Hindi alam ni Dwight kung paano at bakit siya nalagay sa alanganing sitwasyon na kinalalagyan niya. At kung alam lang niya na gano’n ang mangyayari at gano’n kakukulit ang mga kaklase at kaibigan ng inaanak niyang si Saraya ay hindi na sana niya naisip ang kalokohan na magpanggap na boyfriend nito! Mas lalo pang nasubok ang pasensya ni Dwight nang nagsimulang maglaro ang mga ito. Napapakunot ang noo niya habang naririnig ang mga tanong kapag Truth ang pinipili ng natatapatan ng bote. At nangangati ang bibig niya na sermonan ang mga ito sa tuwing makikita niya ang pinapagawa ng mga ito sa mga pipili ng Dare! Hindi niya ma-imagine ang mga pinaggagawa ng mga ito araw-araw sa loob ng classroom lalo na kung wala ang teacher! Masyadong agresibo at masyadong liberated ang mga kabataan mapa-Mani

