Chapter 29

3151 Words
Wayne Langong-lango na ako sa alak ng may basta na lang humablot ng bote sa kamay ko habang tinutungga ko ito. Anak ng... Kaagad uminit ang ulo ko. Nakapikit na ang aking mga mata't bahagya pang nakabukas ang aking mga labi. Kaagad kong nilingon ang intruder. Napangisi ako matapos kong makita ang dalawang madilim na mukha ni Dad. What a surprise visit... Matagal ko s'yang tinitigan. Bakit... dalawa sila? Kaagad akong napahilamos sa aking mukha. Pero talagang dalawa sila. Damn... kailan pa si Dad nagkaroon ng kakambal? "Ano bang nangyayari sayo John Wayne at nagkakaganyan ka ha?! Nagpapakamatay ka na ba?!" nangangalaiting sigaw sa akin ni Dad. Nagpapakamatay? I smirked. Kung pwede lang sanang magpakamay ginawa ko na. But... no. Hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong dapat itama at baguhin sa buhay ko. Ang mga kasalanan ko noon na unti-unti akong sinisingil ngayon. Sa subrang dami hindi ako makahinga. Tinubuan ako kaagad ng takot. Naduwag ako. Ang dating matapang, palaban, competitive, bossy, manipulative, dominante, tinitingala ng tao sa lipunan, kinakatakutan ay sa isang iglap naging bahag ang buntot sa isang maliit na nilalang. At ang masaklap sa isang babae pa. Sa asawa ko. Kay Sam. Akalain mo 'yon? Nakakatawa pero takot ako sa kanya. Takot na takot. Ilang linggo na ang nakakaraan mula ng bumalik ako ulit dito sa bahay ko sa tagaytay. Para magwal-wal. Hindi ko makalimutan ang lahat na pagkakamali kong nagawa sa buhay. Lalo na sa kanya. Galit na galit ako noon ng makita ko sa orasan na alas-otso na ng gabi wala pa rin si Sam. Nag message s'ya sa akin na gagabihin ng uwi pero 'di ko akalain na ganun kagabi. Noong una subra-subra akong nag-alala sa kanya na baka kung napano na s'ya. Kaya tinawagan ko s'ya ng tinawagan ngunit ring lang ng ring ang cellphone n'ya. Hindi n'ya sinasagot ang tawag ko. Dahil doon dumoble pa lalo ang takot ko at pag-aalala sa kanya. Hindi na ako mapakali pa. Kung ano-ano ng negative thoughts ang pumapasok sa utak ko kaya tinadtad ko na s'ya ng text messages. Ngunit wala pa rin s'yang reply kahit isa. Hindi ko alam kung natatanggap n'ya ba ang mga pinapadala kong mensahe, pero nagre-ring ang cellphone n'ya kaya malamang nare-recieve n'ya. Para ako itong g*gong pabalik-balik na sa ground floor para antayin s'ya at tanawin kung nasaan na ba s'ya pero ni anino n'ya wala akong makita. Ang tagal kong nag-antay sa kanya sa labas pero hindi s'ya dumating. Hindi ko alam kung saan ko s'ya hahanapin. Hanggang sa 'yong pag-aalala at takot ko ay unti-unting napapalitan na ng galit at sama ng loob sa kanya. Hindi n'ya man lang naisip padalhan ako kahit isang mensahe para alam ko kung nasaan na s'ya. Hindi man lang ba sumagi sa kukute n'ya na nag-aalala ako sa kanya? Kung talagang may pakialam s'ya hindi n'ya ako hahayaang mag-alala ng ganito. At para hindi ko s'ya paghinalaan ng paghinalaan. Kaso hindi e. Hinayaan n'yang magkaganito ako. Mapraning ako. Mali bang maging possessive at territorial sa babaeng mahal na mahal mo? Mali bang gustuhin at hingiin sa kanya na sabihin sa akin ang lahat ng kilos, ginagawa n'ya, sino kasama n'ya, kung nasaan s'ya? Mali ba ako? Kung oo, wala akong pakiaalam dahil para sa akin tama pa rin ako. Pinuprotektahan ko lang kung ano ang akin. Kaya dapat lang na sabihin n'ya sa akin ang lahat ng aktibidades n'ya dahil asawa n'ya ako at ako ang masusunod. Nagwala ako pagdating ko sa loob ng Unit ko. Lahat ng mahawakan ko pinagbabato ko. Halos lahat ng gamit ko basag. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagwala. Pagkatapos ko maglabas ng sama ng loob tumawag ako agad ng cleaning service. Ngunit tapos na maglinis ng kalat sa loob ng Unit ko lahat-lahat ay wala pa rin s'ya. Sumiklab muli ang galit ko lalo. Ang alak sa mini bar ko ang pinagdiskitahan ko naman. Galit na pinagtutunga ko ito habang pabalik-balik akong naglakad sa loob habang inaantay s'ya. Unti-unting kinakain ng subrang selos ang kamalayan ko. Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng elevator at mga yabag ng taong naglalakad palapit sa pinto ng Unit ko. Biglang pumitlag ang puso ko at naglahong parang bula ang galit ko. Tuwang-tuwa ako sa kaalamang nandito na s'ya. Umuwi s'ya sa akin. Dali-dali kong pinatay ang ilaw at bumalik sa sofa. Gusto kong mangiti ng magulat pa s'ya sa akin ng bigla akong magsalita pagkabukas n'ya ng ilaw. Ngunit ang ngiti, tuwa at galak sa puso ko ay unti-unting napalitan ng mas matinding galit ng makita ko ang itsura n'ya. Magulo ang kanyang buhok at mukhang nanghihina na pagod na pagod na iwan. Halos magtunugan ang mga ugat ko sa aking mga kamay sa subrang higpit ng pagkakakuyom ko sa aking mga kamao. Gusto kong pilipitin ang leeg n'ya kasama ng lalaki n'ya sa subrang galit ko lalo na ng sabihin n'yang galing lang s'yang Book Store. Ang nakakapag-init lalo ng ulo ko 'yong ekspresyon ng mukha n'ya na parang hindi man lang s'ya natatakot sa akin. Hindi man lang s'ya natinag sa nakakamatay kong tingin. Halos pumutok na ang ugat sa aking mga mata sa subrang talim habang tinititigan ko s'ya pero ang walanghiya chill lang. Animo'y inosente na walang ginawang kabulastugan. Kaagad kong binalibag ang bote ng alak na may kalahati pang laman. Nabasag ito at mabilis kumalat ang tirang likido sa sahig. Humalo sa bubog. Nanggigil ako lalo ng ipagdiinan n'ya pang sa Book Store lang talaga s'ya galing. Walang kahirap-hirap na binuhat ko ang glass center table na nasa harapan ko at binalibag ito. Bigla s'yang natakot sa akin at kaagad na napayuko at umiyak. Inaamin ko lumambot ang puso ko pagkakita ko sa mga luhang tumulo sa kanyang mga mata pero nagseselos ako. At hindi ko hahayaang g*guhin n'ya ako at idadaan n'ya lang sa pag-iyak. Malalaking hakbang na nilapitan ko s'ya at kaagad hinablot ang braso n'ya. Muli ko s'yang tinanong kung saan s'ya nanggaling at bakit ginabi na s'ya ng uwi. Ngunit pinangangatawanan n'yang sa Book store talaga s'ya nanggaling. Nagdilim ang paningin ko sa kanya kaya malakas ko s'yang ibinalya sa pinto. Na kaagad ko rin pinagsisihan ang ginawa ko. Halos iuntog ko ang sarili ko ng makita kong sugatan si Sam. Sising-sisi ako sa ginawa ko pero huli na. Nasaktan ko na naman s'ya. Nataranta ako kung ano ang gagawin ko ng makita kong duguan ang kanyang damit at may sugat s'ya sa kanyang tagiliran. Kaagad ko s'yang binuhat at dinala sa sofa. Dali-dali akong pumunta ng kusina para kumaha ng tubig at First Aid Kit. Hindi ko alintana ang bubog na bumabaon sa mga paa ko. Wala na akong pakialam. Namanhid ako bigla sa subrang takot at pag-aalala ko sa kanya. Nagkukumahog akong bumalik sa tabi n'ya at kaagad tiningnan ang kanyang sugat. Halos manginig pa ang aking mga kamay ng makita kong punong-puno ng tuyong dugo ang panloob n'ya. Nagulat pa ako ng kaagad n'yang hawakan ang mukha ko. Akala ko sasampalin n'ya ako. Hindi ko inaasahan ang ekspresyon na nakita ko sa kanyang mukha ng iharap n'ya ang mukha ko sa kanya. Halos matunaw ako sa nag-aalala n'yang mga matang nakatitig sa akin. Akalain mo 'yon? Sinaktan ko na s'ya lahat-lahat pero nakuha n'ya pa ring mag-alala sa akin. Gusto kong humagulhol sa harapan n'ya para humingi ng tawad pero 'di ko magawa. Pakiramdam ko hindi ko deserve ang kapatawaran n'ya. Hindi ko s'ya deserve sa subrang kabaitan n'yang pinapakita sa akin. Masyado s'yang perpekto sa isang kagaya kong asal hayop na walang ginawa kundi ang saktan s'ya ng paulit-ulit. Ang lukuhin s'ya na walang ginawa sa akin kundi ang alagaan ako. Mahalin ako. Pahalagahan ako. S'ya ang babaeng pinapangarap kong makasama na habambuhay pero nag-aalangan ako sa sarili ko kung matatanggap n'ya ba ako. Matatanggap n'ya kaya ang nakaraan ko? Makakaya n'ya pa kaya akong mahalin at tanggapin kapag nalaman n'ya ang ginawa ko noong iwan ko s'yang dalawang linggo sa Unit? Takot na takot ako no'ng gabing 'yon. Akala ko sumama na s'ya sa ibang lalaki. Akala ko iniiputan n'ya na ako sa ulo ko. Tapos sa huli malalaman ko na hindi pala. 'Yong dem*nyo kong akala pinapahamak ako. Ako itong g*gong nanluko sa kanya pero s'ya itong pinag-iisipan ko ng masama. Gawain ko pero sa kanya ko binibintang. Gumawa ako ng sarili kong multo na ngayon ay kinakatakutan ko. Tinatakbuhan ko at hindi ko kayang harapin. Hanggang sa isalaysay n'ya na ang buong nangyari sa kanya kaya gabing-gabi na s'ya nakauwi. At 'yon na nga ang kinatatakutan ko sa isang iglap kaagad nasa harapan ko na. Pakiramdam ko biglang huminto ang pag-ikot ng mundo. Halos manginig ako sa takot ng sabihin n'yang si Stacey ang babaeng tinulungan n'yang iligtas sa kamay ng mga lalaking nangharass dito at sumaksak sa kanya. Hindi ako makaimik. Kaagad kong ginamot si Sam at nagpalinis muli ako ng Unit. Katakot-takot na sermon ang inabot ko sa kanya pagkaaalis ng mga tagalinis ng malaman niya mula sa mga ito ang ginawa ko bago s'ya dumating. Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog n'ya ng gabing iyon ay kaagad akong umalis at nakipagkita kay Stacey. Galit na galit akong kinompronta ko ang babaeng 'yon. Inisip ko ginagantihan n'ya ako sa pamamagitan ni Sam dahil sa pag-reject ko sa kanya matapos ang pagkakamaling nangyari sa amin ng gabing iyon sa Venice Grand Hotel. Ngunit nagkamali ako. Hindi n'ya kilala si Sam at nagkataon lang na napadaan ito sa lugar ng gabing iyon kung saan si Stacey hinaharass ng dalawang lalaki. Nangako ako kay Sam na magbabago na ako. Na kahit anong mangyari tanging ang lahat ng sasabinhin n'ya lang ang paniniwalaan ko. Hindi ako pumasok ng ilang araw para maalagaan s'ya. Bumawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya. Ngunit sadyang madamot ang kapalaran sa akin at patuloy akong sinisingil at pinapahirapan. Hindi ko inaasahan na bigla na lang tatawag si Maureen sa bahay at ang masaklap si Sam pa ang nakasagot. Nagtaka pa ako kung pa'no nalaman ng babaeng 'yon ang numero ng telepono ko. Matagal na kaming walang ugnayan at hindi na nagkikita pa simula ng palayasin ko s'ya sa opisina ko bago dumating ang kaibigan kong si Miguel galing States. Simula ng ikasal kami ni Sam nagpalit ako kaagad ng bagong sim card at passcode ng unit ko. Kinabahan ako at kaagad tinubuan ng takot. Ngunit ng makita kong parang wala lang sa kanya hindi ko mapigilan malungkot na isipin na hindi man lang siya nagselos sa mga naging babae ko. Hindi man lang n'ya ako kinompronta or magtanong man lang tungkol doon. Tapos ako itong si tanga hinayaan ko na lang din. Pinabayaan ko at hindi ko man lang magawang magpaliwanag. Natatakot ako. Takot na takot na sumbatan n'ya ako sa mga pambibitang ko sa kanya pero ako pala itong maraming lihim na tinatago. Iwan ko ba. Pagdating sa kanya nabobobo ako. Nawawalan akong utak. Palpak lahat ng galaw ko. Pati trabaho ko naaapektuhan na. Halos hindi na kami magpang-abot ni Sam ilang araw na. Which is sinasadya kong gawin. Hiyang-hiya ako at sising-sisi sa sarili ko. Gusto kong parusahan ang sarili ko kaya subrang aga akong umaalis ng bahay bago pa s'ya magising. Nilulutuan ko muna s'yang pagkain bago ako umalis. At umuuwi akong gabing-gabi na. Sinisiguro kong tulog na s'ya pagdating ko. Ngunit masyado s'yang matiyaga sa akin. Nagpapadala lagi ng mensahe sa akin at tinatawagan ako ngunit wala ako ni isang sinasagot. Pero kahit ganun na ang ginagawa ko paulit-ulit n'ya pa rin akong tinatanggap at pinapatawad. Samantalang ako itong si g*ago pilit na iniiwasan s'ya. Tinitiis at tinutulak palayo. Halos madurog pa ang puso ko araw-araw sa tuwing uuwi ako aabutan ko s'yang natutulog sa sofa kakaantay sa akin. Minsan sa kusina nakayukyok ang ulo sa ibabaw ng mesa habang natutulog. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha. Makailang ulit akong malalim na napabuntong-hininga at hinarap ang istorbo sa moment ko. "Dad..." Sumusuray pa ako at nakangiting naglakad palapit sa kanya. "Hek.. Oh, si Jherwin the great.. hek... napadalaw. Hek.. gusto mo din... hek.. uminom? Kuha ka do'n... hek... sa loob.. hek.. akin na 'yang bote.. hek." sabi ko sa kanya habang walang tigil ako sa pagsinok at inaabot ang bote sa kamay n'yang pilit naman nilalayo sa akin. Nahihilo na ako pero ayaw kong tumigil sa pag-inom. Gusto kong magpakalunod para mawala ang koronang tinik na nakapalibot sa puso ko na habang tumatagal ay unti-unting bumabaon at dinudurog ako. Pakiramdam ko nangingitim na ang atay ko kakaiinom ko ng walang humpay. Lahat ng mga kaibigan ko pinagtataguan ko. Hindi ko kayang humarap sa kanila. Hindi ko kayang humingi ng tulong dahil alam ko sa sarili kong hindi nila ako tutulungan at siguradong ilalayo nila sa akin si Sam. Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa sa akin ni Dad. Malakas akong bumagsak pahiga sa sahig ng itulak n'ya ako. Hindi ko alintana ang sakit. Kaagad akong humagalpak ng malakas na tawa habang dahan-dahan na umuupo. "Ano, babae na naman ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?! Pati ang kompanya pinapabayaan mo na!" galit na sigaw n'ya pa rin sa akin. Napailing ako habang malakas pa rin na tumatawa. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang masagana kong mga luhang sunod-sunod ng tumulo sa aking mga mata. Tumatawa ako pero ang mga luha ko walang humpay sa pag landas sa aking mga pisngi. Halos mabingi ako sa lakas ng lagapak ng kamay ni Dad na dumapo sa mukha ko. Narinig ko pa ang paglagutok ng ugat sa leeg ko ng tumabingi ang mukha ko. Pakiramdam ko nilayasan ng alak ang katawan ko at napabalik ako bigla sa katinuan. "I-I love her... very much." sabi ko sa kanya at dahan-dahan s'yang tiningala. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng masagana kong luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanyang walang ekspresyon na mukha na nakatunghay sa akin. "M-Mamamatay a-ako kapag m-mawala s'ya sa akin D-Dad." gumagaralgal ang boses kong sabi sa kanya. Hanggang sa umalog na ang mga balikat ko at malakas akong napahagulhol sa harapan n'ya. Ang sakit. Subrang sakit ng puso ko at puno ng pagsisi na halos hindi ko alam kung pa'no ko solusyonan. Maliban kay Dad never akong umiyak kanino man, lalo na sa babae. Si Sam lang ang tanging nagpaiyak sa akin ng ganito katindi. She made me realized every single fault I did. Nahihiya ako sa sarili ko sa kaalaman na wala pala akong kwentang tao. Naging selfish pala ako. Puro sarili ko na lang pala ang iniisip ko at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Naging mayabang ako. G*go. Lahat na atang negative na katangian lahat sinalo ko. Niyakap ko kaya lumaki ang ulo ko. Pero ang totoo wala pala talaga akong maipagmamalaki. Kahiya-hiya ako sa aming pamilya. Kahit kay Sam wala pala akong maipagmamalaki. Pero ang saklap dahil kahit sa tingin ko para akong isang basura ay pinulot n'ya akong parang isang mamahaling bagay. 'Yon ang paulit-ulit na parang balang tumama sa puso't isip ko na kahit ganito ako may nag-iisang taong nagpapahalaga sa akin ngunit niluko ko lang. Sinaktan ko ng paulit-ulit. Kaya ngayon halos mabaliw ako kakaisip kung pano ko itatama ang lahat. Pa'no ako haharap sa kanya ng walang bahid na ano mang kasalanan kung sa simula pa lang ay nagkasala na ako? Hindi ko alam kung ilang oras akong humagulhol. Para akong batang nakalupasay sa sahig habang nasa harapan ko si Dad at pinapanood ako. Tinakasan na akong hiya. Pinakita ko sa kanya kung gaano kahina ang panganay n'yang anak. "Kung mahal mo e bakit hindi mo kunin? Ipaglaban mo para hindi s'ya mawala sayo. Sa tingin mo 'yang kakainom mo makakatulong para mapunta s'ya sayo? Nasaan ang utak mo?" sabi n'ya sa akin. "I-I cheated on her..." mahina kong amin sa kanyan. "Ano..?" "I cheated on her." ulit ko. "What the f*ck, John Wayne!" hysterical na sigaw n'ya sa akin. "A-Anong gagawin ko Dad?" hopeless na tanong ko sa kanya. Frustrated na napahilamos s'ya sa kanyang mukha sa sinabi ko. Masama n'ya akong tinitigan. "Gagawa-gawa kang katarantaduhan tapos ngayon tatanungin mo ako kung ano ang gagawin mo? Sipain ko kaya 'yang ulo mo ng maalog baka sakaling bumalik ang utak mo." "Nagawa ko 'yon dahil naguguluhan ako sa feelings ko sa kanya..." "Ang mali pagbali-baliktarin mo man mali pa rin! 'Wag kang mangatwiran sa akin d'yan na naguguluhan ka kaya nagawa mo 'yon at baka dumapo itong kamao ko d'yan sa mukha mo!" nangangalaiti n'yang sigaw sa akin. Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Ilang minuto ang lumipas bago ako muling nakapagsalita. I heaved out a deep sighs. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko Dad. Hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Natatakot ako na baka magalit s'ya sa akin at iwan n'ya ako." "Tapos na. Magsisi ka man huli na. Bakit hindi ka magpakalalaki? Tutal ginawa mo, 'di harapin mo. Sabihin mo sa kanya ang totoo. Kung ano man ang magiging pasya n'ya 'di tanggapin mo dahil deserve mo 'yon." "Dad..." "Ano? Payo ang gusto mo diba? Tapos ngayon bothered ka sa sinabi ko? Anong gusto mo, panigan kita? Kunsentihin ang kag*guhan mo? Asan ang bayag mo at hindi mo kayang lusutan ang pinasok mo? Saka ayusin mo nga 'yang sarili mo. Sino sa tingin mo ang magkakagusto sayo kung ganyan ka? Sinong tangang babae ang papatol sayo kung wala kang kwenta? Kahit siguro aso isusuka ka." Napayuko ako at hindi na nakaimik pa ng tuluyan sa mga sinabi n'ya. Animo'y bombang sumabog sa harapan ko ang bawat katagang naririnig kong lumalabas sa bibig n'ya. Masakit pero lahat tama. Lahat totoo. He heaved out a deep sighs. "Sino ang tangang babaeng pumatol sayo... anong pangalan?" Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. "Dad..." Kinunutan n'ya akong noo. "Anong pangalan?" ulit n'yang tanong sa akin. "Samantha Faye Ramos." He smiled. "Tumayo ka na d'yan. Ayusin mo ang buhay mo. Pumasok ka na sa opisina, 'wag 'yong magpakasasa ka sa alak. Kapag namatay ka sa ibang lalaki babagsak 'yon. Tsaka ano ipapakain mo do'n at sa magiging anak mo kung ganyan ka? And I want to meet her in person. Dalhin mo sa bahay. Nang matuwa naman ang Mama mo at laging mainit ang ulo sa akin. Akala mo'y laging naglilihi." Mahina akong napatawa sa huling sinabi n'ya. Kaagad akong tumayo. Nagulat pa ako ng yakapin n'ya ako ng mahigpit. "T-Thanks Dad." "'Wag kang magpasalamat sa akin. Kay Samantha ka magpasalamat at nagkaroon ng tamang landas ang buhay mo. 'Wag mong kalilimutan na dalhin agad s'ya sa bahay ha." "I will." "Good. Sasabihin ko sa kanya ang itsura mo kung paano ka humagulhol sa harapan ko dahil sa kanya." "Dad...!" Malakas s'yang napahagalpak ng tawa saka malalaking hakbang na lumabas ng bahay ko at iniwan ako. Naiiling na lang ako sa aking sarili habang nakangiting nasundan na lamang s'ya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD