol. Napaigtad pa ako ng marinig ko ang malalakas n'yang katok sa labas ng pintuan habang tinatawag ang pangalan ko at humihingi ng sorry. Hindi ko s'ya pinansin. Binuhos ko kaagad ang lahat ng sama ng loob na nasa dibdib ko na basta na lang nagsipagsulputan. Animo'y nag-aantay lang ng pagkakataon para sumabog. Nagkandapatong-patong na. Iwan ko ba at bakit nagiging attached ako masyado sa kanya. Dahil ba sa s'ya ang nakauna sa akin kaya nagkakaganito ako? Ganito ba ang pakiramdam ng umiibig? Mahal mo pa rin kahit nasasaktan ka. Kapag nagselos ka ba, ibig sabihin mahal mo na s'ya? Kung oo, e 'di mahal ko na nga s'ya. Mahal na mahal na halos hindi ako makahinga sa lintik na pagmamahal ko sa kanya. "Sam, please open this door." parang nagmamakaawang narinig kong ani n'ya sa labas ng pintuan ng kwarto. Ngunit 'di ko pa rin s'ya pinansin. Hilam ang mga matang naglakad ako palapit sa closet. Kumuha akong t-shirt n'ya at cotton short ko. Kaagad akong nagpalit ng aking suot na uniform at nahiga ng padapa sa kama. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang aking pag-iyak. Hindi ko alam kong ilang oras ako nakatulog ng maalimpungatan ako sa banayad na mga halik sa aking ulo ni Wayne habang mahigpit n'ya akong yakap-yakap paharap sa kanya. Hindi ako makahinga kaya bahagya akong gumalaw para tanggalin ang mga braso n'yang parang bakal na nakapulupot sa akin. Bahagya lang lumuwang ang pagkakahawak n'ya sa akin. Hindi n'ya pa rin ako binibitawan. "Sam." Tawag n'ya sa akin pero 'di ko s'ya tiningnan. Nagtataka ako kung pa'no s'ya nakapasok dito e ni-lock ko 'yong pinto nang bigla ko rin maalala na Unit n'ya pala 'to. Malamang may susi s'ya. Narinig ko s'yang malalim na napabuntong-hininga. Gumalaw ang kanyang kanang kamay at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na tumabing sa aking mukha. Hinawakan n'ya ang aking baba at inangat para magtama ang paningin naming dalawa pero umiwas ako. Ngunit hindi s'ya sumuko. Gumalaw s'ya at umibabaw sa akin. Nawalan na akong choice kundi ang titigan s'ya ng e-pirmes n'ya ang aking mukha. Nakatukod ang kanyang kaliwang siko sa kanang gilid ng mukha ko habang hawak naman ng kanang kamay n'ya ang baba ko. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you." wika n'ya sa'kin habang matamang nakatitig sa aking namumugtong mga mata. Hindi ako umimik. Pilit kong iniiwas ang aking paningin sa nagpapaawa n'yang mga mata ngunit binabalik din sa dating pwesto ng kamay n'ya ang mukha ko. I heaved out a deep sighs and look at his eyes. "I'm sorry." ani n'ya ulit habang marahan na hinahaplos na ng likod ng kanyang kanang kamay ang pisngi ko. "Please, 'wag ka ng magalit. Quarter to seven na. Kain na tayo." Dahan-dahan s'yang bumangon, umalis sa pagkakadagan sa akin matapos n'yang sabihin 'yon at naupo habang nakatitig pa rin sa akin. Tahimik na nakatingin lang din ako sa kanya. He held my hand. "Babe." I heaved out a deep sighs once more and slowly got up. Inalalayan n'ya akong makatayo. Akala mo naman may sakit ako. Sa puso ang masakit sa akin hindi naman sa paa. Napailing na lang ako. Inakbayan n'ya ako habang naglalakad kami palabas ng kuwarto. Dumeritso kami ng kusina. Kaagad n'ya akong pinanghila ng upuan at pinaupo doon. Tahimik lang akong sinusundan s'ya ng tingin habang inaasikaso ako. 'Di ko akalain na may side s'ya na ganito. Nagpapakumbaba. Tanggap ang pagkakamali n'ya at bumabawi. Kaagad kong pinigilan ang kamay n'ya ng bigla s'yang sumandok ng kanin at ulam sa plato ko gamit ang kutsara ko. "Ako na. Parang gusto mo pa akong subuan. Hindi naman ako baldado." Narinig ko pa ang kanyang mahinang pagtawa sa sinabi ko. Kaagad s'yang naglakad pabalik sa kanyang upuan sa ibayo habang malapad na nakangiting nakatitig sa akin. I smiled back and start munching my food. We didn't talk nor open any conversation. Sapat na ang ngiti at tinginan naming dalawa para malaman na nagkakaintindihan kaming dalawa. Matapos naming kumain kaagad akong nagligpit ng aming pinagkainan at dinala ito sa lababo para hugasan. Kasalukuyan akong naghuhugas ng maramdaman ko ang pagyakap n'ya sa aking baywang mula sa aking likuran. Makailang ulit ko pang naramdaman ang paulit-ulit n'yang pagdampi ng halik sa tuktok ng aking ulo. "I'm sorry, babe." paulit-ulit n'ya ring hinging pasensya sa akin. Sino ba naman ako para hindi s'ya patawarin? Nag sorry naman na s'ya so.. I sighed. "Apology accepted." mahina kong sabi sa kanya na sinuklian n'ya naman ng mas mahigpit pang yakap. Hindi n'ya pa rin ako binibitawan hanggang sa makatapos ako sa hinuhugasan ko. Kahit naglakad na ako palapit sa kabinet kung saan nakalagay ang mga washcloth at basahan para magpunas ako ng basa kong mga kamay ay 'di n'ya pa rin ako binibitawan. Animoy magnet na nakadikit na sa likod ko. Napapailing na lang akong naglakad palabas ng kusina nang malakas akong mapatili ng lumutang ako sa ere. He scooped me up in a bridal style. Nanlalaki pa ang mugto kong mga mata sa gulat. Kaagad kong ipinulupot ang aking mga braso sa leeg n'ya. Malakas s'yang napahalakhak sa naging reaksyon ko. Walanghiya talaga. Nangingiti akong hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanyang leeg. Animoy sinasakal ko s'ya ngunit kaagad n'yang binaling ang mukha sa akin at sinakop ang labi ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya kaya kaagad akong napabitaw sa pagkakayakap sa leeg n'ya. Dahan-dahan n'ya akong nilapag sa kama. He turn on the lampshade and walk toward the door. Sinarado n'ya iyon at pinatay ang ilaw. Kaagad ko namang hinawakan ang comforter at pumaloob doon. Tumagilid ako ng higa, patalikod sa kanya. Narinig ko pa siyang ilang ulit bumuntong hininga. Ramdam ko ang init ng titig n'ya sa'king likod pero hindi ko na s'ya binalingan pa at pinikit na ang aking mga mata para matulog. Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman ko ang paglundo ng kama. Itinaas n'ya rin ang comforter at pumaloob doon. Bahagya pang gumalaw ang kama ng umusod pa s'ya lalo palapit sa likod ko. Pakiramdam ko huminto ang aking paghinga ng dumantay ang braso n'ya sa baywang ko. Tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Hindi na mapirmes pa sa pwesto. Para ng dinuduyan. Animo'y kilalang-kilala ang lalaking katabi ko. Kunting dikit lang ng balat n'ya sa akin tumatalon na agad. Pati mga paru-paro sa tiyan ko nagrarambulan na. Ganun kaactive ang senses ko pagdating sa kanya. Ang utak ko lang talaga ang lutang at hindi makapag-isip ng matino sa tuwing kasama ko s'ya. Lalo na kung abot kamay ko lamang s'ya. Kaagad dumaloy ang kuryente sa katawan ko patungo sa gitnang parte ng katawan ko ng kumilos ang kamay n'ya. Sinalo n'ya ang aking dibdib at nilaro iyon. Hindi ako makagalaw. Parang naitulos ako sa kinahihigaan ko habang nakatalikod sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n'ya sa likod ko. Hindi s'ya nakuntento at pinasok pa sa loob ng malaking t-shirt n'ya na suot ko. Wala akong suot na panloob kaya ramdam ko agad ang mainit n'yang naglulumikot na kamay na marahan itong menamasahe habang hinahalikan ako sa aking ulo. Hinawi n'ya pa ang buhok ko at matunog akong sinimulang halikan sa aking leeg patungo sa aking punong tainga. 'Di ko na mapigilan pa ang sarili kong mapadaing sa sensasyong hatid ng bawat haplos at halik n'ya sa akin. "Sam, baby." His bed room voice assaulted my ear. Hinarap ko s'ya saka niyakap ng mahigpit. He kissed my forehead. Then sleep while hugging each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD