Chapter 6

3380 Words
Samantha Kinabukasan ay nagkatipon-tipon na naman kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol. Kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami. Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman ang mga asawa ng mga kaibigan ko na ang mga ito na magluluto. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan. Maghapon kaming nagkuwentuhan at sinariwa sa aming mga alaala ang nakaraan sa burol na iyon. May malaking puno din doon malapit sa kubo na hanggang ngayon ay naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. I smirked at the memory. "Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron. Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Kantyaw kong tanong dito. Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. Siguro narinig ang sinabi ko na ikinapula naman ng pisngi ng kaibigan ko. Aw! Malakas na tumama ang siko nito sa tagiliran ko. Nakangiting nilingon nito ang boyfriend'ng si Mark na panay lingon sa gawi namin. "Noon 'yon Sam. Ngayon, iba na ang nagmamay-ari ng puso ko." "Mukhang possessive ang nadali mo Bes." Bulong ni Rita rito habang nakatingin kay Mark. "Oo nga. Ang lakas pa ng radar." Sigunda naman ni Ysa. "Mukhang seloso pa." Sabi naman ni Vilma. "Nasapol ata ng pana ni Kupido." Sabi naman ni Aika "Korek! Tinamaan ng lintik." Nagtawanan kami. Mga kaibigan ko mga sira ulo din. Ang lalakas mang-asar. "Mukhang nangangamoy kasalan ulit." "Kung ganyan lang din ka yummy, gora na ako!" "Me too! Kung ganyan kapogi at macho ang dyowa ko na makalaglag panty? Naku, ok lang sa'kin maging possessive. Feeling ko ang ganda-ganda ko no'n." Kinikilig naman sa wika ni Ate Lea habang nakatingin kay Mark. Papikit-pikit pa ito ng mga mata. "Hoy!" Sabay-sabay namin sigaw dito habang pinagbabato ito ng chips na pinapapak namin na nasa harapan naming mesang kawayan. Nakatanggap naman ito ng sabunot kay Vilma at Veronica. Tawa lang ito ng tawa. Ang iingay namin. Panay lingon sa gawi namin ang mga asawa nito. Nagtataka siguro kung bakit nagkakagulo kaming magkakaibigan. Ang sarap nang feeling na makita at makasama mong muli ang mga dati mong mga kaibigan. Kaso naiinggit ako. I sighed. "Kakakasal mo lang kahapon naglalandi ka na agad!" Inirapan kami nito habang inaayos ang nagulong buhok. "Grabi naman sa landi." She pouted her lips. "Ang sarap kaya ng feeling 'pag 'yong mahal mo may pagkapossessive. Ibig sabihin no'n mahal na mahal ka. Ayaw maagaw ng iba kagaya ng my loves Jonard ko." Kinikilig na sabi pa nito sabay nakangiting lumingon sa kanyang asawa na nag-iihaw 'di kalayuan sa pwesto namin. At ngayon ay nakangiti ding nakatanaw sa kanya. "Isa ding malakas ang radar." Nakita namin na kumindat pa ang asawa nito kay Ate Lea habang matamis na nakangiti dito. Pinagbabato ulit namin ito ng Chips, na ngayong ay halos maglupasay na sa kilig. "Dati parang aso't puso kayo. Sa simbahan lang din pala ang ending." Nakatawang sabi ko. "Kung alam ko lang na s'ya lang din ang kaforever ko, 'di sana noon ko pa yan pinikot. May tsikiting na din sana ako ngayon na kasing-cute ng mga 'yon o." Sabi nito habang nakanguso sa gawi ng mga batang tahimik ng kumakain habang nakaupo sa banig na nakalatag sa damuhan. "Dapat kasi pinapasok mo na ng umakyat 'yan si Jonard sa puno malapit sa bintana ng kwarto mo." "Correct!" Sabay-sabay pa kaming napahagalpak ng tawa ng maalala ang ginawang kalukuhan ni Kuya Jonard. Noong isang beses na malasing ito at mahulog matapos akyatin nito ang puno malapit sa bintana ng kwarto ni Ate Lea ng pagsarhan n'ya ito ng pintuan para manligaw. Kung saan-saan pa nauwi ang kwentuhan namin bago kami tawagin ng mga asawa ng kaibigan ko para kumain na. Kaagad naman namin dinaluhan ang mga batang puno na ng catsup ang mga mukha at damit. "Kailan ba ang luwas n'yo ng Maynila n'yan?" Tanong sa amin ni Ate Lea habang kumakain na kami. Nakapalibot kami sa banig na nakalatag sa damuhan. Nasa gitna namin ang mga pagkain na niluto ng mga asawa ng mga ito na nakalatag sa dahon ng saging. Puro kanin sa gitna ng dahon. Pinalibutan ito ng sari-saring ulam. Pork and chicken barbeque, lechon manok na tinadtad na, ginisa at pritong hipon, tahong, inihaw na pusit, inihaw na apat na malaking bangus at nakapiraso ng malalaking alimasag. Mga gulay din at nakahiwang prutas na mangga, pakwan, ubas, saging, kamatis, pipino, pritong talong at nilagang okra. At sawsawan na toyo na may kamatis at sili. Catsup at Mang Tomas naman para sa mga bata. "Bukas uuwi na kami. May pasok kasi 'tong asawa ko sa trabaho." Sabi ni Ysa "Pati ba kayo?" Baling n'ya sa'min. "Aalis na kami mamayang gabi Bes." Sabi naman ni Veronica. "Pati rin kami." Sigunda pa ng iba. Tahimik lang ako. Hindi pa ako makapagdesisyon kung bukas o mamayang gabi rin ako luluwas ng Manila. Magpapaalam ulit ako kina Itay at Inay mamaya. "Magpalipas pa kayo ng isang araw. Ipapasyal ko kayo do'n sa kabilang Isla. Malapit lang dito ang lugar ni my loves. Ipapatikim ko sainyo 'yong special bulalo do'n sa lugar n'ya." "Kung pwede nga lang na 'wag muna kaming umalis. Pero kailangan na naming lumuwas mamayang gabi, Bes. Puno kasi ang schedule ng asawa namin. Buti nga naisingit namin 'tong pagpunta namin dito, at mabuti na din 'yon at nang nakapagbakasyon din kami at nagkaroon tuloy tayo ng reunion." Paliwanag ni Ella. "Gano'n ba? Ano ba yan. Nakakalungkot naman. Matagal na panahon na naman tayo nito 'di magkikitakita." "Hayaan mo Bes, 'pag ito kinasal si Veron tatagalan namin ang bakasyon dito. Tsaka siguraduhin n'yong dalawa na igagala n'yo kami ah. Ipasyal mo din kami d'yan sa Resort ng dyowa mo Veron. 'Wag masyadong kuripot." "Korek! Tsaka sabihan mo 'yang dyowa mo magpropose na kaagad at nasa huling byahe na." Parinig namin sa boyfriend nitong tahimik lang na kumakain sa tabi ni Veron. Bigla itong nag-angat ng ulo at nakangiting inakbayan si Veron. "No worries guys, lahat kayo imbitado din sa kasal namin nitong babe ko. Right babe?" Pinagkakantyawan namin ito. Nangamatis bigla ang mukha nito sa sinabi ng boyfriend nitong si Mark sa harapan naming magkakaibigan. "Tsk. Ako na naman ang nakita n'yo. Nakakainis talaga kayo!" Napapakamot sa ulong reklamo nito habang sinisiko si Mark sa tagiliran na ikinatawa lalo naming lahat. "Basta ha, aasahan ko 'yan. Tsaka ang pasalubong ko at sa anak ko. 'Wag n'yong kalilimutan." "Budol din 'to. Wala ka pa namang anak may pasalubong na agad?" "E, gagawa kami kaagad nitong si Jonard. Kaya pag balik n'yo siguradong meron na. Diba, my loves?" Nakangiting baling nito sa kanyang asawa na biglang nabulunan ng kinakain na barbecue. Kaagad n'ya naman ito binigyan ng tubig habang hinihimas ang likod. Muling napuno ng tawanan namin ang paligid. **** Pag-uwi ko ng bahay kaagad akong nag-impake ng mga gamit na dadalhin ko pabalik ng Maynila. Naisipan kong sumabay ng lumuwas sa mga kaibigan ko mamaya para may kasama ako sa byahe. "Hindi ka luluwas ng Maynila. Hindi ka pweding sumama sa kanila sa pagluwas, Samantha Faye." Seryosong wika ni Itay Philip. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ng magpaalam ako sa aking mga magulang, na sasabay na sana ako sa aking mga kaibigan paluwas ng Maynila mamaya para sa alas otso ng gabing byahe. "Itay, hindi po pweding hindi kami luluwas ngayong gabi. Bukas po ng umaga may mga pasok ang asawa ng mga kaibigan ko. Sasabay na lang po ako sa kanila para may kasama ako sa byahe, lalo't gabi din naman po 'yong byahe ko na para sana bukas, e, ngayon na lang ako luluwas para may mga kasabay po ako." Paliwanag ko kay Itay. Sinulyapan ko ang Inay Cora na tahimik lang na kumakain. No'ng nasa Maynila pa kasi ako, tinawagan namin ang mga ito ni Ate Shienna. Pinagpaalam n'ya na ako sa kanila na doon na lang ako mag-eenrol ngayong pasukan lalo't malapit lang naman ang skwelahan sa apartment na tinitirhan ni Ate. Kaagad naman pumayag ang mga ito. Para daw may makasama si Ate do'n. Nag-aalala daw ang mga ito at nag-iisa lamang sa apartment ang ate ko. Inakala ko na baka gusto lamang ng Itay na magstay pa ako ng isang araw sa aming probinsya. Lalo't kararating ko pa lamang galing bakasyon at aalis na naman ako. Ngunit nagkamali ako ng akala. Hindi ko alam bakit bigla na lang nagbago ang pasya ng mga ito. 'Di ko maintindihan. Parang bigla sumakit ang ulo ko. "Kapag sinabi kong hindi ka aalis, hindi ka aalis." Sabi n'ya pa ulit sa'kin at pinagpatuloy na ang pagkain. "Pero po Itay..." "Huwag ng matigas ang ulo, Samantha." Tumahimik ako bigla at walang ganang tinusok-tusok ng tinidor ang aking pagkain na nasa plato bago ito sinubo. Tsk. Naiinis ako. Bakit gano'n? Bakit ayaw na nila akong payagan? Parang biglang pumait ang panlasa ko sa tinusok kong ulam na baboy. Nahirapan akong lumunok. Inabot ko ang tubig. "Nakapagpasya na ako. Sa susunod na buwan ay ikakasal ka sa bunsong anak ni Fernan. Darating sa susunod na linggo ang bunsong anak n'yang si Miguel galing Amerika." Bigla kong naibuga ang tubig na nasa loob ng bibig ko. Buti sa gilid ko at hindi sa mukha nito. Masasapak ako nito bigla. 'Yong iba dumaan pa sa aking ilong. Muntik ko pang mabitawan ang basong hawak ko. Buti na lang at naagapan ng isa ko pang kamay bago pa ito mahulog. Kaagad ko itong binaba sa mesa. Parang bumara ang tubig na iniinom ko sa aking dibdib. Pinagpupukpok ko pa ito. Nag-aalala naman na dinaluhan ako ng Inay. Hinimas-himas ang aking likod. Sunod-sunod na ubo ang ginawa ko bago ako nakapagsalita. Ano daw!? Ikakasal? Ako? Kay Miguel? Kay... Miguel? Paulit-ulit na parang kulog na umaalingawngaw sa pandinig ko ang pangalan ng damuhong na 'yon. Seryoso ba si Itay? Oo, pinangarap ko noong nakaraang araw lang na sana sunod na din akong ikasal sa lalaking may kaya gaya ng aking mga kaibigan. Pero never kong pinangarap na ikasal sa unggoy na bunsong anak ni Tito Fernan. Nakakunot noo'ng tinuro ko pa ang aking sarili. " Ako po? Ikakasal? Bakit... Pa'no? Ba't ako ikakasal sa lalaking 'yon? Nalipasan ata ng gutom itong si Itay at kung ano-anong sinasabi. Napapakamot na lang ako sa ulo sa aking naisip. I sighed. "Narinig mo ang sinabi ko, Sam. 'Di ka naman siguro bingi, ano?" "Seryoso po kayo sa sinasabi mo, Itay?" Naguguluhan at nagtatanong na mga mata na napamaang ako sa kanya. 'Di yata't seryoso ang Itay? Pero bakit naman parang pabigla-bigla ang pasya n'ya ngayon na ipakasal ako, e, nag-aaral pa ako? Tsaka, kay Miguel pa talaga, e, alam naman nilang kailan man 'di ko makasundo ang mayabang na 'yon. Ano na naman kayang masamang hangin ang pumasok sa utak ng mga ito at naisipan kaming ipagkasundo? Pambihira talaga oo. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Pero, bakit naman po pabigla-bigla Itay?At ayaw ko po sa bunsong anak ni Tito Fernan." Nakairap na sabi ko. Naiisip ko pa lang na makita ang mukha ng lalaking 'yon kumukulo na ang dugo ko, ang ikasal pa kaya? "No'ng mga bata pa kami ni Fernan napagkasunduan na namin na ipapakasal ang anak namin pagdating ng panahon kung sakaling magkaanak siya ng babae at sa'kin naman ay lalaki. No'ng nakaraang linggo, nang dumating sila dito, napag-usapan ulit namin 'yong tungkol doon ng magkita kami." Ngumiwi ako. "E, hindi naman po lalaki ang anak n'yo Itay. Tsaka bakit n'yo po ipipilit na ipakasal kami, e, hindi naman namin gusto ang isa't-isa? Tsaka isa pa po bunso ako. Dapat si Ate muna ikasal bago ako." "Lalaki 'yong mga anak n'ya, babae naman 'yong akin. Tsaka walang anak na babae si Fernan at Isme. Gusto nila isa sa anak ko maging manugang nila. Total nandito ka naman na at gusto ka nila para sa anak nila, kaya napagpasyahan ko na ikaw na lang ipakasal. At isa pa naniniwala sila na mapapatino mo ang barumbado nilang bunsong anak. Nakita nila dati na kaya mong makipagsagutan kay Miguel. Sumasakit ang ulo ng mag-asawang 'yong do'n. Kung sino-sinong babae ang bigla na lang sumusulpot sa mansyon." Duh? "So ayon po ang dahilan. Kung sino-sinong babaing sumusulpot sa mansyon. 'Di yata't gusto po nilang ako ang sumalo ng sakit ng ulo nila at konsumisyon? Itay naman." Hopeless na binalingan ko si Inay na hanggang ngayon di pa rin umiimik. "Nay." "Mas mapapabuti ang buhay mo kay Miguel, Sam. Kaysa kung kaninong lalaki ka lang magpapakasal. Mas mainam nang sa anak ni Fernan. Mabubuti silang tao at kilala ko sila. Magtatapos ka pa din naman ng pag-aaral kahit ikasal kayo. Napag-usapan na namin 'yon nina Fernan at Isme. Pati nitong Inay mo." "Nay?" Gulat na tinitigan ko s'ya. "Pati ba naman po kayo pumapayag na ipakasal ako? Akala ko po ba hindi n'yo papakialaman ni Itay kung sino ang gusto naming pakasalan ni Ate? Bakit po ngayon ipinagkasundo n'yo pa akong ipakasal sa lalaking ayaw ko?" Parang gusto kong umiyak sa frustrations na bigla kong naramdaman. "Ano bang kinakaayawan mo kay Miguel ha, Samantha? Gwapo naman s'ya. May matinong trabaho. Kaibigan at kumpare ko pa 'yong mga magulang. Kung sa kanila ka mapupunta, hindi kami mag-aalala pa nitong Inay mo." "Itay naman? Mismong sa bibig n'yo na po nanggaling na kung sino-sinong babae ang naghahabol dito kay Miguel. Sa tingin n'yo po matino ba s'ya? Sasakit lang ang ulo ko sa kanya at baka matigok ako agad sa konsumisyon. At tsaka po ayaw ko sa kanya. Hindi ko s'ya mahal at napakasama ng ugali n'ya. Pinapabayad n'ya ng utang ang Ate Shienna sa pagpapaaral nila. Pati 'yong bayad do'n sa physiotherapist ni Inay. Ang laki pa ng interest. Kaya po gusto ko do'n na lang sa Manila mag-enrol para makapagpart time job ako 'pag walang pasok at matulungan ko si Ate sa pagbabayad ng utang." Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng ibagsak ng Itay ang kubyertos na hawak nito sa mesa. Tiningnan n'ya ako ng masama. Nakita kong gumalaw ang panga nito. Shit! Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko papunta ng lalamunan ko. Nahigit ko ang aking paghinga. Ngayon ko lang nakitang magalit si Itay. Parang gusto akong lamunin ng buo. Halos hindi bumuka ang bibig nito ng muling magsalita. "Kung sinasabi mo 'yan para hindi ko ituloy ang pasya kong pagpapakasal mo sa anak ni Fernan, nagkakamali ka. Libreng pagpapaaral at pagamutan ang programang binigay ni Fernan para sa atin na nasasakupan n'ya. Itikom mo 'yang bibig mo. Baka may makarinig pang iba sa mga sinasabi mo at makarating pa ng mansyon." "Pero po Itay, totoo po ang..." "Tumigil ka Samantha Faye! 'Wag mo ng ipilit 'yang gusto mo. Nakapag pasya na ako. Mamamanhikan sila dito sa susunod na linggo pagdating ng anak nila. At bukas bibisita dito ang mag-asawa. Hindi ka luluwas at walang aalis." Sabi nito at agad na lumabas ng kusina. "Nay." Hingi kong saklolo kay Inay. Kanina pa ito 'di umiimik. I heard her deep sighed. Dahan-dahan itong tumayo at linapitan ako. Nakasunod lang dito ang aking maluha-luhang mga mata. Naiiyak ako na nagagalit na iwan. Parang gusto kong sumigaw. Hinawakan n'ya ang kaliwang kamay ko at marahan na pinisil. "Magiging mabuti din ang lahat anak. Sundin mo na ang Itay mo. Matututunan mo din s'yang mahalin at mas mapapabuti ka sa kanya." My jaw dropped. Ano daw? Binawi ko ang kamay kong hawak n'ya. "Pero Nay? Hindi po natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin." Pati ba naman s'ya kinakampihan ang Itay sa gustong mangyari nito? Tsk. Naman e! Hindi nga ako nagpapaligaw. Binabasted ko agad kahit na sa sinong lalaking magtangkang lumapit sa akin at pumasyal sa aming bahay noon dahil sabi nila magtapos muna ng pag-aaral. Kung magpapaligaw lang din naman daw kami ni Ate, tumigil na mag-aral at mag-asawa na lang. Kaya pinili namin ang pag-aaral. Para na rin matulungan namin sila na makaahon sa hirap at masuklian ang lahat ng sakripisyong ginawa nila sa'ming magkapatid. Sabi nila 'pag nakapagtapos na kami ng pag-aaral, may matinong trabaho na, pwede na naming gawin kung ano man gustuhin naming gawin dahil nasa tamang gulang na kami no'n. Kaya ng buhayin ang sisimulang pamilya, kung sakaling matagpuan na namin ni Ate ang lalaking magmamahal sa amin. Pero ngayon? 'Bat nagbago ang lahat? Baka kagagawan na naman ng unggoy na Miguel na 'yon. May gusto ba s'ya sa'kin, kaya lagi n'ya akong binubwesit? 'Pag nalaman ko lang talagang may kinalaman s'ya dito, malilintikan talaga s'ya sakin! "Pweding magbago ang nararamdaman mo sa kanya anak. Tingnan mo ang Ate Lea mo. Diba, ayaw na ayaw n'ya din dati kay Jonard? Kahit ako. Ayaw ko din no'n sa Itay Philip mo. Pero dahil malinis ang kanyang hangarin at busilak ang kanyang puso, natutunan ko din siyang mahalin." Nasapo ko ang aking noo. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi n'ya. "Nay! Magkaiba po sainyo nina Ate Lea at sa'min ni Miguel. Ni ayaw ko nga makita ang pagmumukha no'n, ang makasama pa kaya habambuhay? Nay naman. Ipagtanggol n'yo naman po ako kay Itay." "'Wag ka ng magreklamo. Pag-isipan mo munang mabuti bago ka umayaw. Kilala ko si Miguel. Kahit gano'n 'yon, alam kung may mabuti s'yang puso. Nabubulagan ka lang dahil lagi kayong nag-aaway. Subukan mong kaibiganin s'ya. Baka bigla magbago ang nararamdaman mo sa kanya ha, Anak?" Sabi pa n'ya sa'kin habang hinahaplos-haplos ang aking buhok. Gusto ko pa sanang sumagot sa Inay kaso mukhang malabo ng makumbinse ko pa ito na kausapin ang Itay na 'wag akong ipakasal kay Miguel. I sighed deeply. T'ngna. Anong gagawin ko? "Sige na. Umakyat ka na doon sa taas. Ililigpit ko lang 'tong mga pinagkainan." Pinigilan ko ang kamay n'ya ng akmang liligpitin na n'ya ang mga pinagkainan. "Ako na lang po magliligpit nito, Nay. Magpahinga na po kayo." Nakakunot noo'ng tiningnan n'ya ako. Akala siguro tatakas ako kaya pinagpapahinga ko na s'ya. I smirked. Ang lakas talaga ng radar. Well, tatakas talaga ako. Pero 'di ngayon. Mainit pa ang ulo ni Itay. Malamang bantay sarado ako sa mga susunod na araw. Kailangan kong gumawa ng plano. Pinanliitan n'ya ako ng mga mata. Animo'y binabasa ang isip ko. I rolled my eyes. "Sige na po Nay, magpahinga na po kayo. Ako ng bahala dito sa mga hugasin. Hindi po ako tatakas kung 'yan ang iniisip n'yo." "Iyang mata mo. May sinabi ba akong tatakas ka?" I grinned. "'Yon kasi ang basa ko sa klase po ng tingin n'yo sakin Nay." Pinagkukurot n'ya ako sa aking tagiliran na nagpalakas lalo ng tawa ko. "'Yan. Dapat ganyan. Makuha ka sa tingin." Tinawanan ko lamang s'ya habang sinisimulan ng ligpitin ang mga pinagkainan. Hindi n'ya pa rin ako iniiwan. Mataman akong tinititigan at sinusundan ang bawat galaw ko. Nilagay ko ang mga pinggan sa lababo. Kumuha ako ng basahan. Bumalik muli ako ng mesa at pinunasan ito. "Ang sama ng tingin mo sa'kin, Nay." "Kilala kita Samantha Faye. 'Wag mo ng ituloy 'yang binabalak mo at baka ikapahamak mo pa 'yan." Tumigil ako sa pagpupunas ng mesa ng marinig ko ang sinabi n'ya sa'kin. I sighed. Laglag ang mga balikat na tiningnan ko s'ya. I need to pretend! "Kilala n'yo naman po si Itay, Nay. Sa tingin n'yo po ba makakatakas ako sa kanya? Kung ano pa naman sinabi no'n 'yon ang masusunod. May magagawa pa po ba ako?" Himig tampong sabi ko pa sa kanya. "Sige na, magpapahinga na ako. Bilisan mo na din d'yan at umakyat na sa taas." "Opo Nay. Goodnight. Isa pang nagbabantang tingin ang binigay n'ya sa'kin bago s'ya tuluyang lumabas ng kusina. Hinarap ko na ang hugasin sa lababo. Tssss. Pano ba ako makakatakas nito? Pareho silang may gustong ipakasal ako kay Miguel. Namaaaaan! Ano ba yan! Nagpapapadyak pa ako kakaisip kung pa'no ako makakatakas ng 'di napapansin ng mga ito na lumabas ako ng bahay. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung anong gagawin ko. Pero walang magandang idea na pumapasok sa isip ko. Wala sa sariling pinagpapalo ko ang sponge sa gilid ng lababo ng bigla ko do'n makita ang nakakainis na ngisi ni Miguel sa akin. Bwesit! Bwesit! Bwesit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD