“Hmmm…” Mariing napapikit si Dwight nang biglaang masilaw ng liwanag. Kasunod nito ay narinig niya ang boses ni Isabel. “Sorry, Dwight. I didn’t know that you are there,” hinging paumanhin nito kaya kinusot ni Dwight ang mga mata at saka bumangon at umupo sa sofa. “It’s okay, Isabel. Kailangan ko rin naman na gumising ng maaga dahil ihahatid kita sa palengke,” sambit niya habang hinahawi pataas ang buhok. Antok na antok pa siya at halos nakapikit pa ang mga mata. Hindi niya sigurado kung anong oras na siyang nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa inaanak niya. Hindi alam ni Dwight kung ano ang nangyari kay Saraya at natulog ito kagabi ng hubo’t-hubad at nakatuwad pa. Magdamag niyang inisip ang dahilan kaya hindi siya nakatulog! Isa pang labis na bumabagabag sa kanya ay kung hanggang s

