Chapter 9

3102 Words
Samantha Sila nagplano na ipakasal ako kay Miguel pero sila din naman ang tumulong sa akin para makatakas ng hindi nila nalalaman! Eiiii...! Halos gusto kong tumili sa subrang tuwa. Mabibilis na hakbang na naglakad ako patungo sa Mansyon ng mga Del Carpio. Bitbit ang dalawang inihaw na manok na nakalagay sa plastic. Hindi ko lubos maisip na mapapadali ang plano kong pagtakas. Akalain mo 'yon? Love talaga ako ni God. Ayaw n'yang ipahintulot ang walang kwentang plano nila sa akin. Napagpasyahan kong sumabay sa pagluwas ng Manila ni JM mamaya. Kaso hindi ko alam kung pa'no ako makakasakay sa kotse nito ng hindi nito nalalaman. Tsk. Bahala na nga. Ang importante nakapag first move na ako. I smirked. Sigurado akong hindi maghihinala ang aking mga magulang na tatakas ako. Inutusan pa ako ng Itay. Kampante na siguro ang mga ito na pumapayag na ako at 'di na tutol pa sa plano nila. Akala lang nila 'yon. Haha. Siguro dala ng tuwa at kasabikan sa nalalapit kong kasal kaya nalimutan ng mga ito na posibleng tumakas ako. Lalo't sa simula pa lang pinahiwatig ko na sa mga ito ang disgusto sa arranged marriage ko kay Miguel. Gano'n na ba talaga sila kasabik magka-apo? Kung nagkataon na gusto ko sana si Miguel baka mabilis pa sa alas k'watro na pumayag ako. Hindi na nila ako kailangan pang pilitin. Kaso nga iba. Ayaw ko at wala akong kahit anong nararamdaman sa kanya kundi inis at pagkamuhi. Napabuntong-hininga ako sa aking naisip. Wala akong kakampi kahit isa sa loob ng Hacienda sa pagtutol ng nalalapit kong kasal. Wala akong mahingian ng tulong. Akala ko may mga kaibigan akong malalapitan para makatakas ngunit halos lahat ng mga ito nagcongratulate na sa akin. Tadtad ng missed calls at text messages ang inbox ko mula sa kanila. Puro kantyaw at pagbati ang aking nabasa kaya kaagad kong tinurn-off ang cellphone ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayaw ko ng makipagtalo pa. Ayaw ko ng itama pa ang balitang nasagap nila. Wala ako sa mood magpaliwanag pa. Pinaniwalaan na nila agad ang fake news without even asking me first. Nakakainis lang dahil pinamalita na agad ng aking mga magulang. Nasasaktan ako sa pakikialam nila sa personal kong buhay. Sa aking kaligayahan. Sa future ko. Marami pa akong pangarap na gusto kong maabot. Sa mga nangyayari ngayon hindi ko na alam kong maaabot ko pa ang mga 'yon. Ano kaya ang mararamdaman ni Ate Shienna kapag nabalitaan din nito ang nalalapit kong kasal? Kakantyawan n'ya din kaya ako? E-congratulate kaya? Magiging kakampi ko kaya s'ya? Tutulungan n'ya kaya akong matigil ang kasalan na 'to? Hindi ako sigurado kung alam na n'ya ang balita. Out of reach ang number n'ya ilang araw na. Kaya inisip ko baka wala pa itong alam. Baka walang signal ang probinsyang pinuntahan ng grupo nito kaya hindi ko s'ya makontak. I wish nandito ka ngayon sa tabi ko Ate Shienna. I heaved a deep sighs. Naghahalo-halo ang nararamdaman kong tuwa dahil umaayon sa'kin ang panahon. Inis dahil sa kagustuhan kong 'wag matuloy ang kasal gagawa ako ng hakbang na alam kong masasaktan ko sila. Kaba at takot dahil hindi ko alam kong ano ang kahihinatnan ng pagtakas kong ito. Mapapabuti ba ako or mapapahamak? Hindi ko alam. Hanggat 'di ko sinusubukan hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari. Nalilito ako. Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa din ako. Pero nandito na ako. Aatras pa ba ako? Mabibilis ang aking mga hakbang papasok sa loob ng Mansyon ng mga Del Carpio. Bahagya ko pang nabangga ang nagmamadali ding taong lumabas ng Mansyon na nakasalubong ko. Hindi ko na nilingon pa kung sino 'yon. Basta na lang ako nag-sorry. Nasagi ko lang naman. Dumiretso na ako. Inisip ko na baka yung trabahador ng Rancho. Nagmamadali ng umuwi dahil papagabi na. Labas pasok naman ang mga tao sa Mansyon kapag pinapatawag ang mga ito doon or sa kabilang opisina ng mga ito. Naabutan kong nakatayo sa labas ng Library si Tito Fernan ng pumasok ako ng Mansyon. "O Iha, napasyal ka?" gulat na tanong n'ya pa sa akin. I smiled. "Magandang hapon po Tito Fernan. Si Señorito JM po?" nagpalinga-linga ako. Ngunit ni anino nito 'di ko makita. "Ibibigay ko lang po sana itong inihaw na manok na pinahatid sa akin dito ni Itay." alanganing ngiting sabi ko. Natigilan s'ya sa sinabi ko. Matagal n'ya akong tinitigan. Umalis na ba s'ya? Kinabahan ako bigla. "Ah, hindi mo ba siya nakasalubong sa labas? Kalalabas n'ya lang ng makita kitang papasok dito." My jaw dropped. W-what..? Kaagad akong napalingon sa labas na pinanggalingan ko. Hindi kaya? Shit. Kaagad akong nagpaalam sa kanya ng mapagtanto kong ang taong nakabangga kanina papasok ay si JM pala. Hinabol ko ito. Ngunit wala na akong naabutan na tao sa labas. Nagpalinga-linga ako. Wala. Saan na ba 'yon nagpunta? T'ngna. Patakbo na akong nagtungo sa gilid ng Mansyon kung saan naka-park ang kotse nito. Halos kaltukan ko ang aking sariling katangahan. Baka mapurnada pa ang aking plano. Binilisan ko pa lalo ang aking pagtakbo. Naabutan kong nakasakay na ng kotse si JM at ini-start na n'ya ang makina. Oh No...! "Kuya J...M..!" humahangos na malakas na sigaw ko. Hindi ako sigurado kung narinig n'ya. Humihingal ako na napayuko. Pinatong ko ang dalawang kamay sa aking mga tuhod. Nanghina ako bigla. I parted my lips a bit to gasp for air. Dammit... ganun ba kalayo ang tinakbo ko? Maya-maya nakita kong binuksan n'ya ang pinto sa driver seat. Bumaba s'ya ng kotse. Nagulat pa s'ya ng malingunan ako. Inirapan ko naman s'ya ng makita kong muli ang nakakalukong ngisi n'ya sa akin. Damn! Magaling din pala ang isang 'to mang-asar. Akala ko nakakaintimidate s'ya. Hindi pala. Panlabas na anyo n'ya lang pala 'yon. Nagkamali na naman ako ng impression sa kanya. He chuckled. "O... Sam. Where have you been at hingal na hingal ka ata? May humahabol ba sayo?" nakangising tanong nito sa akin sabay lingon sa likod ko. Tiningnan siguro kung sino ang humahabol sa akin at ganito ang itsura ko. Sinenyasan ko s'ya. Pinapatigil. Itinaas ko pa ang isang kamay sa harapan n'ya. Pinagtawanan n'ya pa ako lalo. Nabwesit ako. Kaso hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang boses ko. Pilit kong pinapakalma muna ang aking sarili. Ang bilis at ang lakas ng t***k ng puso ko. Nahirapan akong huminga. Parang may mga naghahabulan na kabayo sa loob ng dibdib ko. "Did Mom and Dad bully you again?" Umiling ako. "N-no.... A-a..dren..al..ine..." huminga ako ng malalim. " Adrenaline r-rush." Napahagalpak s'ya ng tawa sa sinabi ko. I stared at him murderously. Kaagad n'yang tinakpan ang bibig n'ya ng kanyang isang malaking kamay. Kunwari pinipigilan tumawa pero nakikita ko pa ring yumuyugyog ng bahagya ang mga balikat n'ya. Sarap batuhin ng hawak kong plastik na may lamang inihaw na manok. Umayos ito ng tayo. Pinamulsa pa ang dalawang kamay. He cleared his throat. "You were in a hurry lately and even bumped at me. Nagde-dreaming ka pa ata kanina habang naglalakad e. Tapos ngayon parang may kabayong humahabol naman sayo. What happen?" I unconsciosly stared at him. Laglag ang mga panga. Why he looks so yum...my? Bakit ang gwapo n'ya ngayon sa paningin ko? I scan him from head to toe. Ivy league haircut. May black sunglasses na nakapatong sa ibabaw ng ulo nito. Wearing fitted black jeans and a light-pink long sleeve matching with black leather boots. Shit ang hot at sexy! Ngayon lang ako nakakitang lalaking nagsuot ng pink na damit pero makalalag panga ang dating. Kung iba siguro ang nagsuot magmumukhang katawa-tawa. Pero bakit ang isang 'to parang ang sarap papakin? Namumutok ang mga muscle n'ya sa nakarolyong mga manggas hanggang siko. Nakababa pa ang ilang butones sa harapan. Nasisilip ko na ang maumbok na dibdib n'ya. Matagal akong napatitig doon. Nakakatemp hawakan! Malakas itong tumikhim. Kaagad akong napatitig sa mukha n'ya. I saw his evil smirked. Tinaasan pa ako ng isang kilay n'ya. "So what's the verdict?" I rolled my eyes. Damn! Makailang ulit ko pang kinaltuhan ang sarili ko. Bakit ba naiisip ko pa ang mga walang kwentang bagay na ganito? Hindi ko naman s'ya type. T'ngna. Nasapo ko bigla ang aking noo. Kaagad akong nag-ayos ng tayo at kinalma ang habol kong hininga. "N-nag...sorry naman ako k-kanina. Tsaka... 'di ko napansin na ikaw pala yung nakasalubong ko. Ibibigay ko sana ito sayong pinapabigay ni Itay kaso di kita naabutan sa loob. Sabi ni Tito kalalabas mo lang. Kaya nagtatakbo ako baka 'di na kita maabutan. Malilintikan ako nito kay Tatay 'pag dala ko pa rin ito pabalik. Sipsip ka pa naman doon." nakairap kong sabi sa kanya para pagtakpan ang nakakahiyang ginawa ko kani-kanina lang. He was grinning ear to ear ng makita n'yang pinapasadahan ko ang kabuuan n'ya. Baka inisip n'ya gusto ko s'ya. "Oh that. Yeah. F*ck. I forgot." wika nito sabay tingin sa hawak kong plastik na inaabot sa kanya. Nagpalinga-linga ito at nilingon pa ang kotse nito. "Can you please just put it inside the car? To the chair next to the driver seat. Then after that go back home papagabi na. Babalik lang ako sandali sa loob. I forgot some documents in the kitchen. Naiwan ko sa mesa nung uminom akong tubig bago lumabas." Paliwanag n'ya sa akin. Malalaking hakbang na tinalikuran n'ya na ako. Hindi na ako inantay pang magsalita. Iniwan n'yang nakabukas ang pintuan sa driver seat. I stand still for a seconds. Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin. Nang lumiko ito at mawala sa paningin ko, kaagad akong nahimasmasan. Nagmamadali akong pumasok ng kotse n'ya. Kaagad kong nilagay ang dala kong plastik na may lamang inihaw na manok sa katabing upuan. Sumilip pa akong muli sa labas. Wala pa s'ya. Nagmamadali akong lumipat sa back seat. Aw! Nasapo ko ang bunbunan ko. Makailang ulit pa akong nauntog. Tsenek ko kung naka-lock ang pinto ng kotse sa likuran. Nang masigurong hindi iyon naka-lock umupo ako sa lapag. Sumiksik ako. Pinagkasya ko ang aking sarili sa likurang upuan ng driver seat. I heaved a deep sighs. Bwesit talagang buhay na 'to. Ang sikip naman dito. Hindi ako mapakali. Para akong inipit sa itsura ko. Sandwich. Kakayanin ko kaya ang tagal ng byahe papunta ng Manila sa ganitong itsura? Baka sa subrang ngalay 'di na ako makatayo o makalakad pa. Pa'no pa ako makakatakbo nito? Tsk. Umupo akong muli sa lapag. Pilit humahanap ng tamang posisyon para magkasya. Buti na lang maliit ako. Kahit papa'no kakasya sa maliit na espasyo. Nang pakiramdam kong komportable na ako sa aking kinatataguan, saka ko naman narinig ang nagmamadaling mga yabag ng taong papalapit sa kotseng kinatataguan ko. Tinubuan ako ng takot. Pinagpawisan pa ako ng malapot. Bumilis ang t***k ng puso ko sa subrang kaba. Dios ko 'wag naman po sana akong makita. Tahimik ko pang usal na dasal. Halos pigilan ko na ang paghinga. Kaagad kong tinakpan ng aking mga kamay ang aking bibig para 'di ako makalikha ng kahit ano mang ingay. "Yes. I'm leaving now. Will be there tomorrow afternoon, I guess. Just prepare all the files I asked you and send it to my email, Ok? Bye." Narinig kong sabi n'ya sa kausap. Naramdaman ko ang pagpasok n'ya ng kotse at malakas na sinara ang pinto nito. Maya-maya nagsimula na itong umusad. Nakahinga ako ng maluwag. Nanatili pa rin ang aking mga kamay sa bibig ko. Makagawa pa ako ng ingay. Mahirap na. Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Hanggang ngayon pakiramdam ko malapit ng lumabas ang aking puso sa ribcage ko sa subrang kalabog nito. Buti na lang at 'di n'ya nahalata na nakasakay ako sa likuran ng kotse n'ya. 'Di man lang ba s'ya nagtaka kung nasa'n na ako? O kaya hinanap man lang? Bigla akong natigilan sa takbo ng iniisip ko. Bakit n'ya nga ba naman ako hahanapin. Kaano-ano n'ya ba ako? Napailing ako. Pinakiramdaman ko ang paligid ng loob ng sasakyan. Maliban sa mahinang tugtog na nagmumula sa stereo nito wala na akong ibang naririnig pang ingay. Gano'n ba s'ya kaseryoso magmaneho? Pakiramdam ko nakalayo na kami ng Hacienda. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na hakbang ang gagawin ko pagdating ko ng Manila. Ang gulo pa ng utak ko. Napahilot ako sa aking sentido. Bahala na nga. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan. Pinikit ko ang aking mga mata. *** THIRD POV ITAY PHILIP (HACIENDA) "Ano..!? Hindi pa umuuwi si Sam? Bakit ngayon mo lang sinabi e gabing-gabi na..? Naku naman Cora." napapahilamos sa mukha na wika ko sa asawa ko. Bigla akong tinubuan ng takot at pag-aalala sa anak ko't gabing-gabi na 'di pa umuuwi. Saan na naman ba 'yon pupunta? Sa Mansyon ko lang naman s'ya inutusan pumunta kanina. "Hindi ko na napansin kung nakauwi na si Sam. Pag-alis mo kasi kanina kasama ni Ising umakyat na din ako sa kwarto. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. 'Di ko nga din namalayan yung pagdating mo. Naalimpungatan lang ako nung marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Ngayon ko lang nalaman na wala pa siya. Sumaglit muna ako sa kwarto niya bago ako bumaba rito para gawan kitang kape. Bakit ka nga pala ginabi na ng uwi?" mahabang paliwanag n'ya sa akin. I stared at her. Nang makita kong kalmado lang ang asawa ko nabawasan ang nararamdaman kong takot at pag-aalala. Baka nga nasa Mansyon lang si Sam. Eksaherado lang ako masyado. I sighed. "Napasabit kami kina Pareng Nestor. Pinaunlakan na namin ni Pareng Ising kasi parang may problema. Ayaw naman sabihin kung ano kahit anong pilit namin." sabi ko sa kanya. Pumihit ako at naglakad palabas ng kusina. "Teka nga at wala pa kamo si Sam. Pupuntahan ko kina Fernan." Hinabol n'ya ako. "Sandali lang Philip." wika n'ya sabay hatak sa aking braso. "Gabing-gabi na tsaka nakainom ka pa. Nakakahiya kina Isme kung bubulabugin mo sila ngayon. Ipagpabukas mo na lang. Baka dun na pinatulog nung mag-asawa si Sam. Puntahan na lang natin bukas." Napahinto ako. Tiningnan ko s'ya. Nagdadalawang isip pa ako kung pakikinggan ko ba s'ya o tutuloy pa rin ako. Pinili ko ang una. Napabuntong-hininga ako. Muli akong pumihit pabalik. Lumapit ako sa mesa. Saka inubos ang kapeng tinimpla n'ya para sa akin na iniwan ko. Nang maubos ko ng inumin, kinuha n'ya kaagad sa aking kamay ang baso. Lumapit sya ng labo at saka ito hinugasan. Nakasunod lang sa kanya ang tingin ko. Hindi man lang ba s'ya nag-aalala? Nilagay n'ya ang baso sa hanging dish rack. Kumuha ng basahan at nagpunans ng mga kamay. Paglingon n'ya sa'kin nagtama ang paningin namin. She smiled at me. Naglakad palapit sa akin. I stared at her blankly. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman. Pakiramdam ko kasi parang may iba. Ipinilig ko ang aking ulo. Siguro dala lang 'to ng alak. I sighed and shrugged my shoulder. Inakbayan ko s'ya. Naglakad na kami palabas ng kusina. Dumeritso ng kwarto at natulog. *** THIRD POV JM Nasa kasagsagan na ako ng byahe ng sunod-sunod na nagring ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho. Damn it. Nangangalay na ang aking mga kamay at braso kakamaneho sa haba ng byahe. Nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpapaniwala sa pinagsasabi ng Miguel na 'yon sa akin. Sabi n'ya subukan kong magmaneho ng kotse minsan pabalik ng Manila. Marami daw na magagandang tanawin ang madadaanan ko. Naexcite naman ako. Mahilig akong umakyat ng bundok. And I planned to buy a lot somewhere in province. Gagawin kong bahay bakasyunan. A private resort. Alam n'ya kasi na mahilig akong mamundok at nabanggit ko sa kanya ang aking plano. Kaya naexcite ako ng maalala ko ang sinabi n'ya dati sa akin. Kaya ngayon ko naisipang subukan. Hapon pa naman ang meeting ko kaya mahaba-haba ang free kong oras. Kaso pinagluluko n'ya lang pala ako. Dammit! Baka pagtawanan pa ako n'on pag nalaman na kinagat ko ang kalukuhan n'ya. Pahamak talaga. Tarantado. Makailang beses ko ng pinagmumura s'ya sa isip ko. Makakatikim talaga s'ya sa akin 'pag nakita ko s'ya. Halos isumpa ko sa sarili na hinding-hindi na akong muling babyahe pa pabalik ng Manila gamit ang aking kotse. Imbes na nag-eroplano na lang ako na isang oras lang ang byahe pabalik ng Manila mula sa Isla. Walang kwentang magdamag na byahe ang inabot ko. Nagpapaniwala naman ako sa kalukuhan n'ya. G*go talaga. Masasapak ko talaga s'ya kapag nakita ko s'ya. Pati ang pang-upo at likod ko nangangalay na rin. E di sana nasa Manila na ako kahapon pa. F*ck! Kahit siguro magdamag akong magreklamo. Magsisi. Isumpa s'ya sa isip ko 'di na maibabalik pa ang pagod, puyat, ngalay na nararamdaman ko. T'ngnang katangahan ko. Muling tumunog ang cellphone ko. Tinatamad na inabot ko ito. Tiningnan ko kung sino ang makulit na caller. Mom calling.... I sighed. " Si Mom talaga. 'Di pa nga ako nakakarating ng Condo ko tumatawag na kaagad." Nakangiting napahilot ako ng aking batok. Sigurado akong umuusok na ang ilong no'n sa tagal kong pagsagot sa tawag n'ya. Malamang sermon na naman ang aabutin ko. I smirked with the thought. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse. Kailangan ko na kaagad makarating ng Condo para magpahinga. Buti na lang at hindi pa traffic. Malapit ng sumuko ang katawang lupa ko sa subrang pagod at antok na nararamdaman ko. I'm going to get even with you Miguel one day. I swear. Maya-maya binagalan ko na ang pagpapatakbo. I checked my wristwatch. Quarter to ten. s**t. Subrang tagal ng byahe ko. Sumilip ako sa labas. Lampas Alabang na ako. Malapit na. Napatingin muli ako sa hawak kong cellphone ng huminto ang pagtunog nito. I waited for her to call again. Pero hindi na s'ya tumawag pang muli. Binalik ko ito sa lalagyan. I increase the speed. Malapit na ako ng Makati ng muling tumunog ang cellphone ko. Inabot ko itong muli. I press the answer button. Kaagad kong nilagay sa loud speaker saka pinatong sa ibabaw ng dash boad. "Hello..? JM...! Bakit ang tagal mo sumagot. Kanina pa ako tumatawag sayo! Are you with Sam..?" What..? Napakunot noo ako ng marinig ko ang galit na boses ni Mom sa kabilang linya na bumungad sa akin. Tama ba ang dinig ko? Hinahanap n'ya sa akin si Samantha? But why? Kaagad kong kinabig ang manibela paliko ng makakita akong Coffee Shop. Mabilis akong nagpark sa gilid no'n. "I'm driving Mom. What's the matter? You sounds very pissed." "Talagang naasar ako sa'yong bata ka. Importante ang tinawag ko. Pwede mo naman ihinto yang kotse mo sa gilid para sagutin ang tawag ko. I'm asking you kung kasama mo ba si Sam?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD