“Are you sure you are not going with us to Manila, Isabel?” Lumabas si Dwight sa kwarto para hayaan si Saraya na mag-impake ng mga dadalhin nito para sa pagluwas nila sa Manila. Halos isang linggo ang schedule ng competition na sasalihan nito sa Manila kaya medyo matagal silang makakabalik sa Laguna. Pagkatapos ng competition ay may ilang araw na binigay ang mga teachers sa mga players para magpahinga kaya balak pa ni Dwight na mag-stay pa sila ng ilang araw sa Manila para ipasyal si Saraya sa mga gusto nitong mapuntahan doon. “I can’t, Dwight. I’m sorry. I have some important things I need to settle this week,” simpleng sagot lang ni Isabel kaya hindi na siya nakipagtalo dito. Tutal ay ilang araw na rin itong sinusubukang kumbinsihin ni Saraya na sumama kahit ilang araw lang pero narir

