Chapter 7

3304 Words
Samantha Magbubukang liwayway pa lamang ay hindi na magkandaugaga ang Inay sa paghahanda ng pagkain, dahil sa darating na bisita naming mag-asawang Del Carpio. Nagpasabi itong alas diyes pupunta ng bahay, kaya maagang naghanda si Inay para sa tanghalian. Ala sais pa lang kanina ay naalimpungatan ako sa mga katok at tawag ni Itay sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Ngunit 'di ko s'ya pinagbuksan at nagtalukbong lang ako ng kumot. Inaantok pa ako. Maya-maya narinig ko ang mga yabag nito paalis sa aking pintuan. Muli akong nakatulog. Ang sakit ng aking ulo at buong katawan. Tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Naabutan kong halos patapos na ang Inay sa pagluluto. Ngumiti s'ya pagkakita sa akin. "Gising ka na pala, Nak. Mag-almusal ka na d'yan. Lutuin mo pagkatapos 'yong kare-kareng Baka, ah. 'Yon na lang ang hindi ko niluto. Mas masarap 'yong luto mo kaysa sa'kin, kaya naisip kong ikaw na lang magluto no'n." Tinatamad na hinatak ko ang upuan. Pasalampak akong naupo at nangalumbaba. "Ikaw na lang po Nay. Wala po ako sa mood ngayon para magluto. Mapait ang kalabasan ng lasa n'yan." "Naku, talagang batang ito. Mag-almusal ka na d'yan at ng maligo ka do'n ng mawala yang tamlay mo. Tanghali na. Malapit na 'yon dumating sina Fernan at Isme. Nakakahiya kung ganyang itsura mo ang maabutan nila." I sighed. Tumayo ako. Kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape. "Asan po ang Itay, Nay?" "Nando'n sa labas. Nag-iihaw ng karneng manok at baboy." Bitbit ang tasang may tinimplang kape, bumalik ako ng mesa at muling naupo doon. Hinipan ko muna ito saka humigop. "Ang dami naman pong niluluto n'yo Nay. Parang may fiestahan, e, hindi naman malakas kumain sina Tito Fernan at Tita Isme." Nakangiting nilingon n'ya ako. "Baka sumama din si JM. At tsaka 'yong ibang niluto ko ipapadala ko din do'n kina Ising sa tubuhan para 'di na sila magluto ng tanghalian kaya dinamihan ko na." What? Wait... "Kasama po si Señorito JM, Nay?" Nakakunot noong tiningnan ako nito. Matagal akong tinitigan. Nahimigan siguro ang biglang tuwa sa aking boses. I chuckled. "Sabi ko baka. Ba.. ka lang naman. 'Di ako sigurado. Busy 'yon at nasa kabilang Isla. Pero baka sumama ngayon dito pag punta nina Isme. Dinig ko mamayang gabi luluwas 'yon ng Maynila. Nag request pa nga 'yon sa Itay mo ng inihaw na manok kaya hindi magkandaugaga ang Itay mo sa labas. Kaya baka sumama nga 'yon papunta dito." Shit. Umaayon ang kapalaran. Yes! This is it! Natatawang inubos ko na ang laman ng iniinom kong kape. Kaagad akong tumayo at hinugasan ang basong ininuman sa lababo. Sinilip ko pa ang pinapalambot na karneng Baka para sa gagawin nitong kare-kare. "Ok na po itong karneng Baka. Mukhang masarap kalalabasan ng kare-kare natin, Nay. Sige po maliligo na ako." Nakangiti pa ring sabi ko habang pakending-kending at kumakanta-kanta pang lumabas ng kusina. Nakakunot naman ang noo'ng nasundan na lamang ito ng tingin ng kanyang Inay. Nagtataka ito sa bigla nitong inakto. Kanina sambakol ang mukha. Ngayon pakending-kending at pakanta-kanta pa ang batang 'to. Dapat siguro lagi 'tong magkape ng good mood lagi. Napapailing na kausap ni Aling Cora sa sarili at binalingan na ang lulutuing kare-kare. **** Mag-aalas onse na ng dumating sina Tita Isme at Tito Fernan ng bahay. Nakangiting sinalubong naman ang mga ito ng aking mga magulang sa labas ng pintuan at kaagad inanyayahan papasok sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Sa sala ako tumambay at nanonood ng TV ng dumating ang mga ito. Hindi rin ako nag-ayos. Para ano pa? Hindi ko sila sinalubong. Nahihiya ako. Maya-maya narining ko ang pagtawag sa'kin ng Itay. Pinapapunta ako ng kusina. I sighed heavily. Kaagad kong pinatay ang TV. Tinatamad na tumayo at tinungo ko ang kusina. Naabutan ko silang nagtatawanan. Pagbungad ko pa lang sa kusina napatutok kaagad sa akin ang mga mata ng mag-asawang Del Carpio. Nag-alangan tuloy ako kung papasok ba ako o hindi. Pinili ko ang huli. T'yak masesermunan ako ng Itay mamaya 'pag hindi ko pinakiharapan ang mga bisita nito. Nahihiyang tipid kong nginitian ang mga ito. "Hello po." Tsk. Naaasiwa ako sa mga titig nila. Sinusundan ang bawat galaw ko hanggang sa makalapit ako ng mesa. May dumi ba ang mukha ko? Ba't gano'n sila makatitig? Dahan-dahan kong hinatak ang upuan malapit kay Inay. Tahimik akong naupo. Nakaharap ako sa kanila. Hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Hindi naman ako nagugutom. Busy ang aking utak gumawa ng plano. Pero ano naman ang gagawin ko dito sa hapag? Tahimik akong kumuha na lang ng kanin at ulam at nagsimula ng kumain. Kada subo ko ng pagkain ay napapayuko ako dahil sa mga titig ng mag-asawa sa akin na nakaupo sa harapan ko. Kanina pa ang mga ito nakatingin sa akin ah. Pakiramdam ko nangangamatis na ang aking mukha sa hiya. Hindi na ako mapakali sa aking upuan habang kumakain. Pwede kaya do'n na lang ako sa sala? Kahit nahuhuli ko silang nakatingin sa akin parang wala lang sa kanila. Nginingitian pa ako ng matamis. Pambihira. Nakokonsensya tuloy ako. Pero kaligayahan ko at future ko ang involve dito. Tsk. "Mas gumanda pa lalo itong dalaga mo Phil. Tiyak na magugustuhan ito ng bunso ko." Bigla akong nasamid sa sinabi ni Tito Fernan. Inabot ko kaagad ang baso. Uminom akong tubig. Pahapyaw ko itong sinulyapan na kaagad ding napapaso akong nagbawi ng tingin. Pinagpatuloy ko ang pagkain. May mga deperensya na ata ang mga mata ng mga ito. Napailing ako sa naisip. "Oo nga Balae. Manang-mana kay Corz. Tiyak magkakaroon tayo nitong magaganda at poging apo." Lalo tuloy akong nabulunan ng chicken barbecue na kasalukuyan kong kinakain ng marining kong Balae na ang tawag nito sa Itay ko. Sunod-sunod akong napaubo. Nag-aalalang sabay naman akong dinaluhan ng Inay at Tita Isme. Binigyan akong tubig ng Inay habang hinihimas-himas naman ako sa likod ni Tita Isme. "Ok ka lang ba iha?" "Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo anak. Lagi ka na lang nabubulunan." "N-Nay naman. Parang sinasabi n'yong masiba ako." Sabay naman napahagalpak ng tawa ang mga ito. Pati ang Itay at si Tito Fernan narinig kong tumawa din. Uminit ang mukha ko sa hiya. Kaagad kong tinakpan ang mukha ko ng aking mga kamay na nagpalakas pa lalo ng tawanan ng mga ito. Damn! "Did I miss the good news?" Sabay-sabay kaming napalingon ng may biglang magsalita sa likuran namin. Nakita ko ang bagong dating na si Señorito JM. Ngiting-ngiti ito na nakasandal sa hamba ng kusina. May bitbit itong imported na alak sa kaliwang kamay. Nakasuksok naman sa bulsa ng pantalon nito ang kanang kamay. "Looks like you're all having fun here. Anong meron?" sabi nito. Napatitig ako sa kanya. He smirked at me. Dahan-dahan itong naglakad palapit kay Tita Isme at hinagkan sa pisngi. At sa Inay ko para magmano. Sunod naman nitong nilapitan ang Itay at nagmano rin sabay abot ng bitbit na alak nito, bago nilapitan si Tito Fernan para hagkan sa pisngi. Saka umupo sa katabing upuan ng Ina nito. Tahimik na nakasunod lamang ang mga mata namin rito. "Kanina ka pa ba anak? Akala ko'y dederitso ka na ng Manila?" tanong ni Tita Isme kay Señorito JM. Naglakad ito pabalik sa upuan sa kabilang ibayo ng mesa. Kumuha naman ang Inay Cora ng isa pang pinggan, kutsara't tinidor para rito. He smiled. "Kararating ko lang po Mom. I changed my mind. I decided to stop over and give that special wine and of course to taste that inihaw na manok of Tay Philip." Kaagad naman kumuha ng inihaw na manok ang Itay at nilagay sa plato nito. "Ito tikman mo, masarap yan." "Thanks po." sabi nito habang dahan-dahang nilapit ang mukha sa manok, animo'y inaamoy nito. Nakapikit pa ang mga mata. Ang daming nalalaman. I rolled my eyes. "Hmmmm, smell good. Amoy pa lang ang sarap na po Tay Philip." "Nakow! Ito talagang bata na 'to binola pa ako. Kumain ka na lang diyan." He laughed. Bigla natahimik ang paligid ng magsimulang kumain na ito. Tanging tunog ng mga kubyertos lamang ang naririnig na ingay. Pailalim akong napasulyap-sulyap sa gawi nito ng sunod-sunod na malalaking subo itong kumain. Ano, gutom na gutom lang? I secretly stared at him. Marunong din pala s'yang ngumiti at magbiro. Akala ko dati masungit s'ya. Ni minsan 'di ko s'ya makitang ngumiti man lang. Laging seryoso ang mukha. Nakakunot ang noo. Nakaka-intimidate ang presensya. Pero ngayon, parang ibang Señorito JM ang nakikita ko. Hindi maarte. Masiba din pala kagaya ko. I silently giggle with the thought. "What's funny, Sam?" Narinig kong mahinang sita n'ya sa akin habang patuloy pa ring kumakain. Muntik pa akong mahulog sa upuan sa gulat ng marinig ko ang baritong boses n'ya. Nakita n'ya ba ako? 'Di yata't nakita n'yang panay sulyap ko at pinagtatawanan s'ya habang kumakain? "May third eye ka ba?" biglang tanong ko na kaagad ko din naman tinakpan ang bibig ng aking mga kamay. Paglingon ko, apat na pares na mga mata ang nakatutok sa akin. Hindi ko alam bakit iyon ang bigla na lang lumabas sa bibig ko. Nakakunot noo'ng tiningnan n'ya ako. "Third eye? What's the connect of that with your giggles?" I rolled my eyes. "What giggles you were saying." patay malisya kong sabi. "I saw you giggling while staring at me eating. And staring is rude." Ano daw? "Rude? Ako? You really have a third eye." He smirked. "Is it your first time seeing a man eating like a hungry wolf?" Inabot n'ya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Nakatitig pa rin ang mata n'ya sa'kin habang umiinom. Inirapan ko s'ya. He smirked back at me. Dahan-dahan nitong binaba ang baso. "I told you Tay Philip, amoy pa lang ang sarap na. It's really taste good." wika nito kay Itay pero sa akin nakatutok ang mga mata. "Marami pang tirang naka marinade na iihawing manok at baboy. Kung gusto mo magbaon ka pagluwas mo ng Maynila mamaya." "Hindi ko po tatanggihan 'yan." "Sige mamaya, mag-iihaw ako ulit bago ka bumyahe para mainit pang baunin mo." Nilingon n'ya ang Itay at nginitian. "Hindi mo na ba hihintahin umuwi dito ang kapatid mo JM?" wika ni Tita Isme. He smiled to her Mom. "No Mom. My schedule is full. I have a conference to attend. But will do my best to come back here again to visit you two." "Make sure son you're here next month for the wedding." sabad naman ni Tito Fernan. Bigla kong nabitawan ang hawak na kubyertos. Kaagad naman napabaling ang mga tingin nilang lahat sa akin. Nakangiwing kaagad akong nagsorry at nahihiyang yumuko. "Wedding? What wedding and who's getting married?" narinig kong sunod-sunod na tanong ni JM sa kanyang mga magulang. Parang sinisilihan na ang aking pang-upo sa kinauupuan ko. Gusto ko ng tumakbo palabas. " Your brother Miguel's wedding." "Miguel is getting married? With whom?" "With Sam." I froze when I heard my name. s**t. Wala ng atrasan pa ang plano nila. Kailangan ko ng gawin ang plano ko para makatakas sa lintik na kasalan na 'to. "Sam? Samantha? With her?" Gulat na gulat ang boses nito. Ayaw kong mag-angat ng tingin. Nakakahiya! Nararamdaman ko ang mga mata nilang nakatutok sa akin. Pinagpawisan ako ng malapot bigla. Hindi pa rin ako sanay sa usaping kasalan. Halos lumubo ang ulo ko sa pinag-uusapan nila sa nalalapit kong kasal. Simula pa kagabi hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa pasabog ng Itay. Kating-kati na ako kanina pa para lumabas ng kusina. Kaso nakakahiya sa mag-asawang Del Carpio. Baka isipin napaka walang modo kong anak 'pag nag walk-out ako. T'yak malilintikan ako sa Itay mamaya 'pag umalis na ang mga bisita namin. "Why I don't know that you and Migz had a relationship?" tanong n'ya sa akin. "All I know you were fighting each other like cats and dogs." Nabuhayan ako ng loob. Kaagad akong napaangat ng tingin sa kanya. Akala ko pwede ko s'yang kakampi para pigilan ang kasal. Ngunit nagkamali ako ng masalubong ko ang nakakabwesit na ngisi nito habang pailalim akong tinititigan. I stared at him murderously. Nakakairita! "We never had any relationship! And will never like him! I am against with this marriage!" napipikang bigla kong nasabi. Sabay pang napaubo ang Inay at si Tita Isme sa sinabi ko. "Samantha!" saway naman agad sa'kin ng Itay. Pasensya po at pasmado talaga ang bunganga ko. Naiiritang gusto ko pa sanang isambulat ngunit pinigilan ko na ang aking sarili na magsalita pa. Nakapagpasya na sila para sa future ko. Wala na akong magagawa pa. Napalis naman bigla ang ngiti ni JM. Nagtatanong na nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa'ming lahat. Inaarok nito kung totoo ang sinasabi ko at ng mga magulang nito. Napaisip ako bigla. Wala ba s'yang alam? Tila may dumaang anghel at natahimik ang hapag. Ilang segundo ang lumipas bago binasag ni Tito Fernan ang katahimikan. He cleared his throat. "It's an arranged marriage son. May kasunduan kami noong mga bata pa kami nitong si Phil na ipapakasal namin ang magiging anak namin, kung sakaling magkaanak akong babae at lalaki naman 'yong kanya. And now, we arranged Miguel and Sam to get married. We're not getting any younger and we're both eager to see our grandchildren. And we believed na mapapatino nitong si Sam ang kapatid mo. Nang tumigil na din ang pagsulpot ng kung sino-sino na lang na babae sa mansyon." Napahagalpak ito ng tawa sa paliwanag ng ama nito. "Is Migz know about this arrangement Mom, Dad?" "Not yet. He will know once he arrived here next weekend. And I think he will like the idea, so those random girls will stop pestering him." "I bet, not. It's going to have a big war once this two see each other again." nakangising sabi n'ya sa mga magulang n'ya habang nakatingin sa akin. "JM." saway sa kanya ni Tita Isme. He just ignored his Mom at nakakalukong ngumisi sa akin. Inirapan ko s'ya. Sarap tusukin ng tinidor. Inabot n'ya muli ang kanyang baso at uminom. Pagkatapos marahan ng tumayo. Nakasimangot ko s'yang sinusundan ng tingin habang nakapamulsang naglalakad ito palapit sa kinauupuan ko. Bigla akong napatayo para sana umiwas. Ngunit bigla na lang 'di ko maigalaw ang aking mga paa ng magsalita ulit s'ya habang nakangiting nakatingin sa akin. "I'm sure Migz will freak out once he found out about his up coming wedding." Napatitig ako sa gwapong mukha nito. Eh? Nainis ako sa aking naisip. Well gwapo naman talaga s'ya. Pero 'di ko type. "Mas ok ng si Samantha ang pakasalan ni Miguel kaysa kung sino-sinong pakawalang babae." nayayamot na sabad ng ama nito. He stared at me intently with mischief smile in his pinkish lips. "Migz wants someone else but definitely not Sam." Pinanliitan ko s'ya ng mata. Anong akala n'ya, gusto ko ang Miguel na 'yon? "I don't like him either! And never like this wedding!" asik ko sa kanya. Biglang napasinghap ng malakas si Tita Isme sa sinabi ko. Sabay pang sinaway ako ng aking mga magulang. Nakikipag-away na naman ako! Wala sa sariling napahawak ako sa aking noo. Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Naramdaman kong hinatak ng Inay ang isang kamay ko para umupo. Pero 'di ko s'ya pinansin. Marahan kong winagwag ang kamay nito. Naiirita ako sa mga pailalim na tinging pinupukol sa akin ni JM at sa pangisi-ngisi n'ya, habang nakatayong nakapamulsa pa sa harapan ko. Sarap itulak. Akala siguro atat akong makasal sa kapatid n'yang asal hinayupak. He grinned. "I can see that in your face. But... welcome to the family Sam." nakangiting sabi nito sa akin. Nagulat pa ako ng bigla n'ya akong yakapin. Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Aw! Pinisil n'ya pa ang ilong ko at ginulo-gulo ng kamay n'ya ang buhok. Animo'y para akong isang bata. Nagpumiglas ako pero 'di n'ya ako pinakawalan. "I've been dreaming to have a little cute sister like you." "Kahit kami din, Iha. Sabik din kami nitong si Fernan magka-anak na babae. I'm sure your Parents is eager to have a son too. Right Balae?" Narinig kong tila excited pang pahayag ni Tita Isme sa aking mga magulang. Hindi ako makahinga sa mga pinagsasabi nila. "Ano ba Señorito JM!" Naiiritang pinagkakalas ko ang nakayakap na braso nito sa akin at gumugulong kamay sa buhok ko. He laughed. "It's kuya JM, Sam." What? Tinitigan ko s'ya ng makawala ako. Kinabahan ako bigla sa inakto n'ya. Pati ba naman s'ya gusto din akong maging bahagi ng pamilya nila at maikasal sa damuhong Miguel na 'yon? Hindi sa ganitong klaseng pagkakataon gusto kong magkaasawa. Hindi 'yong sapilitan. Hindi 'yong sa lalaking ayaw ko. At mas lalong hindi kay Miguel! Bagama't tila gustong sumabog ng galit ko sa aking dibdib, hindi ako nagpahalata. Kilala ko ang Itay. Kapag nakapag desisyon na ito, wala ni isa sa amin, maski na ang Inay ang makakapagpigil sa desisyon nito. Kaya kailangan kong magkunwari na tanggap ko na ang kasunduang kasal at pakiharapan ng mabuti ang mga ito. I sighed. "Yeah right, Kuya." "Tiyak magkakaroon ako nitong pogi at cute na cute na pamangkin. What can you say Mom, Dad?" wika n'ya habang tumataas baba pa ang makakapal n'yang kilay na nakatitig pa sa akin habang nagsasalita. Aba't.... Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa inis. I am very pissed the way he wiggle his eyebrows. Sa uri ng mga titig at pangisi-ngisi pa lang n'ya asar na asar na ako. Dinagdagan pa ng kung ano-anong pinagsasabing kalukuhan. Kating-kati na akong suntukin ang mukha n'ya. Hindi ko nga lang magawa dahil nakatingin sa akin ang mga magulang namin. T'ngna talaga! "Naku, excited na kami nitong Mama mo magkaroon ng mga makukulit na batang nagtatakbuhan at naghahagikhikan sa loob ng mansyon." narinig kong masayang wika ni Tito Fernan. I release a pissed groaned. He widened his grinned. "You heard that Sam? Kaya bilisan n'yong dalawa ni Migz. Gumawa kayo agad. Puro kayo away. Sa simbahan din pala ang bagsak n'yong dalawa. Tsk Tsk..." nakangising asar n'ya pa sa'kin. Sa inis ko bigla kong hinablot ang buhok n'ya para sabunutan sana. s**t! Kaso dumulas lang ang kamay ko sa malambot na buhok n'ya. "Kuya J...M.!" Napapadyak na sigaw ko ng tangkain kong suntukin na s'ya ng 'di ko masabunutan. Ngunit 'di ko naman matamaan dahil nakailag s'ya. Kaagad s'yang naglakad palabas ng kusina habang humahalakhak pa pagkatapos na mabilis itong magpaalam na uuwi muna ng Mansyon. Naghagalpakan pa ng tawa ang mga magulang namin. Sa subrang hiya, malalaking hakbang na nag martsa ako palabas ng kusina. Umakyat ako ng k'warto. Nilock ko ang pinto. Nagpupuyos ang loob ko sa inis. Hindi ako makaganti. Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako. Hindi ko naman mahingian ng payo si Ate. Hindi ko s'ya makontak. Malamang pumunta na sa probinsya ng San Carlos. Ayaw ko rin lumapit sa mga kaibigan ko. T'yak kantyaw lang ang aabutin ko sa mga 'yon. Kahit siguro maglupasay pa ako sa harapan nila para lang 'wag ituloy ang pagpapakasal wala ding mangyayari. Kung papalag pa ako, baka lalong mahirapan akong makatakas. Hindi ako makakapag-isip ng tamang gagawin. Kung sakaling magmatigas pa ako ngayon, posibleng higpitan nila ako at hindi na makakalabas pa ng bahay. Ayaw kong mangyari 'yon. Lalo't darating na sa susunod na linggo si Miguel. Ayaw kong abutan n'ya ako dito. Kailangan kong maging maingat sa mga kilos at pakikitungo sa kanila para makagawa ako ng tamang hakbang, at ng hindi sila magtagumpay sa binabalak sa akin. Isa lang ang natitiyak ko sa aking sarili. Hindi ako pakakasal sa Miguel na 'yon kahit na anong mangyari. Kahit magalit pa ang mga magulang ko at sina Tito Fernan at Tita Isme sa akin, wala na akong pakialam. Ilang ulit ko ng sinabi sa kanila na ayaw ko magpakasal. Masyado lang silang atat magkaapo kaya kung ano-anong mga kalukuhang plano ang mga pinaggagagawa sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD