Nakangiti si Saraya habang kumakaway at hinahatid ng tingin pauwi ang mga kaklase niya. Sa sobrang daming natira na handa ay lahat ng kaklase niya ay may dala pang pagkain sa pag-uwi. Bago umuwi ang mga ito ay tulong-tulong pa silang magkakaklase na nagligpit ng mga kalat at mga pinagkainan kaya halos wala na siyang gagawin mamaya kundi ang mamahinga kasama ang Ninong–este boyfriend na yata niya! “Happy birthday ulit, Saraya! Sana nag-enjoy ka ngayong araw!” sambit pa ng Presidente ng classroom nila. Napangiti siya bago tumango at muling kumaway sa mga ito. Totoo naman na nag-enjoy siya. Sa lahat ng birthday party niya ay parang ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang saya. Kung dahil iyon sa pagdating ng Ninong niya sa buhay niya ay maganda rin pala na dumating ito sa buhay niya. Dahil

