WAYNE
"Ano sa tuwing makikita kita lagi ka na lang umiinom? Ano na naman ba ang problema mo ngayon at alak na naman ang hawak mo?" nakakunot-noong bungad ni Dad sa akin pagkapasok sa loob ng opisina ko.
Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan at siya ang iniluwa niyon. Gusto ko pa sanang itago ang baso kong may lamang alak ngunit huli na. Nakita n'ya na.
Ang bilis ng mga mata...!
Ang galing pa mag-timing. Parang kabute, bigla na lang sumusulpot. Nakangiting napailing ako sa aking naisip.
Pagkalabas ni Sam ng Unit ko kaagad akong nagbihis at sinundan s'ya. Nakita ko pa ang kanyang pagkagulat ng magtama ang paningin naming dalawa ng lingunin n'ya ako. Kaagad kong sinuot ang dark shades ko ng makita kong nakatulalang nakatitig sa akin ang kaibigan n'yang si Caitlin na nakaupo sa driver seat. Dumeritso ako sa aking kotse saka nagtungo dito sa opisina.
Though hindi n'ya ako pinapakilala sa mga kaibigan n'ya, still, I have my own ways to know every person she get along with. Lahat ng kilos nila at kung saan sila pumupunta.
Noo'ng una gusto kong e-question si Sam kung saan n'ya ginastos ang malaking pera na na-withdraw n'ya. Hindi dahil sa pinagdadamutan ko s'ya kundi nililihim n'ya sa akin. Bibigyan ko naman s'ya kung hihingi s'ya sa akin e. Ang kaso hindi. Never s'yang humingi sa akin ng kahit na ano. Na s'yang kinaiinisan ko, lalo na sa tuwing tinatanggihan n'ya ang mga binibigay ko sa kanya. Pakiramdam ko hindi n'ya ako kailangan. Kung hindi ko pa ipagpilitan hindi n'ya pa kukunin. Tapos sisermunan n'ya pa ako. Pambihira talaga ang babaeng 'yon. Kaya mahal na mahal ko e.
Pero kalaunan na-aamazed ako sa kanya. Lalo na ng palitan n'ya kaagad 'yon. Hindi ako sigurado kung thrice or four times n'ya lang 'yon hinulugan at may subra pa.
Na-curious ako kung saan s'ya kumukuha ng perang pampalit doon ng ganun kabilis. Pinag-isipan ko pa s'ya ng masama, not until Suarez told me all her secrets. I'm quite impressed when I found out that they managed to build their own Restaurant while studying. Ang ganda ng samahan nilang magkakaibigan, same as mine.
I sighed. "Bakit po kayo nandito Dad?" iwas ko sa tanong n'ya.
Alam kong sisermunan n'ya na naman ako. Kasalanan ko naman kasi e. Napakaduwag ko..!
Iwan ko ba. Pagdating kay Samantha hindi ako makapagsalita. Makita ko pa lang ang kalmado n'yang mukha, alam ko na agad na deep inside kumukulo na ang dugo n'ya sa akin. Baka nga tinatadtad n'ya na akong pinong-pino sa utak n'ya. Siguro kung nakaka-freeze lang ang kanyang mga titig baka nagyeyelo na ang buong katawan ko.
Hanggang sa isang iglap nangyari ang kinatatakutan ko. Hindi ko inaasahan na pupuntahan pa ako ni Stacey matapos ko siyang ipagtabuyan. Ang masaklap hindi ko pa nao-open 'yong tungkol doon kay Sam. Natatakot ako. Takot na takot na baka sa oras na malaman n'ya 'yong tungkol sa gabing pagkakamali na nagawa ko sa kanya ay iwan n'ya ako.
Halos gusto kong pilipitin ang leeg ni Stacey sa paraan ng titig at salita n'ya kay Sam. Pero kahit pagbali-baliktarin ko man, ako pa rin ang punot dulo ng lahat. Kasalanan ko at walang ibang dapat sisihin kundi ako. Ngunit nangyari na, hindi ko na maibabalik pa. Ang problema ko ngayon is kung paano ko sasabihin sa kanya. Paano ko ipapaintindi sa kanya ang pagkakamaling nagawa ko kung galit na galit na s'ya hindi pa nga ako nakakapagsalita?
Nakakapanghina, subra akong naduduwag maisip ko pa lang na iiwan n'ya ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala s'ya sa akin ng dahil lang sa bwesit na isang beses na pagkakamaling nagawa ko.
Tapos bigla sasabihin n'ya na kailangan muna naming maghiwalay. Kailangan n'ya ng space. Damn..! Halos makalimutan ko kung pa'no ang huminga matapos ko marinig ang mga katagang iyon. Pakiramdam ko gumuho bigla ang mundo ko. Parang unti-unti akong nahuhulog sa malalim at madilim na bangin.
Habang naglalakad s'ya papalayo sa akin, papasok ng kwarto, parang unti-unting nawawala ang liwanag ng buhay ko. Derideritsong bumubulusok ang kamalayan ko pailalim at hindi ko alam kung pa'no pa makakaahon doon.
Gusto ko s'yang sundan sa kwarto para magpaliwanag ngunit hindi ako makagalaw pa, naitulos ako sa aking kinatatayuan. Pati ang bwesit kong dila ayaw gumalaw, ayaw makisama. Animo'y nakalimutan ko kung pa'no magsalita. Hindi ko mahanap ang boses ko hanggang sa makita kong nagmamadali s'yang lumabas ng kwarto at nakabihis ng pang-alis.
Kinabahan ako bigla. Kaagad ko s'yang pinigilan sa kanyang braso pagdaan n'ya sa harapan ko.
Akala ko iiwan n'ya na ako. Nakahinga akong maluwag ng sabihin n'yang bibili lang s'ya ng susuutin para sa Seniors Night Ball nila. Kaya hinayaan ko na s'ya at hindi na ako umimik pa.
Pinanliitan ako ni Dad ng kanyang mga mata. "Si Samantha pa rin ba ang problema mo?" nagtatakang tanong n'ya sa akin. Napakamot pa s'ya sa kanyang panga. "Sh*t... ang hirap n'ya palang e-please." sambit n'ya sa sarili.
Napakunot-noo ako sa huling sinabi n'ya. "What do you mean, ang hirap n'yang e-please?" tanong ko sa kanya.
He laughed. "Well, gumawa akong paraan para mapatawad ka n'ya at ng bumait s'ya sayo, nang mawala 'yang takot mo sa kanya't makapagpaliwanag ka. You know, excited kami ng Mama mo magka-apo. Akala ko effective 'yong ginawa ko dahil ilang linggo kang 'di pumapasok, buwan pa nga ata e, tapos masaya ka sa tuwing tinatawagan kita. Kaso sa nakikita ko ngayon, parang gusto kitang suntukin. Bwesit ka... sinayang mo lang 'yong effort ko. Ano na naman bang kabulastugan ang ginawa mo?"
Lalong nagsulubong ang mga kilay ko sa mga sinabi n'ya.
Paraan? Anong paraan? Maliban sa pinayuhan n'ya ako may ginawa pa ba s'yang iba?
"A-Anong... Anong paraan?" naguguluhan kong tanong na sa kanya.
"Well." nakangiti n'yang sabi at naupo sa ibabaw ng sandalan ng aking sofa sa loob ng opisina. Then he grinned. 'Yong para bang may kalukuhan na ginawa at nahuli mo sa akto. Nagsalubong pa lalo ng husto ang mga kilay ko sa itsura n'ya pero nanatili s'yang nakangisi sa akin. "Kinasabwat ko si Damian, pinabigyan ko ng red roses si Sam with chocolates. May mga pinabayaran din akong mga estudyante doon sa eskwelahan n'ya para ibigay kay Sam 'yong mga bulaklak with matching harana. Kung hindi ka makapagsalita para humingi ng tawad sa babaeng mahal mo idaan mo sa kanta. Haranahin mo ng matuwa naman. Ang hina mo talaga. Iwan ko ba kung kanino ka nagmana at napakatorpe mo, manloloko pa. Ang sarap mong suntukin, talaga kang bata ka..." naiinis na sabi n'ya sa huling mga katagang 'yon.
