Chapter 30

3345 Words
Samantha Hay buhay... Malalim akong napabuntong-hininga. Araw ng sabado and another long boring day for me. As usual, wala na naman s'ya. Hindi ko alam kung saang lupalop na naman pumunta. Halos hindi na kaming dalawa nagkikitaan sa loob ng Unit n'ya sa ilang linggong nakalipas na mga araw. Hindi rin nagpaparamdam sa akin. Kahit tadtarin ko ng text messages at tawag. Wala pa rin! Nabubwesit lang lalo ako sa kanya. Kaso ang lintik kong puso hindi pa rin tumitigil at hinahanap-hanap pa rin s'ya. Si Kuya Damian na personal driver n'ya ang naghahatid sundo sa akin sa eskwelahan. Though hindi s'ya nakakalimot lutuan ako ng pagkain bago siya umalis ng bahay, still, nakakabwesit siya. Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Kaya ko pa ba? Argh...! Kaagad kong binato ang notebook ko. Hindi ako makapag concentrate magreview sa nalalapit naming exam kakaisip sa kanya. Bwesit talaga! Akala ko madali lang. Ang hirap pala pagsabayin ang pag-aaral tapos may asawa ka pang pasaway. Malalim akong napabuntong-hininga at kaagad tumayo sa pagkakasalampak sa lapag sa may sala. Dumeritso ako sa kusina. Magluluto na lang ako. Ito na ang naging habit ko. Sa tuwing may problema ako dinadaan ko na lang sa kain. Nahawa ako sa mga kaibigan kong masisiba pero 'di naman lumalaki. Napangiti ako sa aking naisip. Naghalungkat ako sa ref. ng pwede kong lutuin ngunit wala akong magustuhan. Malalim akong napabuntong-hininga at tumingala sa kabinet. Napangiti ako at dali-daling lumapit doon ng makita ko ang Graham crackers at gatas na binili ko noong nakaraang araw na mag-grocery ako. Mag Grahams na lang ako... Kaagad kong kinuha ang mga ingredients na gagamitin ko. Dalawang packet ng Nestle All Purpose Cream, Condensed Milk, dalawang balot ng Graham Crackers, at apat na ripe Mangoes. Kaagad ko itong hinugasan, binalatan at hiniwa. Kumuha ako ng isang katamtamang laking glass dish at pinaghalo ang dalawang packet ng Nestle All purpose cream at condenseed milk. Ina-arrange ko na ang Graham Crackers sa glass dish ng mapapitlag ako sa gulat sa sunod-sunod na tunog ng doorbell na aking narinig. Napakunot-noo pa ako habang nag-iisip kung sino ang tao sa labas. Imposible naman si Wayne e may duplicate card keys 'yon. Hinayaan ko lang at pinagpatuloy ang ginagawa. Ngunit habang tumatagal parang nagiging apurado na ang taong 'yon at paulit-ulit nang nagdoorbell. May sunog ba at nagmamadali? Napakibit balikat na lamang ako at tumigil sa aking ginagawa. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina at nagtungo sa main door. Nagulat pa ako na isang maganda at sexy na babae ang nabungaran kong nakatayo sa labas ng pinto ng Unit ni Wayne pagkabukas ko ng pinto. Animo'y modelo na tuwid na tuwid at nakaliyad pa ang mga dibdib habang maarte at nakataas pa ang isang kilay na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa. Duh..? Ang arte... Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin. "Yes?" "Katulong ka ba dito?" kaagad na tanong n'ya sa akin. Aba't... Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. "Mukha ba akong katulong?" She chuckled. "Ano ka ba dito?" tanong n'ya habang tumataas baba pa ang mga mata sa kabuuan ko. I sneered. Pwerke't nakasuot lang ako ng malaking plain yellow t-shirt ng asawa ko na halos umabot sa tuhod ko mukhang katulong na ako agad? Judgemental.. "Nasaan si Wayne?" maagas n'yang tanong muli sa akin. Hays, another babae na naman. Ilan ba ang babae ng lalaking 'yon at 'di maubos-ubos? I heaved out a deep sighs. "Wala s'ya dito." matamlay kong sabi sa kanya. Pinanliitan n'ya ako ng kanyang mga mata. I rolled my eyes. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya. Baka masapak ko lang s'ya sa kaartehan n'ya. Akmang isasara ko na ang pinto nang bigla n'ya itong itulak pabukas. Aww... sh*t! Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya kaya nasagi ng pinto ang kanang paa ko na nakaharang. Napaatras ako at kaagad tiningnan ang paa ko. Pakiramdam ko natanggal ang kuko ko sa subrang sakit. Bwesit na babae na 'yon.. Malalaking hakbang na kaagad s'yang pumasok at hinanap ang asawa ko. Nanggigigil ako na sinundan na lamang s'ya ng tingin. "Wayne! Wayne..! Lumabas ka d'yan, 'wag kang magtago!" malakas n'yang sigaw habang nag-iikot sa loob ng bahay animo'y pulis na nag-e-inspection. Napailing ako at malalim na napabuntong-hininga. Mga praning. Nang mawala ang sakit ng paa ko kaagad akong tumayo at hinarap s'ya. Tumataas baba pa ang kanyang dibdib sa subrang hingal. Sambakol ang kanyang mukha. Parang biyernes santo. I smiled at her. "Ano nakita mo? Sinabi ko naman sayong wala s'ya rito. Ayaw mong maniwala." She gritted her teeth. "Sabihin mo d'yan sa magaling mong amo na hinahanap ko s'ya..." "Bakit ko naman sasabihin?" kaagad kong tanong sa kanya. Praning na nga minamanduhan pa ako. Napailing ako sa aking naisip. "Dahil binuntis n'ya ako!" asik n'ya sa akin. I frozed. Again...? Buntis na naman? 'Di yata't naghasik ng sperm cells ang asawa ko kung saan-saan na lupa at nagsipagbuntisan sila? Kaagad ako linukuban ng matinding galit. Kaya pala laging wala ang damuhong na 'yon dahil nagpapakasasa sa mga babae n'ya. Nakuha n'ya pa talagang mambabae e nandito naman ako. Hindi ba s'ya makuntento sa akin? Halos manginig ang buong katawan ko sa subrang galit na bigla kong naramdaman ngunit kaagad ko rin pinigilan ang sarili ko. Nginitian ko ng pagkatamis-tamis ang babaeng galit na galit na nakatayo sa harapan ko. Halos mawala ang mata ko sa subrang laki ng ngisi ko sa kanya. 'Yong ngising asong nang-aasar. Nagtagumpay naman ako sa nais kong iparating sa babae nang nanlilisik na mga matang tinitigan n'ya ako. Bahagya pang nakakuyom ang mga kamao n'ya. Animo'y nanggigigil at gusto akong sugurin. Lumapad pa lalo ang ngisi ko sa kanya. Subukan n'ya lang dampian ako ng maarte n'yang daliri at makakatulog s'ya maghapon ng mahimbing na 'di dumadaan sa antok. "Ikaw ba si Maureen or... iba?" tanong ko sa kanya. "Trixie ako at hindi Maureen at wala akong pakialam sa babaeng 'yon! Ngayon ituro mo sa akin ang lalaking 'yon dahil s'ya ang ama ng dinadala ko at pinagtataguan..." I chuckled. "Buntis din si Maureen at pinagtataguan din ng lalaking 'yon. Pa'no 'yan, dalawa kayong pinagsabay-sabay n'ya at binuntis pa." pang-aasar ko pa sa kanya. Nagalit s'ya lalo sa sinabi ko. "Kailangan ako ang pakasalan n'ya at hindi ang babaeng 'yon! Bakit ba ang dami mong sinasabi? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nasaan ang amo mo?" Malakas akong napahalakhak sa sinabi n'ya. Halos umalog ang mga balikat ko sa subra kong tawa sa kanya. Nanggigigil na kaagad n'ya akong tinulak. Napaatras ako sa ginawa n'ya. Tumigil ako sa pagtawa pero nakangiti pa rin akong tiningnan s'ya habang s'ya nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. Animo'y gusto n'ya akong kainin na buo. Yay... kinilabutan naman ako. Nakatawa ko pang sabi sa isip ko. I sighed. "Matagal ng kinasal si Sir Wayne, kaya pa'no naman kayo no'n pakakasalan?" napangiti ako ng maestatwa s'ya sa sinabi ko. "Hindi mo ba alam?" "K-Kailan pa s'ya ikinasal? Bakit wala akong nabalitaan?" nakakunot noo'ng tanong n'ya sa akin. Matagal n'ya akong tinitigan. Animo'y binabasa ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. "Baka pinagluluko mo lang ako at masasapak talaga kita d'yan!" angil n'ya pa sa akin. "War freak..." mahina kong sambit sa sarili ko habang umiiling pero malakas ata ang pandinig ng Trixie na 'to at sinamaan ako ng tingin. "Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin. Basta ang alam ko matagal ng kinasal si Sir Wayne kaya hindi n'yo mahagilap. At wala dito. Matagal ng 'di umuuwi. Ako lang mag-isang nakabantay dito." "Kung sakaling umuwi s'ya dito sabihan mo s'yang tawagan ako at hindi ko s'ya makontak. Hindi rin nagrereply sa mga messages ko. 'Wag n'ya akong pagtaguan at ipapupulis ko s'ya!" I smirked. "Ano naman ang ginawa n'ya sayo para ipapulis mo s'ya?" "Binuntis n'ya ako, kaya dapat lang panagutan n'ya ako! Bobo ka ba or what at hindi ka makaintindi? Stupid." angil n'ya sa akin. "Watch out your mouth at baka paputukin ko 'yang bunganga mo. Ginusto mo ang ginawa n'yo pareho kaya wala s'yang kasalanan sayo. Matapos ka masarapan kakasuhan mo s'ya, ganun? Bakit pwersahan ba 'yong nangyari sa inyo?" "Tumahimik ka at hindi ko hinihingi ang opinyon mo!" asik n'ya pa sa akin. "Ows... hindi pala e." sabi ko sa kanya sabay turo ng pintuan. "Ano pang tinatanga-tanga mo dito sa harapan ko? Now, leave at hindi rin kita kailangan dito sa loob ng pamamahay ko." "Punyeta ka... katulong ka lang dito 'wag kang magmataas d'yan! Kapag nalaman ito ni Wayne na ginawa mo sa akin, tiyak patatalsikin ka dito!" I rolled my eyes. "Whatever." ani ko sabay turo muli ng pintuan sa kanya. "The door is wide open. Lumayas ka at hindi ka welcome dito." "You bitch..!" sigaw n'ya sa mukha ko. I chuckled. "So I am." Isang nakakamatay na tingin pa muli ang pinukol n'ya sa akin bago nagmartsa palabas ng Unit. Malakas n'ya pang binalya ang pinto pasara. Kaagad lumandas ang masaganang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan pumatak. Halos manginig ang aking mga labi at buong katawan sa subrang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung kailan pa 'to matatapos. Nanghihina akong dahan-dahan na naupo sa sofa habang walang tigil ang paglandas ng aking luha sa aking mga mata na animo'y hindi maubos-ubos sa kakaiyak. Hanggang ngayon meron pa pala. Akala ko naubos na. Hindi pa pala. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulhol. Ang sakit-sakit na. Subra na. Ayoko na. Tama na please... Tama na... Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa pagkakasalampak sa sofa habang nakatulalang nakatingin sa kawalan ng maramdaman ko ang mga yabag na naglalakad sa labas palapit sa pintuan namin. Nagmamadaling kaagad kong hinamig ang aking sarili at malalaking hakbang na nagtungo sa kusina. Pinagpatuloy ko ang aking naudlot na ginagawang mango grahams. Napapitlag pa ako ng may mga brasong biglang pumulupot sa aking baywang. His smell assaulted my nose. Bigla akong nanghina ng higpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Gusto kong bumunghalit ng iyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Makailang ulit akong napalunok at bumuga ng malalalim na hininga. Kung hindi ko gagawin 'yon ang lintik na puso ko tinatraydor ako. Pati ang mga luha kong nag-aantay lang sa b****a para bumagsak ay ang hirap pigilan. "I miss you so much... my wife." ani n'ya habang hinahalikan ako ng madiin sa akin ulo. May isang luhang umalpas sa mga mata ko ang kaagad kong pinalis at pinagkakalas ang kanyang braso. Ngunit hinigpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Ayaw n'ya akong pakawalan. Hindi ako tumigil. "W-Wayne hindi na ako makahinga." mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong dahan-dahan lumuwag ang mga brasong nakapulupot sa akin. Kaagad akong lumayo sa kanya at nakangiting hinarap s'ya. "Kararating mo lang ba? Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang panay iwas sa mapanuring mga mata n'yang nakatitig sa akin. "Wait lang at maghahain..." "Sam..." tawag n'ya sa akin sabay abot sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya. Hindi ako makaalpas sa mahigpit n'yang hawak sa kamay ko. Kaagad n'yang hinawakan ang baba ko saka itinaas paharap sa kanya para magtama ang paningin namin. Umiwas ako pero binaling n'ya muli ang mukha ko. I smiled at him. He heaved out a deep sighs. "Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanyang mga matang nakatunghay sa akin. Parang... pag-aalala. Lungkot. Takot. Pagsisisi. Pagmamahal. Pagsisisi... Pagmamahal? I scoffed at my thought. I smiled at him. "H-Hindi..." Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Namumugto at namumula ang mga mata mo." "Kasi... na miss kita." nakangiti ko pa ring sabi sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Kaagad bumagsak ang aking mga luha. "M-Mahal na mahal kita Wayne. Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang unang lalaki sa lahat sa buhay ko. Simula no'ng nakawin ng estranherong lalaki 'yon sa SM ang unang halik ko hindi ko na s'ya nakalimutan pa. Hanggang sa nagtagpo muli ang landas natin. Naisuko ko ang sarili ko sayo. Hindi mo man ako nakilala pero ang puso ko kilalang-kilala ka. Tanging ikaw lang ang laman ng puso ko Wayne. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Kahit nagmumukha na akong tanga sa harapan mo. Kahit alam kong dahil lang sa obligasyon mo sa akin kaya pinakasalan mo ako at nagsasama tayo ngayon sa iisang bubong. Kahit hindi mo ako pinapansin at pinagtutulakan mo ako palagi palayo sayo. Kahit subra-subra na akong nasasaktan. Kahit durog-durog na ang puso ko hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong lumapit sayo at mahalin ka. Iwan ko ba. Nababaliw na ata ako pero anong magagawa ko? Ikaw ang sinisigaw ng puso ko at gusto kong makasama habambuhay. Pero alam ko naman na imposibleng mangyari ang lahat ng gusto ko. Or baka... baka naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko ngayon kaya ganito ako. B-Baka balang araw mawawala din 'to." umiiyak kong sabi sa kanya. "S-Sam." tawag n'ya sa akin habang nilalayo ako sa kanya at tinatanggal ang braso kong nakapulupot sa kanyang baywang. Hindi ako tuminag. Nanatili akong nakasubsob sa dibdib n'ya at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa kanya. Alam kong nagulat s'ya sa mga sinabi ko at pinagtapat ko sa kanya pero wala na akong pakialam pa. Nilayasan na ako ng hiya. Baka mawalan na akong chance na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Natatakot ako na baka isang araw magising na lang akong wala na s'ya. Ayaw kong mawala s'ya sa akin pero wala na akong magagawa pa. Hindi naman pwedeng ako ang masunod at ang gusto ko ang mangyari. Ayaw ko ng ganun. Ayaw ko ng sapilitan. Gusto ko 'yong pareho kami ng nararamdaman. Pareho kami ng ginusto kaso one sided love lang ang meron kami. Tanging ako lang ang nagseryoso. Tanging ako lang ang nagbigay ng malalim na kahulugan sa mga kabutihang pinaggagawa n'ya sa akin. Hindi ko man lang inisip na puro pagkukunwari lang pala ang mga 'yon. Gusto ko s'yang bugbugin dahil pati puso ko at kaluluwa ko ninakaw n'ya. Hindi ko alam kung pa'no ko pa ibabalik sa dati ang buhay ko kapag dumating ang araw na mawawala na s'ya sa akin. Iniisip ko pa lang na mapupunta s'ya sa iba pakiramdam ko unti-unti na akong pinapatay... sinisilid sa sako at ililibing na buhay sa pinakamalalim na madilim na hukay. Hindi ako makahinga. Nanghihina ako. Mas mabuti pa nga 'yong binaril n'ya na lang ako sa dibdib or sa ulo para hindi ramdam 'yong sakit. Hindi 'yong kagaya nito na abot kamay ko lang s'ya pero ang layo-layo naman n'ya sa akin. Hindi ko maabot. Paulit-ulit na umaalpas sa aking mga kamay. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na nanatili akong nakayakap sa kanya habang tahimik na umiiyak. Pilit n'ya akong binabaklas sa pagkakayakap sa kanya pero 'di n'ya ako matanggal-tanggal kaya hinayaan n'ya na lang din ako sa drama ko. Kung gaano kahigpit ang yakap ko sa kanya tinutumbasan n'ya din iyon ng mas mahigpit kaya lalo tuloy akong napaiyak. Bakit ba kasi hindi pwedeng akin na lang s'ya? Malakas na sunod-sunod na tunog ng call ringtone ko ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ngunit s'ya naman itong ayaw na akong pakawalan. Nakangiting tiningala ko s'ya. Nagulat pa ako ng makita kong namumula din ang kanyang mga mata habang nakatunghay sa akin. Shit... siguro naaawa s'ya sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at marahan s'yang tinulak palayo sa akin ngunit kaagad n'yang sinapo ng kanyang dalawang kamay ang aking mukha at pinahid ang mga luha sa mga mata ko. "What happen, Sam?" tanong n'ya sa akin habang patuloy pa rin na pinapahid ng dalawang hinlalaki n'ya ang mga luhang walang humpay na lumalandas sa aking pisngi. Nginitian ko s'ya habang magkahinang ang aming mga mata. Pag-aalala at takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi ko mawari. Ayaw ko ng mag-isip. Ang importante nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Okey na ako do'n at tanggap ko ng hindi s'ya para sa akin. Masakit man pero sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao, matututunan mo rin palayain s'ya. Kung masaya s'ya sa iba, sino ba ako para hadlangan ang kaligayahan n'ya diba? Swerte pa rin ako dahil pinag-aral n'ya ako at malapit na akong makatapos. Binigay n'ya lahat ng material na bagay na kailangan ko kahit hindi naman 'yon ang gusto ko, still good enough para hilingin ko pa ang bagay na hindi naman para sa akin at hindi ko makukuha kailan man. Nakangiting umiling ako. "N-Nothing happen. S-Sasagutin ko lang ang phone ko." sabi ko sa kanya at kaagad kinalas ang mga kamay n'yang nakahawak sa aking mukha. Malalaking hakbang na lumabas ako ng kusina at dinampot ang cellphone kong nag-iingay na nakapatong sa ibabaw ng center table. Sheeva calling... Malalim akong napabuntong hininga. Then, I press the answer button. "Hello... bruha! Bakit ang tagal mo sumagot?!" malakas na sigaw n'yang bungad sa akin. Napangiwi ako at kaagad nilayo ang cellphone sa tainga ko. Nagulat pa ako paglingon ko nasa tabi ko na si Wayne at matamang nakatitig sa akin. Napailing na lang ako at kaagad pinindot ang loudspeaker button. "Ang lakas ng boses mo. Nabibingi ako sayo." sabi ko sa kanya. Malakas itong napahalakhak sa kabilang linya. Sira talaga kahit kailan ang babaeng 'to. "Busy ka ba ngayon, My loves?" maya-maya tanong ni Sheeva. Kaagad akong napalingon kay Wayne when he released a pissed groaned. "Hindi bakit?" sagot ko sa kanya habang nakakuno't noo'ng nakatitig kay Wayne. He stared me back intently. 'Yong tingin na punong-puno ng katanungan na iwan. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya and unconsciously bit my lower lip. I heard him released a pissed groaned again. Ramdam ko ang init ng titig n'ya sa akin pero 'di ko na s'ya tiningnan pa. Tumingin ako sa ibang direksyon. "W-We need your help Sam, ASAP. Pwede ka ba ngayon?" Bigla akong kinabahan sa tono n'ya. "Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Si Cait kasi..." "Anong nangyari kay Cait?" "Mahirap ipaliwanag dito sa phone..." "Nasaan ba kayo at..." "We're on our way. Susunduin ka namin d'yan sa labas ng tower n'yo. Bye." ani n'ya sa akin at kaagad nawala sa kabilang linya. Nag-aalalang napatingin ako kay Wayne na nakatitig pa rin sa akin. Wala ng ekspresyon ang mukha n'ya kaya hindi ko mabasa kung ano na ang iniisip n'ya. "Okay lang ba sayo kung... aalis muna ako?" alanganin kong tanong sa kanya. He heaved a deep sighs. "We need to talk..." "Pwede bang pag-uwi ko na lang? Baka kasi kung napa'no na si Cait..." "Mas uunahin mo pa talaga 'yan kaysa sa dapat nating pag-usapan?" frustrated n'ya pang tanong sa akin. I sighed. "Alam ko naman na ang sasabihin..." "Mali ang iniisip..." malalim s'yang napabuntong hininga at mariin pang pumikit. Animo'y pinipigilan ang sariling 'wag akong masigawan. "Sasamahan kita." "'Wag na. Papunta naman na sila. Susunduin nila ako dito." "Ihahatid kita sa baba.." "No..! I mean.. kaya ko na ang sarili ko. May niluto na akong pagkain. Nasa ref. initin mo na lang. May marinated pork belly and chicken na nasa ref. Magluto ka na lang muna. Tsaka baka gabihin na ako ng uwi. 'Wag mo na akong antayin pa. Magpapahatid na lang ako sa kanila." sunod-sunod na sabi ko sa kanya sabay talikod at dumeritso ako ng kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis, nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako ng makita kong nando'n pa rin s'ya sa dating pwesto n'ya kung saan ko s'ya iniwan. Tahimik lang n'ya akong sinusundan ng tingin. Nakangiting nilapitan ko s'ya. Tumingkayad ako at ginawaran s'ya ng mabilis na halik sa kanyang mga labi. "Aalis na ako." paalam ko sa kanya at malalaking hakbang na tinungo na ang main door. Nilingon ko pa s'yang muli bago ko sinara ang pinto. Malalim akong napabuntong-hininga. Mabigat ang aking dibdib na nilisan ko na ang Unit n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD