Kunot na kunot ang noo ni Saraya habang nakatingin sa Ninong Dwight niya. Alam niyang galit ito dahil sa biglaan niyang pagsunod sa ilog kahit na ilang beses na silang nag-away tungkol doon. Nang sabihin ng Mama niya na nasa ilog ito ay hindi na niya napigilan ang puntahan ito at hanapin. Hindi niya naman akalain na maaabutan niya itong may pinapalo na babae sa ilog! “I will go out for a while, Isabel. I need to go to the office…” Pagdating nilang dalawa sa bahay ay naligo lang ang Ninong Dwight niya pagkatapos ay nagpaalam sa Mama niya na aalis at mukhang luluwas na naman sa Maynila. Mabilis ang ginawang paghabol ni Saraya dito. Galit ang Ninong niya sa kanya kaya dapat lang na mag-usap muna sila bago ito umalis. Pero mukhang wala talaga itong balak na makipag-usap sa kanya kaya kahit

