Mukhang tulog na ang Ninong Dwight ni Saraya pero siya ay hindi pa rin nakakaramdam ng antok. Pagod naman siya sa paglangoy kanina sa ilog pero hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi nito kanina. Kung bawal pala niyang ipakita ang katawan sa ibang lalaki ay dapat na pagbawalan niya rin ang Ninong Dwight niya na ipakita ang katawan sa ibang babae! Dahil na naisip ay bigla na naman niyang naalala ang nakita niyang ginawa ng Ninong niya sa babae sa ilog. Mas lalo tuloy siyang hindi dinalaw ng antok kaya ilang beses siyang bumiling sa kama. Pagkalipas ng isang oras ay hindi pa rin siya nakakatulog kaya inis na bumangon si Saraya at saka lumapit sa sofa kung saan nakatulog at nakahiga ang Ninong Dwight niya. Dahan-dahang sinilip niya ang mukha nito. Nakataas ang isang braso nito at nakata

