Hindi alam ni Saraya kung ano ang tawag sa nararamdaman niya habang hawak-hawak ng Ninong Dwight niya ang kamay niya papasok sa kwarto niya. Kanina nang mapadaan sila sa tapat nina Holy at Mary ay ngiting-ngiti ang mga ito sa kanya at may kung anong sinasabi. Hindi niya lang naintindihan kung ano iyon dahil hindi tumigil ang Ninong niya sa paghila sa kamay niya hangga’t hindi sila nakakapasok sa loob ng kwarto niya. Pero pagdating sa loob ay agad na niyang narinig ang sermon nito. Kahit ang ginawa niyang pag-lock sa pinto ay nagrereklamo ito at nanenermon sa kanya! Gusto lang naman niyang i-lock ang pinto dahil gusto niyang makapag-usap sila ng maayos. Kilala niya ang mga kaibigan niya at sigurado siyang hindi palalampasin ng mga iyon ang pakikinig sa pag-uusapan nila! Katulad kaninang

