Samantha
Hey there, nice to meet you but
I'm gonna have to pass cause
I'm so in love
With him over there
I know he's not the one
You thought that I would call my man but so what
He got no supermodel hollywood looks
He ain't no harvard grad with his nose in the books
But still I'd rather waste my time with him
Than be anywhere, anywhere with you
Because atleast I know he cares
So in my mind, he is the best damn waste of time
Sumasayaw-sayaw pa ako habang sinusundan ang kantang "Waste of Time" by Claude Kelly. Nahalungkat kong nakahiwalay sa mga nakasalansan n'yang disc. Nagtataka ako bakit puro Cars Sports DVDs & Blu-ray Discs 'yong nakita ko. Bakit meron s'ya ng mga gano'n? Matanda na s'ya para mangolekta pa ng mga no'n. Parang bata. Napailing ako sa aking naisip.
Kasalukuyan kong hinahalo ang karneng baboy na binabad ko sa toyo na may kalamansi, paminta at maraming bawang kagabi habang inaantay kong uminit ang mantika sa kawali. Nang makuntento ako sa paghalo ko, hinugasan ko naman ang limang malalaking kamatis at dalawang pirasong pipino. Nang makita kong mainit na ang mantika naglagay ako ang dalawang malaking pirasong karneng baboy sa kawali. Kinuha ko ang kutsilyo at tadtaran at sinimulang hiwain naman ang kamatis at pipino habang kumakanta pa rin. Pakiramdam ko malapit na akong masiraan ng bait sa subrang tahimik ng paligid ko. Wala man lang akong makausap. Buti na lang talaga at may DVD player s'ya.
Say what you want (woo-oh)
But I'm in love (woo-oh)
Cause on my mind he is my best damn waste of time
Engrossed na engrossed ako sa aking ginagawa ng may mga brasong biglang pumulupot sa baywang ko ng mahigpit. Malakas akong napatili.
"Seems like you're very busy, wifey." bulong n'ya sa punong tainga ko. Nakiliti pa ako ng maramdaman ko ang mainit n'yang hininga at mga labi na dumantay doon at sa leeg ko.
Kaagad kong binitawan ang kutsilyo at pinagkakalas ang mga braso n'ya. Binitawan n'ya naman ako at kaagad ko s'yang hinarap. Dalawang hakbang paatras ang ginawa n'ya. Natigilan pa ako ng makita kong nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. He looks... stress? Wala ba s'yang tulog? Bigla akong tinubuan ng awa at pag-aalala ngunit kaagad ko din sinawata ang sarili ko at may kasalanan pa s'ya sa akin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Bakit ngayon ka lang?"
Hindi n'ya ako sinagot. Nanatili lang s'yang nakatitig sa akin. I scanned him from head to toe. Nasa kanang braso nakasampay ang hinubad na royal blue n'yang blazer terno sa kanyang suot na slacks na pants. Tanggal na rin ang kanyang necktie, animo'y nasasakal s'ya, pati ang ilang butones sa suot n'yang white long sleeve tanggal na rin at nakapaa na lang s'ya. Pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha nakita ko pang bahagyang nakataas ang gilid ng kanyang mga labi. Nabwesit ako lalo.
Aba't... Pinamaywangan ko s'ya. "Ano, hindi ka magsasalita? Nakuha mo pa akong pagtawanan d'yan. Saan ka galing? Buti at alam mo pa ang daan pauwi."
He chuckled. "Nagger wife." nakangisi n'ya pang wika sa'kin habang hinihimas ng kaliwang kamay ang batok n'ya.
Sinamaan ko pa s'ya lalo ng tingin. Akala n'ya natutuwa ako sa ginawa n'ya. Hah... mamaya ka lang. Napangiti ako sa aking isip.
Sinampay n'ya ang suit n'ya sa sandalan ng upuan at humakbang palapit sa akin.
Tinaas ko ang aking kamay para pigilan s'yang lumapit sa akin. "Huwag kang makalapit-lapit sa akin at mainit ang ulo ko sayo." nakasimangot kong sabi sa kanya at tumalikod para tingnan ang piniprito ko.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Napatili ako ng malakas at mariin na napapikit ng haklitin n'ya ang baywang ko. Narinig ko pa ang malakas n'yang halakhak. Kaagad akong napahawak sa mga braso n'yang mahigpit na pumulupot sa aking baywang. Nakataas pa ang mga tuhod ko sa ere. Nang mahimasmasan ako pinagpapalo ko ang braso n'ya. Ngunit 'di n'ya pa rin ako binibitawan
"I miss you." narinig ko pang sabi n'ya habang pilit na sinisiksik ang mukha sa leeg ko.
Lumukso kaagad ang puso ko sa aking narinig. Pati ang mga paru-paro at kulisap sa tiyan ko nagrambulan. Animo'y mga palakang natubigan at bigla na lang nag-iingay. Mga traydor talaga. Matapos ko maghirap ng dalawang linggo kakaantay sa kanya, na halos mabaliw ako kakaisip kung napano na s'ya, tapos ngayon dahil lang sa tatlong salita n'ya naliligalig kayo? Magsitigil kayo!
"Put me down!" sigaw ko sa kanya.
"Hmmm... ayoko." sabi n'ya habang inaamoy-amoy pa ako.
Na-conscious ako bigla sa ginagawa n'ya. T'ngna. Wala pa akong ligo.
"'Yong niluluto ko Wayne masusunog na!" sigaw ko sa kanya habang pilit na kinakalas ang mga braso n'ya.
Malalim s'yang bumuntong-hininga. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa baywang ko kaya mabilis ko itong kinalas muli. Nang makawala ako sa kanya ay mabilis akong naglakad palapit sa niluluto ko at sinilip ito. Binaliktad ko ang mga ito at mabibilis na hakbang na kaagad akong lumabas. Dumeritso ako sa sala. Dinampot ko ang remote na nasa center table at pinahinaan ang volume ng speaker. Baka mapagalitan n'ya ako. Mahirap na, pamamahay n'ya pa rin 'to at sampid lang ako. Sampid? Bigla akong natawa sa aking naisip.
Pagkatapos bumalik muli ako ng kusina. Nagtama pa ang paningin namin pagbungad ko sa b****a ng kusina. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nilapitan ang naudlot kong paghihiwa ng kamatis at pipino. Ramdam ko ang mainit n'yang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Narinig kong napabuntong-hininga s'ya muli.
"Mag-bihis ka na do'n. Maya-maya kakain na tayo." sabi ko sa kanya habang nililipat ang hiniwang kamatis sa malinis na mangkok.
Hinango ko ang luto ng karneng baboy sa isa pang plato at naglagay muli ng panibago. Hinarap ko naman ang pipino at sinimulang balatan at hiwain.
Maya-maya naramdaman ko ang mga yabag n'ya papalabas ng kusina. Kaagad akong tumigil sa paghihiwa ko at nilingon s'ya. Sinundan ko s'ya ng tingin. Nang mawala s'ya sa paningin ko, malalim akong napabuntong hininga.
I miss you.
Natigilan pa ako ng umalingaw-ngaw muli sa utak ko ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin at matuwa dahil 'don. Inaamin ko na-miss ko din s'ya. Oo nagulat ako kanina ng may biglang pumulupot na mga braso sa baywang ko pero ng maamoy ko ang mabango n'yang pabango at marinig ang boses n'ya, nakilala ko kaagad s'ya. Sukat doon lumukso ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Gusto kong mangiti sa tuwa sa kaalaman na nandito na s'ya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil pa-fall ang lalaking 'to. Baka isang araw maiwan na lang akong luhaan. At naiinis pa rin ako't nagagalit sa ginawa n'yang pang-iiwan sa akin dito ng dalawang linggo na wala man lang paalam. Anong akala n'ya sa akin multo at 'di n'ya alam na may kasama s'ya dito? Tapos ngayon may pa I miss you I miss you pa s'yang nalalaman? Hah... I miss you-hin n'ya mukha n'ya. Bwesit s'ya.
I heaved out a deep sighs. Kaagad kong nilipat ang hiniwa kong pipino sa isa pang mangkok. Kumuha akong isang buong sibuyas at hiniwa. Makailang beses pa akong napaluha. Ang hapdi sa mata! Pagkatapos kong mahiwa ay hinalo ko sa hiniwa kong pipino. Binudburan ko ng paminta at isang teaspoon na asukal. Nang makuntento ako sa kinalabasan ng lasa, binalingan ko naman ang 'di ko pa tapos na piniprito.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin ako magluto. Inayos ko na ang mga ito sa mesa. Kumuha ako ng dalawang pinggan at mga kubyertos. Nilagay ko ang plato n'ya sa kabilang ibayo at ako naman sa kabila. Naglagay din akong isang pitsel na malamig sa tubig sa gilid at dalawang baso.
Ngunit tapos na ako lahat-lahat wala pa rin s'ya. Lalabas na sana ako para tingnan kung ano ginagawa n'ya at bakit ang tagal, nagugutom pa naman na ako, nang malingunan ko s'yang nakangiting nakatayo sa hamba ng kusina. Nagulat pa ako ng makita kong may hawak s'yang palumpon na pulang rosas. Kaagad akong natigilan sa aking nakita. Teka... para sa akin ba 'yan? Tanong pa ng umaasa kong utak. 'Yong puso ko biglang tumibok ng pagkabilis-bilis at 'di na tumigil sa pagtumbling sa loob ng dibdib ko.
Malakas na tikhim n'ya ang nagpabalik sa aking natitigilan na utak. Napakurap-kurap pa ako at kaagad kong nilipat ang paningin sa kanyang mukha. Kinunutan ko s'ya ng noo ngunit lumapad lamang lalo ang ngiti n'ya. Parang gusto kong matunaw sa ganda ng ngiti n'ya. Dahan-dahan s'yang naglakad palapit sa akin. Oh Em Gee!
"A bouquet of red roses to my beautiful wife." nakangiti n'yang wika sa akin.
Tinitigan ko ang napakagandang bulaklak. Totoo ba 'to? Hindi n'ya ako pina-prank lang? Aw! Mahina pa akong napadaing sa kurot ko sa sarili ko. Narinig ko pang tinawanan n'ya ako sa ginawa ko pero 'di ko s'ya pinansin. Dahan-dahan kong inabot sa kamay n'ya ang bulaklak at mariin itong tinitigan.
Hindi nga ako namamalikmata lang!
Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko dito at sinamyo. Ang bango-bango. Fresh na fresh.
Maghahanap ako mamaya ng lagayan para 'di kaagad malanta.
Napangiti ako sa aking naisip. Sa buong buhay ko hindi ko naranasan kailan man ang mabigyan ng ganito. Ito ang unang beses na may lalaking nagbigay sa akin ng ganitong klaseng bulaklak. No'ng high school ako pinitas na bulaklak mula sa garden ng skwelahan lang namin binibigay ng anonymous kong manliligaw. Nilalagay sa ibabaw ng upuan ko. No'ng first year at second year college ako isang tangkay lang ng pulang rosas ang naaabutan ko sa loob ng aking locker. Hindi ko alam kung sino ang naglalagay at lihim na nanliligaw sa akin. Kaagad ko kasi binabasted ang sino man lalaking nagpapalipad hangin sa akin. Hindi pa man nakakapagsalita pinaprangka ko na agad.
Pinili ko ang makapagtapos ng pag-aaral sa choices na binigay sa'min ni Ate ng mga magulang namin kaya never ako nag-entertain ng manliligaw. Kaya ngayon pakiramdam ko nililigawan ako ng asawa ko. Hindi ko namalayan na abot tainga na pala ang ngiti ko. Biglang naglahong parang bula ang galit at inis ko sa kanya.
Hindi kaya... peace offering n'ya lang 'to?
Natigilan ako sa aking naisip. Ngunit ang baliw kong puso na parang binabagyo na sa loob ng dibdib ko, 'di ko na mapigilan pa ang sarili kong kiligin at umasa. Ganito pala ang pakiramdam ng nililigawan, kung ligaw nga itong ginagawa n'ya. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakakilig na nakakahaba ng hair!
Tiningnan ko si Wayne na nakangiti pa rin na nakatitig sa akin. Animo'y amused na amused sa naging reaksyon ko.
"T-Thank you." nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingkayad ako at dinampian s'ya ng mabilis na halik sa kanyang kaliwang pisngi.
Kinunutan n'ya ako ng noo sa ginawa ko. "That's all?"
"Huh?"
Bigla akong naguluhan sa tanong n'ya sa akin. Bakit that's all? Hindi ba dapat you're welcome?
"Let me teach you how to say thank you, wifey." sabi n'ya sa'kin sabay dampi ng mga labi sa bahagya ko pang nakabukas na mga labi.
Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya. Malakas akong napasinghap ng lumapat ang mainit n'yang labi sa mga labi ko. I moaned when I tasted his sweet lips, he groaned. He automatically snaked his arms around my waist and pulled me closer to his body and deepened the kiss. Then slid his tongue inside my mouth. Nang mahimasmasan ako ikinawit ko ang kaliwang braso ko sa leeg n'ya and copied the way he kiss me. It's feels like... home. Am I been longing for his kiss?
We're both panting when he released my lips. "Now you know how to say thank you to me next time, baby." wika n'ya sa akin at muling hahalikan pa sana ako ngunit umiwas na ako at tinanggal ang brasong nakapulupot sa baywang ko.
"L-Lalamig na ang pagkain. Kain na tayo." mahina kong sabi sa kanya habang nakayuko. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hiya. Masyado akong marupok sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil kunting suhol lang sa akin bumibigay naman ako agad.
Nang lumuwang ang pagkakahawak n'ya sa akin kaagad akong tumalikod at hinila ang isa pang upuan sa tabi ng upuan ko at nilapag doon ang bulaklak na binigay n'ya. Nagsandok ako kaagad ng kanin at nilagay sa plato n'ya at sa plato ko. Kumuha akong ulam at nilagyan ko ang plato n'ya at sa akin. Nilapit ko sa tabi ng plato n'ya ang pipino at hiniwang malalaking kamatis. Nagsalin din akong tubig sa kanyang baso at sa akin. Pagkatapos hinila ko ang upuan ko at naupo doon. Ngunit natigilan ako ng makita kong 'di pa s'ya nakaupo sa upuan n'ya. Kaagad ko s'yang nilingon. Nanatili lang s'yang nakatayo sa lugar kung saan ko s'ya iniwan at tahimik na nakatitig sa akin. Animo'y may mali sa ginagawa ko.
"Wayne, upo ka na do'n." untag ko sa kanya sabay turo sa kabilang ibayo ng mesa.
Ngunit hindi pa rin s'ya gumalaw. Parang naitulos sa kanyang kinatatayuan at nanatiling nakatitig lang sa akin. Napakamot na lang ako sa akin ulo at kaagad ng tumayo at nilapitan s'ya. Nakasunod pa sa akin ang mga mata n'ya.
I smiled. Hinawakan ko s'ya sa kanyang braso at marahan na hinatak. Nagpatangay naman s'ya. Hinila ko ang kanyang upuan at pinaupo s'ya doon. Naiiling pa akong naglakad pabalik sa upuan ko.
Patuloy n'ya pa rin akong tahimik na sinusundan ng kanyang mga mata. Hindi ko s'ya pinansin at nagsimula na akong kumain. Ngunit habang tumatagal naaasiwa na ako sa titig n'ya sa akin. Ano bang problema ng lalaking to?
"Ayaw mo ba ng pagkain? Sorry, yan lang niluto ko. 'Di ko naman kasi alam na darating ka."
Subalit hindi pa rin s'ya umiimik. Animo'y naging pipi sa harapan ko. Nagsalubong bigla ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "May dumi ba ako sa mukha? Anong nangyari at bigla kang nagkaganyan?" nakangisi kong tanong sa kanya.
He cleared his throat. "I-I'm sorry kung nawala akong dalawang linggo. I'm just... very busy. At.. huwag mong seryosohin ang mga bagay na ito, Sam. It's just part of my obligation to you that's why I-I..."
"I know. 'Wag mo ng problemahin pa. Naiintindihan ko... Kain na." mabilis kong putol sa gusto n'yang sabihin sa'kin sabay ngiti. Pero ang totoo parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Inabot ko ang basong may lamang tubig at kaagad ininom iyon.
"Hindi kita pagbabawalan sa gusto mong gawin at hindi rin kita hihigpitan. Same as mine, I expect na malaya ko pa ring magagawa ang gusto ko."
Ngunit hindi pa nga ako maka-get over sa una n'yang pasabog, may mas matindi pa palang kasunod. Halos mabulunan ako ng tubig na iniinom ko. Pakiramdam ko dumeritso sa baga ko 'yong tubig. Dumaan pa ang iba sa ilong ko. Hindi ako makahinga. Sunod-sunod akong napaubo habang pinapalo ang dibdib ko. Nag-aalalang kaagad n'ya naman akong nilapitan at hinimas-himas ang likod ko. Kaagad akong tumayo ng maramdaman ko ang mainit n'yang kamay sa likod ko at nagtungo sa lababo. Mabilis na pumatak ang pinipigilan kong mga luha sa aking mga mata. Subrang sakit. Pakiramdam ko parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko sa bawat katagang sinasabi n'ya. Matapos n'ya akong pakiligin, paiiyakin n'ya din naman pala ako. Ako 'tong si gaga umaasa. Akalain mo 'yon, kasal kami pero pwede n'yang gawin lahat ng gusto n'ya. Hah... malaya? So ibig sabihin kaya nawala s'ya ng dalawang linggo dahil nambabae s'ya? 'Yon ba ang definition n'ya sa malayang sinasabi n'ya? Gusto n'ya pala maging malaya e bakit pinakasalan n'ya pa ako? Dahil ba sa lintik na obligasyon na sinasabi n'ya?
Kaagad kong binuksan ang gripo sa lababo at naghilamos ng tumayo s'ya sa tabi ko. Inabutan n'ya akong malinis na washcloth. Kaagad ko naman kinuha at nagpunas ng mukha.
"Are you ok?" nag-aalalang wika n'ya sa akin habang hinihimas pa rin ng isang kamay ang likod ko.
Marahan akong tumango habang sumisinghot-singhot pa. Naglakad ako pabalik sa upuan ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Naupo rin s'ya sa kaibayo. Mariin n'ya akong tinitigan, pilit na hinuhuli ang aking mga mata pero sinikap kong umiwas at 'wag magtama ang aming mga mata. Tiyak malalaman n'yang umiyak ako at ayaw kong mangyari 'yon. Ang kaawaan n'ya.
Wala kaming kibuan habang kumakain. Nilalagyan ko pa rin ng panibagong kanin at ulam ang plato n'ya kapag nakikita kong unti na lang ang laman. Makailang ulit ko pa s'yang narinig na malalim na bumuntong-hininga. Hindi ko pa rin s'ya tinitingnan sa mukha kahit no'ng biglang hawakan n'ya ang kamay ko habang nilalagyan ko ang plato n'ya ng pagkain.
Pagkatapos namin kumain tahimik kong niligpit ang mga pinagkainan. Tinabi ko ang ibang tirang ulam para mamaya. Magluluto na lang ulit ako kapag nagkulang lalo't nandito s'ya at parang dragon kumain. Napangiti ako ng maalala ko si JM, parehas sila kumain. Parang gutom na gutom na iwan. Nagtataka ako kung saan n'ya ba nilalagay ang mga kinain n'ya sa ganda ng katawan n'ya at wala akong makita kahit kunting taba. Parang puro bato kasi ang katawan n'ya sa tigas. Batak na batak.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso n'ya sa baywang ko. Bahagya pa akong napaigtad sa gulat. Bumalik ba s'ya? Lumabas na s'ya kanina pa pagkatapos n'yang kumain at magligpit na ako ng pinagkainan.
Naramdaman ko pa ang paghalik n'ya sa ulo ko habang mahigpit na nakayakap sa akin mula sa likuran ko. Bigla tuloy nagrambulan ang mga kabayo sa puso ko. Mariin akong napapikit at kaagad sinawata ang aking sarili. Hindi pwedeng puso lagi ang pairalin ko.
"Naghuhugas ako, Wayne." reklamo ko sa kanya. Hindi ko naman makalas ang mga braso n'ya dahil puno ng bula ng sabon ang mga kamay ko.
Ngunit imbes na bitawan ako, lalo pa n'yang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Naguguluhan na naman ako sa inaakto ng lalaking 'to. Hindi ko alam kong gusto n'ya ba ako or ano. Or baka gusto n'yang manipulahin ang buhay ko, maging sunod-sunuran sa kanya, maging tao-tauhan n'ya. Bwesit s'ya!
"I miss you. What you have been doing last past two weeks?"
"Naglinis ng buong bahay..." habang parang tangang nag-alala at nag-antay sayo. Gusto ko pa sanang idugtong kaso pinigilan ko na ang sarili ko. Baka lumaki lang lalo ang ulo n'ya. Isipin n'ya pang gusto ko s'ya.
"Hindi mo naman kailangan maglinis ng bahay. Pinapalinis ko naman ito weekly."
"E wala akong magawa dito sa Unit mo. Alangan kausapin ko ang sarili ko."
He chuckled. "I bought you a new phone, so you can call me whenever you want."
I sighed. "Hindi ko kailangan 'yan. Wala din naman akong pambiling load n'yan. Tsaka, Wayne..."
"Hmmm."
"G-Gusto ko sanang tapusin 'yong pag-aaral ko. Two years na lang din naman 'yon. Okey lang ba sayo? Babayaran na lang kita kapag..."
"No problem with me. You can enrol this coming enrollment in Winx State University. Not far from her. Its just 30 minutes ride by jeepney but will drop and fetch you up everyday. Doon naman ako dumadaan papunta ng office."
"Promise babayaran..."
"It's on me. You don't have to pay me, Sam."
"But..."
Natahimik ako ng bigla n'ya akong pinaharap sa kanya. Itinaas n'ya ang baba ko gamit ang kanan n'yang kamay. Nagtama ang paningin naming dalawa.
He smiled. "'Wag mo ng problemahin 'yon. Ang isipin mo kung pa'no ka makakapasa sa BSED course mo, okey?"
What...? Napakurap-kurap ako sa sinabi n'ya. Nagtataka ang aking mga matang tinitigan ko s'ya ngunit kaagad din ako nag-iwas ng tingin at inalis ang kamay n'yang nakahawak sa baba ko ng makita ko ang matamis n'yang ngiti sa akin. Pati mga mata n'ya nakangiti sa akin. My goodness! Paano ko mapipigilan ang bwesit na puso ko sa pagtibok sa lalaking 'to kung ganito s'ya sa akin? Parang gusto kong magpapadyak sa inis sa sarili ko. Kung dati kamalasan ang lumalapit sa akin, ngayon naman tukso.
Arggh!
'Yong balak kong sisingilin sana s'ya sa offer n'ya sa akin noon na fifty thousand para gamitin ko sa pag-aaral ko, ngayon nabaliktad. Ako pa magkakautang sa kanya. Ang masaklap ayaw n'yang pabayaran sa akin. Pa'no ako makakawala sa kanya ng hindi makokonsensya? Tapos ngayon... ano bang alam n'ya sa buhay ko? Nahihiwagaan ako sa kanya.
"Pa'no mo nalaman ang kurso ko?"
"I have my ways, baby." nakangiti n'ya pa ring wika sa akin sabay hatak sa aking kamay palabas ng kusina.