“Normal lang sa matatanda na gawin ang nakita mo, Saraya. Hindi dahil ginawa iyon ng Ninong Dwight mo sa ibang babae ay masamang tao na siya. Isa pa, wala pa namang asawa ang Ninong mo o kaya ay girlfriend kaya walang masama kung gawin niya ‘yon…” Paulit-ulit sa isip ni Saraya ang sinabi ng mga kaibigan niyang sina Holy at Mary nang sabihin niya sa mga nakita niya sa ilog noong nakaraan. Alam naman niyang hamak na mas matanda ang Ninong niya sa kanya. Kaedad na ito ng Mama niya kaya normal na lang daw para sa Ninong niya ang gawin ang bagay na iyon. “Pakikipagtalik…” mahinang bulong niya nang maalala ang terminong ginamit nina Holy at Mary habang pinapaliwanag sa kanya ng mga ito kung ano ang posibleng nakita niyang ginawa ng Ninong Dwight niya at ng babae sa ilog. Nang tanungin niya