F*ck..! Akala ko...
I chuckled. "Ikaw pala 'yon? Pinag-isipan ko pa naman s'ya ng masama. Akala ko may iba na namang lalaking nanliligaw sa kanya. Hindi ko akalain na may ka-sweet-an ka rin pala Dad. Bakit hindi mo man lang pinamana sa akin ng ma-in love din sa akin si Sam kagaya ni Mom sayo?" nakangisi ko pang sabi sa kanya.
He released a pissed groaned.
Tuluyan na akong malakas na napahagalpak ng tawa.
Akalain mo 'yon? Ang isang successful businessman, nakaka-intimidate, napakaarogante, manipulador, estrikto na si John Jherwin Santiago ay may ka-sweet-an na tinatago pala sa katawan. Akala ko puro pagmamando lang ang alam n'ya.
Why, I am amazed...!
Napapailing na lang ako habang nakangiting nakatitig sa naaasar n'yang mukha at masamang tingin na pinupukol sa akin.
"Anong ginawa mo at hindi mo madala-dala sa bahay si Samantha?" tanong n'ya sa akin.
Ngunit kaagad din s'yang natigilan. Sabay pa kaming dalawa ni Dad napalingon sa pintuan ng bumukas muli iyon at iniluwa ang apat kong mga kaibigan na sina James, Keith, Ryan at si Miguel na madilim ang mukhang nakatingin sa akin na kaagad din napangiti ng mapansin si Dad na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng sandalan ng sofa at nakatingin sa kanila.
"Tito."
"Tito."
"Tito."
"Tito."
Sabay-sabay pa nilang sabi habang nakangiting nakatingin kay Dad. Animo'y mga santo't walang masamang binabalak sa akin.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo rito at parang biglaan ata ang bisita n'yo? Kompleto pa kayo ah." sumilip ako sa likuran nila. "Nasaan si JM?"
Malakas na tumikhim si Dad. Kaagad akong napabaling sa kanya.
"I have to go. May pupuntahan pa kami ngayon ng Mama mo." sabi n'ya sa akin at kaagad ng lumabas matapos tumango sa mga kaibigan ko.
Tumayo ako sa swivel chair ko at umikot sa harapan ng mesa ng makita kong ni-lock kaagad ni Keith ang pinto pagkalabas ni Dad.
Malalaking hakbang na nilapitan ako ni Miguel at kaagad kwenilyuhan. "G*go ka, halos bugbugin ako ni Dad kakahanap kay Samantha, nasa sayo lang pala." he gritted his teeth.
"'Wag muna ngayon Migz, may event pa 'yan na pupuntahan bukas. Saka mo na sirain ang mukha." nakangising awat naman ni James sa kanya.
Pabalya n'ya akong binitawan. Nahulog pa ang ibang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa ko sa impact ng pagbalya n'ya sa akin.
"Hanggang kailan mo ba s'ya balak itago sa amin ha? Tinago mo pa ang pagpapakasal mo sa kanya. Gusto mo pala s'ya e bakit hindi mo kaagad sinabi?"
I heaved out a deep sighs. "Hindi ko s'ya kilala ng mabungaran ko s'ya sa loob ng aking kwarto sa hotel na kinauukupahan ko paglabas ko ng banyo ng gabing 'yon. Nalaman ko lang na s'ya at ang babaeng nakita mo sa bar na ipapakasal sayo ay iisa ng katukin ang kwarto ko ng mga pulis kasama ni Madam Baby. May... may nangyari sa aming dalawa ng gabing 'yon kaya kinaladkad ko s'ya sa bahay ni Uncle Robert to marry her."
"Dapat lang... tarantado ka... nanggigigil ako sayo e..!" sigaw pa ni Miguel sa akin.
Sinugod n'ya ako ulit at inundayan ng suntok. Ngunit daplis lang ang tumama sa gilid ng panga ko dahil kaagad s'yang nahatak ni James palayo sa akin. Mabilis n'ya namang piniksi ang kamay nitong nakahawak sa braso n'ya.
"Sabi sayo e, 'wag ngayon dahil hindi mo 'yan mabubugbog. After graduation, para kahit lumpuhin mo 'yan pwede." nakangisi pang sabi ni James kay Miguel at pailalim n'ya naman akong tinitigan.
Samantalang tahimik lang na nanonood sa amin sina Kieth at Ryan habang nakangising umiiling sa akin.
T'ngna... ano pa ba ang mga alam nila at ganun makangisi sa akin?
Damn... Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ako makakatakas sa kanila sa ginawa ko kay Sam. Kilala ko sila. Kahit hindi ako magkwento, hahanap at hahanap sila ng butas sa akin. But, its fine, deserve ko naman. 'Wag lang nilang ilayo sa akin si Sam at magkamatayan talaga kami, kahit kaibigan ko pa sila.
"'Yon lang ba ang pinunta n'yo dito?" maya-maya tanong ko sa kanila.
"Nawawala si JM and Christian is at large." sabi ni Keith.
"What..? Diba nakakulong na 'yon?" nakakunot-noong tanong ko sa kanila.
"May tumulong sa kanya para makalabas." sabi ni Ryan.
I cursed. "Sure ba kayo d'yan? Pa'no n'yo na-confirmed na nawawala nga si JM? Kilala n'yo naman 'yon, kung saan-saang lupalop pumupunta." sabi ko pero subra na akong kinakabahan.
"It's been a year na wala kaming balita kay Kuya. Natagpuan ko ang kotse n'ya sa probinsya ng San Agustin. Then my investigator told me that Christian is here in Philippines." sabi ni Miguel.
Damn it!
Kaagad akong napahilot sa aking sentido. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa harapan nila. "So what's the plan?"
"Will talk after your wife's graduation. Ang dami mong atraso sa'kin, g*go ka. Humanda ka sa'kin." nangigigil na sabi pa ni Miguel sa akin.
"Chill lang, bro. Pinapakaba mo naman masyado si Wayne. Kabado na nga 'yan sa asawa n'ya dumadagdag ka pa." nakangiti pang tudyo ni Ryan.
Nasa na loob ito ng aking bar counter. Pinapakialaman na ang mga alak ko. Nginisian n'ya pa ako ng lumingon s'ya sa akin habang sinasamaan ko s'ya ng tingin.
Hindi man lang natinag ang luko...
Malalim na bumuntong-hininga si Keith habang nakatingin din kay Ryan. Binalingan n'ya ako. "'Wag tayo dito. Doon tayo sa bahay mo sa Tagaytay. We have a lots of thing to talk." seryosong sabi n'ya sa akin at kaagad ng naglakad palabas ng opisina.
Isa-isa naman nagsipagsunuran ang iba. Naiwan si Ryan na nakangisi pa rin sa akin habang tinutungga ang alak n'ya sa baso.
"Ang tagal mo kaming pinagtaguan. Ni hindi ka nga makausap ng matino sa cellphone, lagi kang nagmamadali. 'Yon pala may kasama kang chicks. Kailan lang kumanta si James tungkol sa kanya dahil nawawala si JM, pati ang kapatid ni Sam hindi namin mahanap." sabi n'ya saka hinugasan ang basong kanyang ginamit at lumabas.
Naguguluhan na sumunod na rin ako sa kanya palabas ng opisina. Naabutan ko silang pasakay na ng kotse nila saka sumenyas sa akin na sumunod na lang sa kanila.
I nodded and get in my car.
Ilang oras ang inabot ng byahe namin dahil sa traffic papuntang Tagaytay.
Pagdating sa bahay dumeritso kami sa aking library. Kaagad kong kinuha ang brown envelop sa loob ng drawer malapit sa mesa ko saka pinatong sa ibabaw nito. Kaagad naman itong kinuha ni James at nilabas ang lahat ng laman nito saka nilatag doon sa ibabaw ng mesa.
Hindi ko alam kung ilang oras inabot ang pag-uusap namin hanggang sa magpaalam sila at nilisan ang bahay ko.
Lumabas ako ng library at nagtungo sa aking mini bar. Kaagad akong nagsalin ng alak. Sumasakit ang ulo ko sa aking mga nalaman. Hindi ko akalain na may malaking problema pala habang nagpapakasaya ako kasama si Sam.
Isa din 'tong si James, pumunta na ako sa Resort n'ya hindi man lang nagkwento sa akin. Parang sira na iwan.
Ganito pala ang feelings ng pinagtataguan ng sekreto. Nakakapika, ang sarap magwala at manuntok.
Bwesit talaga...!
I cursed many times. I took out my phone and called Suarez. Kaagad itong sumagot. "Hello Suarez... I want you to investigate Shienna Mae Ramos and Jeff Marco Del Carpio, ASAP." madiin kong bungad kaagad sa kanya.
He released a pissed groaned. "Dalawa, tapos agad-agad?" reklamo n'ya pa sa akin sa kabilang linya.
I smirked. "Do as I say, huwag kang magpapakita sa akin hanggat hindi mo sila nahahanap." sabi ko at kaagad binaba ang tawag saka tinungga ang laman ng alak sa baso ko.
Nagmamadali akong lumabas ng mini bar. Dumeritso ako ng kusina. Napangisi ako ng magulantang sa akin si Nana Floree pagpasok ko. Napahawak pa s'ya sa kanyang dibdib sa subrang gulat.
Mayordoma siya sa bahay ng mga magulang ko. Hiniram ko lang kay Mom pati ang dalawa pang kasambahay para may makasama si Sam paglipat namin dito. Sinabihan ko rin si Keith na padalhan ako ng dalawang body guard na magbabantay sa labas ng bahay. Mahirap na. Mas mabuti na 'yong handa.
"Susmaryosep kang bata ka... may sunog ba at nagmamadali ka? Aatakihin ako sayo sa nerbiyos." bulalas n'ya sa akin.
I chuckled. "Uuwi po muna ako sa Condo Nana. Pakisabi na lang po kay Nancy at Cecil na pakilinisan na rin ng master bedroom.
"Kailan n'yo ba balak lumipat dito?"
"After graduation n'ya na lang po Nana. Malayo na po kasi 'to sa eskelahan n'ya. Mahihirapan s'ya sa byahe at magpabalik-balik dito."
She sighed. "Kailan mo naman s'ya balak ipakilala sa mga magulang mo? Ang tagal mong itinago sa kanila ang biglaang pagpapakasal mo."
I grinned. "Alam kong ata't lang sila magkaapo kaya gusto nila makilala si Sam."
"Mag-ata't man ang mga 'yon sa hindi, ipakilala mo pa rin. 'Wag mong itago. Para na rin 'yon sa asawa mo, nang mas makilala ka at ang kapamilya mo. Ayaw mo ba ng ganun? Kinakahiya mo ba s'ya kaya ayaw mong ipakita at tinatago mo?" sermon n'ya pa sa akin.
"No, of course not. Never ko po s'yang kinahiya. Actually, humahanap lang po ako ng tamang tiyempo. Ipapakilala ko naman talaga dapat s'ya, ang kaso hindi naging madali ang pagsasama naming dalawa kaya nawaglit na rin sa utak ko."
Malalim s'yang napabuntong-hininga sa sinabi ko. Naglakad s'ya palapit sa akin at kinuha sa kamay ko ang basong ininuman ko ng alak. Tinalikuran n'ya ako at nagtungo sa lababo't hinugasan ito.
"May asawa ka na John. Hindi na katulad ng dati ang buhay mo. Iba ang buhay may pamilya sa buhay binata. Dapat bawat galaw mo laging kasama s'ya. Lagi mong isasama s'ya sa bawat planong ginagawa mo sa buhay. Tanungin mo s'ya. Hingiin mo 'yong opinyon n'ya kung gusto n'ya ba o hindi. Hindi 'yong sugod ka lang ng sugod, hindi mo man lang iniisip kung ano ang mararamdaman n'ya sa mga pasya mo. Kagaya n'yang pagtatago mo sa kanya sa pamilya mo." sabi n'ya matapos itaob ng baso sa dish rack saka ako hinarap. "Inisip mo man lang ba kung ano ang mararamdaman n'ya sa ginawa mo? Malamang hindi, kahit mag deny ka pa, kilala kita. Huwag kang magtatago ng lihim sa kanya kung gusto mong tumagal ang relasyon n'yong dalawa. Malakas ang instinct ng mga babae. Itago mo man sa baol ang baho mo, malalaman at malalaman din nila 'yan. Kaya habang maaga pa sabihin mo na sa kanya ang lahat bago pa mahuli ang lahat."
I chuckled. "Ang haba naman ng sinabi mo Nana." sabi ko at kaagad nilapitan s'ya saka niyakap ng mahigpit.
Mga bata pa lang kami ni Viel s'ya na ang nag-aalaga sa aming dalawa. Kaya tinuturing ko na s'yang pangalawa kong ina. Nawalay lang naman ako sa kanya noong pinalipat ako ng ibang school sa States ni Dad para tigilan ko ang pagka-car racing ko. But still, shes's the best Nana in the world. S'ya ang takbuhan ko kapag pinapagalitan ako ng mga magulang ko. Pero tadtad naman ako ng sermon sa kanya pagtalikod nila.
I smirked at the memory.
Nagpumiglas s'ya sa pagkakayakap ko sa kanya at masama akong tiningnan. "Seryoso ako sa sinasabi ko. Huwag mo akong pagtawanan d'yan na bata ka. Narinig ko ang usapan ng Daddy at Mommy mo. Baka gusto mo maglupasay muli?"
I smirked.
Pinanliitan n'ya ako lalo ng kanyang mga mata.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa sa uri ng tingin n'ya sa akin. Kaagad ko s'yang inakbayan at naglakad palabas ng kusina. "Hindi na po mangyayari 'yon. Kaya nga po dadalhin ko na s'ya dito sa bahay namin para makapagsimula kaming muli at magkasamang bubuo ng sarili naming pamilya. Walang kahit na sinong babae pa ang makakasunod dito sa aming dalawa."
Tinanggal n'ya ang braso ko na nakapatong sa mga balikat n'ya saka ako hinarap. "Paano si Jelyn? Alam ba ng asawa mo ang tungkol sa kanya? Baka mapadpad 'yon dito."
"I told her everything." malalim akong bumuntong-hininga. "'Yong kay Stacey lang talaga ang hindi ko maamin-amin. Natatakot ako Nana. Isang beses lang ako nagkasala sa kanya pero pakiramdam ko buhay ko ang mawawala kapag nalaman n'yang may nangyari sa amin noong mismong araw na iniwan ko s'yang mag-isa sa Condo."
Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay at pinamaywangan ako. "'Yan... 'yan ang sinasabi ko sayo. Ngayon na nag-asawa ka na, layo-layuan mo na 'yang mga babae mo. Matanda ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali. Tutal ginawa mo 'yan, harapin mo ang magiging resulta ng ginawa mo. Diba, sinabi ko na sayo noon pa, bago ka gumawa ng hakbang pag-isipan mong maigi. Hindi makadalawang ulit kundi makasampung beses. Iwan ko ba kung nasaan na napunta ang utak mo at ginawa mo 'yon."
Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Dahan-dahan akong napayuko. Truth hurts ika nga. Dalawa na sila ni Dad ang nagsermon sa ginawa ko. Pa'no na lang pala kung kinuwento ni Keith sa mga kaibigan pa namin ang kalukuhan na ginawa ko?
Napailing ako ng maalala ko ang galit sa mukha ni Miguel at ngisi sakin ni Ryan.
Sh*t... kailangan ko ng ihanda ang mukha at katawan ko...!