Chapter 38

3252 Words
SAMANTHA POV "S-Samantha?" "Stacey?" Sabay pa naming bulalas sa isa't isa. Damn... anong ginagawa n'ya dito? Nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata nitong pinapasadahan ang kabuuan ko. Nakasuot lang naman ako ng malaking plain t-shirt ni Wayne at itim na boxer shorts. "Anong ginagawa mo dito?" "Anong ginagawa mo dito?" Sabay ulit naming tanong sa isa't isa. Marahan s'yang napatawa at umiwas ng tingin sa akin. Hindi ako sigurado kung nakita kong tiningnan n'ya ako ng masama mula ulo hanggang paa kanina dahil kaagad naman s'yang ngumiti at tumitig sa aking mga mata. Iba-iba ang expression na nakita kong nagpapalit-palit na rumehistro sa mukha n'ya. Subrang pagkamangha, galit, selos habang nakangiting nakatitig sa akin. Selos..? Kaagad akong natigilan. Biglang may kabang bumundol sa aking dibdib. Ayaw kong e-acknowledged pero habang tumatagal na nakatitig kami sa isa't isa lalong lumalakas at bumibilis ang paghampas ng dibdib ko. Tapos isa-isang nagsisipagsulputan ang mga imahe sa utak ko simula noong gabing nakilala ko s'ya. Ang bawat expression ng mukha at kilos ni Wayne sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Stacey. 'Yong lalaking kinukwento n'ya sa akin na mahal na mahal n'ya ngunit pinagtatabuyan s'ya. Hindi kaya si Wayne ang tinutukoy n'ya? Shit... Biglang sumakit ang ulo ko. Para akong nahihilo na iwan. Mahigpit akong napahawak sa hamba ng pintuan. Pakiramdam ko anumang oras mabubuwal ako sa kinatatayuan ko ng unti-unting lumilinaw sa utak ko ang lahat. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero... malakas ang kutob ko na may something, may iba. Hindi ko ma-explain kung ano pero 'yong mga natutulog na sakit, sama ng loob, galit sa puso ko, animo'y unti-unting nabubuhay at unti-unting nagpaparamdam. "D-Dito ka... nakatira?" nagtataka pa rin na tanong n'ya sa akin. Umatras pa s'ya at nagpalinga-linga. Animo'y sinisigurado kung tama ba ang lugar na pinuntahan n'ya. I scoffed. Akala ko tapos na ang kamalasan sa buhay ko. Hindi pa pala. May mas malupit at mas matindi pa palang darating. Sa dinami-dami ng tao, siya pa talaga. Ano 'to joke? Kung oo, nakakatawa, subra. Ibang klase maglaro ng tadhana. Ang tindi. Sa subrang tindi hindi ko halos maisip na may mas isasakit pa pala kaysa sa mga nakalipas na nagyari. Ayaw ko man isipin pero nandito na sa harapan ko at babae pa. Lalaki ang asawa ko. Malamang iba ang papasok sa advance at marumi kong utak. Bakit ganun? Sa bawat sayang nangyayari sa buhay ko laging may kapalit at sumusunod na lungkot. Sa subrang pait ni halos hindi ko malunok. Ganito ba lagi ang magiging buhay ko araw-araw? Na sa kagustuhan kong makasama s'ya, walang katapusang sakit ang mararanasan ko kapalit ng masasaya at masasarap na sandaling kapiling ko s'ya. Kakayanin ko ba? Hanggang kailan? Hanggang saan aabot ang pagtitiis ko sa ganitong senaryo ng buhay naming dalawa? Ano pa ba ang mga tinatago n'yang lihim sa akin? Bakit hindi n'ya pa sabihin sa akin lahat ng isang bagsakan lang ang sakit na maramdaman ko? Bakit kailangan pa isa-isa? "O-Oo, dito ako nakatira. Bakit?" Napakunot-noo s'ya sa sinabi ko. "Sure ka, dito ka nakatira?" Gusto kong matawa sa itsura n'ya habang sinasabi ang bawat mga katagang iyon sa akin. Nanliliit ako. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat para kay Wayne. Na ang katulad n'ya ang standard ng asawa ko para magustuhan. Sa uri ng tingin n'ya sa akin, pakiramdaman ko para akong basura na binihisan na lahat-lahat, nilinis na pero nangangamoy pa rin sa baho. I sighed. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Pero dito nakatira si..." napatigil s'ya sa kanyang sinasabi at kaagad napanganga habang nakatingin lampas sa likuran ko. Kaagad akong napalingon sa aking likuran. Nakangiting mukha ni Wayne ang sumalubong sa akin. "Babe, bakit ang tagal mo?" sabi n'ya at kaagad din natigilan ng makita ang panauhin namin sa labas. "Stacey? What are you doing here?" salubong ang mga kilay na tanong n'ya dito. So, tama ang iniisip ko, magkakilala nga sila... Tahimik lang akong inoobserbahan silang dalawa. Ang mga kilos at expression ng mga mukha nila. Nagpalipat-lipat pa ang paningin ko sa kanilang dalawa. Si Wayne na madilim ang mukha habang nakatingin kay Stacey. Samantalang si Stacey, matamis na nakangiti sa akin pero nang-uuyam na ngisi at nanlilisik naman ang mga matang nahagip ko na pinupukol n'ya kay Wayne. Tinuro ko sila. "M-Magkakilala kayong dalawa?" patay-malisya kong tanong sa kanila. Pero ang totoo nagpupuyos na ang loob ko. Parang gusto ko silang pag-untugin na dalawa. Pakiramdam ko nagdidilim na ang paningin ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napapaisip tuloy ako kung 'yong gabing niligtas ko s'ya ay totoo ba or pakana lang n'ya? Pero mahirap mag-jump sa conclusion lalo't nanganib ang buhay ko dahil doon. Ngunit siguraduhin n'ya lang na wala talaga s'yang kinalaman doon dahil kung meron baka mailibing ko s'yang buhay ng wala sa oras. Takot at pag-aalala ang nakita ko sa mga mata ni Wayne ng lingunin n'ya ako. Kaagad rin akong napabaling kay Stacey ng marahan itong tumawa at humakbang pa papasok ng Unit kahit hindi naman inimbitahan pumasok. Tinanggal n'ya ang kamay kong nakahawak sa pinto at niluwagan ang pagkakabukas nito. Dumeritso s'ya sa loob at huminto malapit sa sofa. Nakangiti n'ya kaming binalingan ni Wayne. "Live in partner kayo?" nakakaluko n'yang tanong habang nagpapalipat-lipat sa amin ni Wayne ang mapanuri n'yang mga mata. Literal sa akin na makailang ulit n'ya pa muling pinasadahan ako mula ulo hanggang paa at pabalik pa. Naasiwa tuloy ako lalo sa aking itsura sa ginawa n'ya. Gusto ko sanang panliitan s'ya ng aking mga mata ngunit sinikap kong walang kahit anomang expression ang lumabas sa aking mukha. 'Yong parang wala lang at blangko. Malakas akong napasinghap ng biglang hapitin ni Wayne ang baywang ko palapit sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya kaya kaagad akong napahawak sa kanyang hubad na dibdib. Kaagad ko siyang tiningala. "Nope. She's my wife." sabi ni Wayne. Natahimik ako sa sinabi n'ya at kaagad binalingan si Stacey na nanlaki lalo ang mga mata. Animo'y biglang nagkaroon ng tatlong halo sa ibabaw ng ulo namin at gulat na gulat s'ya habang nakanganga't nakatingin sa aming dalawa. "W-What...?" bulalas n'ya sabay turo sa akin. "She's your wife? Si Samantha?" nakangisi n'ya pang sabi. "Yes. Samantha is my wife. My only wife. May problema ka ba doon?" Pagak itong tumawa sa sinabi ni Wayne at umiwas ng tingin sa amin. "I can't believed it. May asawa ka na pala. Kailan pa?" "Matagal na. So ngayon, ano ang ginagawa mo dito Stacey? Naligaw ka ata at biglang napasugod dito." may diin na tanong ni Wayne sa kanya. She laughed again. Akala mo'y may nakakatawa sa sinabi ni Wayne. " So, may asawa ka na pala bago pa nangyari 'yong sa Venice..." "Stacey..!" sigaw ni Wayne sa kanya na ikinatahimik nito. Napapitlag pa ako sa lakas ng boses ni Wayne. Kaagad kong tinanggal ang braso n'yang nakahapit sa baywang ko at bahagyang lumayo sa kanya. Nakakunot-noong nilingon n'ya ako. "Hindi mo naman kailangan sigawan s'ya, Wayne." sabi ko. Malakas muling tumawa si Stacey sa sinabi ko. Kaagad akong napabaling sa kanya. She smirked at me. "So wala pa lang alam si Samantha sa..." "Stop it, Stacey..! Now, kung gulo ang pinunta mo dito." nakatiim bagang na sabi ni Wayne sabay turo sa labas ng pintuan. "Get out... hindi ka welcome dito." Nakangising napatakip pa s'ya ng bibig n'ya sa sinabi ni Wayne. "Oh my... ang harsh mo naman Wayne." maarteng sabi n'ya at nilapitan ito. Ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa. Umatras si Wayne at nilingon ako. Tumawa naman si Stacey at bahagyang dumukwang palapit kay Wayne. "I wonder kung alam ba ng... ASAWA mo." madiin n'ya pang sabi sa huling salita sa mukha ni Wayne at nakangising nilingon ako. Dahan-dahan s'yang lumapit sa akin. "Congratulation Sam. Hindi ko akalain na asawa mo pala s'ya." she sneered. "Nakabingwit kang malaking isda. Itali mo 'yang asawa mo baka magising ka na lang isang araw nakuha na 'yan ng iba." she mocked me habang pinapasadahan muli ang kabuuan ko. Hindi ako umimik sa sinabi n'ya. Blangko pa rin ang aking mukha habang nakatingin lang sa kanya. Pero kung puso ko lang ang paiiralin ko, baka kanina ko pa nabigwasan ng kamay ko ang nakakabwesit na pag ngisi-ngisi n'ya at uri ng tingin na binabato n'ya sa akin. Hindi ko akalain na may ganito pala s'yang ugali. Akala ko subrang bait at kagalang-galang. Hindi pala. Mapanghusga rin. Muli pa n'yang nilingon ang asawa ko na ngayon ay nakakuyom na ang mga kamao at parang gusto ng pilipitin ang leeg ni Stacey. Marahan n'ya pa akong tinapik sa aking balikat saka walang lingong-likod na lumabas ng Unit at iniwan kami. Wala sa sariling napasunod ako sa kanya hanggang sa pintuan. Tinanaw ko s'ya. Kaagad s'yang pumasok ng elevator matapos bumukas ng pintuan nito. Nakita ko pa ang mapang-uyam n'yang ngisi sa akin bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Malalim akong napabuntong-hininga at sinarado ang pintuan. Kaagad ko itong ni-lock at sumandig doon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Wayne na ngayon hindi na mapakali pa sa kinatatayuan n'ya. Galit, takot, pag-aalala, ang nakikita kong bumadha sa mukha n'ya. Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. "Sam..." "Ano ang sinasabi n'yang nangyari sa Venice?" mariin kong tanong sa kanya. Kaagad s'yang napahilamos ng kamay sa kanyang mukha. Animo'y frustrated at hindi alam kung paano ako sasagutin. "Let me explain first Sam." nahihirapan na sabi n'ya. Hah... King ina kang lalaki ka..! "So, may nangyari nga?" panghuhuli ko pa sa kanya. "Hell, NO... ahmm.. Yes... Sh*t..!" sabi n'ya at kaagad nag-iwas sa mapanuri kong titig sa kanya. Napamasahe pa s'ya sa kanyang batok. I scoffed. "No... Yes..? What? Hindi mo maamin? Natatakot ka?" "Sam." mahinang sambit n'ya saka humakbang palapit sa akin. "Huwag kang lalapit..!" sigaw ko sa kanya na ikinatigil ng paghakbang n'ya. Nakakabwesit, ang hirap magpigil ng galit. Gusto kong magwala pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagdidilim ang paningin ko sa kanya pero pinanatili ko ang sarili kong kalmado. Gusto kong marinig ang paliwanag n'ya. Pero sa nakikita ko sa kanya ayaw n'yang sabihin, tinatago n'ya pa. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakutan n'ya. Kaya ko naman s'yang patawarin e, kung magugustuhan ko ang paliwanag n'ya. Ngunit parang ayaw n'ya pang umamin at sabihin sa akin ang lahat na lintik na mga lihim n'ya. Subrang daming araw na sinayang n'ya. Hindi n'ya pa kaagad inamin sa akin para nagkalinawan na kami. Ang kaso isa din ako. Nagpauto na naman at nagpadala sa bugso ng damdamin. Nasabihan lang ako ng I Love You, kinalimutan ko na ang lahat dahil mahal ko e, kaya ayon nagpakatanga. Hindi ko man lang inungkat ang lahat para natapos na. Pero baka ganun lang talaga ang buhay, hindi mawawalan ng problema hanggat nabubuhay dito sa mundo. Kakambal na siguro ng tao ang problema, kung makakapit kasi daig pa 'yong ex-boyfriend mong niluko ka na pero bumabalik ka pa rin. Ayaw mong pakawalan. Kagaya ng problema, nae-stress ka sa problema pero niyayakap mo pa rin, iniisip mo at hindi mo pinapakawalan. Masyado s'yang duwag na iwan. Paano na lang pala kung may pagsubok na mas matindi ang dumating sa amin, tapos hindi n'ya kinaya. Ano, iiwan n'ya na lang din ako tapos hahanap ng iba kung saan s'ya sasaya dahil hindi n'ya kayang harapin? Hindi n'ya man lang ba ako ipaglalaban? Sa ganito pa nga lang na problema e, parang nanghihina na s'ya. Pagkalaki-laking tao bahag ang buntot. Nakakainis, sarap suntukin. "Sam, hindi ko sinasadya..." "Hindi mo sinasadya? So, magkakilala nga kayo? May relasyon ba kayong dalawa hanggang ngayon?" "Wala. Never kaming nagkarelasyon. She's just... a fling." "A fling? Fling lang ba 'yon sayo na kung makatingin s'ya sa akin parang kinukutya n'ya ang pagkatao ko? Fling lang ba 'yon sayo na kung makatingin s'ya animo'y inagaw ko ang boyfriend n'ya. Na para bang isa akong basurang kabet na pinulot mo lang sa kung saan. Hindi mo ba nakita kung paano n'ya ako tingnan, tapos ngayon sasabihin mong FLING lang s'ya?" "Sam..." "ANO..?! Magpaliwanag ka!" asik ko na sa kanya. Bigla s'yang natahimik. Nanatili lang s'yang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak n'ya. Inaamin ko naaawa ako sa itsura n'ya. Hindi ko s'ya matiis at gusto ko s'yang yakapin but damn... gusto kong malaman ang totoo! Gusto kong matapos na ang lahat at ibulgar n'ya na ang lahat na tinatago n'ya sa akin kung meron pang iba. Ngunit habang tumatagal unti-unti akong linulukuban ng galit ng hindi s'ya magtangkang magpaliwanag man lang. Nanatiling nakatikom ang kanyang mga bibig habang nahihirapan na nakatitig sa akin, takot na takot na lalong nagpapainit ng ulo ko. "Sam..." "Sabi ko, 'wag kang lalapit..!" sigaw ko muli sa kanya ng magtangka s'yang lapitan ako. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at pinalis ang isang butil ng luhang pumatak sa aking mata. "Magpaliwanag ka, Wayne." mariin kong sabi. Ngunit ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin s'ya umimik, nanatiling nakatitig ang namumula na n'yang mga mata sa akin. "Ano hindi ka magpapaliwanag? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin ang lahat..?" "Dahil natatakot ako! Natatakot ako na baka iwan mo ako!" I scoffed. "Natatakot ka? Bakit? Gaano ba kalaki ng kasalanan mo sa akin para maisip mong iiwan kita?" I chuckled. "Kaya pala big deal sayo lagi kapag nababanggit ko ang pangalan n'ya dahil magkakilala kayo. May kinukwento pa s'ya sa akin na mahal na mahal n'yang lalaki pero pinagtabuyan lang s'ya, hindi ko akalain na ikaw pala ang lalaking 'yon. Parehas pala kami ng lalaking minamahal at pinagkukwentuhan." "Walang namamagitan sa aming dalawa Sam." sabi n'ya. "Wala? Sure ka? Bakit pakiramdam ko meron. Sabi n'ya hindi ko alam 'yong nangyari sa Venice. Anong Venice? Ano 'yon, Hotel, Motel? Ano?" "Sam..." "Ano?! Bakit ba hirap na hirap kang umamin sa akin?! Napakaduwag mo, Wayne! Ano sa tuwing mag-aaway tayo idadaan mo na lang sa s*x imbes na magpaliwanag ka?! Sandali..." galit kong sabi sa kanya at mabilis na hinubad ang lahat ng saplot ko sa aking katawan. Sinenyasan ko s'yang lumapit sa akin. "Halika, lumapit ka. Angkinin mo ako ng paulit-ulit. Dalian mo, lumapit!" sigaw ko sa kanya. Napanganga s'ya sa ginawa ko, animo'y tinubuan ako ng buntot. Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay at tinitigan lang ako. Gumalaw pa ang kanyang mga panga. Ano s'ya pa ang galit..? "Ano pang tinatanga-tanga mo d'yan?! Maghubad ka na, bilisan mo!" galit na galit na sigaw ko pa rin sa kanya. Ang hirap ng magkunwari. Sumabog na akong tuluyan. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ako na galit na galit sa kanya at siya na takot na takot at nag-aalala sa akin. Ang sarap sapakin. Kalalaking tao duwag... bwesit talaga..! Napailing ako at isa-isang pinulot ang mga damit kong hinubad na nasa lapag. "I-I think kailangan na muna nating maghiwalay. I need... space." nanghihinang sabi ko. Kaagad akong naglakad at nilampasan s'ya. Parang tuod na nanatili lang s'ya sa kanyang kinatatayuan at sinusundan ako ng tingin. Animo'y nalulong ang dila at hindi s'ya makapagsalita. Dumeritso ako ng kwarto at nagbihis. Pagkatapos muli akong lumabas at dinampot ang aking cellphone sa glass center table sa sala. Napatigil ako sa aking paghakbang ng pagdaan ko sa harapan n'ya kaagad n'yang hinawakan ang braso ko. "S-Saan ka pupunta." nag-aalalang tanong n'ya sa akin. I sighed. "Sa Mall. Bibili kami ng mga kaibigan ko ng susuutin namin bukas." sabi ko saka tinanggal ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko. Derideritso ako at lumabas ng main door. Hindi ko na s'ya nilingon pa. Pagdating ko sa ground floor nandun na ang mga kaibigan kong nag-aantay sa akin. Kaagad nila akong kinawayan pagkakita sa akin. Sumakay ako sa back seat. "Teka... si Mr. Santiago ba 'yon?" nagtatakang tanong pa ni Cait habang nakatingin sa nilabasan kong glass door. Kaagad akong lumingon matapos kong marinig ang sinabi ni Cait. Nagulat pa ako ng makita kong papalabas rin ng building si Wayne. Nagtama pa ang paningin naming dalawa saka sinuot ang black sunglasses n'ya. Lumiko s'ya at naglakad patungo sa kanyang kotse. "Saan?" "Saan?" "Saan? "Saan?" Sabay-sabay pang tanong nina Sheeva, Rose, Bea at Creziel at kaagad nagsipagsilip sa labas. "Ayon o, naglalakad. Papunta ata sa kotse n'ya." sabi ni Cait habang tinuturo ang nakatalikod na si Wayne. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong likod na lang ang natatanaw nila. Saan ba s'ya pupunta? Akala ko ba hindi s'ya papasok? Nagkibit-balikat na lang ako sa aking naisip. "Nakita mo ba 'yong mukha?" tanong pa ni Sheeva kay Cait. "Oo pero hindi ako sigurado dahil kaagad nagsuot ng dark shades n'ya." sabi ni Cait. "Naku, baka namalikmata ka lang." sabi naman ni Rose. "Oo nga, kalimutan mo na 'yang crush mo at baka may asawa na 'yan mayari ka pa. Kahit ibang lalaki nakikita mo pinagkakamalan mo ng si Mr. Santiago." sabi naman ni Criezel na ikinatawa nilang lahat. Hindi ako nakisali sa kwentuhan nila dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam na nasa likuran ko lang pala s'ya kanina at magkasunod lang kaming dalawa. "Oy bruha, ang tahimik mo ata ngayon?" baling sa akin ni Bea. Kaagad akong ngumiti sa kanya. "Hindi ko kasi alam kung ano ang pinag-uusapan n'yo. Hindi ako makasabay." "'Yon lang ba? Mukha ka kasing malungkot." sabad naman ni Sheeva at mariin akong tinitigan animo'y binabasa ang kaloob-looban ko. I rolled my eyes ng magsipagtinginan na rin silang lahat sa akin. "Ano magsa-shopping ba tayo or magtititigan na lang tayo dito?" "Ang init lagi ng ulo ni Madir, hindi kaya may baby uranggutan ka na d'yan?" nakangisi pang asar sa akin ni Rose habang nginunguso ang tiyan ko. Sabay-sabay silang napahagalpak ng malakas na tawa ng panlakihan ko si Rose ng aking mga mata. Kaagad naman pinaandar ni Cait ang kotse at nilisan ang lugar. Mga baliw talaga... lakas mang-asar..! Thirty minutes lang ang tinagal ng byahe namin papunta ng Mall. Dumeritso kami ng Department Store at namili. Pagkatapos, kaagad tinawag ni Cait ang isang Sales Lady para humingi ng bagong stocks ng dress na napili namin. "May nasagap akong chicka. Sabi ni Jade, 'yong emcee natin, bukas daw may dalawa na inimbitahan na special guest. Business Tycoon daw 'yong lalaki at dating campus crush noon kaso sa States na naka-base. Ganun din daw 'yong babae, ex-girlfriend at anak ng isa sa shareholder sa school natin." excited pang sabi ni Sheeva. "Seryoso?" bulalas na tanong ni Cait. Tumango naman si Sheeva. "Ayy... baka si John..!" kinikilig pang tili ni Cait habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo nito at nagpapadyak. Nagulat pa kami sa kanyang inakto at lakas ng tili n'ya. Pati 'yong ibang Sales Lady napatakbo sa gawi namin. Akala siguro kung napaano ang kasama naming nababaliw na. Nagkatinginan na lang kaming lahat sa itsura n'ya at malakas na napahagalpak ng tawa. Kaagad naman hinablot ni Rose ang buhok ni Cait ng hindi na ito mapakali pa sa kinatatayuan. Animo'y uod na binudburan ng asin sa subrang kilig. "Hinaan mo nga 'yang tili mo. Pati tuloy sina Ate napatakbo dito." nakatawang sabi n'ya habang nakatingin sa tatlong Sales Lady na napatakbo sa gawi namin. "Bakit ba, kinikilig nga ako." nakairap pang sabi ni Cait. "Ms. pwedeng pahingi pa ng ibang dress? 'Yong latest at maganda ah. Pakidamihan na rin at tatlo ang bibilhin ko." baling n'ya sa Sales Lady sabay pasok ng dressing room para magsukat ng dress n'ya pagkalabas ni Bea. Tumitili pa rin s'ya sa loob habang kumakanta-kanta. Nakangising napailing na lang kaming magkakaibigan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD