“Pakisabi nga sa Ninong ko, Holy, na may group activity tayo kaya mauna na siyang umuwi…” Muling napatingin si Dwight kay Saraya at kumunot ang noo nang narinig ang sinabi nito. Sa halip na direkta siya nitong kausapin ay pinapadaan pa nito ang mga sinasabi nito sa mga kaibigang sina Holy at Mary. Isang linggo na yata itong gano’n ang pakikitungo sa kanya at hindi na siya makapag concentrate sa trabaho dahil sa ginagawa nito sa kanya. Simula noong gabing napagkamalan ni Saraya na girlfriend niya ang babaeng nakita nitong katalik niya sa ilog ay hindi na ito nakipag-usap ng normal sa kanya. Sa bahay ay tahimik lang ito at palaging dumidiretso sa kwarto at halatang iniiwasan na kausapin siya. Kapag naman hinahatid o sinusundo niya ito sa school ay tahimik din ito ay palaging may dala-dala

