Chapter 4

3246 Words
Samantha Dalawang araw kong 'di kinausap si Ate. Panay itong sorry sa akin. Pero di ko s'ya pinapansin. Hindi ko s'ya kinakausap. Parang hangin s'ya sa aking paningin. Sa aking harapan. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita. Para akong isang robot. Sumusunod ako sa utos ni Inay o kaya ni Itay pero hindi ko sila iniimik. Tahimik lang din silang nakatingin sa akin. Hinayaan lang din nila ako sa aking drama. "Dapat 'wag kang magdamdam sa t'wing napapagalitan ka ng mga magulang mo. Ginagawa nila 'yon para itama ka. Ang pangangaral nila ay para din naman sa ikabubuti mo. Mahal ka nila kaya ka pinapagalitan." Sermon sa'kin minsan ni Ate Lea ng makasabay ko s'ya sa paghatid ng pagkain kay Itay na nasa tubuhan. I heaved a deep sigh. Ilang linggo na ang lumipas. Simula ng insidenting iyon naging tahimik na ako. Alam ko naman 'yon. Na mahal nila ako. Over protected na nakakasakal. Bawat galaw ko nakikita. Lagi na lang mali. Lagi na lang ako napupuna. Bawal na ba akong magsalita? Bawat katagang lumalabas sa bibig ko parang lahat na lang masama sa kanilang pandinig. Tapos si Miguel wala na atang magawa sa buhay kundi ang painitin ang ulo ko. 'Pag sinagot ko makakarating na naman sa mga magulang ko ang ginawa ko. Tapos papagalitan na naman ako. S'ya pa ang kinakampihan. 'Yong mga taong dapat kakampi ko sa kanya pa pumapabor. Siya pa ang pinapanigan. Kaliwa't kanang sermon na naman. Kailan ba lalayas ito ng Hacienda ng tumahimik naman ang buhay ko? Kanina nakita ko si Ate'ng umiiyak dahil sa ginagawa kong pang-e-ignore sa kanya. Nakonsensya ako bigla. Pero pinigilan ko ang aking sariling lapitan s'ya. Napapaisip ako na baka sumubra na ata ako. But I just ignored the thought. Araw ng sabado, dinalaw ko ang lumang bahay namin. Hindi ko mapigilan ang luha sa aking mga mata na bigla na lang bumalong ng masilayan kong muli ang lumang bahay namin. Iginala ko ang aking paningin. Poste at bubong na lamang ang natira. Wala na ang mga dingding. I smiled. Hinawakan ko ang unang poste na nasa harapan ko. Why, I missed this place so much. Ilang buwan pa lang naman ang lumipas mula ng lumipat kami sa loob ng hacienda. Sa Rest House ng mga Del Carpio. But, why It feels like It's been a year since we've left this place? Parang tinutusok ng malalaking aspili ang puso ko ng maalala ang mapapait na nangyari sa pamilya ko. Del Carpio will always be our little angel sent from heavens' above who lifted our heavy baggage in our shoulders. Nakita kong nand'on pa rin ang upuang kawayan na nakapabilog sa puno ng mangga sa likod ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit at naupo doon. Kaagad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Tumatama ito sa aking buong katawan. I sighed. Napawi 'non ang lahat ng bigat na nasa loob ng aking dibdib. Isang oras na akong nakatulala sa kawalan. Blangko ang aking isipan. Nang makaramdam akong parang may nakatingin sa akin. Kaagad akong napabaling. Nakita ko si Ate'ng nakatayo sa bungad ng aming lumang bahay. Nakahawak sa poste. I stared at her blankly. She smiled back at me. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Without saying anything. Not even tried to open a conversation. Something flashback in my mind. What had happened before, repeated again. I smirked with the thought. We stayed like this for a couple of hours. Reminiscing the past. Here in our old house. Our little paradise. Our haven. Though there's a lot of bitter incidents, still its full of unforgetable happy moments. Together with my beloved family. Then decided to went back home together when we started to hear the chirping of the crickets. Though we didn't talked to each other, our actions speak louder than our words. I know the knot between us is now untied. My drama is over. I secretly smirked with my childish act. Hindi naman ako galit sa kanila. Wala lang ako sa mood. Bigla na lang ayaw ko ng kausap. Hindi ko rin maintindihan 'yong sarili ko. Bakit hindi ako makapagsalita. Nalulon ko ata 'yong aking dila. Minsan parang gustong kong suntukin ang sarili ko. Ako pa itong nagmamataas. Ako naman itong may kasalanan. Sa lumipas na mga araw tinubuan na din akong hiya dahil sa mga pinaggagawa ko. Kaya tiniis ko na lang silang 'wag ng kausapin. Pero nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko. Naiiyak ako. Hindi ako sanay. Masyado akong marupok pagdating sa pamilya ko. Hindi ko sila matiis. *** Mabilis lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Ngayon nakakapaglakad na ang Inay ng walang gamit na tungkod. Sa tulong ng isang magaling na physiotherapist na kakilala ng mga Del Carpio, mas napabilis at napadali ang paggaling nito. 'Yong akala ko na suntok sa buwan na mangyayari ay sa isang iglap parang magic, nagkaroon ng katuparan ang lahat. Nakapagtapos na rin ng pag-aaral ang Ate ko. Isa na itong Registered Nurse ngayon. Dalawang taon ng nagtatrabaho sa St. Luke's Medical Center. Simula ng dumating ang mag-asawang Del Carpio sa buhay namin, nagbago ang lahat. Mas gumaan ang pamumuhay namin. Nakabangon kaming muli. Nakapagsimula. Nagkaroon ng bagong buhay. Pag-asa. Nagkaroon muli ng munting liwanag ang buhay namin na nilamon na ng kadiliman. Nang pait na nangyari sa aming pamilya. Sa katunayan hindi lang ang pamilya ko ang tinulungan ng mga ito. Kundi lahat kaming mga nasasakupan nila. Nakapagtapos na din ng pag-aaral at nagsipag-asawa na 'yong iba kong mga kaibigan at kakilala. 'Yong iba naman lumipat ng skwelahan sa Manila dahil sa libreng pagpapaaral ng mga Del Carpio. Minsan lang itong mangyari. Maganda 'yong dumating na oportunidad kaya sinungaban na. Everything has been changed. And I am happy with the outcome. Parang kailan lang nakikipagsagutan pa ako kay Aling Pricilla. Nakikipag-away ako kay Miguel. Lahat ng umaapi sa pamilya ko sinusugod ko. Inaaway ko. Wala akong sinasanto. Gano'n ako kalala. I smirked with the memory. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-war freak ko pala noon. Napaka-walang modo. Suwail na anak. Nagsisisi ako sa lahat ng kamalian na nagawa ko noon. Pero sa t'wing nakikita ko ang pagbabago ni Aling Pricilla, napapaisip ako na 'wag na lang ata. I smirked again with the thought. Hindi ako sigurado kung dahil sa nangyaring sagutan sa pagitan namin noon. Pero talagang nagbago ito. Ang dating walang pusong amo ng Ate ko ay parang nakalaklak ng isang timbang holy water ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap magbabago ito. Pwede kaya 'yon mangyari sa isang tao? Hindi kapanipaniwala diba? Madalas din kaming magkaklase tumambay sa karendirya nito bago umuwi ng bahay pagkagaling ng skwelahan. Inaabangan lagi namin ang special mami nito. Nag-expand din ang kanyang karendirya. 'Yong dating mga suki nito na lumipat sa iba ay nagsipagbalikan na rin dito. Dinarayo ang karendirya nito. Lutong bahay na ulam at kung ano-ano pa. Magaling at masarap ito magluto. Presyong pang masa pa. Kaya maraming customer lagi. Lalo na ngayon may bagong tourist attraction dito sa lugar namin. Ang Baylan Lake na kabubukas pa lamang. Baylan Lake was once an ugly duckling filled with filthy waters and covered by water lilies. It was there for decades and was ignored. Not until Don Fernando notice it. He coordinated with the Mayor and they started the plan. Then its once hidden potential was discovered. A "bayanihan" was held and the residents decided to clean and clear the lake of debris. The 15-hectare body of water shone after oodles of water lilies were taken away from its surface. Then the quite lake which had been unnoticed for eras made an uproar. Like wildfire, its name conquered various media outlets. It is now an outstanding rendezvous for people looking for the best site to admire the perfect twin cone peak mountain at the nearby island surrounded by the sea and the flower orchard and forest behind the Hacienda Ismeralda. Kahit ako madalas tumambay sa Lake na 'yon. Mura lang naman ang entrance fee. Ang ganda pa ng view. Nakakawala ng stress ang ambiance. Lalo na 'yong mga poging foreigner na turista. Makalaglag panga. Vitamins pa sa mata! Ngayong pasukan third year college na ako, with BSED major in Science course. Bakasyon namin ngayon kaya nandito ako sa apartment ng Ate Shienna ko sa Manila. Apat na taon na itong hindi umuuwi. Puro video call lang ang ginagawa. Kisyo busy sa skwelahan at trabaho. Kaya pinayagan akong muli ng aking mga magulang na lumuwas at bisitahin ito. Ang bilis ng takbo ng mga araw at ng oras. Mag-iisang linggo na ako agad dito pero dalawang beses pa lang akong pinasyal ni Ate. Nababagot ako. Maghapon lang akong nakatunganga sa harap ng laptop nito. Pakiramdam ko parang nagdayo lang ako dito para makinood ng Kdrama sa KissAsean TV. "Labas tayo ngayon, Ate. E-libre mo naman ako ng sine. Hindi pa ako nakakapasok do'n e." Tinawanan lang ako nito. Nalukot lalo ang mukha ko. Kanina ko pa ito kinukulit pero 'di ako pinapansin. Busy kakakalikot ng cellphone nito. Pabagsak na sumalampak ako ng upo sa sofa nito. Nakakatamad. Gusto ko sanang gumala kaso natatakot ako. Twice pa lang akong nakaluwas ng Manila at hindi ko kabisado ang lugar. Baka kapag naglakwatsa ako mag-isa hindi na ako makabalik pa dito sa apartment. Hindi pa naman ako magaling kumabisado ng daan. Nilingon niya ako. Inirapan ko s'ya. Naririndi ako sa mga palusot n'ya. She chuckled. "Sige..." "Ayyy..! Magbibihis na ako!" Nagtitiling kaagad akong tumakbo papasok ng kwarto pagkatapos kong marinig ang salitang "sige" nito para magpalit ng damit. Hindi ko na s'ya pinatapos pang magsalita at baka magbago pa ang isip. Mahirap na. It took me a while to choose what clothes to wear. Then suddenly stumbled with my favorite yellow off shoulder fitted long sleeve crop top and black denim high waisted short. Matching with my white shoes and white shoulder bag. I put some powder in my face and shades of nude lipstick in my lips. Nilugay ko lang ang aking hanggang baywang na itim na itim na buhok. I smiled with my reflection in an oval shape mirror in front of me. Pagkatapos ni Ate magbihis ay kaagad kaming umalis at nagtungo ng Mall. Sumakay na kami ng tricycle para mabilis. Naasiwa pa ako kanina ng paglabas namin ng bahay ay pagtinginan pa kami ng mga tambay sa tindahan malapit sa luwasan. Naconscious ako bigla sa suot ko ng makarining ako ng mahinang sipol. Napahawak ako kaagad sa braso ni Ate. Tinawanan naman ako nito. "Anong gusto mong panoorin, Sam?" Tanong sa'kin ni Ate habang naglalakad na kami papasok ng Mall. Araw ng linggo kaya subrang daming tao. Busy masyado. Buhay na buhay ang paligid. Bigla akong naexcite. Parang nakawala ako sa hawla. "Horror. Gusto ko 'yong mapapasigaw ako. Napapanisan akong laway sa apartment mo." Napahalakhak ito sa sinabi ko. Inirapan ko s'ya. Pero kalaunan ay bahagyang natawa na rin ako. Wala na nga akong makausap sa apartment nito, lagi pa akong iniiwan mag-isa. Ayaw ko naman makipagChat sa mga kaibigan ko. Nangangalay lang ang mga daliri't kamay ko. "Sigurado ka ba d'yan?" She pouted a bit. Hindi ko siya sinagot. Hindi rin naman ako sigurado sa sinabi ko. Dumaan muna kami ng grocery store. Bibili ng pagkain na pweding mangatngat sa loob ng sinehan. Bitbit nito ang basket. Nang makapasok kami dumeritso ito kaagad sa beverage section. Pumunta naman ako sa kabila. Maghahanap akong chips. Hindi ako makadecide kung alin ang kukunin ko sa subrang daming pagpipilian. Paroo't parito ako kakatingin. Alin ba dito ang masarap? Nakakita akong Nova at Potato chips. Kaagad kong dinampot 'yon. Kumuha akong tig-dalawang malaki. Napangiti ako. Pagbaling ko sa aking kanan bigla akong napasigaw ng may malakas na bumangga sa akin. Nabitawan ko ang mga hawak ko. Aw! Tumama pa ang isa sa aking mukha. Hindi ko alam kung saan na ito nagsipagtalsikan. Pati 'yong shoulder bag ko natanggal sa balikat ko. Nakataas pa sa ere ang mga kamay ko. Pati 'yong buhok ko sumabog sa aking mukha. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat. I twisted my lips. Oh no! Babagsak ako! Hiyaw ng aking utak. Patumba na ako sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ng estrangherong bigla na lang sumulpot sa aking daraanan, nang maramdaman ko ang mabilis na paghaklit ng braso nito sa aking baywang. Malakas akong napasubsob na matigas nitong katawan. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa akin ng malabakal nitong braso. Nahigit ko ang aking paghinga. Hindi pa ako makamove-on sa gulat ng pag-angat ko ng aking mukha ay basta na lamang ako nitong hinalikan. Napasinghap ako ng malakas ng maramdaman ko ang mainit nitong mga labi na dumampi sa bahagyang nakabuka pang mga labi ko. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko inaasahan. Hindi ako handa. Nanlalaki ang mga matang naitulos ako sa aking kinatatayuan. Nawala ako sa aking sarili. Nanginig bigla ang aking mga tuhod sa kuryenting naramdaman kong nanulay sa aking buong katawan sa paglapat ng labi nito sa aking mga labing wala pang karanasan. What the f*ck is this? Bakit may ground? Ilang minuto rin akong napatulala habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Pakiramdam ko huminto ang pag-ikot ng mundo sa subra kong pagkagulat. Nagblurred ang lahat sa aking paligid. "John Wayne!" Napakurap-kurap ako bigla. Kaagad akong natauhan. Malakas kong naitulak ang estrangherong lalaki sa kanyang dibdib. Napaatras ito. Kaagad ako nitong nabitawan. Napalingon ako agad sa aking kanan matapos kong marinig ang malakas na sigaw. I startled. Nanlilisik na mga mata ng isang magandang babae ang sumalubong sa aking paningin. I even looked behind my back and think twice kung sa akin ba talaga siya nagagalit. Nakatayo ito sa dulo ng grocery rack malapit sa cashier. Nakita ko pang pumatak ang luha nito sa mga mata na kaagad ding pinalis habang masamang nakatingin pa rin sa akin. Napamaang ako sa kanya. I saw a sudden pain flashed in her teary eyes. Panibugho ba iyon? Sawi? Isang matalim na tingin pa muli ang binato nito sa akin bago ito tumalikod. Malalaking hakbang na umalis ito. Nasundan ko pa ito ng nagtatakang tingin. Napahawak ako sa aking dibdib.Teka, sa akin ba nagagalit ang babaing 'yon? Pero bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Naalala ko bigla ang lalaking nangahas na humalik sa akin. Naikuyom ko ang aking mga kamay sa galit na biglang umusbong sa aking dibdib. Kaagad ko itong binalingan ngunit likod na lamang nito ang naabutan ko. Kaagad itong lumiko at biglang naglaho sa aking paningin. Hindi ko naramdaman na nilayasan na rin pala ako nito habang tulalang habol ko pa ng tingin ang babaing galit na galit na nakatingin sa akin kani-kanina lang. Girlfriend n'ya? Boyfriend s'ya? Mag-d'yowa ba sila? May LQ? Shit. Bakit dinadamay nila ako sa problema nila? Wala sa sariling napahawak ako bigla sa nanginginig ko pang mga labi. John Wayne? S'ya ba iyong tinawag no'ng babae? Pero bakit n'ya naman ako hinalikan? What has just happend? Gulong-gulo ako sa nangyari. Hindi ko maintindihan. Hirap e-proseso ng aking utak. Anong nangyari? Anong nangyari? Paulit-ulit na tanong ko sa aking utak. s**t. Siraulong lalaki 'yon ah! "Sam, Ok ka lang?" Nag-aalalang mukha ni Ate ang pumukaw sa akin. Hindi ko naramdaman ang kanyang paglapit. Nakatayo na s'ya sa harapan ko. Napatitig ako sa kanya. She held my left arm. "Are you ok? Anong nangyari? Bakit parang natuklaw ka ng ahas d'yan?" Hindi ko namalayang napapasabunot na pala ako sa aking buhok. T'ngna, sumakit bigla ang ulo ko. Isa-isang pinulot n'ya ang apat na malalaking chips na naitapon ko kanina. May tumulong pa sa kanyang ibang mamimili sa pagpulot. Inabot ito kay Ate at linagay naman n'ya sa loob ng kanyang hawak na basket. Kaagad n'ya akong nilapitan matapos n'yang magpasalamat dito. Hindi n'ya ako hinihiwalayan ng tingin. Animo'y parang may mali sa akin. Wala sa sariling nagpalinga-linga ako. Napapitlag pa ako ng makita kong halos lahat sila nakatingin sa akin na may mapanuring mga mata. Biglang nag-init ang aking buong mukha. s**t. Nakakahiya! Kaagad akong hinatak ni Ate papunta ng cashier. Nagpatangay naman ako. Pasulyap-sulyap s'ya sa akin. Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagtitinginan. Dahil ba sa babaing galit na galit sa akin or sa lalaking basta na lang nanghalik sa akin? Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng maruruming mga utak nila. Makatingin sa'kin wagas. Anong akala nila sa akin mang-aagaw? Natigilan ako sa naisip. Hindi kaya.... s**t! Binayaran na n'ya lahat-lahat ng pinamili ay hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Hanggang makapunta na kami ng fourth floor at bumili na ito ng ticket para sa panonoorin naming pelikula. Ilang minuto ang inantay pa namin bago kami pumasok sa loob ng sinehan. Subrang lamig. Ang dilim sa loob lalo na ang sa bandang duluhan. Muntik pa akong madapa ng matisod ako sa ilang baitang na nand'on, buti na lang at nahawakan ako ni Ate sa aking braso. Nagpalinga-linga pa muna ako bago kami naupo sa gitnang parte ng sinehan. Kapwa magkakapareha ang naaaninag kong mga bulto sa dilim. May ilan pa akong nakitang naghahalikan. Seryoso? Dito pa talaga? Napailing na lang ako. Maya-maya nagsimula na ang palabas. Kumuha akong Nova chips at kaagad itong binuksan. Sunod-sunod akong sumubo. Hindi maalis sa utak ko ang nangyari. Nakatutok ang mga mata ko sa unahan pero ang utak ko naiwan sa labas ng sinehan. Ilang minuto na ang lumipas na nakaupo kami doon pero wala akong maintindihan sa palabas. Jurassic World Dominion ang napili ni Ate'ng panoorin namin. Ang ganda sana ng pelikula kaso iwan at parang nawalan ako ng gana. Maya't maya ako nitong kinakalabit. Tahimik lamang ako. Nakakunot noo pa rin itong nakatingin lang sa akin. Panay tanong kung anong nangyari pero hindi ko siya masagot. Umiiling lang ako. Ano nga ba ang nangyari? May bagyong lalaki na pagkatapos akong banggain, hinalikan ako, ganun? Bigla na lang din akong linayasan pagkatapos ng ginawa nito. Hindi man lang nagsorry sa'kin ang bastos na lalaking 'yon. Naglalaro ba sila ng truth and sequence at ako ang napiling pagtripan? Nakakairita. I sighed deeply. Hindi ko man lang maalala ang mukha ng lalaking 'yon. I was so shocked with the unexpected abrupt kiss of that damn stranger. Ninakaw niya ang unang halik ko. Damn. Natapos ang pelikulang walang pumasok na kahit ano sa aking magulong utak. Para akong lutang. Gano'n ba talaga ang pakiramdam ng nakaw na halik? Parang may bubble gum. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi ng lalaking 'yon sa nguso ko. Ang mabago n'yang hininga na tumama sa mukha ko kanina. Pati ang mamahaling pabangong gamit nito sadyang nakadikit pa din sa katawan ko. Lalo na sa damit ko. Naaamoy ko pa din 'sya. Though I am pissed with his actions, still I regretted that I can't even noticed his face. Gwapo kaya s'ya? Macho? Hindi ko alam. Pero naramdaman kong matigas ang dibdib nito ng lumapat ang mga palad ko sa dibdib ng itulak ko. Mukhang maganda ang katawan. Mamuscle. No'ng nakatalikod s'ya 'di ko masyadong natitigan. Pero mukha s'yang matangkad at malaki. Broad shoulders. Maihahalintulad ko siya sa isang dayuhan. Is he? Ang mukha n'ya wala akong maalala. Naduling ako sa ginawa sa akin ng mapangahas na lalaking 'yon. Hindi ko maalala kung napapikit ba ako habang magkalapat ang mga labi namin or dilat. Iwan. Ang utak ko naka-focus sa sakit na maaari kong maramdaman sa pagbagsak ko sa sahig. Pero hindi nangyari. Iba ang nangyari. Mas malala. Mas nakakahiya. Tsk.. Bakit ko ba iniisip ang walang hiyang 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD