Chapter 31

3148 Words
Samantha Ano ba! Magsitigil nga muna kayo d'yan sa loob at baka may biglang sumakay. 'Di na kayo maubos-ubos. Makailang ulit akong malalim na bumuntong-hininga habang pinapahid ang mga luhang panay ang patak sa aking mga mata. Pagdating ko ng ground floor ay nando'n na kaagad ang kotse ni Sheeva, nag-aantay. Bakit parang ang bilis naman nila? Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Binilisan ko na ang paglalakad. Nginitian ko si Kuya Guard ng batiin n'ya ako at pinagbuksan ng glass door. Pagkalabas ko, lumapit ako kaagad sa kanila at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa back seat ng kotse ni Sheeva. Nakakunot-noo'ng isa-isa ko silang tiningnan pagkaupo ko doon. Pawang mga nakangiti sa akin at hindi ko makita ang pag-aalala sa kanilang mukha. Katabi ko sa back seat sina Criezel at Bea. Sa driver seat naman nakaupo si Sheeva at katabi si Rose. Kaagad pinaandar ni Sheeva ang kotse at nilisan ang lugar. Nasa kasagsagan na kami ng byahe ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Lahat tikom ang mga bibig nila. Ang weird lang kasi mukhang mga excited pa sila, hindi kagaya ko na takot at pag-aalala ang nararamdaman sa kaibigan naming si Cait. "A-Anong nangyari kay Cait?" tanong ko na sa kanila. Nakita kong kaagad silang nagkatinginan sa isa't isa. Animo'y may tinatago sa akin na iwan at parang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng tinginan. "Dinukot ni Luigi." bulalas ni Bea. "What?!" halos mapatayo pa ako sa gulat sa sinabi n'ya. "Dinala sa Tagaytay. Kaya kailangan namin ng tulong mo dahil ikaw ang hinihiling n'yang makita para pakawalan si Cait." paliwanag naman ni Rose. "Ano? Nababaliw na ba s'ya at kung ano-anong katarantaduhan ang pinaggagawa n'ya? Bakit pati si Cait dinadamay n'ya?" inis na napailing ako. "Akala ko pa naman nagbago na s'ya." mahina kong sambit sa aking sarili. "So, totoo nga na close na kayong dalawa?" nakataas pa ang isang kilay na tanong naman ni Criezel sa akin. Marahas ko s'yang nilingon at pinanliitan ng aking mga mata. Ang lakas ng pandinig... eh. "Sinabi ko bang close kami?" "Kakasabi mo lang na akala mo nagbago na s'ya. So, meaning may something something na nangyari." sabad naman ni Sheeva. I rolled my eyes. "Something something. Ang mga mukha n'yo masa-something-an ko talaga kapag nalaman kong niluluko n'yo lang ako." inis na sabi ko sa kanila. Malakas silang naghagalpakan ng tawa. Sh*t... sabi ko na nga ba. Naisahan na naman nila ako! "Ihinto mo ang kotse Sheeva at bababa ako! Mga bwesit kayo pinagluluko..." "Hey... chilax.. Masyado kang hot, madir! 'Di ka na mabiro." sabi ni Rose habang tumatawa pa rin. Inirapan ko sila. Nakakainis kasi. Masama na nga ang loob ko sa asawa ko tapos pati sila pinagluluko ako. Kaya ayaw ko mag-open up sa kanila kasi puro kalukuhan lang ang alam. At ayaw ko rin naman malaman nila ang tungkol kay Wayne. Hindi pa ako handa at hindi ko rin alam kung pa'no ko ipapaliwanag sa kanila. Baka magalit pa sila sa akin dahil naglihim ako. Iisipin nila magpahanggang ngayon wala pa rin akong tiwala sa kanila. Ayaw ko rin mangyari 'yon dahil tanging sila lang ang naging pamilya ko dito sa Manila simula ng lumayas ako sa amin. Tanging sila lang ang tumanggap sa akin ng buong-buo at walang halong pagkukunwari. Tinuring nila akong isang tunay na kaibigan, kapatid at kapamilya kaso ako may lihim na tinatago. Baka ng dahil lang doon magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin. Natatakot ako na baka pati sila mawawala rin sa akin. Sa mga araw, buwan at taon na lumipas na magkakasama kami ay lalong napalapit ako sa kanila. Simula ng makilala ko sila dahil kay Cait ay naging mas masaya ang buhay ko. Although namomroblema ako sa bahay, pagdating naman sa eskwelahan masaya ako. Pinapasaya nila ako lagi. Sa tuwing nakikita nila akong malungkot, kung ano-anong mga kalukuhan ang pinaggagagawa nila para lang mapasaya ako. Pinagtatanggol pa nila ako sa mga bully sa school. Diba..? Saan ka makakahanap ng ganun na mga kaibigan? Mga kaibigan na hindi ka iiwan sa ere. Sa panahon ngayon ang hirap makahanap ng taong mapagkakatiwalaan. I mean... 'yong taong hindi ka titirahin ng patalikod. 'Yong taong okey kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod ka puro paninira naman ang ginagawa sayo. 'Yong taong akala mo dinadamayan ka sa lungkot at problema mo kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod ka na pinagtatawanan ka na pala. Kadalasan kasi ganun ang nangyayari. Ang hirap magtiwala. Pero kahit subra-subra ng hirap at pagsubok ang dumating sa buhay ko, still, grateful pa din ako dahil nand'yan sila para sa akin. Dinadamayan ako. Daig pa nila ang Nanay ko kung mag-alala sa akin. Nakikita ko sa kanila si Ate Lea. Minsan napapaisip ako bakit ganun sila sa akin. Ang yayaman nila pero kung makaasta parang simpleng mga tao lang, nakikibagay sa akin. Dati naisip ko baka dahil nagrerebelde sila sa kanilang mga magulang kaya kinaibigan nila ako. Pero sa katagalan nawala din ang lahat ng negatibong iniisip ko sa kanila. Pinagtawanan pa nila ako ng sabihin ko 'yon sa kanila. Kailan man hindi ko naramdaman na mas angat ang buhay nila sa akin. Lahat sila puro mga businessman ang mga magulang at may mga negosyo pa sa ibang bansa pero mas pinili nilang makisama sa akin kaysa sa iba kong kaklase na mga sosyal. I heaved out a deep sighs. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas sa tagal ng byahe namin na pahinto-hinto dahil sa traffic nang iparada ni Sheeva ang sasakyan nito sa tabi ng isang up and down open Restaurant. Nagtatakang nilingon ko sila ngunit nagkanya-kanya na silang baba at dumeritso na papasok ng Restaurant. Iniwan nila akong mag-isa sa loob ng kotse. Ang mga bruha hindi man lang ako inantay. Iwanan ko kaya sila at umuwi na akong mag-isa? Kaagad din akong natigilan sa aking naisip ng maalala kong hindi pala ako marunong mag drive. Tsk. Naiinis na lumabas na ako ng kotse at sinundan sila. Derideritso ako ng pasok sa loob at huminto sa gitna. Nagpalinga-linga ako. Wala akong makitang kahit isang tao sa loob. Saan sila pumunta? Then suddenly I frozed. Ilang minuto ang lumipas habang manghang-mangha akong iniikot ang aking paningin sa loob ng Restaurant. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Subrang daming balloons. Pinaghalong black, gold and silver. May mga nakasabit pa sa bawat tali na mga stolen shots pictures ko at mga pictures na kasama ko sila. Napakunot-noo pa ako ng makita ko ang nag-iisang malaking stolen shot picture na nasa malapit sa uluhan ko. Kaagad ko itong hinablot. Halos mapanganga ako sa aking nakita. Nakaside view si Luigi habang nakasubsob ako sa kanyang dibdib at yakap-yakap n'ya. Teka... ito 'yong... Kaagad akong natigilan ng marinig ko ang pumailanlang na Birthday song na minions pa ang mga kumakanta. Napatakip ako ng aking kamay sa bibig ng makita kong isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan kong mga naka-costume sa isang pintuan na nasa gilid. Nasa unahan si Cait na abot tainga ang ngiti habang nakatingin sa akin bitbit ang isang malaking minions cake. Sina Sheeva at Criezel ay nasa kanan n'ya at sina Bea at Rose naman ay sa kaliwa n'ya. May mga bitbit na lobo na may malaking pictures namin ni Luigi. Kinunutan ko sila ng noo habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Mga sira talaga. Pinag-isipan pa akong masama kay Luigi. Huminto sila sa harapan ko. "Happy birthday sa napakaganda at sexy naming bruhilda." nakangiting sabay-sabay nilang bati sa akin habang nakaumang sa harapan ko ang cake na hawak ni Cait. "Really..? Minions talaga?" nakatawa kong sabi sa kanila. Malakas silang naghagalpakan ng tawa sa sinabi ko. Mga sira talaga. Napailing na lang ako. "Sinong nagsabi sa inyo na birthday ko ngayon?" They rolled their eyes. "Sino pa nga ba?" sabay-sabay pa nilang sabi sa akin saka lumingon sa kanilang likuran. Sinundan ko ng tingin ang nilingon nila sa likuran. Damn! Malakas akong napasinghap ng makita ko si Luigi na nakangiting lumabas ng pintuan na may bitbit na yellow rose bouquet. Mas lalong nagulat ako ng makita kong isa-isang nagsilabasan din ang mga kaibigan din nito. Nagtatanong na mga matang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga kaibigan ko at sa grupo ni Luigi. Ano 'to? Bakit nandito sila? Close na ba sila? "A red roses to a beautiful lady... este yellow roses pala." nakangiting sabi ni Luigi sabay abot ng bulaklak sa akin. Nagtatakang tiningnan ko s'ya ng matagal. "A-Ano 'to? Tsaka pa'no mo nalaman?" tanong ko kay Luigi. "Asus kunwari ka pa. Ito o may ebidensya na." sabad ni Sheeva habang pinapakita sa akin ang picture namin ni Luigi. "Mas pinili mo pang sabihin sa kanya kung kailan ang birthday mo kaysa sa amin..." "Wala akong sinasabi sa kanya..." katwiran ko. "I have my ways." sabad ni Luigi. "Kunin mo na 'to at ang sama na ng tingin sa akin ni Cait." nakangiting sabi n'ya sa akin sabay abot ng kamay ko at nilagay doon ang bulaklak. Kaagad kong nilingon si Cait. Napangiti ako ng makita kong salubong na ang mga kilay habang nakatingin kay Luigi at sa grupo nito. Oh no... Lagot.. Sunod-sunod na nagsilapitan sa akin ang mga kaibigan ni Luigi. Binigyan nila ako ng isang tangkay na yellow rose habang binabati ng Happy Birthday. "O, tapos na ang palabas, lumayas na kayo." pagtataboy sa kanila ni Cait. "Grabi ka naman sa amin Cait. Hindi mo man lang kami imbitahan kumain?" nagtatampong sabi ni Ivan. "Aba't... makikikain ka pa talaga?! Bumili na lang kayo ng sainyo!" nakasimangot na sigaw sa kanya ni Sheeva. "Kurimaw na 'to." Malakas na napahagalpak kaming lahat ng tawa sa sinabi n'ya. Kahit kailan talaga aso't pusa ang dalawang 'to. Sinamaan n'ya kami ng tingin. "Parang... ikaw ang mas gusto kong kainin Sheeva. I wonder how it taste like. Sing tamis kaya ng mga labi mo?" sabi ni Ivan habang nakakalukong nginisan ang kaibigan ko at malagkit na tinititigan. Marahas naming niligon si Sheeva at pinukol ng nagtatakang tingin. Naitulos ito sa kinatatayuan n'ya at namulang parang mansanas ang buong mukha. Ngunit kaagad din itong nakabawi at pinanliitan ng mga mata si Ivan. "Bwesit ka! Kung ano-anong pinagsasabi mo d'yan! Lumayas ka dito!" angil ni Sheeva kay Ivan at pinagtutulak ito palabas. Tawa ng tawa naman ang luko pati ang iba pang mga kaibigan nitong nakasunod sa kanila at lumabas na rin. Nakakunot-noo'ng nasundan ko sila ng tingin. Teka... may something ba sa kanilang dalawa? Sheeva and Ivan...? "Happy Birthday, Sam." narining kong bati sa akin ni Luigi. Nakakunot-noo pa rin na kaagad akong napatingala sa kanya. Hindi ko inaasahan ang kanyang sumunod na ginawa. Kaagad nanlaki ang aking mga mata ng gawaran n'ya ako ng mabilis na halik malapit sa gilid ng mga labi ko at malalaking hakbang na naglakad palabas ng Restaurant. He... kissed me! Naitulos ako sa aking kinatatayuan habang nasundan na lamang s'ya ng tingin. Bigla akong kinilabutan sa ginawa n'ya. Damn... Bakit n'ya ginawa 'yon? Malakas na tikhim ni Cait ang nagpabalik sa aking huwisyo. Nagtatanong na mga mata ang sumalubong sa akin. "So, birthday girl, care to tell us kung anong ibig sabihin ng aming nakita?" nakapamaywang pang tanong sa akin ni Cait. I rolled my eyes. "Magkano ang ginastos n'yo sa paandar n'yong 'to?" iginala ko ang aking paningin muli sa loob. "Tapos nag-rent pa talaga kayo..." "Sus.. umiiwas." umiiling na putol n'ya sa akin. Napangiti ako. "Hindi kami ang gumastos, si Kuya. Tsaka matagal na namin 'tong pinaplano na ipatayo. Ngayon lang natapos. Kulang 'yong pera kaya ikaw ginamit namin para matapos na." "And here it is... our new haven!" nakangiting sabay-sabay ulit nilang sabi sa akin. What...? A-Ano daw..? Naguguluhan na tinitigan ko sila. "Teka... anong pinagsasasabi n'yo? Paki-explain nga at naguguluhan ako sa inyo." "Palagi ka kasing malungkot. Hindi ka man nagkukwento sa amin, nakikita at ramdam namin na may mabigat kang problema. So, we pursued this. Ginamit ka namin kay Luigi dahil may kaibigan s'yang magaling na engineer at para matapos na 'to. And here it is. Kaso may utang ka kay Luigi na kami ang may gawa." nakangiwing sabi ni Cait sa huling sinabi n'ya. Napatakip muli ako ng kamay sa aking bibig. Isa-isang tumulo muli ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanila. Natataranta naman na kaagad nila akong nilapitan. Nagmamadali pang pinatong ni Cait ang cake sa malapit na mesa at kaagad dinaluhan ako. "Sorry na Sam kung ginamit ko ang pangalan mo kay Luigi para pautangin n'ya akong pandagdag sa puhunan dito. Ako naman magbabayad..." Lalong lumakas ang iyak ko. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulhol. "Sh*t... Criezel pakikuha ng tubig!" "Damn... Cait! Disaster tuloy ang kinalabasan ng surprise!" Magkapanabay pang sigaw ni Cait at Bea. Kaagad nila akong hinila at pinaupo sa upuan kung saan pinatong ni Cait ang cake kanina sa mesa. Natawa ako sa itsura nila habang humahagulhol. Nakakunot-noo'ng tinitigan ako ni Sheeva habang nakatayo sa harapan ko. "Tears of Joy ba 'yan or what?" Mabilis naman itong binatukan ni Criezel matapos iabot sa akin ang isang basong tubig. "May tears of joy bang ganyang kalakas ang hagulhol? Malamang may something 'yan." nakairap na sabi ni Criezel kay Sheeva. Nakangiting kaagad kong hinamig ang sarili ko. Uminom ako ng tubig at malalim na bumuntong-hininga. "S-Salamat sa inyo ah. Hindi ko... inaasahan 'to." gumaralgal muli ang boses at tumulo ang masagana kong luha. "O-Okey lang sa akin na ginamit n'yo ang pangalan ko kay L-Luigi. Basta 'wag sa masama at tatamaan talaga kayo sa akin." Nagkatinginan sila sa sinabi ko at kaagad akong pinalibutan at niyakap ng mahigpit. "Ayiii.. ang bait mo talaga." sabay-sabay pa nilang sabi sa akin. Grabi maka-group hug parang sinasakal nila ako! Kaagad akong nagpumiglas. "Yakap ba or sakal ang ginagawa n'yo sa akin?" Malakas silang naghagalpakan muli ng tawa. Pinanliitan ko sila ng mga mata na nagpalakas pa lalo ng tawa nila. Nadala na rin ako sa masayang tawa nila kalaunan at nakitawa na rin. "Baka pwede mo ng e-kwento ang lahat sa amin ngayon?" maya-maya tanong ni Cait sa akin. Nagkanya-kanya silang pulasan at layo sa akin at lumipat sa kabilang ibayo ng mesa. Naupo sa upuan doon paharap sa akin. Mataman silang nakatitig sa akin. Animo'y mga batang nag-aantay sa kwento ng kanilang lola. Nakangiting napailing ako at yumuko. Malalim akong bumuntong hininga. Ikukwento ko na ba sa kanila? Huhusgahan kaya nila ako? Ano kaya ang iisipin nila sa akin pagkatapos? Nag-aalangan na nag-angat ako ng tingin at tinitigan sila. Matagal. Hanggang sa lumandas muli ang masagana kong luha. "I-I'm married." panimula ko. "What...?!" mulagat na sabay-sabay nilang sagot sa akin. "Kanino?" "Kailan pa?" "Bakit hindi namin alam?" "Kailan ka ba nagka-boyfriend?" Sabay-sabay na tanong pa sa akin nina Sheeva, Criezel, Rose at Bea matapos mahimasmasan sa sinabi ko. "Hayyst! Magsitigil kayo!" nakadipa ang mga kamay na sigaw ni Cait. "E-zipper nga muna ninyo 'yang mga bunganga n'yo ng makapagsalita si Sam, pwede ba?" Bigla naman natahimik silang lahat at saka tinanguan ako ni Cait. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang patuloy ang paglandas ng mga luha sa aking mga mata. "He... He doesn't.. love me. M-Marami s'yang babae. B-Binuntis n'ya pa lahat. S-Subra na akong n-nasasaktan. Hindi ko... Hindi ko na... kaya pa ang ginagawa n'ya.. pero.. mahal na mahal ko pa rin s'ya." nanginginig ang mga labing sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong malakas na mapahagulhol muli sa harapan nila. Halos umalog ang mga balikat ko sa hindi maipaliwanag na emosyon na bumalot sa buong puso. Iwan ko ba. Sa araw-araw na pag-iyak ko parang Dam sa subrang dami ng luha ko at hindi maubos-ubos. Animo'y pagkatapos kong ilabas meron na namang nadadagdag. Kahit subrang lakas na ng ragasa ng luha kong hindi maampat-ampat habang tumatagal lalo tuloy dumadami. Parang may bukal na iwan. Kaagad nila akong pinalibutan. Mahigpit akong kaagad niyakap ni Cait. Napasubsob ang mukha ko sa tiyan n'ya. Tuloy lumakas pa lalo ang hagulhol ko. Pinalaya ko ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. Na matagal kong kinimkim sa loob ng dibdib ko na pilit kong tinatago at palihim na unti-unting nilalabas. Hinayaan lang nila akong umiyak ng umiyak habang hinihimas ang likod ko. Hindi ko alam kung inabot akong oras sa tagal ng iyak ko. Sumisinok pa ako pagkatapos kong umiyak. Natawa pa ako ng makita kong puro namumula pa ang mga mata nila. "B-Bakit namumula.. mga mata n'yo?" gumagaralgal ang boses na tanong ko sa kanila habang hinahamig ang aking sarili. "Bwesit ka kasing bruhilda ka. Bakit ngayon ka lang nagkwento." sabi sa akin ni Sheeva habang naglalakad palayo sa akin at nagpupunas ng luha't sumisinghot. "E, bakit ikaw hindi rin nagkukwento sa amin tungkol sa inyo ni Ivan, aber?" nakapamaywang na sabad naman ni Criezel. Napatigil ito sa paglalakad at marahas na nilingon si Criezel na nakangising asong nakatingin sa kanya. "Magsitingil nga kayong dalawa. Kanina pa kayo. May problema na nga itong isa dumadagdag pa kayo." sermon ni Cait sa dalawa. "Tara mag-walwal na lang tayo. Double celebration. Birthday and opening nitong Restaurant natin!" excited pang sabi ni Rose at kaagad tumakbo papasok sa counter. Nakangiting nasundan ko s'ya ng tingin at pinanood habang nagmamadaling naglagay ng alak sa anim na coupette glass na kinuha nito. Animo'y isang expert na bartender ito sa mga kilos nito. "Dali... tulungan n'yo ako magbitbit nito d'yan!" sigaw nito sa amin matapos malagyan lahat ng baso ng alak na pinaghalo-halo nito. Mabilis naman na tumakbo sina Sheeva at Bea palapit dito at nakangiting bumalik sa mesa namin. "Anong tawag sa inumin na 'to? Bakit may asin?" nagtatakang tanong ko sa kanila ng iabot sa akin ni Sheeva ang isa. "Margarita." sagot naman sa akin ni Cait. "Cheers?" nakangiting sabi ni Bea habang nakataas ang kamay hawak ang kopita nito. Nagsitaasan din sila ng kanilang kopita habang nakangiting nakatingin sa akin. Hinawakan ko na rin ang akin at nakangiting tinaas ito. "Cheers!" sabay-sabay naming sigaw. Napangiwi ako ng sabay-sabay nilang tinungga ang laman na alak sa kopita nila. "Argh! Ang sarap... gawa ka pa Rose!" sigaw ni Sheeva habang dinidilaan ang asin sa gilid ng ibabaw ng baso nito. Kaagad naman tumalima si Rose at tumakbo pabalik ng counter. Napangiti ako sa sinabi ni Sheeva. Naiiling na kaagad ko na rin tinungga ang laman ng kopita ko. Napangiwi ako lalo ng malasahan ko ito at kaagad uminit ang aking buong katawan. Maya-maya naramdaman kong parang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko. Sh*t.. ganito ba ang feeling ng umiinom ng alak? "Okey ka lang ba, Sam?" nag-aalalang tanong sa akin ni Cait sabay hawak sa aking balikat. I nodded and smiled at her. "Rose... isa din sa akin!" sigaw ko kay Rose na nagkukumahog sa paggawa ng Margarita sa counter. May nakita pa akong anim na shot glass na kinuha n'ya at nilagyan ng kung anong alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD