Chapter 5

3154 Words
Samantha Pagkatapos naming manood ng sine, nagwindow shopping naman kami ni Ate. Pumasok kami ng Department Store. Pansamantala kong nakalimutan ang estrangherong gumugulo sa isip ko. Ang dami kong nakikitang magaganda pero ni isa wala akong kinuha. Hanggang hawak at tingin lang ako. Wala naman akong pera para do'n. Nagtitipid ako lalo't wala pa naman akong trabaho. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kung ano-anong pinangbibili n'ya. Nagulat pa ako ng sabihin n'yang para lahat 'yon sa akin. Tinitigan ko s'ya ng nagtatanong kong mga mata. Seryoso ba s'ya? Ayaw kong maniwala at baka pinaprank lang naman ako. Masakit kaya umasa. She chuckled. Hinarap n'ya ako saka nagpaliwanag. Halos mapatili pa ako sa subrang tuwa ng marinig ko ang mga sinabi n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang sariling yakapin s'ya. Pambawi n'ya daw sa ilang araw na pang-iiwan n'ya sa akin sa bahay. Kung alam ko lang na ganito na s'ya bumawi ngayon, kahit araw-arawin n'ya na akong iwan ng bahay. Okey lang sa akin. I grinned. Pati ang Inay at Itay binilhan n'ya na rin. Pasalubong daw sa kanila pag-uwi ko ng probinsya. Parang atat ng pauwiin ako. Pinamaywangan ko s'ya. Tinawanan lang n'ya ako ng sabihin ko 'yon sa kanya. Ang ingay namin ni Ate sa loob. 'Yong ibang namimili napapatingin pa sa gawi namin. Samantala, tuwang-tuwa naman ang Sales Lady na nag-asist sa amin. Nakikisakay pa sa kalukuhan naming dalawa. Ang saya! Pati 'yong bestfriend n'yang si Ate Lea hindi n'ya rin nakalimutang bilhan ng pasalubong pati ang mga magulang nito. Nang nasa counter section na kami para magbayad, nalula pa ako sa halaga ng binayaran n'ya ng makita kong umabot ng limang numero ang pinamili namin. Pinagsabihan ko s'ya sa paggagasta n'ya at pinaalala ang utang na pinababayaran sa kanya ni Miguel. Ngunit nagkibit balikat lamang s'ya. Minsan n'ya lang naman daw 'yon magawa para sa amin at para sa ikakasaya naman ng aming mga magulang. Hindi daw 'yon panggagasta kundi appreciation. May gano'n? Pasasalamat? Hinayaan ko na lang tutal pera n'ya naman 'yon at s'ya ang magbabayad. Naglibot-libot pa kami sa loob ng mall. Dumikit na ako sa Ate ko at hindi na ako humihiwalay pa sa kanya. Mahirap na. Pinagtatawanan naman n'ya ako sa itsura ko pero wala na akong pakialam pa. Hindi ko maamin sa kanya na may luko-lukong basta na lang nanghalik sa akin. Nahihiya ako. Baka kung ano pa isipin n'ya. Kukulitin n'ya lang ako lalo. Wala pa naman ako sa mood. At hindi ko rin alam kung ano o pa'no ko sasabihin sa kanya. Nang makakita s'yang isang Korean Restaurant kaagad akong hinatak papasok. Kumain muna kami doon bago nagpasya ng umuwi. Pagod na pagod ako sa maghapon naming lakwatsa kaya pagdating sa apartment n'ya kaagad akong nakatulog. Madaling araw na ng maalimpungatan ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Nakapikit pa ang aking mga mata ng abutin ko ito sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Bahagya ko lang sinilip ito. Nang makita kong si Ate Lea lang naman ang nambubulabog ng tulog ko, kaagad ko itong pinatay at binalik sa ibabaw ng drawer. I went back to sleep. Tanghali na akong nagising muli. Pagtingin ko sa katabi ko wala na s'ya. Maayos ng nakatupi ang kumot na ginamit n'ya sa ibabaw ng malaking unan sa tabi ko. Tumihaya ako ng higa. Ilang minuto pa akong nanatili sa aking higaan. Nakipagtitigan ako sa puting kisame. Parang nakikita ko doon 'yong nangyari kahapon sa loob ng grocery store ng SM. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Hindi mapagkit sa aking utak ang estrangherong lalaking 'yon. Dampi lang naman ang ginawa nitong paghalik sa akin pero bakit pakiramdam ko nag-iwan iyon ng malaking marka? Hindi ko makalimutan. Dapat nagagalit ako. Pero bakit ngayon naghahangad na akong makilala s'ya? Normal lang ba 'yon? Gusto ko na ba ang lalaking 'yon? John Wayne. Umalingawngaw sa aking utak ang pangalan nito. Kaagad akong napabalikwas. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa ibabaw ng drawer. Mabibilis na mga kamay na sinulat ko ang pangalan nito. Search. Baka may f*******: account s'ya. Bigla akong naexcite. Makikita ko na ang mukha n'ya! Loading... Shit. Bakit biglang bumagal ang internet ni Ate? Ilang segundo akong nag-antay ng maraming mukhang nagsipaglabasan na kapareha ng pangalan nito. I scrolled down. Ang dami naman. 'Yong iba may mga anak at family photo ang profile. 'Yong iba babae. Iilan lang ang lalaki. Alin kaya s'ya dito? Nag-iisip pa ako kung sino s'ya sa mga 'yon nang biglang tumunog ang cellphone ko. s**t! Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko. Ate Lea calling.... I rolled my eyes. Tinatamad akong tumayo. Kahit kailan talaga ang kulit nito. Di na nagsawa sa akin. I pressed the answer button at naglakad na ako palabas ng k'warto. Bitbit ang cellphone sa kanang kamay. Hindi ko nilagay sa'king tainga ang phone. Hinayaan ko lang s'ya magsalita sa kabilang linya. Dumeritso ako ng kusina. Naabutan ko si Ate'ng nagluluto. May hinimay nang dahon ng kangkong akong nakita na nakalagay sa maliit na stainless na palanggana. May mga Okra, sitaw, siling green, kamatis na nasa ibabaw ng mesa at labanos na nasa tadtaran pa. Magsisinigang? Maingay kong hinatak ang upuan. Napalingon s'ya sa akin. Kaagad akong umupo. Tiningnan ko ang hawak na cellphone. Nasa kabilang linya pa rin si Ate Lea. Pinindot ko ang loudspeaker button. "May balak ka pa bang magsalita!? Aba't kanina pa ako dito ngumangawa 'di ka naman pala nakikinig! Samantha ka talaga..!" Napahagalpak ako ng tawa ng marinig ko ang pagalit na sigaw nito matapos kong e-loudspeaker ang phone. She cursed me at kaagad akong binabaan nito. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate. "Kaninang madaling araw pa ako n'on binubulabog. Kaya napuyat ako." Pagtatanggol ko pa sa sarili. "Bakit mo sinagot 'yong tawag kung ayaw mo naman pala kausapin? 'Di sana hinayaan mo na lang. Ginalit mo pa 'yong tao." "Malabong magalit 'yon sa'kin. Love na love ako no'n." Nakangiting sabi ko kay Ate sabay pakita rito ng screen ng cellphone ko. Ate Lea calling.... Umiling-iling s'ya sa'kin. I smiled. I pressed the answer button at kaagad kong nilagay sa loudspeaker. Narinig ko agad ang malakas nitong buntong-hininga sa kabilang linya. "Anong drama mo sa buhay Samantha at ayaw mo akong kausapin? Kahit sa mga text messages ko 'di ka nagrereply." I chuckled. "Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko Ate Lea? Lagi tayong dalawa magkasa d'yan sa probinsya. Malapit na nga tayong magkapalitan ng mukha." "So ngayon nagsasawa ka na sa akin, ganun? Na'san ba ang Ate mo at isa din 'yon. Tatamaan kayong dalawa sa akin kapag hindi kayo sumipot ng kasal ko." Pareho kaming dalawa ni Ate Shienna natigilan. Kasal? Ito, ikakasal? Kanino? Nagkatinginan kami. Pareho pa ata kami ng iniisip. Kaagad n'yang hininaan ang stove at mabilis na lumapit sa akin. Tumayo s'ya sa tabi ko. Gulat na gulat kaming dalawang nakikinig sa sunod-sunod na salita ni Ate Lea sa kabilang linya. Seryoso ba ito? "Ikakasal ka na kay Kuya Jonard? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Kailan pa naging kayo?" Nakakapagtaka naman. Kasakasama ko ito lagi sa probinsya. Ni minsan 'di ko nakitang kasama nito ang lalaking nakatakdang pakasalan nito. Taga kabilang Isla si Kuya Jonard. Sabi ni Ate Lea isa itong certified engineer. Madalas ko itong makita sa Hacienda ng mga Del Carpio dati. 'Di ko alam kung ano ang ginagawa nito do'n. Pero simula ng mabasted ito sa panliligaw kay Ate Lea hindi ko na makita pa ang anino nito. Kaya malaking imposible. Pa'nong nangyari? May gano'n ba talaga? 'Yong hate na hate mong lalaki sa huli s'ya rin ang makakatuluyan mo? Now I know bakit laging bukambibig nito ang lalaking 'yon. Nagagalit pero love nito pala. Bigla akong napahagikhik sa naisip ko. Aw! Kaagad kong nahimas ang tagiliran ko sa masakit na pinong kurot ni Ate. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Problema nito at bigla na lang nangungurot? "Matagal na. Ayaw ko lang sabihin sainyo. Nahiya na ako. Alam n'yo naman na hate ko 'yon." "Pero Bes, ako, hindi talaga makakauwi. Itong si Sam na lang. Magpapadala na lang akong regalo." Malungkot na wika naman ni Ate. May Medical Mission daw ito sa San Carlos kasama ang iba pang mga katrabahong Nurse at si Doc. Ramos. Napasama s'ya sa grupo na ipapadala ng Chairman ng Hospital na pinapasukan n'ya sa liblib na probinsya na 'yon kaya hindi ito makakauwi kasama ko. "Kasi naman e! Ang tagal ko ng sinasabing abay kayo 'pag kinasal ako tapos 'di nyo man lang ako binigyan ng importansya!" "E, Ate Lea, malay po ba namin ni Ate na magpapakasal ka bigla kay Kuya Jonard, e, hate na hate mo nga 'yon!" Nakatawang bigla kong sabad sa nakaloudspeaker na cellphone na nasa harapan namin sa ibabaw ng mesa. Napaubo ito bigla sa kabilang linya sa sinabi ko. "E, tinamaan ng lintik may magagawa pa ba ako?" Napahagalpak kami ng tawa ni Ate sa sinabi nito. Narinig kong nakitawa na rin ito sa kabilang linya. "Sa binyag na lang ng anak mo Bes ako aattend." "Anong binyag ang pinagsasabi mo d'yan Shienna? Hindi pa nga ako nagbubuntis, ikakasal pa lang tapos ikaw nasa binyag na." "Advance na ako para ready, hindi 'yong pabigla-bigla ka na lang tatawag na may pasabog. Kaluka ka!" "Iniiba n'yo ang usapan. Nakakainis kayong dalawa. 'Pag talagang ito si Sam 'di umuwi. Naku, magkalimutan na tayo!" "Sige. Salamat na lang sa lahat!" Sabad ko naman na ikinatawa naming tatlo. "Basta ah, kahit isa man lang sainyo makarating ng kasal ko. Magtatampo talaga ako 'pag wala ni isa." Pagkatapos namin itong kausapin ay nagkatinginan kami ni Ate. Ayaw ko pang umuwi. 'Di pa nga ako nagdadalawang linggo rito uuwi na ako agad. Kulang pa 'yong bakasyon ko. Gusto ko pang gumala muna. Kaso siguradong magtatampo ang isang 'yon pag walang sumipot sa'min ni Ate sa kasal nito. "Pa'no 'yan?" "Ok lang Ate. Dito na lang ako mag-enrol ngayong pasukan, para pwede ako maka pag part time job at matulungan kitang bayaran ang pagpapaaral sa'yo ng unggoy na si Miguel. Akala ko ba libreng tulong 'yon at scholarship nila? Bakit ngayon ang hambog na 'yon sinisingil ka at ikaw lang 'yong sinisingil pero 'yong ibang mga pinag-aral do'n sa'tin 'di naman? Tsaka 'yong physiotherapists ni Inay akala ko ba sagot nila? Bat 'di mo isumbong kay Tito Fernan at Tita Isme na sinisingil ka ng anak nila? Di naman no'n malalaman na sinumbong mo kasi nasa Amerika naman ang kumag na 'yon." "Tapos pagbibintangan naman tayong sumbungera no'n. Imposibleng 'di makarating 'yon do'n pag nagsumbong tayo sa magulang no'n. Baka tutuhanin pa no'n na palayasin tayo. Pa'no na ang Inay at Itay? Wala na 'yong lumang bahay natin. Gulo lang ang kahihinatnan n'yang naiisip mo." "E, tatandang dalaga ka n'yan kakatrabaho para makabayad d'yan sa Miguel na 'yan Ate. Tapos may nalalaman pa s'yang interest. Kada araw lumalaki ang babayaran mo sa kanya. Sumusubra na s'ya. Matagal na akong nagtitimpi sa unggoy na 'yon. 'Pag hindi ako makapagpigil isusumbong ko talaga s'ya. Pasmado pa naman bunganga kaya humanda s'ya." Pinagtawanan ako ni Ate. Akala siguro nagbibiro lang ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa. Bigla s'yang sumeryoso. "Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila." "Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?" "Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?" Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto. At di na talaga gumamit ng baso. I stared at her intently. Weird. "E, hindi naman kasi ako sure na kinukuhanan ka talaga kasi malayo ako. Natatanaw ko lang 'yon na nasa tabi ng bintana paharap do'n sa kahoy na pinagtatambayan mo lagi." "Kahit na. Dapat sinabi mo pa din para alam ko." Nakakunot noo'ng napatitig ako sa kanya sa biglang inakto nito. Parang may... iba? "Teka, 'wag mong sabihin may gusto ka sa kanya?" "Sira. Bat naman ako magkakagusto do'n?" Nakasimangot na sagot n'ya sa akin habang kinukurot-kurot ang mga daliri n'ya. "E, bakit ang haba na ng nguso mo d'yan?" Tinitigan ko pa lalo ang Ate Shienna ko. Lalo tuloy itong 'di mapakali sa kinatatayuan. Parang gusto ko ng humagalpak ng tawa sa itsura nito. Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Parang may something talaga na hindi ko mawari or baka naga-overthink lang ako. "Bakit ba ganyan ka makatingin? Nakakabwisit 'to. Wala nga akong gusto kay JM." "J... M? Close na kayo? Wala ng Señorito? Gano'n kayo kaclose ha, Ate?" "Pwede ba Samantha! Mag-impake ka na at bukas lumayas ka na! Ang dami mong sinasabi d'yan. Sinabi ng wala akong gusto do'n. Paulit-ulit." Binalingan nito ang niluluto. Tuwang-tuwa ako lagi sa itsura ni Ate sa tuwing nasusukol ko at napipikon ito. Ang cute n'ya asarin. I smirked. "So s'ya pala ang dahilan kaya lagi kang pumupunta ng mansyon?" Aw! Mahinang daing nito ng mapaso sa tinitimplang niluluto nito. Kaagad nitong naibaba ang sandok. Nang mahimasmasan ay tinutok n'ya naman iyon sa akin. "Diba sinabi ko na sayong mag-impake ka na? Ibato ko kaya 'tong sandok sayo." Gusto kong humagalpak ng tawa sa itsura n'ya. Nakangising aso pa akong sumandal ng upuan. Pinagkrus ko sa harapan ng dibdib ko ang aking mga braso. "Nakakatense ba ang pangalan ni Señorito JM, Ate?" Nagtitimpi sa inis na tiningnan ako nito. I grinned. "Hindi ako natetense sa pangalan n'ya Samantha. At ang kulit mo ngayon. Nakakairita." "Masyado ka kasing affected kay JM e. Tapos nilaklak mo pa 'yong tubig gamit ang pitsel, 'di ka na gumamit ng baso." "E, sa nauuhaw ako, bakit ba? At nabubwisit ako sa pambubully mo ngayon sa akin. Wala nga akong gusto do'n. Ba't ba ayaw mong maniwala?" "Defensive ka kasi masyado, Ate. T'saka 'yang reaksyon mo parang may tina.... tago." Napatigil ito sa sinabi ko. Napaisip tuloy ako na baka meron ngang tinatagong sekreto itong ate ko. Hindi na ito umimik at nakatitig lamang sa akin. "So, may tinatago ka nga?" "Wala!" Nakasimangot na sagot n'ya sa akin. Nilagay sa ibabaw ng mangkok ang sandok. Pinatay ang stove at binalingan ang pitsel na ininuman n'ya. Nilagyan ng panibagong tubig bago binalik sa loob ng refrigerator. Lumapit ito ng dish rack at kumuha ng isang plato, platito at mangkok. Nilagyan n'ya ng ulam ang mangkok saka tinakpan ng plato. Nilagay n'ya ito sa ibabaw ng platito. Nagsalita itong muli pagkaharap sa akin habang nagpupunas ng mga kamay. "Wala akong gusto kay JM. At wala tayo sa mansyon para tawagin ko s'yang Señorito at mas lalong wala akong sekreto dahil lahat ng sekreto ko alam mo. At tsaka, ayaw ko silang pag-usapan at sumasakit ang ulo ko sa kanila. Umakyat ka na doon sa taas at mag-impake na. Lalabas lang ako saglit." Mahabang paliwanag nito sa akin at kaagad na lumabas bitbit ang mangkok na may lamang ulam at iniwan ako sa kusina. Natitigilan akong nasundan na lamang s'ya ng tingin habang naglalakad palabas ng kusina. Napapaisip pa din ako bakit gano'n ito magreact ng banggitin ko na parang kinukuhanan lagi s'ya ng stolen shot ni Señorito JM? Lagi ko kasi itong nahuhuli noon na nakatutok ang cellphone sa gawi ni Ate sa tuwing hinahatiran ko ng tanghalian ang Itay. Hindi kaya.... sila? May something ba sa kanila? Pero, mukhang kapatid lang naman ang tingin no'n sa'min. Pwede ko pang pag-isipan ng masama si Miguel dahil kung makatitig talaga 'yon kay Ate wagas. Hmmmm. Nagkibit-balikat na lamang ako at dumeritso ng kwarto para mag-impake. ***** Umuwi akong muli ng probinsyang mag-isa para mag-attend ng kasal ni Ate Lea. Dumating ang araw ng kasal nito. Nagsilbing reunion ang kasalang iyon nina Ate Lea at Kuya Jonard dahil dumating rin ang mga kaibigan naming nakapangasawa sa malalayong lugar na sina Ysa, Aika, Erica, Vilma at Belen kasama ang mga asawang sina Rico, Jonathan, Carlo, Anton at Tony at ang mga na tsikiting nito. Kinailangan kong umuwi dahil kami nina Ate, si Rita, Vika, Ella at Veronica ang mga pangunahing abay. Hindi ako nagsising umuwi dahil kompleto kaming magkakaibigan at muling nagkita-kita. Tuwang-tuwa akong pinagkukurot at pinupupog ng halik ang mga pisngi isa-isa ng mga anak ng aking mga kaibigan. Kaagad naman pinupunasan ng mga bata ang mga pisngi na nadikitan ng aking labi. Kiss proof lipstick naman ang gamit ko kaya 'di naman namarkahan ang mga pisngi nito. Sadyang ayaw lang ng mga ito magpakiss at pakarga sa akin dahil nangingilala pa ang mga ito. Mapilit lang talaga ako. Ang kocute nito at ang dadaldal kahit mga bulol pa kaya pinanggigigilan ko ang mga ito. Sanhi ng kasalang 'yon ay nabuhay ang inggit sa dibdib ko sa mga kaibigan ko na nakapag-asawa ng mayayaman. Mabuti pa ang mga ito at mga nasa ayos na ang mga buhay. Pa'no kaya ako at ang iba ko pang mga kaibigan? Sino kaya ang susunod na ikakasal sa amin? Kausap ko sa sarili habang naiinggit na nakatingin sa mga kaibigan kong masasayang may mga asawa't anak na. How I wish na ako na ang susunod na ikasal. Ipokrita ako kung hindi ko papangaraping ako naman sana ang ikasal. Kaso ayaw ko naman sa mga lalaking nanliligaw sa akin at gusto kong mauna munang ikasal si Ate bago ako. Sa orihinal kong mga kaibigan ay bale dalawa na lamang kami ni Veronica ang wala pang asawa. Ngunit baka isang araw mabalitaan ko na lang din na ikakasal na din ito lalo't matagal na din ito ng nobyo nitong si Mark na isang seaman. Mabuti pa si Belen at natagpuan na ang nagmamay-ari nito. Sina Ysa at Erica ay magaganda rin ang mga trabaho ng mga napangasawa nito. Isang Engineer si Rico at Doctor naman si Carlo na asawa ni Erica. Ako kaya? Makakatagpo rin kaya ako ng isang lalaking pakakasalan ako at mamahalin habambuhay at maipagmamalaki? Sana naman meron. Pangarap ko ring makapangasawa ng isang lalaking may sinasabi sa buhay katulad ng mga napangasawa ng mga kaibigan ko at kababata. Umabot hanggang hapon ang naging selebrasyon ng kasalang iyon. May mga nag-iinuman pa sa labas ng bahay ni Ate Lea ng magpaalam ako ditong uuwi na. Sigurado akong hanggang bukas pa matatapos ang inuman at kantahan sa labas ng bahay nito kaya malabong makatulog ako sa ingay doon. Pagdating ko ng bahay ay kaagad din akong nakatulog dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD