Nang makapasok si Dwight sa kwarto ni Saraya ay agad na ni-locked niya ang pinto. Iwas na iwas siyang mapatingin sa kama nito dahil siguradong maaalala na naman niya ang itsura nito kagabi! Kung pwede lang na ‘wag na muna siyang pumasok doon pansamantala para mas mabilis na mawala iyon sa isip niya ay gagawin niya! Pero imposible iyon dahil nasa kwarto ni Saraya ang mga gamit niya. Habang nagbibihis si Dwight ay naiisip niyang umalis muna sa bahay at tumambay sa kahit na saan basta ‘wag niya lang muna makikita si Saraya. Naninibago siya sa nararamdaman niya at natatakot na baka mamaya ay hindi na talaga siya makapag pigil na hawakan ito. May mga pagkakataon pa naman na basta na lang itong nagnanakaw ng halik sa kanya. Hindi na nga lang niya pinapatulan at pinagtutuunan ng pansin dahil ma

