Chapter 8

3102 Words
Samantha My chest thudded loudly. Kanina pa ako naglalakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ko. I became uncomfortable with my decision. It's now or never Samantha! Pangungumbinsi ko pa sa aking sarili. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko. Nakapagpasya na ako sa gagawin kong plano pero bigla din nagbago ang isip ko. Ano ba! Napahilamos ako ng aking mukha. Umupo ako sa gilid ng kama. Gagawin ko ba? Hindi? Pero dapat lang diba? Ayaw ko sa kanya. Sagrado pa ang kasal. Hindi ako magiging masaya sa kanya. Maghihiwalay lang kami. Ayaw ko ng divorce. Shit! Bakit ganito ang pumapasok sa utak ko? Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok. Pabagsak akong humiga sa kama. Hindi ako makuntento. Nagwala ako. Pinagsusuntok at sipa ko ang ibabaw ng kama habang nakahiga. Makailang ulit pa akong nagpagulong-gulong sa ibabaw. T'ngna. Malapit na akong mabaliw. Nang mapagod tumigil na ako sa paggulong. Pakiramdam ko umiikot ang kwarto ko. Argh..! "Lord, patawarin n'yo po ako sa gagawin ko. Hindi ko 'to ginusto. Ginusto nila. Kaya dapat lang sila ang mamroblema hindi ako. Bakit ba kailangan pang umabot sa ganito?" gumaralgal ang boses ko sa huli kong sinabi hanggang sa tuluyan na akong napahikbi. Kaagad ko din pinalis ang mga luhang umalpas sa aking mga mata. Kailangan kong maging matatag. "Walang mangyayari sa pag-iyak mo Samantha. Sayang lang ng luha mo." Fuck! Malala na 'to. Kinakausap ko na ang sarili ko. Baka hindi ako sa simbahan matutuloy nito kundi sa Mental Hospital. Napahilot ako sa aking sentido. Malapit ng mabitak ang bungo ko. Kaagad kong inabot ang aking cellphone. I turn on my alarm clock. Four o'clock. Pinatong ko ito pagkatapos sa ibabaw ng drawer. Inabot ko ang aking unan. Humiga akong muli sa magulo ko ng higaan. Sinubukan kong pumikit. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na magulo pa rin ang utak at mabigat ang loob. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naidlip. Bigla akong naalimpungatan ng tumunog ang alarm ko. Hinayaan ko lang itong tumunog. Nanatili lang ako sa higaan. Nakatingin sa kawalan. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Pero wala naman akong lagnat. Feeling ko drained na drained ako. Pati ang utak ko malapit ng matuyo. I heaved a deep sigh. Hindi ako sigurado kung anong oras aalis paluwas ng Manila si JM. Sinabi lang nila gabi aalis. Dahan-dahan akong bumagon. Kailangan ko ng maghanda. Dumiretso ako ng banyo. Nagsipilyo at naghilamos. Matagal akong napatitig sa reflection ko sa bilog na salamin na nakadikit sa dingding ng banyo. Wala sa sariling inayos ko ang magulong buhok gamit ang daliri ng aking mga kamay habang naglalakad palabas. Kumuha ako ng isang maluwang na dilaw na t-shirt at denim short sa drawer. Pagkatapos kong magbihis kinuha ko ang phone ko at sinuksok sa likod na bulsa ng short ko. Lumabas ako ng kwarto. Nagpalinga-linga pa ako habang naglalakad pababa ng hagdanan. Ang tahimik ng bahay. Nasaan kaya sila? Dumeritso ako sa labas. Wala din. Naglakad ako papunta sa gilid ng bahay. Habang palapit ako doon palakas ng palakas naman ang tawanan ng mga itong naririnig ko. Ano bang nakakatawa sa pag-iihaw at ang saya ata nila? I smiled with the view. Magkatabing nakatayo sa harapan ng ihawan ang Inay at Itay ko. Di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Pero mukhang masaya at napapahalakhak pa ang dalawa. Ang tagal ng panahon bago ko muling nakitang ganito kasaya ang dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Nakatalikod sila sa gawi ko kaya 'di nila ako napansin. Ilang minuto ko pa silang pinanood muna bago ako dahan-dahang lumapit sa mga ito. I loudly clear my throat. Kaagad naman silang napabaling sa akin. I smiled. "Ang ganda po ninyong tingnan kapag ganyan po kayo lagi ni Itay, Nay. Para kayong bumabata lalo." "Nakow nambola ka pa. Mas masaya lalo dito kung maraming batang nagtatakbuhan. Aba't... ang tahimik na masyado ng bahay simula ng lumuwas ng Maynila ang Ate Shienna mo. Mabuti naman at pumapayag ka ng magpakasal kay Miguel, anak. Tiyak mga gwapings ang magiging mga apo natin nito, Phil. Ano sa tingin mo?" "Naku sigurado yun. Excited na nga ako e." masayang sabi naman ng Itay. At pinagpatuloy muli ng mga ito ang pag-iihaw habang nagkukwentuhan tungkol sa nalalapit kong kasal. Hindi na ako pinansin. Parang may mga sariling mundo. Hindi ako makaimik. 'Yong masayang ngiti ko biglang nauwi sa ngiwi matapos kong marinig ang mga sinabi ng mga ito. Napabaling ako kaagad sa ibang direksyon. 'Tragis na 'yan. Kung araw-araw ganito ang maririnig ko sigurado sa Mental talaga ako babagsak. "Tay Ising..! Saan po kayo galing..!" Sigaw ko sa kanya ng pagbaling ko ng ibang direksyon ay makita ito. Nakangiting naglalakad bitbit ang isang bote ng alak sa kanang kamay. Tumigil naman ito sa paglalakad at nilingon ako. Nakangiting naglakad ako ng ilang hakbang palapit at sinalubong ito. He smiled. "Galing akong Mansyon. Pinatawag ako ni Señorito JM. Akala ko kung ano ang sasabihin sa akin. Kinabahan pa nga ako nung una e. Bibigyan lang pala ako nitong dala niyang imported na alak." wika n'ya ng makalapit sa akin sabay pakita sa hawak na bote ng alak kagaya n'on kay Itay na bigay din nito kaninang tanghali. Cabernet Sauvignon. "Mukhang ang sarap po n'yan." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa hawak n'ya. "Hindi ko alam. Perstaym akong iinom ng ganito. Sabi ni Señorito JM nakakatulong daw yung pag-inom ng alak na ito paminsan- minsan. Ano na nga ba yung pangalan nito? Rid--" sabi nito habang nakatingin pa sa itaas habang nag-iisip sa binanggit na pangalan ng alak ni JM rito. "Rid--" "Red wine po Tay." "Red wine. Yun! Yung ang sabi niya. Nakalimutan ko naman agad. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya hindi ako masyadong pamilyar." napapakamot pa sa ulong wika nito habang nakatawa sa akin. I smiled back. "Oy..! Paring Ising halika dito. Tamang tama at nandito ka na hindi ko na kailangan pumunta pa sa bahay mo para ihatid 'tong inihaw naming mga manok." nakangiting wika ng Itay na sabay pa naming ikinalingon ni Tay Ising. "Nakow itong si Philip talaga. Ang dami na ngang pinadala ninyo kanina dun sa tubuhan. Yung iba nga pinadala ko na kina Nardo pag-uwi kanina para 'di na magluto pa ng ulam yung mga asawa nila." napapakamot pa sa batok na wika nito. Parang nahihiya. "E, marami talaga yung minarinade nitong si Cora para ipamahagi din sa iba. Galing kasi dito sa bahay kaninang tanghali ang mag-asawang Del Carpio. 'Wag ka ng mahiya. Kunin mo na itong dalawa. Pakibigay na lang din nitong isa kay Pareng Nestor. Magkalapit lang naman ang bahay ninyo. Ako na lang nitong iba maghahatid din doon kina Pareng Lito." nakangiting wika ng Itay habang binabalot sa metalic foil ang dalawang malaking inihaw na manok bago nilagay sa plastic at inabot kay Tay Ising. "Ay, oo nga pala." sabi nito at kaagad akong binalingan. He smiled at me."Best wishes sayo Sam. Ikakasal ka na kay Señorito Miguel. Nakow, tuwang tuwa ang Ate Lea mo ng ibalita ko kahapon na ikakasal ka na. Panay daw siya tawag sayo kaso 'di ka naman daw makontak. Hindi ka rin daw sumasagot sa mga text n'ya. Pinapasabi niya pala best wishes. Asahan mong darating siya sa susunod na buwan sa araw ng inyong kasal." I froze. Pa'no n'ya nalaman? Nagtatakang napatingin ako bigla sa mga magulang ko. Kaagad din akong napangiti ng pilit ng makita kong nakatingin rin ang mga ito sa akin. Napakamot ako bigla sa aking ulo. Inay ko po! Sino pang may alam? Pinambalita na nila agad? "Naku salamat po Tay Ising. Sige po akyat muna ako sa taas, titingnan ko po yung cellphone ko. Baka po na lowbat kaya 'di ako macontact ni Ate Lea." mabilis kong paalam sa mga ito sabay talikod ng tungkol sa nalalapit kong kasal na naman ang usapan. Ngunit 'di pa man ako nakakalayo ng tawagin ako ng Itay Philip. "Ayy anak! Sam sandali lang! Pakihatid nga muna nitong inihaw na manok kay Señorito JM. Sasabay na lang ako dito kay Pareng Ising para ihatid pa itong tirang inihaw sa iba." I suddenly halted. Nag-alangan pa ako nung una. Ngunit ng biglang maalala ko ang aking plano, nakangiting lumapit muli ako sa mga ito. Mabilis na kinuha ko sa mga kamay ni Itay ang hawak nitong dalawang malaking inihaw na manok na nababalutan ng metalic foil. Ako na ang nagkusang naglagay sa loob ng malaking plastic at kaagad na nagpaalam sa mga ito. Kaagad ko silang iniwan at nagtungo na ng Mansyo. **** THIRD POV JM (MANSION) Kasalukuyan akong nasa library at hinahanda ang mga dokumentong dadalhin ko paluwas ng Manila ng marining ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Mom. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bahagya s'yang nakasilip sa labas ng pintuan ng library. Nag-aalangan pumasok. Akala siguro busy ako. I smiled at her. "Mom." She stared at me. "Anong oras ba ang alis mo." tanong n'ya sa akin habang niluluwagan ang bukas ng pinto. Dahan-dahan s'yang naglakad papasok. Huminto sa harap mismo ng mesa ko. I checked my wristwatch. It's five o'clock. "I'm leaving soon Mom." She heaved a deep sigh. Laglag ang mga balikat na bahagya pa akong tinalikuran. Napangiti ako sa naging reaksyon n'ya. Alam kong mamimiss lang n'ya ako kaya ganito s'ya ngayon sa akin. Lagi naman. Kahit doon sa Manila sa tuwing dinadalaw ko sila ni Dad. Umiiyak lagi kapag aalis na ako. Kahit kay Migz ganun din. Siguro gano'n lang talaga ang mga Ina? Masyadong maalalahanin. Ginagawa kaming bata. Akala mo naman taon kami 'di magkikita. Sabagay madalang na akong pumunta dito sa Mansyon simula ng magpasya ang mga ito na mananatili na dito. Sa tingin ko dahil sa matalik na kaibigan nitong sina Tay Philip and Nay Cora. I was surprised the first time I've known about them. And grateful about what they did to my father before at the same time. They were nice and easy to get along with. Itinuturing ko na silang pangalawa kong mga magulang. And I loved them all. I was very busy this past few days kaya wala akong oras. Naglalagi ako sa may Condo Unit ko in Makati. Bihira din akong pumunta sa bahay namin sa Taguig paglumuluwas naman ang mga ito doon. It just that my schedule doesn't matched with them. Kaya palagi akong nasesermunan ni Mom. Dad doesn't care at all. Sumasakit lang daw ang ulo n'ya sa amin kaya pinabayaan n'ya na kami. Well, I kinda used to it and I don't mind. Mas gusto ko pa nga 'yon e. 'Wag nila akong pakialaman. Si Mom lang talaga ang masyadong madrama. Dahan-dahan akong tumayo at umikot sa aking mesa. Nilapitan ko s'ya. Ang tahimik masyado. Nagulat pa ako ng makita ko s'yang kaagad na nagpunas ng mga mata. Is she cryin'? Fuck! Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. It's my weakness. I don't want to see her or any woman crying. Parang pinipiga ang puso ko na iwan kapag nakakakita akong umiiyak lalo na't babae. Nasasaktan ako. Normal lang ba 'yon sa isang lalaki? Damn! "Mom. Please don't cry. Baka biglang pumasok dito si Dad at isipin no'n pinapaiyak kita." She silently sniffed. "Pinapaiyak n'yo naman talaga ako lagi ni Miguel. Lagi n'yo na lang akong pinag-aalala. Kailan ba kayong dalawa mapipirmes sa isang lugar? Bihira ko na nga lang kayo makita. Kapag tinawagan kayo, lagi naman kayong nagmamadali. Pati pagbisita dito sa Mansyon parang nagmamadali din. Kahit do'n sa isang bahay sa Taguig ganun din. Kailan ka ba mag-aasawa ng pumirmes ka na ng bahay at lampas kalendaryo ka na?" I laughed wholeheartedly. I know it. Sisermunan n'ya na naman ako. Tinitigan n'ya ako ng masama ng pagtawanan ko s'ya. Aw! Kinurot n'ya pa ako sa aking tagiliran. Natatawa pa ring nagmamadali na akong lumayo sa kanya. Habang hinihimas-himas ko pa ang tagiliran ko. "Your little pinch Mom still hurts." "Aba't... 'di lang kurot ang aabutin mo sa'kin na bata ka. Kung kailan naman kayo ni Miguel lumaki saka naman lalo sumasakit ang ulo namin ng Daddy mo sa inyo. Kailan ba kayong dalawa magtitino?" Napahawak ako sa aking batok habang pinipigilan ko ang pagtaas ng gilid ng labi ko. "Mom, 'di na po ako bata. Tsaka matino naman po ako. Grabi naman po kayo sa'kin. And I'm a very busy man. Isa pa po masaya naman ako sa buhay ko. Noong gusto ko nang mag-asawa ayaw naman ninyong dalawa ni Dad. Ngayon pinupwersa n'yo naman ako. Wala pa po sa isip ko ang pumasok sa magulong buhay." Pinanliitan n'ya ako ng kanyang mga mata. "Masyado pang bata kayo noon at nag-aaral pa. Bakit, kaya n'yo na bang bumuhay ng pamilya noon na wala naman kayong alam na trabaho ng kapatid mo. Puro pambubulakbol lang naman ang alam ninyong dalawa. Tsaka hindi magulong buhay ang pag-aasawa. Kapag tamang tao ang pinakasalan mo magiging masaya lalo ang buhay mo kasama ng pamilya mo, kagaya ng sa'min ng Daddy mo." I sighed. "Yeah, but not the arranged marriage Mom. You and Dad both knows that Migz and Sam hate each other." Bigla s'yang natahimik sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Malalim s'yang napabuntong-hininga. Dahan-dahan na naglakad patungo sa sofa malapit sa gilid dito sa loob ng library. Tahimik na naupo doon. Ilang minuto din ang lumipas na katahimikan at walang nagsalita sa aming dalawa. She cleared her throat. "You know how much we love the two daughter of Philip and Cora, right? Hindi na iba ang pamilya nila sa atin. We've been dreaming to have a little princess in our family before but never happened. And we want one of you two marry their daughter 'cause that's your Dad and Philip covenant when they were young back then. And Cora and I agreed with it too." "But Migz like someone else Mom, definitely not Sam." pangangatwiran ko pa sa kanya. Kanina, I can feel it that Sam really against with their arranged marriage. Hindi ko lang alam pa'no ko s'ya tutulungan na makumbinsi ang pamilya namin na 'wag ituloy ang plano ng mga ito. Baka iba ang isipin nila. Yeah, I must admit that I kinda like her the first time I saw her but still she's too young for me. I prefer her older sister perhaps? I smirked with the thought. Naiinis na biglang tumayo si Mom sa sofa'ng kinauupuan n'ya. Nakapamaywang na tiningnan n'ya ako ng masama. "Kung yung babae n'yang pakawala na bigla na lang sumusulpot dito sa bahay ang gusto n'ya, tumigil s'ya. Mas mabuti pang sa anak nina Cora s'ya mapunta kasya kung kani-kanino lang. Tapos ikaw," duro n'ya pa sa akin. "Woah..." Nakangiting napaatras ako. "Kung ayaw mong magpirme sa bahay bigyan mo kami ng apo ng Daddy mo ng may ibang mukha naman akong makita at makausap. Hindi yung puro mukha na lang ni Fernan ang nakikita ko. Kung kailan tumanda saka naman nagiging clingy." nakairap pang sabi n'ya. Napahagalpak ako ng tawa bigla sa huling tinuran n'ya. Halos yumugyog ang mga balikat ko kakatawa. Nabwesit s'ya sa akin. Aw! Pinagkukurot n'ya akong muli kahit saang parte ng aking katawan. Todo naman akong ilag sa mga kurot n'ya habang malakas na tumatawa. "Narinig ko ata yung pangalan ko?" Napalingon kaming dalawa ni Mom sa labas ng pintuan ng may magsalita doon. Nakita kong nakahalukipkip na nakasandig sa hamba ng pintuan si Dad habang nakapamulsang nakangiting nakatingin sa amin. "Aw!" She pinch my t**s. Ang sakit. Hinihimas-himas ko ang aking dibdib ng maramdaman ko sa tagiliran ang isa pang pinong kurot n'ya bago ako tinigilan. Napapaigtad pa ako sa sakit. "Ayaw mo na pala ng clingy ngayon, Isme? Noon, tandang-tanda ko pa ikaw 'tong dikit ng dikit sa akin. Pinikot mo pa nga ako e." "Aba't.... binabaliktad mo ata ngayon Fernan!" asik nito. He laughed. "Aminin mo na kasi. Ikaw itong dead na dead sa akin noon. Tapos ngayon kung kailan may dalawa na tayong binata saka ka naman naging pakipot." Napapailing na lang ako sa takbo ng usapan ng mga magulang ko. Parang mga bata. Naglakad ako palapit sa mesa at naupo sa edge nito. Pinagkrus ko sa harapan ng aking dibdib ang aking mga braso. Mataman akong nagpapalipat-lipat ng tingin at nakikinig lang sa sagutan ng mga ito. I missed this. 'Yong ingay ng bahay namin. 'Yong tawanan at kwentuhan. Asaran. Parang kailan lang nagsusuntukan pa kami ni Migz at sabay din kaming pinapalo ni Dad. Grounded ng isang linggo. I smirked. "Susko ginoo.... Napakayabang nito. Bakit, sino ba yung lumuhod na umiiyak sa labas ng bahay namin habang nagmamakaawa na balikan ko pagkatapos kong break-an, aber?" nakapamaywang pang sabi nito. Napakamot pa si Dad sa kanyang ulo. "Sus... sinundan mo naman ako no'n sa Airport nung mabalitaan mong uuwi na ako ng Pilipinas." then he laughed. I looked at my Mom face. She's now blushing. Natawa ako. Kaagad n'ya akong nilingon. Sinamaan n'ya pa ako ng tingin. I automatically close my lips. Ang sweet nilang tingnan. Kahit may edad na ang mga ito halata pa din sa mga galaw at kilos kung gaano ka-in love sa isa't isa. Minsan nangangarap din ako na sana makatagpo din akong babae na kagaya ni Mom. Someone who will love me forever. Yung hindi ako lulukuhin at pahahalagahan ang aming relasyon. Yung kahit matanda na kami, mananatili pa rin ang pag-ibig sa isa't isa kagaya ng pagmamahalan ng aking mga magulang. May babae pa kayang ganun ngayon? I bet, none. Kaya nga wala pa akong girlfriend hanggang ngayon. Baka hindi pa pinapanganak. I never had any serious relationship in my entire life. Never committed to anyone. But yeah, had some random girls but just a fling. Talaga ba, JM? Nakalimutan mo na bang may isang babae na muntik mo nang pakasalan? Shit. I dismissed the thought. Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang kanang kamao ko. Kaagad kong pinalis ang biglang namuong galit sa aking dibdib. I stared at my Parents again. Trying to divert my wandering mind. Tahimik lang na nakatitig si Mom kay Dad na parang asong nakangisi naman ito sa kanya. Ang lakas ding mang-asar. "You're blushing Mom." tudyo ko sa kanya. Pinanlakihan n'ya ako ng mga mata. "I'm not!" asik n'ya pa sa akin. "Yes you are." "Tse..! magsama kayo ng ama mo!" Asik nito sa amin ni Dad. Sabay pa kaming napahalakhak ni Dad sa sinabi n'ya. Mabilis na nagmartsa s'ya palabas ng library. Pinalo pa n'ya si Dad sa braso na nakatayo sa b****a ng pintuan ng dumaan sya palabas doon at iniwan kami. Lumakas pa lalo ang aming tawanan. Halos umalingawngaw iyon sa buong kabahayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD