Kanina pa hindi mapakali si Saraya. Pabalik-balik sa isip niya ang ginawang basta na lang paghalik ng Ninong Dwight niya sa kanya. At naiinis siya dahil hindi niya mapigilan na matuwa dahil sa halik na ‘yon kahit na alam niyang hindi naman talaga gusto ng Ninong niya na halikan siya! Siguro ay sobrang napikon na ito dahil sa mga pang-aasar niya kaya hindi na nakatiis at gumanti na rin ng halik! Nakasakay na sila sa tricycle at kasalukuyang malakas ang ulan kaya halos mag siksikan na silang dalawa sa loob. Kung hindi kasi sisiksik ang Ninong niya sa gawi niya ay mababasa ito kaya halos nakayakap na ito sa kanya! Hindi tuloy matapos-tapos ang kung anu-anong tumatakbo sa isip niya. Pabalik-balik sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. Masyado pa namang magkalapit ang mga mukha n

